Chapter 2 || Mr. Anonymous

1.7K 39 6
                                    

Pagka galing ni Karylle mula sa eskwelahan ay dumeretso sya ng book store para bumili ng mga kailangan nyang libro at iba pang gamit para sa kanyang mga subjects. Sa kanyang pamimili ay agad nyang nakumpleto ang kanyang mga kailangan bukod sa isa.. Ang libro nya sa Florante at Laura hindi nya mahanap ang pinaka eksaktong librong kailangan nya kaya naman dumeretso sya ng ng National Bookstore para icheck ang libro.

"Gusto ko nang umuwi asan ka na bang libro ka? Pati ba naman libro tinataguan ako... Dapat feelings lang ang itinatago charot!"  Pagaaliw ni Karylle sa kanyang sarili hanggang sa...

"Hi excuse me ma'am are you looking for this? " sabat ng isang lalaking may hawak ng libro na hinahanap nya.

"Ahmm yes thank you, may nakabili na ba jan?" Tanong ni Karylle sa lalake

"Not yet ma'am, reserved yes, and this is the last stock napo, next month na po ang sunod na dating ng mga stocks" dagdag ng lalake

"Pagka minamalas ka nga naman o, sige ito number ko makikitxt nalang ako if ever na mas mapa aga ang pag dating ng books ok? Thank you" sabi ni karylle pagkaabot ng number nya sa guy and then leaves the shop.

General POV

Umalis si Karylle ng National Bookstore ng nakabusangot ang mukha dahil sa hindi sya nakabili ng librong kailangang kailangan nya, lalo pa at may project sila na kailangang galing sa libro ang concept ayaw din naman nyang magpaxerox dahil mas mapapamahal sya. Mas lalo naman syang nainis nang makauwi dahil sa ingay at gulo ng dalawa nyang kapatid na babae na sina Zia at Nicole na kakauwi lang galing ng paglalaro ng badminton.

"Nicole Zia ano ba!! Ang gulo gulo nyo ang ingay nyo pa pwedeng tahimik muna? Please??" Sabi ni Karylle.

"Ano ka ba ate, bakit ba ang init nanaman ng ulo mo? Meron ka ngayon nu hahahaha" pangaasar ng mga kapatid nya.

Sasagot na sana si Karylle nang biglang dumating ang lola nya galing kusina na kakatapos lang magluto ng hapunan nila.

"O apo, bakit nakabusangot yang mukha mo? Hindi mo ba nakita ang kras mo? Kaya ka ganyan e madalas pag nauwi ka masaya ka ah" pag aalala ni Lola Manga

"Si ate may kras? Hahaha sino ?" Sigaw ni Nicole na nasa salas.

"Che! Tumahimik ka nicole, nako lola, ok lang po ako napagod lang po ako sa kakahanap ng libro e nakakalungkot lang kasi po kailangang kailangan ko yun kaso wala napo stock sa napuntahan kong bookstores" sagot ni Karylle sa lola nya..

"Ahh ganun ba ija? Sya kumain na tayo at nang makapagpahinga ka na.... Sya nga pala apo may delivery na dumating kanina sayo nakapangalan nireceive ko nalang kasi wala ka pa, hindi ko alam ang laman e pero naka kahon sya nasa kwarto mo iniwan ko na check mo nalang mamaya ok?"

"Delivery po? Kanino daw po ba galing?" Pag tatala ni Karylle habang kumakain ng jolly spaghetti

"Hindi ko alam apo e wala namang nakalagay na pangalan ng sender pero may initials, check mo nalang mamaya tapusin mo na yang kinakain mo para makapagpahinga ka na" sagot ni Lola

Nang matapos kumain ang maglola tumulong muna si Karylle bago sya dumeretso ng kanyang kwarto si Karylle para tignan kung ano nga ba ang natanggap nyang delivery mula sa isang unknown sender. At pagkapasok nya ng kwarto nakita nya ang isang hindi kalakihang kahon na may nakalagay na smiley face.

Loved Your MusicWhere stories live. Discover now