Chapter 23 || Through Lens

1K 22 13
                                    

*DING DONG*








"Hi magandang umaga po, pwede po kay Ms. Ana Karylle Tatlonghari?" tanong ng isang delivery boy na nakasakay sa isang motor na may nakakabit na isang malaking box sa likuran nito.





"Ahh opo sa ate kopo bakit po?" tanong ni Nicole sa lalaki.





"Ahh delivery lang po para sa kanya, pareceive nalang po mam para po makaalis na ako madami papo akong idedeliver ih ehehe" pagbibiro ng lalake, nawirduhan naman si Nicole sa sinabi nito, sabay nireceive ang papel na nakapangalan sa kanyang ate.





"Thank you po, mam makikisabi sa ate nyo ang swerte nya hehe" pahabol pa mulign sabi ni kuyang nagdeliver. sabay inabot ang isang maliit na box.





"bakit? kilala nyo po ba mismo kung kanino galing itong mga pinapadala po sa ate ko?"tanong muli ni Nicole.



"Sige po mam byee hehehe" ito nalang ang naging sagot ng nag deliver.




"Ano ba naman yan tsk si ate kasi ih sino kaya yung nagbibigay sa kanya nito" pagtatanong ni Nicole sa kanyang sarili.


Habang ipinapasok ni Nicole ang natanggap ay sya namang pag tunog ng kanilang gate, pag lingon nya ay saktong si Karylle na ang dumating na mukhang kakatapos lang mag jogging dahil kitang kita sa itsura nito na pawisan ito at hinihingal pa. Napansin naman ng dalaga ang dala ng kapatid nya.


"Hey what's that?" tanong ni karylle


"Ahh actually this for you kakadeliver lang" sagot ng kapatid


"Ah lets go inside, buksan natin" sabi ni Karylle at kinuha na ang box at inaya na ang kapatid papasok.


"Look oh ate, I think alam ko na kung kanino galing 'to" sabi ni Nicole while nakatingin sa ate nya habang pataas baba ang kilay.


"Yeah it's from him again" sabi ni Karylle na may ngiti sa kanyang labi



"Ate..." sabi ni Nicole


"Yes?" sagot ni Karylle habang binubuksan ang kahon


"Sino ba si Mr. V sa buhay mo?" Tanong ng kanyang kapatid na nakapag patigil kay Karylle sa ginagawa


"Hindi ko rin alam e, hindi ko nga sure kung sino talaga sya" sagot ni Karylle


"Wala ka ring idea kung sino sya?" Tanong muli ng kapatid



"May Idea ako pero ayoko mag assume" sabi muli ng dalaga



"sino ate?" Balik na tanong ng kapatid




"Tara buksan natin to," pag iiba ni Karylle ng topic.


"Rubber shoes? Oh here, it has a note" sabi ni Nicole sabay abot ng note sa ka yang kapatid.


"Here is a pair rubber shoes, cause I know you love to jog every morning and I hope one day I can join you, see you soon - V"


Matapos mabasa ni Karylle ang note ay napahinga nalang ito ng malalim dahil hindi nya lubos maintindihan kung bakt ayaw magpakita nalang sa kanya ni Mr V para makapagpakilala ito ng maayos sa kanya.  Napailing nalang ito at niyaya na ang kanyang kapatid papasok ng kanilang bahay.


Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon