Chapter 33 || Wrong Timing

695 14 6
                                    

Lumipas na ang maraming araw at buwan and everything went well naman sa relationship nila Karylle at JM, maituturing na relationship goals ang kanilang pagsasama dahil kilala at legal sila sa pamilya ng bawat isa... lumalabas silang kasama ang isat isa kasama ang kani-kanilang pamilya... masaya rin naman ang pamilya nila at mga kaibigan nila sa pagmamahalan ng dalawa dahil hindi sila nagiging sakit sa ulo sa kanila.

Sa paglipas ng panahon, pinaparamdam ni JM sa nobya na si Karylle lang ang kaisa isang babae na gusto nyang makasama hanggang sa pag tanda nya, hindi na rin kasi maiwasan na maisip nya ang sinabing pabor sa kanya ng isa sa mga family friend nila na si Ms D Monyita... at ito ang pakasalan ang kanyang anak, hangga't maaari ay iniiwasan nyang mabanggit ito kay Karylle dahil wala rin naman syang balak na ientertain ang pabor na iyon, kaya umiiwas na rin sya kay Liz simula noong araw na nalaman nya ang pabor.

Hanggang sa isang araw, isang balita ang bumungad sa bulletin board ng company, mag kakaroon ng isang malaking gathering ang company na pinag tatrabahuhan nila Karylle, kung saan obligadong umattend lahat ng employees ng company.


Employee 1: Bakit kaya biglaan naman yata ang announcement na'to?


Employee 2: oonga e, ano kayang meron... hmmm kinakabahan ako ha


Employee 3: kayo naman, baka naman pawelcome lang sa boss natin diba kakarating lang din naman nya..


Hindi naman nagtagal ay nakarating na kay Karylle ang balitang nasa bulletin...


"ui bruh are you going to the party?" tanong ni Vhong kay Karylle


"Hmmm not sure e" sagot ni Karylle


"Hui ano ka ba required diba na umattend?" sabi ni Vhong


"tinatamad kasi ako e" matamlay na sabi ni Karylle


"Hala bakit? kasi wala si JM? hmmm pwede naman mag sama ng date diba?" sabi ni Vhong


"tinatamad lang talaga ako, hindi ko alam kung bakit basta ! di ako excited" sabi ni Karylle


"sus tignan natin kung tamarin ka parin hahah jan ka na nga mauna na ako ha byee" paalam ni Vhong nang makita na paparating na si JM at sinenyasan syang wag maingay kay Karylle na parating sya.


"ok bye hay" matamlay na paghinga ni Karylle.


"bakit naman tinatamad ang kurbabe ko ? sabi ni JM sa nobya na binack hug ito.


"Ohh love what are you doing here?"tanong ni Karylle


"why? masama bang ivisit ang napakaganda kong jowa?" malambing na tanong ng dalaga


"Hindi naman pero love working hours pa...baka pag chismisan tayo ng mga katrabaho ko, nakatingin na nga yung iba satin e" sabi ni Karylle


"Don't worry love ako bahala sa kanila" sabi ni JM sabay kumalas sa pagkakaback hug sa dalaga


"ikaw ang bahala ? how?" natatawang sabi ni Karylle, at nagulat nalang si Karylle sa ginawa ng kanyang boyfriend.


"Everyone! Listen up! this girl right beside me is my beautiful girlfriend! humihingi na ako ng pasensya sa inyong lahat kung super clingy ko sa kanya ngayon kahit working hours pa, masisisi nyo ba ako? namiss ko tong mahal ko na'to" sigaw na sabi ni JM sa mga katrabaho  ni Karylle, napapailing naman si Vhong sa ginagawa ng kaibigan, may ilan naman na kinikilig at may iba na natatawa rin.


Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon