Chapter 22 || JM is Back? II

1K 24 12
                                    

"Ano kayang nangyayari sa kanya?" sabi ni Karylle.


"OMG! Di kaya may Amnesia si JM?!" malakas na sabi ni Vhong.


"Hala! wag naman sana" alalang sabi ni Anne


"Ganito nalang to confirm, interviewhin natin si JM habang nasa byahe tayo diba?" Suggestion ni Coleen at sumangayon naman ang mga kaibigan nito kaya naman sumakay na sila sa sasakyan ni JM para narin makapunta sa destination nila.

Habang nasa byahe sila papunta sa isang mall ay nagtuturuan pa ang tatlo kung sino ang mauunang magtatanong sa binata ng kahit ano. Napansin naman ito ni JM kaya nagsalita na ito


"Hey, are you guys alright?" Natatawang tanong nito.


"Ah yah! Hehe... hmmmm JM may I ask?" Tanong ni Anne tumaas naman ang kilay ni JM na kita sa rear view mirror ng sasakyan kaya nagsalita nalang uli si Anne. "Do you still remember the first day we guys met?" Tanong nito


"Yep, sa school diba" mabilis nitong sagot, at tumango naman si Anne sa sagot nito na nakangiti dahil sa naging sagot ng binata





"Ahh JM, naalala mo ba kung anong bagay ang ibinigay mo sakin nung official na naging mag best friends tayo?" tanong naman ni Karylle.





"Ahh teddy bear? am I right" sagot ng binata, ngunit hindi natuwa si Karylle sa isinagot nito dahil mali ang sagot nito sa tanong nya dahil isang husky stuff toy ang ibinigay ng binata sa kanya noon, kaya hindi nalang nya sinagot ang tanong ng binata.




"wait bakit parang ang dami nyong tanong sakin? Is there a problem?" takang tanong ni JM na nakafocus parin sa kanyang pag drive.


"naninibago lang kami sayo hehe" sagot ni Karylle


"anyway bro bago na ang kotse mo ah ang ganda and astig!! , pero nasan na yung dati mong car? puna ni Vhong sa bagong sasakyan ng kaibigan.


"What car?" takang tanong naman ni JM


"Yung white BMW?" Sagot ni Vhong


"What? I can't remember, this is my only car" sagot ni JM


"Meron kaya! Yung white na palagi nating dinadala pag lumalabas tayo yung lagi mong dala sa school" sabi naman nk Karylle dahil isa sya sa madalas na sumasakay sa nasabing sasakyan


"I can't remember, I don't have any other car except this one. What are you talking about guys?" Diretsong sagot ni JM habang nagkatinginan naman ang magkakaibigan sa naging sagot ng binata sa kanila.




"Ahh anyway what car model is this bro?" Tanong muli ni Vhong




"oh Mercedes Benz CLA 250, cool right!" mayabang na sagot nj JM

Sa mga naging sagot ni JM sa tanong nilang magkakaibigan ay hindi parin mawala sa isip nila na magtaka kung bakit biglang nagbago na ang ugali ng kanilang matalik na kaibigan. Para kasing yumabang, hindi masyadong mabiro at higit sa lahat parang ang layo ng loob nito sa kanila, kaya nanahimik nalang silang lahat hanggang makarating sila sa isang mall na kanilang pupuntahan. Pagkapasok nila sa mall ay mabilis silang nagpunta sa isang kainan dahil gutom na raw sila, nang makapili na ng kanilang kakainan ay pumasok na agad sila rito at kumuha na ng pwesto para makaorder na at makakain. Habang sila ay naghihintay sa kanilang mga kakainin napansin nilang busy sa phone nito si JM at hindi masyadong umiimik kaya naman binato ito ni Vhong ng binilog na tissue.



Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon