Chapter 26 || Game!

921 25 5
                                    

1 Month Later



Araw ng Huwebes, maagang pumunta sa Louise Button si Karylle dahil pinapunta sya ni JM dito, nasa lobby sya ngayon ng kompanya na naghihintay sa binata, may pupuntahan daw sila pagkatapos nila mag usap ng kanyang kapatid, kaya habang naghihintay ay nagbasa - basa sya ng mga magazines para hindi mainip sa kakahintay, ngunit almost 30 minutes na ang nakakalipas mula nang iwan sya ng binata dahil sabi nito ay pupunta ito sa opisina ng kanyang kapatid, hanggang sa nakaramdam na sya ng pagkainip kaya naman napag desisyunan nyang sundan na ito sa opisina ni Emma.





"Hi Miss , pupunta lang ako sa office ni Ms Emma Viceral" sabi ni Karylle sa receiving area ng kompanya.


"Okay po mam" nakangitin sabi ng babae, kaya naman dumeretso na si Karylle patungo sa office ni Emma. Inis na inis sya habang tinatahak ang opisina dahil sa katagalan ng binata, kaya noong ilang hakbang nalang ang layo nya mula sa office ay nagbuntong hininga na sya, at nang makarating ay ....



"Hoy! JM! Kanina pa ako nag---" naputol ang sasabihin ng dalaga nang maabutan nyang si JM ay may kausap na babae, na ngayon ay napakalapit na ng mukha sa mukha ng binata, nakahawak ang isang kamay nito sa bandang batok ng babae at ang isang kamay naman nya ay nakapwesto sa pisngi ng babae, nakaramdam nanaman ng inis si Karylle, kaya sa halip na magsalita pa ay umalis nalang uli ito, nabigla naman si JM kaya mabilis nya itong sinundan, pero pinigilan sya ng babae na hinawakan sya sa braso.


"Sir, hindi papo yata maayos pagkakalagay ng contact lense kopo baka mabulag ako" sabi ng babae habang hawak si JM


"Sorry but I have to go.. magpapadala nalang ako ng tutulong sayo jan okay?" sagot ni JM at mabilis na umalis ng silid.

Mabilis na nakapag lakad si Karylle, at ganun din naman si JM kaya naabutan nya ang dalaga na pasakay na sana ng taxi nang hawakan ni JM ang braso ng dalaga.


"Hey, wait where are you going diba may lakad pa tayo?" hingal na tanong ni JM


"Uuwi na" tipid na sagot ni Karylle


"And why?" Nakangiting tanong ni Jm


"Wala basta bumalik ka na dun sa babae mo" nakasimangot na sabi ni Karylle


"Gotcha!, nag seselos ka HAHAHA" sabi ni JM na patawa tawa.

"Nek nek mo! Di ako nagseselos bahala ka nga jan!" Inis na sabi ni Karylle na akmang sasakay ng taxi ngunit hinawakan sya ni JM sabay hinigit.


"Ahh kuya hindi na sasakay 'tong girlfriend ko, pwede napo kayo umalis pasensya na sa abala hehe" sabi ni JM sa taxi driver na pinara ni Karylle


"O bakit mo pinaalis si manong uuwi nako, saka anong girlfriend di kita jowa! Tabi nga jan! " sabi ni Karylle


"Sakin ka sasakay" nakangiting na sabi ni JM, bigla naman napatingin ang mga tao sa paligid sa sinabi nya, double meaning kasi ang mga binitawan nyang salita


"Ahh what I mean is, sa kotse ko na ikaw sumakay" paliwanag ni JM


"Ayoko! Uuwi nako mag isa" tanggi ni Karylle

Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon