Chapter 17 || Reconciled

1K 22 5
                                    

Nang matapos maihatid sa huling hantungan ang mga labi ni JM ay nabalot naman ng kalungkutan ang paligid. Napaiyak narin ang iba pang mga kaibigan ni JM pati narin ang dalawa nitong kapatid na sina Babot at Emma at ang ina ng binata na hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. Nandun din ang mga kapatid ni Karylle na sila Zia at Nicole na ngayon ay kasalukuyang nagiiyakan na rin, ang mga guro na nagsilbing pangalawang magulang ni JM ay hindi rin naiwasang maiyak dahil sa malungkot na kinahantungan ng binata.





"At sa pangyayaring ito sa buhay ng magkakaibigan, sana ay mag silbing aral ito para sa lahat na nandito ngayon, na kahit gaano man kaikli o kahaba ang oras, minuto at segundo na meron tayo sa araw araw ay kailangan parin natin itong pahalagahan dahil hindi tayo ang may hawak sa ating buhay at oras... hangga't nanjan pa at kapiling pa natin ang mga importanteng tao sa buhay natin iparamdam natin kung gaano sila kahalaga, hindi yung kung kailan wala na... saka mo pa maiisip na bumawi sa kanila, kung kailan hindi ka na nya kailanman mararamdaman dahil iniwan ka na nya ng tuluyan..." malakas na pagkakasabi ng isang boses ng lalake na hindi malaman kung san nagmumula, na tila naka microphone habang nag na-narrate ng isang kwento mula sa isang libro.





Pagkatapos magsalita ng lalake, maya maya pa ay sabay sabay na nagtayuan at nagpalakpakan ang mga tao mula sa kani kanilang mga kinauupuan nang bumukas ang pulang kurtina. Ang iba ay nagsisigawan pa dahil sa magandang pagkakaexecute ng mga tauhan sa play na ginawa ng mga mag aaral mula sa paaralan nila JM. Naging proud ang lahat ng kaibigan, guro, kamag anak ng mga bata lalo na ang mga kamag anak ng magkakaibigang Vhong, Anne, Coleen Billy, Karylle at JM na silang bida sa pag ganap na ngayon ay nagsisipag iyakan parin. Humilera na sa unahan ng stage ang mga bida paharap sa mga tao at sabay sabay na nag "bow" mas lalo namang lumakas ang palakpakan ng mga tao dahil sa tuwa sa ipinamalas na galing sa pag arte ng mga mag aaral.





Matapos mag perform ng mga sumunod na grupo mula sa tatlo pang paaralan ay inanunsyo na kung sino ang nanalo sa pagtatanghal na ginawa ng iba't ibang grupo ng mga mag aaral mula sa limang paaralan na nag laban laban sa kompetisyon. Maya maya pa ay isa isa nang binanggit ang mga nakakuha ng mga place hanggang sa mabanggit ang pangalan ng paaralan nila JM bilang champion sa naganap na pagtatanghal. Nagtatalon naman sa tuwa ang lahat ng cast ng play nila Anne dahil sa kanilang panalo, at muli ay nagpasalamat sila sa mga judges bago tumungo pabalik ng backstage.







SA BACKSTAGE--







"Omg! Group hug!! Ang galing natin kanina!" Masayang sabi ni Coleen kila JM, Vhong at Anne.







"Congratulations students di ko akalain na magiging ganito kaganda ang kakalabasan ng play nyo, nung rehearsals kasi ang panget talaga nung ginagawa nyo pero ngayon WOW nalang ang nasabi ko" pagpuri ng isang guro sa magkakaibigan.





"Sabi ko naman sa inyo ma'am e, totoong pangalan nalang namin ang gamitin natin para hindi kami mahirapan sa pag sasaulo ng mga character names namin HAHAHAH" pagbibiro ni Vhong sa kanilang guro at nagtawanan naman sila dahil dito.





"Yeah right, mabuti nalang nasuggest mo yun Mr. Navarro kung hindi, siguro wala tayo ngayon dito sa contest hahaha pero again good job guys ang galing nyo kanina i'll give each of you a plus points for your extra efforts to make this play a success" masayang bati ng kanilang guro sa magkakaibigan at bumalik na sa mga kasama nitong guro pagkatapos.








"Thank God naging maayos ang play natin, lahat tayo may talent pala sa pag arte hahaha" pabirong sabi ni Vhong kaya napatawa naman ang lahat






"Lalo si JM ang galing umarte parang totoong may sakit sa puso!!" Bulalas ni Coleen na nagpatigil naman kila Vhong at JM sa pagtawa na nagkatinginan na napansin naman ni Anne.






Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon