Chapter 38 || Wedding Day

674 13 6
                                    

Hello! Im back!! Sorry sa super late update, naging super busy lang si author talaga sa work after nung holiday season ✌🏻😄
Anyway! HAPPY VALENTINES DAY!! And opkors Happy 6th year anniversary ViceRylle 💕 keep kicking guys 💗🎂🎉🍾

Gora basa na 💕
———————————-

Matapos ang proposal ni JM kay Karylle ay inasikaso na rin nila kaagad ang kanilang pagpapakasal, kaya naman naging abala na rin ang mag kasintahan sa kanilang pag hahanda, nirequest ni Karylle na sana maging simple nalang din ang kanilang kasal na hindi naman sinang ayunan ng binata. Nag hire parin si JM ng Wedding coordinators para narin makatulong sa paghahanda sa kanilang kasal.

At dahil sa si JM ay isang talent sa isang network sa ibang bansa ay hindi nakaligtas sa mundo ng social media ang mangyayaring kasalan, na agad pinag usapan ng kanyang mga fans.

"Mom!!!" malakas na sigaw ni Liz nang makita ang kumakalat na balita sa social media.


"What is it anak? Ang aga aga sigaw ka ng sigaw ano ba yun?" reklamo ng kanyang inang si Monyita


"Look at this! JM and Karylle they planning to get married!" Inis na sabi ni Liz sa ina

"What?! Ano bang sinasabi mo e ngayon ang schedule nyo ng pre nup" sabi ni Monyita

"Look look!" sabi ni Liz at sabay na ipinakita ang picture ng news na nakita nya sa phone.


"So anong plano mo?" Tanong ng knyang ina.

"I have to stop them, kami dapat yung ikasal at hindi sila" inis na sabi ni Liz


"Bright idea anak, this is it! Ito na yung right time para mas mapansin ka ng mga tao" sabi ni Monyita

"What do you mean mom?" Takang tanong ng dalaga

"What I mean is, you need to be on their wedding day para gumawa ng eksena!, remember anak? Kung bakit ba natin ginagawa itong mga 'to?" Pagpapaliwanag ni Monyita

"For me to win JM's heart" sagot ni Liz

"Aside from that, kailangan mapansin ka ng mga tao at ito na yung way para sumikat ka na rin" sabi ng matanda

"Yan na ba talaga mom yung reason mo kaya mo ako tinutulungan na maging kami ni JM?" Sabi ni Liz

"Ofcourse anak gusto rin kita maging masaya, and para mangyari yun kailangan maging kayo ni JM para mas mapabilis ang pagkakakilanlan mo sa mga tao" sabi ni Monyita

"Hmmmm you're right, kailangan mapansin ako ng tao and dapat ako yung lalabas na iniwan." sabi ni Liz dahan dahang naupo sa kanilang sofa.


"Yes! and from there mas yayaman pa tayo dahil bukod sa may company tayong minamanage, magkakaroon din ng chance na maging sa atin rin ang Good Vice resto ng magkapatid na Viceral." Sabi ni Monyita at tumabi sa kanyang anak


"Don't worry mom, let me handle this... I will make sure na magiging sakin si JM" mayabang na sabi ni Liz























Wedding day

Ito na yung araw na pinaka hihintay ng magkasintahang Karylle at JM, naging biglaan man ang kanilang pag papakasal ay hindi parin nabigo ang binata na mabigyan ng magandang kasal ang kanyang minamahal, lahat ng bisita ay excited  na makita ang bride kung gano ito kaganda ngayong araw ng kanilang kasal, excited sila makita ang dalawang nagmamahalan kung gano sila kasaya sa piling ng bawat isa.

Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon