Chapter 37 ||Marry - Merry Christmas

730 16 8
                                    

December 24, busy ang lahat sa pagshoshopping ng mga gifts para makahabol sa christmas eve. (Just like me, habol sa pamimili wohooo daming tao but anyway hahaha) so ayun nga busy ang lahat sa pamimili ng mga damit, bags, accessories, toys for kids, gadgets and everything na pwede nila maibigay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Napakaraming tao sa nga malls and everywhere, pili dito pili jan hala sige magsiksikan kayo... ang lahat ay hindi mapakali at isa na rito si Karylle, sa dami ng nangyari nitong past few weeks sa kanila ni JM, ay nawala na sa isip nito ang pagtapos nya sa pamimili ng gifts na nasa kanyang christmas list. Hindi na rin kasi nya naasikaso dahil na rin sa naging mas busy sya sa work.

"Ms.? Sale ba to? Alin ang price nito dito sa dalawa?" Tanong ni Karylle sa sales lady habang hawak ang isang set ng unicorn shaped lego



"Ah yes maam ito po ang price nya ₱1,499" sagot ng sales lady sa dalaga


"Wow sige I'll take this, may discount card naman ako dito pwede naman 'to jan diba" sabi ni Karylle sa sales lady


"Yes maam pwede po, dito nalang po tayo sa counter" pagyaya ng sales lady sa dalaga


"Ay hindi pa ako tapos mamili, palagay nalang muna dito sa cart ko thank you" sabi ni Karylle atsaka bumalik sa kanyang ginagawang pagshopping


"Gosh Karylle sino pa ba ang di mo nabibilhan hmmm lemme see the list..." sabi ni Karylle while checking her list of names na bibigyan ng gifts, upon checking her list biglang nag ring ang phone nya at nakitang tumatawag si JM


"Hi love! how are you?" tanong ng binata sa fiance nya..


"Ohh love i'm so tired na pero kaya pa para sa gifts heheh ikaw kamusta ka?" balik na tanong din ni Karylle sa kanyang lovey


"Awww Im sorry love, tinutulungan ko pa kasi sila mom sa pag aasikaso ng para sa christmas eve e" sabi ni JM


"No worries love, ikaw naman hehe kayang kaya ko naman 'to e. sya sige na mamaya nalang tayo usap ha? mejo marami pakong kelangan bilhin e.. talk to you later okay? byee love I love you " paalam na ni Karylle sa kanyang nobyo


"Okay love sorry talaga babawi ako sayo next time, let me know kapag nakauwi ka na okay? update moko i love you too" paalam na rin ni JM sa kabilang linya.


Pagkatapos ng tawag at usaan nilang mag jowa ay itinuloy na ni Karylle ang kanyang pamimili, puno na ang cart na dala dala nya, ikot sya ng ikot sa mall para makumpleto ang mga regalong kailangan nyang bilhin, hanggang sa hindi nya napansin na nahulog na pala ang wallet nya na nakasingit lang sa kanyang kili kili. (Wag tularan) saktuhan naman na may nakakita sa pagkaka laglag ng kanyang wallet, at agad itong pinulot at tinignan kung ano ang laman nito, napa ngiti nalang ang nakapulot at saka umalis dala ang wallet ni Karylle


Samantala si Karylle naman ay nasa toys section na, ito na ang last stop nya para sa bibilhin regalo at ready to pay na sya, nang makapili ng regalo ay dumeretso na sya sa cashier para bayaran ang kanyang mga pinamili, hanggang sa sya na ang magbabayad inisa isa nyang ibinaba ang mga items na napili nya sa cashier.


"Merry Christmas po ma'am, ipapagift wrap narin po ba natin ito lahat?" tanong ng babae sa cashier


"Ah yes yes, paindicate nalang thank you" nakangiting sabi ni Karylle


"Okay po ma'am, ito po ang total nila" sabi ni ateng nasa cashier, nang kukuhanin na ni Karylle ang kanyang wallet ay bigla syang nagpanic dahil napansin nyang nawawala ang kanyang wallet.


Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon