Chapter 30 || Jealous Twins

853 24 9
                                    

Gosh! Inabot na ng July ang update ko ahahaha sorry po patawarin nyo na ako, sa super late uli na update walang wala talaga pumapasok sa utak ko e, puro kabaliwan lang naiisip ko... anyways thank you sa mga nag aabang at nag sheshare ng reactions nila through comments. Don't worry I'll make sure pero di ako nag papromise hehe na ibabalik ko yung habit ko na every saturday mag update hahaha.

Thanks guys love yah! Game basa na kayo enjoy 😊❤️

~~~~~~~~~~~~

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas ng kambal sa Boracay na dapat sana ay isang JM lang ang makakasama ng magkakaibigan ngunit naiba nang dumating ang isa pa. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita ngayon, dahil pakiramdam nila ay niloko sila ng JM na nakakasama nila sa araw araw. Nasa silid ngayon ng girls ang kambal na ngayon ay pinaupo nila sa couch, habang ang magkakaibigan ay halihinang matalim na tinitignan ang dalawa na nakaupo ngayon sa couch.


"Oh my gosh, I can't believe this is really happening right now..." hindi makapaniwalang sabi ni Anne habang nakatingin sa kambal


"Bakit hindi mo sinabi sa amin noon ang tungkol dito?" pambabasag ni Vhong sa katahimikan sa loob ng silid


"Sorry guys, Hindi ko nga pala na mention that I have a twin brother" sabi ng JM na nakaupo sa kaliwa ng couch.


"So ano ba talaga 'to?" tanong muli ni Vhong sa binata


"Sino ang totoong JM?" Diretsong tanong ni Coleen

"Me!" Sigaw ng JM na nasa bandang kaliwa ng couch

"I am the real JM" bali naman ng JM na nasa kanang bahagi.


"hey Peter! Ano bang sinasabi mo, ako ang totoong JM bakit mo ba sinasabing ikaw?" natatawang tanong ng JM na nasa kanan sa kapatid


"May palatandaan ba kung paano namin malalaman kung sino talaga sa inyong dalawa ang totoong JM?" tanong ni Vhong


"Sad to say guys mukhang wala e, sa ugali lang siguro magkakaiba itong dalawa na 'to" sabi ni Anne habang iniinspect ang magkapatid na animoy may hinahanap na markings sa katawan ng mga ito.


"Peter please wag ka na mag panggap na ako ikaw please..." sabing muli ng JM na nasa kanan, habang pailing illing naman ang isang JM.


"Oh my goodness! Talagang dito pa sa vacation natin kayo nag tagpo talaga ha naguguluhan ako" iritableng reklamo ni Anne


"Ako rin, so kung pareho kayong JM anong gagawin natin?" Sabi ni Coleen


"Nakakalito, na nakakatuwa na, nakakaasar kayong dalawa alam nyo ba yun?!" sabi ni Vhong


"guys maniwala kayo, ako ang totoong JM ito si Peter ang kakambal ko na nag panggap na ako..." sabi ng JM sa kanan.


"You know what?... wala na akong pakialam kung sino man sa inyong dalawa si JM, kung sino ang totoong JM... dahil ang alam ko lang niloko nyo ako pareho" biglang sabi ni Karylle na makikitaan ng lungkot sa kanyang mata at pananalita at lalabas na sana ng kwarto, nang tawagin sya ni Peter.


Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon