Chapter 16 || White Rose

900 20 3
                                    

Bago ang lahat, thank you po sa lahat ng nag babasa nitong story, pasensya napo sa mga typo at sa mga chapters na kung minsan ay waley talaga, feel free to comment po kung ano pa yung pwede ko iimprove para sa story ko para mas maging maganda yung mga eksena :).

Ok Game na basa na tayo enjoy :)


----------------------------------------------------------

"JM! Gumising ka please!!!!" Sigaw ni Anne habang umiiyak sa may paanan ng binata.


"Brad! Brad! Gising" sabi ni Vhong habang umiiyak at inaalog ng malakas ang katawan ni JM para subukang gisingin ito, pinipigilan naman sya ng nurse at pinipilit na dalhin ang binata palabas ng emergency room.




"JM! Hui! Wag kang magbiro ng ganyan please!" Patuloy na iyak ni Coleen habang pilit na ginigising ang kaibigan.








"Ah Miss, dun na po muna kayo sa labas kami na muna ang bahala sa pasyente... Sige na po, sige na labas na muna po kayo..." saway ng isang nurse kay Anne na hindi parin mapigilan ang sarili sa pagiyak.




"Dok, gawin nyo po ang lahat please?? Parang awa nyo na!!!!! Iligtas nyo yung kaibigan namin!!" Pagmamakaawa ni Vhong sa doktor, napasandal nalang si Vhong sa pader habang dahan dahang napapaupo sa sahig at humahagulgol sa pagiyak.




Halos malalakas na iyakan ang maririnig mula sa kwarto ng isang ospital sa lungsod. Hindi na rin magkamayaw ang mga doktor at nurse dahil kahit sila ay natataranta na dahil sa kalagayan ni JM ngayon, samahan pa ng pagiyak ng ina at kapatid ng binata na ngayon ay tinitignan lang ang kanilang kapatid na nakahiga sa kama habang maraming nakakabit na aparato at walang malay. Ang mga doktor naman ay sinusubukang gamutin ito upang magamot ang walang malay na binata.






"Vhong tama na shhhh.... Let's just pray for his recovery..." Nang mahimasmasan si Anne ay nilapitan nya si Vhong na ngayon ay hindi parin maawat sa pag iyak, tinabihan nya ito at upang mapakalma nya ang binata.





"Bakit naman ganito, masyado kang mabait para mangyari sayo ito, JM!" Tanong ni Vhong habang umiiyak parin at nakahawak ang dalawang kamay sa ulo nya, maya maya pa ay dumating si Karylle na tumatakbo habang umiiyak at natataranta dahil hindi nya alam kung ano talaga ang nangyari sa kaibigan.




(NOTE: from this part kindly play the music from the multi media para mas feel nyo yung mga eksena at syempre yung pag babasa. Thank you hehe :))



"Anne! Anong nangyayari, sabi ng teachers isinugod daw si JM dito?? Anong nangyari kay JM?! Tell me please!!! PLEASE!!!" tanong ni Karylle sa dalaga habang umiiyak at nagmamakaawang sabihin sa kanya kung ano ang nangyari sa kanilang kaibigan.






"Dahil sayo! Kaya nangyari sa kanya ito, ang bait bait sayo nung tao lahat tinitiis nya para sayo!! lahat ginawa nya para parin sayo at hanggang ngayong nandito sya for sure Karylle!!! Ikaw parin ang iniisip nya!! tapos yung isang oras na hinihiling nya sayo na isang araw hindi mo pa ibinigay?! ....Kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya ?? Hinding hindi ka namin mapapatawad...Napakamakasarili mo!!!!!" matapang at pasigaw na sagot ng dalaga kay Karylle habang umiiyak parin, lumapit naman si Billy sa dalawa para pigilan ang namumuong tensyon sa pagitan nila.






"Anne please sabihin mo sakin kung anong nangyayari, kaibigan ko rin naman si JM kaya please sabihin mo na bakit sya nandito?" mahinanon ngunit naluluhang tanong uli ni Karylle kay Anne.






Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon