Chapter 15 || Hangin

980 25 1
                                    

Matapos ang tagpong naganap sa pagitan nila JM, Coleen at Karylle ay maya maya pa bago magsimula ang klase ay isa isa nang nagsidatingan ang mga estudyante sa paaralan, kabilang na rito si Anne, pag akyat nya sa kanilang palapag ay nagulat sya sa kanyang nakita dahil naabutan nya si Coleen na nakaupo sa hagdanan na hindi kalayuan mula sa kanilang classroom at doon ay umiiyak, nagalala naman ang dalaga sa kalagayan ng kanyang kaibigan kaya nilapitan niya agad ito para tanungin kung ano ang nangyayari.


"Hey anong nangyayari sayo? bakit ka umiiyak?" alalang tanong ni Anne sa kaibigan sabay yakap rito para icomfort ito, hindi naman makapag salita ng maayos si Coleen dahil humihikbi ito dahilan para magputol putol ito sa pagsasalita"





"e ka- *sobs* si, si *sobs* Ka- *sobs* Karylle at Bi-*sobs* Billy na *mas umiyak pa sabay yumakap kay Anne* " sa sinabi naman ng dalaga ay napakunot ng noo si Anne dahil nagulat ito sa narinig mula sa kaibigan.





"Sus ang aga ng joke mo Choleng ha, wag ka magbiro ng ganyan hindi magagawa ni Karylle yan sayo, ano bang sinasabi mo" patawang sagot ni Anne sa kaibigan na ngayon ay umiiyak parin.





"Ayan din yung *sobs* yung sabi niya sa kanya ka-kanina e, pero totoo daw" sabi naman ni Coleen sa malungkot na tono.





"Shhhh tama na, wag ka na umiyak baka may makakita pa sayo sige ka baka mapicturan ka pa" pabirong sabi ni Anne sa kaibigan para tumigil na rin ito sa pag iyak.





"Nasan  si Karylle, kakausapin ko sya" dagdag na tanong pa uli ni Anne sa kaibigan, na unti unti nang tumitigil sa pagiyak.





"Nandun siguro sya sa room nila kasi umalis ako kanina after ng confession nya sakin" sabi ni Coleen na may malungkot na tono.





"Osige stop crying na baby girl ha? ayusin mo na yung sarili mo, go to the bathroom and freshen up ok? dapat pag balik ko sayo mamaya ok na itsura mo." paalam ni Anne sa kaibigan bago umalis, sinunod naman sya ni Coleen at agad na nagtungo sa CR para mag ayos ng kanyang sarili.





Samantala papunta naman sana si Anne sa classroom ni Karylle nang makasalubong niya si JM na halatang kagagaling lang rin sa pag iyak dahil sa namumugot nitong mga mata, kaya mas malinawan sa mga nangyayari ay tinanong rin niya si JM kung ano nga ba ang dahilan ng pagiyak rin nito.





"JM what's wrong? did you also cried?" takang tanong ni Anne sa binata, ngunit imbes na sumagot ay nginitian lang sya nito at nag tuloy tuloy lang sa kanyang pag lalakad.





"NO" matapang na sagot ni JM kay Anne.





"e bakit maga ang mata mo? you look sad" pilit na tanong parin ni Anne sa binata





"I'm fine, I just watched the movie "Me Before You" and I cried a lot last night, you should watch it." pangungumbinsi naman ni JM, nawirdohan naman si Anne sa isinagot ng binata kaya naman hinayaan nalang niya ang kaibigan dahil mukha namang hindi ito sasagot ng matino.





"Ok , nakita mo ba si Karylle?" tanong ni Anne sa binata, na itinuro naman ang kanilang classroom sa di kalayuan na ibig sabihin ay andun ang kanyang hinahanap, kaya dumeretso na rin agad siya patungong silid.


Pagdating naman ni Anne sa silid aralan ng section ni Karylle ay naabutan nya ang dalaga na nakasubsob sa inuupuang arm chair, nilapitan ito ng dalaga at naupo sa upuang katapat ni Karylle.


Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon