Chapter 11 || Call of Nature

964 16 0
                                    

"Karylle dito nalang tayo o kitang kita dito, saka akin na pala yung box na binigay ko sayo" sabi ni Vhong



"Huh? Bakit e bigay mo na yun? O ayan" Karylle



"Talikod ka" utos ni Vhong


Tumalikod naman agad si Karylle, laking gulat nalang nya nang isinuot ni Vhong sa kanya ang isang silver necklace na may pendant na letter "V". Dahil dito muling naalala ni Karylle ang misteryosong lalakeng nagpapadala sa kanya ng mga regalo sa kanilang bahay.



"Ikaw?" Gulat na tanong ni Karylle sa binata, ngiti nalamang ang isinukli ni Vhong sa dalaga at muling ibinaling ang tingin sa fireworks.




Mula naman sa di kalayuan ay tanaw na tanaw ni JM ang kanyang mga kaibigan na ngayon ay mukang masaya sa kanilang kinatatayuan. Kaya napangiti nalang ito habang pinapanood ang dalawa mula sa malayo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hey guys!" Sigaw ni JM habang papalapit sa dalawang kasama.


"O Brad, kamusta kumain ka na?" Nakangiting tanong ni Vhong.


"Yep, Actually kanina pa hehehe sooo, how was your date?" Tanong ni JM sa dalawa.


"Ahh masaya naman mukha ngang nag enjoy itong kadate ko e, tignan mo tahimik ngayon busog yan e hahahaha" pangaasar ni Vhong kay Karylle na ngayon ay nakatulala at d padin maalis sa isip ang nangyare kanina habang nanonood sila ni Vhong ng fireworks.



"Hey! Karylle? Hello?? Are you with us? Hui!!! " panggugulat ni JM sa dalaga na nakabalik naman sa ulirat.


"Ahh hehe ano yun?" Hiyang tanong ni Karylle.



"Nah.. Nevermind may pupuntahan pa ba kayo? Or uwi na tayo?" Tanong ni JM


"Hmmm sige tara uwi na tayo mejo gabi nadin e para makapag pahinga na tayo" pagyayaya ni Vhong sa dalawang kasama, kaya agad naman sumunod sina JM at karylle papunta sa sasakyan nila.



Habang nasa byahe, sina JM at Vhong ay todo sa pag kwekwentuhan ng kung ano anong kapilyuhan at katatawanan, samantalang kabaliktaran naman ang kay Karylle, dahil mula nung umalis sila sa theme park ay bigla nalang itong natahimik na tila ba may iniisip na malalim.



"Vhong, look at her... Bakit parang tumahimik yata si Karylle may nangyare ba bago tayo umalis dun?"



"Nako brad, di ko alam e bigla nalang sya nanahimik yaan mo try ko kulitin hahaha malay mo naman napagod lang"



"Kulots! Nagenjoy ka ba sa "DATE" natin?" masayang tanong ni Vhong sa dalaga, pero tango lang ang isinago ni Karylle sa kanya na nakatingin lang sa bintana.


"See.. I told you may mali e tsk tsk problema kaya nyan?" pag aalalang sabi ni JM


"Hayaan mo na baka pagod na rin yan kaya nag ka ganyan..." Pasukong sagot ni Vhong.



Makaraan ang ilang minuto ay malapit na silang makarating sa bahay ni Karylle. Ngunit mula nang makaalis sila sa theme park hanggang sa paguwi ay tahimik lamang si Karylle sa buong byahe ngunit di nalang ito masyadong inalala masyado ng dalawang binata, dahil baka napagod lang ang kaibigan nila kaya tahimik.


Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon