Loved Your Music

By tarakwentuhantayo

45.1K 1K 242

Don't find for love, let love find you. Wag mag madali ienjoy ang buhay at hayaang dumating ang isang taon... More

Chapter 1 || The New Me
Chapter 2 || Mr. Anonymous
Chapter 3 || May Bago?
Chapter 4 || Blending
Chapter 5 || Getting to know you
Chapter 6 || Deal or No Deal?
Chapter 7 || Intramurals
Chapter 8 || Jelly Bean
Chapter 9 || Label?
Chapter 10 || Date
Chapter 11 || Call of Nature
Chapter 12 || Pagbabalik
Chapter 13 || Awkward
Chapter 14 || The Confession
Chapter 16 || White Rose
Chapter 17 || Reconciled
Chapter 18 || One Call Away
Chapter 19 || I Miss You
Chapter 20 || Los Angeles
Chapter 21 || JM is Back?
Chapter 22 || JM is Back? II
Chapter 23 || Through Lens
Chapter 24 || Ligaw 01
Chapter 25 || Ligaw 02
Chapter 26 || Game!
Chapter 27 || Weird
Chapter 28 || The Boss
Chapter 29 || Beginning of the End
Chapter 30 || Jealous Twins
Chapter 31 || Loved Your Music
Chapter 32 || She said YES! He said NO!
Chapter 33 || Wrong Timing
Chapter 34 || Choose Wisely
Chapter 35 || Strike 1
Chapter 36 || Uh oh
Chapter 37 ||Marry - Merry Christmas
Chapter 38 || Wedding Day
Chapter 39 || Sa Wakas
COMMERCIAL MUNA ❤️
Chapter 40 || FINALE

Chapter 15 || Hangin

980 25 1
By tarakwentuhantayo

Matapos ang tagpong naganap sa pagitan nila JM, Coleen at Karylle ay maya maya pa bago magsimula ang klase ay isa isa nang nagsidatingan ang mga estudyante sa paaralan, kabilang na rito si Anne, pag akyat nya sa kanilang palapag ay nagulat sya sa kanyang nakita dahil naabutan nya si Coleen na nakaupo sa hagdanan na hindi kalayuan mula sa kanilang classroom at doon ay umiiyak, nagalala naman ang dalaga sa kalagayan ng kanyang kaibigan kaya nilapitan niya agad ito para tanungin kung ano ang nangyayari.


"Hey anong nangyayari sayo? bakit ka umiiyak?" alalang tanong ni Anne sa kaibigan sabay yakap rito para icomfort ito, hindi naman makapag salita ng maayos si Coleen dahil humihikbi ito dahilan para magputol putol ito sa pagsasalita"





"e ka- *sobs* si, si *sobs* Ka- *sobs* Karylle at Bi-*sobs* Billy na *mas umiyak pa sabay yumakap kay Anne* " sa sinabi naman ng dalaga ay napakunot ng noo si Anne dahil nagulat ito sa narinig mula sa kaibigan.





"Sus ang aga ng joke mo Choleng ha, wag ka magbiro ng ganyan hindi magagawa ni Karylle yan sayo, ano bang sinasabi mo" patawang sagot ni Anne sa kaibigan na ngayon ay umiiyak parin.





"Ayan din yung *sobs* yung sabi niya sa kanya ka-kanina e, pero totoo daw" sabi naman ni Coleen sa malungkot na tono.





"Shhhh tama na, wag ka na umiyak baka may makakita pa sayo sige ka baka mapicturan ka pa" pabirong sabi ni Anne sa kaibigan para tumigil na rin ito sa pag iyak.





"Nasan  si Karylle, kakausapin ko sya" dagdag na tanong pa uli ni Anne sa kaibigan, na unti unti nang tumitigil sa pagiyak.





"Nandun siguro sya sa room nila kasi umalis ako kanina after ng confession nya sakin" sabi ni Coleen na may malungkot na tono.





"Osige stop crying na baby girl ha? ayusin mo na yung sarili mo, go to the bathroom and freshen up ok? dapat pag balik ko sayo mamaya ok na itsura mo." paalam ni Anne sa kaibigan bago umalis, sinunod naman sya ni Coleen at agad na nagtungo sa CR para mag ayos ng kanyang sarili.





Samantala papunta naman sana si Anne sa classroom ni Karylle nang makasalubong niya si JM na halatang kagagaling lang rin sa pag iyak dahil sa namumugot nitong mga mata, kaya mas malinawan sa mga nangyayari ay tinanong rin niya si JM kung ano nga ba ang dahilan ng pagiyak rin nito.





"JM what's wrong? did you also cried?" takang tanong ni Anne sa binata, ngunit imbes na sumagot ay nginitian lang sya nito at nag tuloy tuloy lang sa kanyang pag lalakad.





"NO" matapang na sagot ni JM kay Anne.





"e bakit maga ang mata mo? you look sad" pilit na tanong parin ni Anne sa binata





"I'm fine, I just watched the movie "Me Before You" and I cried a lot last night, you should watch it." pangungumbinsi naman ni JM, nawirdohan naman si Anne sa isinagot ng binata kaya naman hinayaan nalang niya ang kaibigan dahil mukha namang hindi ito sasagot ng matino.





"Ok , nakita mo ba si Karylle?" tanong ni Anne sa binata, na itinuro naman ang kanilang classroom sa di kalayuan na ibig sabihin ay andun ang kanyang hinahanap, kaya dumeretso na rin agad siya patungong silid.


Pagdating naman ni Anne sa silid aralan ng section ni Karylle ay naabutan nya ang dalaga na nakasubsob sa inuupuang arm chair, nilapitan ito ng dalaga at naupo sa upuang katapat ni Karylle.


"totoo ba?" seryosong tanong ni Anne sa kaibigan na nag angat na ng kanyang ulo dahil alam nyang sa presensya ni Anne.





"Sorry :(" mahinang sagot ni Karylle, makikita sa kanyang mga mata ang pagkadismaya, hiya at takot dahil sa kanyang nagawa, naawa naman ang kaibigan niya ngunit hindi maiwasang mainis dahil sa ginawa nito kay Coleen.





"Karylle alam mong may gusto si Coleen kay Billy at alam mo ring si Coleen ang nililigawan ni Billy pero bakit mo ginawa 'to?" panenermon ni Anne sa kaibigan





"hindi ko naman sinasadya Anne" sagot ni Karylle





"Hindi mo sinasadya? pwede ba yun Karylle? na hindi mo sinasadyang masaktan mo yung kaibigan natin?" sagot ni Anne na tumayo na sa kanyang kinauupuan.





"umamin lang naman ako kay Billy na nahulog na yung damdamin ko para sa kanya, pinigilan ko naman Anne matagal na, kaso ang sakit na nahirapan na akong itago pa" paliwanag ni Karylle kay Anne na nakatingin sa kanya at makikitaan ng pagkainis sa mukha nito.





"so mas pinili mong masaktan nalang si Coleen na kaibigan natin kaysa yung sarili mo? sana pinigilan mo nalang Karylle kasi kawawa naman si Coleen, pinaasa mo yung tao, ang galing mo" sabi ni Anne na napataas na ang boses.





"sorry" ito nalang ang nasabi ni Karylle.





"Sorry? wala nang magagawa ang sorry mo, nasaktan mo na si Coleen, ati siguro si Vhong masasaktan rin yun pag nalaman nya ito kasi diba nga sabi mo sya si "Mr. V" mo? tsk tsk , pero hindi e actually LAHAT kami Karylle LAHAT KAMI! na kaibigan mo nasaktan mo na, ang galing mo Congrats sayo, may love life ka na." pailing iling na sabi ni Anne sa kaibigan.





" I'll fix this mess, I promise" seryosong sagot ni Karylle.





"Time check 6:45am, date December 5 Wednesday, officially naging kayo ni Billy, December 6 Thursday Friendship Over" paalam ni Anne sa kanya





"Anne wag naman please?" malungkot na sabi ni Karylle sa kaibigan.





"Simulan mo nang ayusin itong gulong ginawa mo. bye" seryosong sabi ni Anne at lumabas na ng silid para balikan si Coleen.





Sa binitawang mga salita ni Karylle ay mas lalong nagulo ang kanyang isipan, dahil lahat ng magandang naiisip nya nung gabing maging sila ni Billy ay taliwas lahat sa nagyayari ngayon. Tumunog na ang bell ng eskwelahan hudyat na ng pagsisimula ng klase, kaya naman naghanda na si Karylle at nagayos na muna ng kanyang sarili at iniwasang isipin muna ang mga nangyari sa kanila sa pagitan ng kanyan mga kaibigan, nagsidatingan naman ang kanyang mga kaklase kabilang na rito si JM na hindi man lang sya tinapunan ng kahit saglit na tingin na ikinalungkot naman ng dalaga.


Natapos na ang first three subjects ng klase nila Karylle ngayong umaga, at hindi parin siya pinapansin o tinitignan ng binata na ikinalungkot naman niya, Mathemathics na ang susunod na klase nila at ito na rin ang huling subject ng klase ngayong umaga kaya naman nabuhayan bigla ng loob si Karylle dahil ito ang subject kung saan madalas silang magkatabi ni JM dahil pinapaupo niya ang binata sa kanyang tabi para magpaturo rito kapag may hindi siya maintindihan sa tinuturo ng kanilang guro, ngunit nadismaya lang din siya dahil hindi tumabi sa kanya ang binata, naupo ito sa may bandang unahan malayo sa kanya kaya muli namang nalungkot ang dalaga kaya nag focus nalang itong mabuti sa lesson nila ngayong araw na ito.





Lunch time na at dali daling nag ayos si Karylle ng kanyang gamit para puntahan si JM, ngunit ng pupuntahan na nya ang binata sa upuan nito na ngayon ay nag aayos rin ng kanyang gamit ay bigla namang may tumawag sa kanya mula sa labas.








"Karylle!" sigaw ni Billy mula sa labas ng classroom nila, nginitian nalang niya ito sabay lumabas na ng pintuan, habang pasulyap sulyap kay JM mula sa upuan nito habang nag aayos ng kanyang mga gamit.





Kasalukuyang nasa canteen ngayon ang magkasintahang sina Billy at Karylle na ngayon ay kumakain, halata naman sa mukha at kilos ni Karylle na may bumabagabag sa isip nito ngayon kaya nahalata agad ito ng binata, agad nyang tinanong ang kasintahan kung ano ang nangyayari sa kanya dahil nag aalala siya rito.





"bebs, may problema ba? kanina ka pa parang malungkot ah?" alalang tanong ni Billy





"ahh wala naman sige kain lang tayo baka malate tayo sa class e" sagot ni Karylle na pilit ngumingiti.





Maya maya pa ay biglang dumating sina Vhong, JM, Coleen at Anne na ngayon ay nagtatawanan ngunit ng mapadako ang tingin ni Coleen sa kinaroroonan nina Billy ay nagbago ang timpla ng mukha nito, kaya niyaya niya ang mga kaibigan sa mejo malayong table mula kina Karylle.


"Ahh guys tara dun o para fresh ang air" nagets naman agad nila Anne ang sinabi ni Coleen dahil nakita rin nito sina Billy at Karylle na kumakain, nanag makaupo na sila sa napiling pwesto ay hindi nila napigilang pagkwentuhan ang magkasintahan.





"Anne tama ba itong ginagawa natin?" tanong ni Vhong sa dalaga, na ikinagulat nito.





"Naririnig mo ba yung sarili mo Vhong?" pailing iling na sabi naman si Anne





"Kasi naman kahit papano kaibigan natin si Karylle, nasasaktan din naman natin sya sa ginagawa nating pag iwas at di pag pansin sa kanya" paliwanag ni Vhong.





"So sa tingin mo hindi nya nasaktan si Coleen?"mataray na tanong uli ni Anne





"nasaktan, kaso Coleen sorry ha pero natawa ako nung naikwento sakin ni Anne yung naglupasay ka sa hagdan HAHAHAHA ....Aray ko naman!" tipid na sagot ni Vhong





"Pang asar ka rin Vhong e nu?, kita mong nasaktan si Coleen, so walang mali sa ginagawa natin ngayon" mataray uli na sagot ni Anne





Habang nag babangayan naman ang dalawa ay tahimik lang na kumakain si Coleen, lalo na si JM na ngayon ay tinitignan ang kinaroroonan nina Billy at Karylle, hindi naman nakatakas kay Coleen ang ginagawa ng binata kaya naman binato niya ito ng maliit na piraso ng tissue para maagaw nito ang atensyon ng binata.


"Ano ba?" inis na sabi ni JM





"Relax lang JM, akala mo di ko nakikita yang ginagawa mong pagtingin tingin sa kanila ha" natatawang sabi ni Coleen.





"wag mo sabihing pati ikaw JM naaawa rin sa kanya" pagsingit ni Anne sa usapan.





"No, Its just that.. I can't believe na magagawa nya yun, masyado syang nagmadali sa pagdedecide ng mga bagay lalo sa love life nya" sagot ni JM sa kaibigan at sumandal sa kanyang kinauupuan habang nakatingin kila Karylle sa di kalayuan.





"Hindi din ako makapaniwala kasi sya yung tumutulong para maging malapit kami ni Billy sa isa't isa, pero naiba ihip bigla ng hangin kaya nakakalungkot" mahinahong sabi ni Coleen.





"Change topic na nga tayo seryoso nyo" pagsingit ni Vhong sa usapan.





Itinuloy nalang ng magkakaibigan ang kanilang pag kain ng tanghalian habang masayang nag kekwentuhan ng kung masasayang bagay at kalokohan, napagkwentuhan nila ang tungkol sa mga dahilan kung bakit napadpad si JM sa kanilang eskwelahan, kung papano rin ito napapunta ng Laguna, ang tungkol sa pag alis ni Mariel dahil sa trabaho ng ama nito, napagkwentuhan rin nila ang ilang mga nakakatakot na stories tungkol sa kanilang paaralan, mga chismis na kumakalat sa loob ng school at kung ano ano pa, lahat ng yan ay napag kwentuhan na nila para lang  mailihis at maialis sa usapan ang kahit anong tungkol kay Karylle,  maya maya pa ay biglang lumapit sa table nila ang taong iniiwasan nilang mapagusapan.





"Ah hi guys, kausapin nyo naman ako please" malungkot na approach ni Karylle sa kanyang mga kaibigan ngunit imbes na kausapin ay tumayo ang mga ito sa pangunguna ni Anne sinundan ni Coleen at Vhong, samantalang nahuli naman si JM dahil hinawakan sya ni Karylle sa braso bago pa man ito makalayo.





"JM talk to me please?" malungkot na sabi ni Karylle habang may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.





"wag kang umiyak please, hayaan mo muna kami" mahinahong sabi ni JM sa dalaga.





"pero usap naman tayo please? kahit ikaw man lang? :(" pagmamakaawa ni Karylle





"sige na, hinihintay ka na ng boyfriend mo. bye" paalam ni JM sa dalaga habang dahan dahang inalis ang pagkakahawak ng dalaga sa kanyang braso, sabay mabilis na sinundan sila Anne. Naiwang malungkot si Karylle sa canteen habang pabalik sa upuan nila ni Billy.


"Hey bebs you okey?" Alalang tanong sa kasintahan, tumango naman ang dalaga at pilit na ngumiti sa binata.



"Hayaan mo na muna sila, palamigin muna natin ang issue then saka natin uli sila iaapproach for sure matatanggap din nila tayo so dont worry na ok" dagdag pa uli ni Billy upang mapagaan ang kalooban ng dalaga, na sinuklian siya ng ngiti.



Dumaan ang maraming araw bihirang bihira na nila makita si Karylle, bukod kay JM man dahil sa magkaklase silang dalawa pero hindi naman sila nag uusap ni hindi nagkakatinginan kaya parang wala lang din, hanggang sa masanay na sila na ganito ang set up nila kaya madalas sila sila nalang din ang nagkakasama, halos dalawang linggo naring ganito ang ng magkakaibigan, sina Vhong, Anne, Coleen at JM nalang palagi ang magkakasama tuwing vacant, lunch break at uwian, nawala na rin ang dating masayang roadtrip ng magkakaibigan bago sila magsipaguwian, dahil palaging kasama nito si Billy at idagdag pa ang issue na nangyare sa kanila.

Pero sa paglipas naman ng mga araw ay sinusubukan naman ni Karylle na mag reach out sa kanyang mga kaibigan pero sadyang malaki ang naging tampo ng kanyang mga kaibigan sa kanya kaya hirap parin syang kausapin ang mga ito dahil mailap parin ang mga ito sa kanya.

*Recess Time*

"Hi guys! Pashare naman ng table" masayang bati ni Karylle sa kanyang mga kaibigan at biglang naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni JM, nagulat naman ang mga ito at nagpatuloy lang sa kani kanilang mga ginagawa na tila wala silang napansing Karylle na dumating.


"Ay guys tara sa library review tayo" yaya ni Anne sa mga ito at agad naman sumunod sina Coleen Vhong at JM na hindi man lang kinikibo si Karylle kaya naiwan itong mag isa sa table.



*Lunch Time*

Nasa canteen si Karylle at kumukuha ng makakain nya, hindi naman nya kasama si Billy dahil nasa classroom pa ito dahil may iniutos ang guro nito kaya sinabi ng binata na mauna na ito sa canteen at umorder na rin ng pagkain para sa kanilang dalawa.
Sa dami ng inorder ni Karylle para sa kanilang dalawa ay hindi nya alam kung paano ito dadalhin lahat papunta sa table nila ni Billy, kaya naman nang pinilit nya itong buhatin ay natapon lang ito sa sahig, sakto namang natapunan ng sauce ng pagkain nito ang pants at sapatos ng isang lalakeng nasa harapan nya.




"Nako sorry Vhong sorry talaga," imbes na tulungan si Karylle ay dumeretso lang ito sa paglalakad kasunod nila JM, nakaramdam naman ng awa si JM sa dalaga ngunit nangibabaw parin ang inis nito kaya't dinaanan lang din niya ang dalaga na ngayon ay isa isang kinukuha ang mga nalaglag na lagayan.




*Vacant*

"JM, paturo naman ako sa Math o please" nakangiting sabi ni Karylle kay JM na ngayon ay nakaearphones habang nag babasa ng mga lectures and notes nito, pero hindi naman siya pinansin ng binata dahil nagkunwari itong pupunta sa CR.



*Dismissal *

"Guys pasabay naman ako sa paguwi" masayang bati ni Karylle, hindi naman talaga nag iisa si Karylle sa paguwi dahil kasabay nya si Billy, sinadya nya lang talagang mauna para magbakasakaling pansinin sya ng kanyang mga kaibigan ngunit bigo sya sa bagay na ito, dahil nang makarating sila sa sasakyan ni JM ay agad silang sumakay sa loob at saka umalis din agad dahilan para maiwan siya mag isa kaya bumalik nalang din sya sa kinaroroonan ni Billy.





"Bebs, bakit ganun sila? Ako na nga itong lumalapit pero iwas sila ng iwas sakin" malungkot na tanong ni Karylle kay Billy.




"E baka hindi parin sila handa para tanggapin kung ano ang meron tayo ngayon" sagot ng binata.



"Pero namimiss ko na sila," sabi ni Karylle



"Wala tayong magagawa kung ganun padin sila sayo, hintayin nalang siguro natin na sila naman yung mag approach satin or sayo" suggestion ni Billy kay Karylle.



"Ang hirap kasi, pakiramdam ko wala na talaga akong kaibigan" malungkot nanaman na sabi ni Karylle.




"One of this days maaayos din ito, ok? I love you" sabi ni Billy sa kasintahan habang hawak ang kamay ng dalaga.




"I love you" sagot ni Karylle.
































Meanwhile.

















































"Bro! Seryoso ka ba talaga jan sa pinasok mo?" Tanong ng isang lalake sa kausap nitong isa pang lalake




"What are you saying bro, ofcourse! may part na nag eenjoy ako may part na nabobored din naman ako" natatawang sagot ng isang lalake sa kausap nito.




"HAHAHA Bro ano bang trip mo at ginagawa mo mga bagay na'to?" Patawa tawang sabi ng kausap nito.




"Trip ko? Syempre trip kong wag mahirapan sa school kaya Ayan minahal ko sya HAHAHAHA" patawa tawang sagot uli ng lalake habang nagaayos ng mga gamit nya.






"But bro, just a friendly reminder ha baka magsisi ka sa huli sa mga ginagawa mo, mukha pa namang napaka bait na tayo nun" sabi muli ng isang lalaki na may tonong parang kinokonsensya ang kausap.






"Hindi ka nagkakamali, napakabait nga nya kaya nga nauto ko e HAHAHAHA" pabirong sagot ng kausap nito






"So anong sunod mong plano?" Seryosong tanong muli ng huling kausap.






"I'll fix everything for her then pag okey na ang lahat saka ko gagawin ang final plan ko" sagot muli ng lalaki at nagtawanan nalang uli silang dalawa.








































Dingdong ding dong

"Hi po kayo po ba si Ms. Ana Karylle Tatlonghari?" Tanong ng delivery guy kay Karylle, tumango naman ito at pinirmahan na ang papel to receive the bouquet of flowers.






"Hi bebs, flowers for you hope you like it, one day I'll talk to your friends personally para hindi ka na mahirapan sa situation natin. Okey? So Smile ka na I love you :*

From your poging boyfriend Billy :)"





"Hay ang sweet naman nya, sana maging ok na nga ang lahat para hindi na ako nagmumukhang hangin lang sa mga kaibigan ko." Sabi ni Karylle sa kanyang sarili habang inaamoy ang natanggap na bulaklak.




"Ate are you okey? Para kang baliw jan ngingiti tapos malulungkot. Last week pa yan nadala dito i forgot to tell you naging busy lang dn kase sa school" pang aasar ni Zia sa ate nya, sabay abot ng isang card.




"What's that?" Kunot noong tanong ni Karylle sa kapatid.





"Basta kunin mo na tignan mo nalang di ko naman binuksan e, it is stated and prohibited by the law of Tatlonghari's na bawal galawin or buksan ang kahit na anong bagay na hindi naman sayo unless the owner allowed that person to check onto it." Pokerface na sabi ng kapatid nito, natawa naman si Karylle sa ginawa ng kapatid nya.



"Good thank you Z" sabi ni Karylle habang nagpipigil ng tawa, umalis naman na ang kapatid nya para bumalik sa panonood ng TV.




"Ang manhid manhid mo ate!" Sigaw ni Zia na nasa sala ngayon, nagtaka naman ang dalaga at Ibinaba naman muna ni Karylle ang bulaklak naupo ito at tinignan kung ano ang nakalagay sa card.




"Wag ka mag alala, andito parin ako babantayan kita kagaya ng palihim na ginagawa ko noon... Smile my princess I will always be your friend - Mr. V"





May halong tuwa, lungkot at pagkalito ang naramdaman ni Karylle nang mabasa ang letter mula kay Mr. V, gusto man nyang ikwento kila Anne ang kanyang mga nararamdamang pagkalito ngayon ngunit hindi nya magawa dahil sa issue nilang magkakaibigan gusto rin nyang makausap si JM tungkol sa huling paguusap nila nung araw na naging sila ni Billy, may mga bagay syang gustong linawin ngunit di rin niya magawa dahil sa hiya narin sa binata.  Kaya umakyat nalang din siya sa kwarto nya para makapagpahinga.



































































"JM! Gumising ka please!!!!" Sigaw ni Anne habang umiiyak sa may paanan ng binata.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
"Brad! Brad! Gising" sabi ni Vhong habang umiiyak a inaalog ng malakas ang katawan ni JM para magising ito.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"JM! Hui! Wag kang magbiro ng ganyan please!" Patuloy na iyak ni Coleen habang pilit na ginigising ang kaibigan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
.
To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

125K 2K 54
❝She made me so happy, I forgot all the things that made me feel numb. She made me so happy, I didn't realize I fell in love. ❞ - DJ Ford #79 in Roma...
3.1K 1.6K 32
These is the first part of a 5 series fanfics inspired by my Loves B1A4. 안넝!! Jhie here a certified BANA. Been listening to their songs and watching...
169K 2.1K 56
Lahat ng tao ay may karapatang magbago. Ngunit ang pagbabago ba ay magdudulot ng maganda?
55.9K 1.1K 50
Join their barkada's adventure. © 2013 | iJOANNAmissathing