Chapter 24 || Ligaw 01

1.1K 37 12
                                    

Nang makauwi ang magkapatid na sina Emma at JM matapos nilang ihatid ang kanyang mga kaibigang babae ay agad syang akmang dederetso na sa kanyang kwarto para daw magpahinga ngunit bago pa man sya makaayat para pumunta sa kanyang silid ay tinawag sya ng kanyang ate.


"JM, wait..." sabi ni Emma


"Yes ate" sabi ni JM habang bumababa sa hagdanan


"Thank you again for your help.." malambing na sabi ng kanyang kapatid na niyakap sya.


"You are very welcome ate" sabi naman ni JM sa kapatid.


"Pero may hindi ka pa naikwekwento sakin ha, may nakita ako kanina na sa tingin ko ay kailangan ng explanation" pang aasar bigla ni Emma sa bunsong kapatid.


"Ate naman ih can we please talk about it tomorrow? Im really tired" sabi ni JM na kumakamot sa ulo nya at pahikab hikab pa.


"Please kahit sandali lang" pagpupumilit ni Emma


"Ano ba kasi yun?" Tanong ni JM


"Are you and Karylle dating?" Diretsahang tanong ni Emma sa kapatid na nakapag pangiti naman sa binata


"Hmmm no were not why?" Sagot ni JM



"I noticed earlier how you protect Karylle from that maniac photographer" sabi ni Emma sa kapatid


"So? Yun lang yun? I just don't want my friends be treated like that especially the girls" pageexplain ni JM sa kapatid



"Okay, so how about the way you stare and look Karylle... akala mo hindi ko alam na pasimple mong kinukunan ng pictures si Karylle kanina while we are having dinner" pang aasar ni Emma sa binata.


"What?! Tsk nakakainis naman 'to oh inaantok nako" pagiwas ni JM sa topic



"Okey fine.. ganito nalang sagutin mo nalang 'tong last question ko for tonight..then I'll let you sleep na"pang uuto ni Emma.



"Game" tipid na sagot ni JM



"May gusto ka kay Karylle?" Diretsong tanong ni Emma


"Wala!" Mabilis na sagot ni JM



"Crush?" Tanong muli ni Emma



"No! Haha" mabilis muling sagot ni JM


"Pero kanina yung totoo, natulala ka sa kanya kasi may kakaiba kang naramdaman para sa kanya diba ? Especially the way you look at her, napansin kong may something sayo.." pang aasar ni Emma sa binata na ngayon ay nakakunot na ang noo


"Huh? What are you saying?" Natatawang sabi ni JM sa kapatid


"In short.. nainlove ka kay Karylle" sabi ni Emma


"What are you talking about sis hahaha" natatawang sabi ni JM


"Hay bahala ka sa buhay mo, basta sure ako liligawan mo rin yan in the near future, sige na matulog ka na wala akong mahihita sayo hahaha" pagbibirong paalam ni Emma sa kapatid dahil nakaramdam narin sya ng pagod at antok


Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon