GETTING BACK TO EACH OTHER'S...

By KimVerly

637K 6.9K 764

ito na po yung book2 nang getting to now each other on bed..basahin muna ang book1 bago ito para hindi malito... More

GETTING BACK TO EACH OTHER ARMS
PAGE-1-
PAGE-2-
PAGE-3-
PAGE-4-
PAGE-5-
PAGE-6
PAGE-7-
PAGE-8-
PAGE-9-
PAGE-10-
PAGE-11-
PAGE-12-
PAGE-13-
PAGE-14-
PAGE-15-
PAGE-16-
PAGE-17-
PART-18-
PAGE-19-
PAGE-20-
PAGE-21-
PAGE--22--
PAGE-23-
PAGE-24-
PAGE-25-
PAGE-26-
PAGE-27-
PAGE-28-
PAGE-29-
PAGE-30-
PAGE-31-
PAGE-32-
PAGE-33-
PAGE-34-
PAGE-36-
PAGE-37-
PAGE-38-
PAGE-39-
PAGE-40-
PAGE-41-
PAGE-42-
PAGE-43-
PAGE-44-
PAGE-45-
PAGE-46-
PAGE-47-
PAGE-48
PAGE-49-
PAGE-50-
AUTHORS NOTE:PASASALAMAT
THE LAST PART(EPILOGUE)
SPECIAL CHAPTER

PAGE-35-

10.8K 107 9
By KimVerly

PAGE-35-

Tatlong oras pa pala yung ibibiyahe naming dalawa,kaya pala medyo nainis ito sakin.sayang daw yung binayad namin.nanghinayang pa kuripot talaga nito kahit kailan!kung sabagay ito kasi yung tipo nang taong ayaw nasasayangan.matulungin kasi ito sa mga batang lansangan,

Sumakay nalang ulit tuloy kami nang bus para makapunta na sa hidden place na sinasabi nito.pinapwesto ako nito sa may bintana,masyado na kasing madaming pasahero yung bus at baka daw maipit pa ako nang mga sasakay pa.

Yung bus kasing nasakyan namin malaki.hindi siya de aircon bus hah.yung tipong may mga tumatayo pa sa loob.at mabuti na nga lang at may bakante pang pandalawahan na upuan.mahirap kasi pag sa tatluhan ka sumakay sobrang siksikan

idagdag pa kung yung tatabi sa inyo eh,madaming dala or mataba.napatingin naman ako dito nang biglang hawakan nito yung kamay ko.tinaasan ko pa nga ito nang kilay,pero nginitian lang naman ako

"yung kamay ko"pinilit kong alisin yung kamay nito pero mas lalo lang nitong hinigpitan yung pagkakahawak

"bakit pakiramdam ko natatakot ka sakin?"hindi naman agad ako nakaimik sa tinanong nito

"hindi ah..bakit naman ako matatakot sayo?"

"talaga?"

"oo nga!"iniwas ko naman yung tingin ko dito nang unti-unti na naman nitong inilapit yung mukha sakin.ano ba Harley?bakit naman ang kulit mo ngayon!yung mga pasahero napapatingin na saming dalawa.pabigla-bigla pa naman itong nanghahalik

"kala koba hindi ka natatakot sakin?bakit umiiwas ka?"natural iiwas ako baka halikan mo pa ako

"bakit ba ang kulit mo?umayos ka nga nang upo at huwag mo akong titigan."

"ayoko nga!ang sarap mo kayang titigan"sige lang Harley landiin mo pa ako at bibigay na ako

"masarap?bakit pagkain ba ako?"hindi pa rin ako tumitingin dito at pinilit istuck yung tingin sa labas nang bintana

"mas masarap kapa dun!"bigla naman akong nag-init sa sinabi nito,ramdam na ramdam ko ang pamumula nang mukha ko

"funny!"yun nalang ang sinabi ko

"tumingin ka nga sakin,bakit ba ayaw mo akong titigan?wala naman akong gagawing masama sayo."ayoko nga,baka halikan mo'ko

"nakakaumay ka kayang tignan!"

"so?ibig sabihin tinitignan mo ako pag hindi ako nakatingin sayo."

"hindi ah..kapal mo!"tumawa nalang ito at hindi na nag-salita

Pinag-diskitahan na nga lang nito yung kamay kong hawak padin nito.ang tagal kasi nang biyahe,gusto ko na ngang makarating sa hidden place na sinasabi nito.naiilang na kasi ako,baka hindi na talaga makapag-pigil ang puso kong sabihing mahal na mahal ko ito

"gusto mo hulaan kita?"pagkatapos nang ilang minuto muli itong nag-salita na ikinalingon ko

"hindi ko alam na manghuhula ka pala."

"hindi ko din akalain na yun lang pala ang makakapag-palingon sayo sakin."urrg,mukhang nauto na naman ako nito

"bakit ba gusto mong lumingon ako sayo?"

"wala naman!gusto ko lang nakikita ang expression nang mukha mo"

"sinasabihan mo akong weird pero mas weird ka naman sakin"bigla naman itong humalukipkip at inalis ang tingin sakin

"siguro nga,kasi hindi ka maalis sa isip ko"pabulong lang yung sinabi nito pero narinig ko naman.bahagya pa nga akong napangiti sa sinabi niya

"ano yun?may sinasabi kaba?"nagkunwari nalang akong hindi ko narinig

"wala!sumandal kana nga lang sakin,naiinis ako!"tapos bigla nalang ako nitong inakbayan at hinawakan yung ulo ko para mapasandal sa balikat niya

"teka.."

"madamot ako!ayoko nang may tumitingin sa kadate ko."ano bang pinagsasabi nito?pinilit ko naman makawala dito pero bigla nalang ako nitong niyakap,kaya yung mukha ko sa dibdib naman nito napasubsob

"harley ano ba.."sa kauna-unahang pagkakataon nabanggit ko ang pangalan niya

"that guy is looking at you and i hate it!pakiramdam ko hinuhubaran ka niya nang tingin,ganyan na nga suot mo nakaka attract kapa din"natigilan naman ako sa sinabi nito

Hindi ko alam kung sino yung lalaking iyon pero parang gusto ko siyang pasalamatan sa ginawa niyang pag-titig sakin.dahil sa kanya pakiramdam ko nag-balik na ang ala-ala niya,yung ala-ala niyang mahal niya ako

"pakiramdam mo lang yun!bitawan muna nga ako!nakakahiya."

"ayoko!"kahit anong pilit kong bitawanan niya ako,hindi niya ako binitawan

Grabeh!kinikilig ako swear!pwede bang huwag nang matapos ang araw na ito at for life nalang kaming maging ganito.sobrang namiss ko kasi ang ganitong moment naming dalawa.hindi ko na nga namalayan ang tagal nang pag-bibiyahe namin

Basta ang alam ko lang ang saya-saya nang puso ko.para ngang gusto ko siyang hilahin at yakapin nang bitawan na niya ako.inayos ko naman yung sarili ko nun para hindi niya mahalatang kinikilig ako.nagkunwari nalang akong naiinis sa kanya

"lupit mo ding dumiskarte no?para-paraan para ma-tsansingan ako!"bale-wala naman itong tumingin sakin at pinitik yung noo ko

"cute ka nga,pero hindi ibig sabihin magugustuhan kita!niligtas lang kita nang tingin dun sa manyak na nakatayo kanina."ayan ang napapala nang asumera!supalpal sa puso ang sinabiya niya sakin.sakit tol!

"ah,talaga?bagay ka dun sa palusot.com,try mo minsan kung bebenta."tumawa lang naman ito at hinila na ko patayo na kinagulat ko

"nandito na tayo"sagot nito sa tangka kong pagtatanong 

Ginala ko naman yung tingin ko dun sa lugar.parang pamilyar sakin,hindi ko nga lang matandaan kung nakapunta na ako dito.sa isang resort niya pala ako dinala.may mangasul-ngasul na dagat at kubong nag-sisilbing cottage.napatingin naman ako kay Harley nang naiiyak nang maalala ang lugar na ito

"sabihin mo!ba..pa-pano mong nalaman ang lugar na ito?"sa wakas nakuha ko ding mag-salita nang maayos,nawala naman ang ngiti nito at kunot-noong tinitigan ako

"nung umuwi kasi kami nang pinas,bigla nalang akong napadpad dito.ewan ko din kung bakit pero maganda naman dito.bakit?may problema ba sa lugar na ito?"agad naman akong napatungo sa sinabi nito,umasa na naman ako,umasang naalala na niya ako

"wala..wala naman!ang ganda kasi namangha tuloy ako."napatango naman ito sa sinabi ko at niyakag ako para sa Cabin na tutuluyan daw namin

Nilapag lang namin dun yung gamit namin at muli akong niyakag sa isang kubo,kung saan may mga nakahanda nang pagkain para sa tanghalian.halos alas dos nadin naman kasi kami nito nakarating doon.

Tahimik lang naman itong kumakain habang ako eh,tahimik na lumilipad ang isip sa isang nakaraan namin dati dito.ito yung place kung saan tinapos niya yung relasyon naming dalawa.yung time na iyon ang time kung saan napatunayan kong buhay siya talaga at hindi namatay

Mukhang napansin naman nito yung pananahimik ko at pabigla nitong inangat yung mukha ko,mula sa seryosong pag-tingin sa kinakain ko.

"ayos ka lang?hindi ba masarap yung pagkain?"umiling lang naman ako

"hindi!may naalala lang ako"binaba naman nito yung kutsara at tinidor nitong hawak at curious na nagtanong

"sino naman naalala mo?boyfriend mo oh Ex mo?"halos ilang minuto din akong hindi nakaimik

"oo!boyfriend ko"bahagya naman itong natawa sa sinabi ko

"really?may boyfriend ka pala!anong klaseng boyfriend,lalaking kaibigan oh lalaking as in couple kayong dalawa?"nginitian ko naman ito nang nakakaloko

"wala kana dun!"tinuon ko nalang yung pansin sa pagkain,hindi narin naman ito umimik,pagkatapos naman naming kumain eh,inabutan ako nito nang isang paper bag

"ano naman to?"tanong ko nang makita yung laman

"obvious ba?damit mo,hindi naman pwedeng nasa isang resort ka tapos ganyan ang suot mo.binilhan kita nang susuutin mo."kailan niya pa ako nabili?parang wala naman akong natandaan na pumunta kami nang mall or mga tindahan na binilhan nito

"pano ka naman nagkaroon nito?hindi naman tayo"ngumiti lang ito at hindi ako sinagot sa tanong ko

"sige na!magpalit kana.hihintayin kita dun sa may puno nang niyog"nakita ko naman yung punong sinasabi nito,

Wala naman akong nagawa kundi magpalit nalang.isang bestidang puti na halos nasa kalahati nang hita ko ang tabas.at yung iba alam niyo na panloob ko na ewan kung kanino nito nakuha yung size nang mga iyon.meron pa pala magkapares na tsinelas na pang beach

Ayos ah,hindi gaanong pinaghandaan.nang makapag-palit naman ako eh,inayos ko lang yung sarili ko nang kaunti at kinuha yung sketch pad ko.ito lang yung paraan ko para maiwasan ko nang kaunti si Harley at ma-idrawing yung mukha nito na masayang naglalakad sa tabing dagat sa unang beses nang muli naming pag d-date naming dalawa

Naglakad na ako papunta sa pinagkaka-pwestuhan nito pero wala naman ito doon.nagpalinga-linga pa nga ako para hanapin ito pero hindi ko na ito makita.nambabae na siguro,kainis na lalaking yun!

napaupo nalang tuloy ako sa buhanginan sa tabi nang punong niyog.wala naman bunga yung niyog kaya safe maupo sa tabi nun.Naasar talaga ako,kaya sa inis ko eh!nag-drawing ako nang mukha nito at nilagyan ko nang sungay

"bakit mo naman nilagyan nang sungay yang drawing mo?"bigla ko naman nayakap yung sketch pad sa gulat ko dito.hindi ko akalain na may lahi na pala itong kabute ngayon

"nakakainis ka talaga!"

"bakit na naman?wala naman akong ginagawa sayo"sinimangutan ko naman ito

"wala daw!bigla-bigla kana lang sumusulpot"

"pahiga nga!may sumpong kana naman,parang saglit lang akong nawala sa paningin mo namiss mo agad ako"bigla naman itong humiga sa lap ko

"tumayo ka nga!"pinilit ko itong itulak,pero hindi ito nagpatinag at tinangka pang kagatin yung kamay ko na mabilis ko din namang nailag dito

"haha!ang cute mo talagang inisin!"tapos pininch nito yung pisngi ko

"aray!sumosobra kana"ginantihan ko nga din.Ayun,nauwi kami sa pisilan nang pisngi,tumigil lang kami nang mamula na yung pisngi naming dalawa

"pwede bang ngumiti ka naman!isang beses lang kitang nakitang ngumiti eh,yun eh,nung kausap mo pa yung Kaden sa birthday mo"pano naman kaya ako makakangiti kung kailangan kong magpanggap na hindi ko siya kilala

"nabibili kasi yung ngiti ko"

"ganun?magkano ba ngiti mo nang mabili!"pininch ko naman yung ilong nito,hindi ko narin naiwasang mapangiti nun

"alam mo ikaw!ang yabang-yabang mong bumili nang isang bagay,eh pekeng pera naman yung binibigay mo"natawa naman ito

"katawan ko nalang gusto mo?"napairap naman ako dito at napailing

"nakakadiri ka alam mo yun!"bigla naman itong umalis sa pagkaka-higa sakin at umupo paharap sakin

"sobra ka naman!baka pag natikman mo katawan ko,hanap-hanapin mo!"hinampas ko naman ito nang sketch pad sa braso

"alam mo ang bastos mo"

"ayos lang,napangiti naman kita"unti-unti namang napalis yung ngiti ko sa sinabi nito

Nahihiyang binaling ko yung tingin ko sa dagat.ano ba namang feeling to!pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig niya at mahihimatay ako sa magandang ngiti niya

"tama kana nga sa kalokohan!"muli ko itong hinampas sa braso,muli naman itong tumawa at tumabi sakin nang maayos

"maiksi lang ang buhay nang tao,hindi mo alam kung hanggang kailan ka magiging masaya.ienjoy mo ang buhay mo"napatingin naman ako nang bigla itong mag-seryoso "huwag mong ipag-damot sa sarili mo ang bagay na makakapag-pasaya sayo,ako kasi!yung naging buhay ko noon,masyado raw magulo.maniniwala kaba kung sasabihin ko sayong nawalan ako nang ala-ala?"napalunok naman ako sa tanong na iyon

"nawalan nang ala-ala?"sa ganung topic pinili ko paring magpanggap na walang alam sa nawalang ala-ala niya

"uhm!nawalan ako nang ala-ala dahil sa isang Gang na dumukot sakin at tinurukan ako nang pampalimot na gamot.yun ang sabi nila,nagising nalang ako isang araw sa ospital na wala na talagang matandaan kahit pangalan ko manlang.sa tulong nang lolo ko na siyang sumuporta sakin sa panahong gulong-gulo na ako,pinili niyang mag-ibang bansa muna kami"pumulot naman ito nang maliit na bato at inihagis iyon

"bakit naman niya piniling mag-ibang bansa kayo kung nandito ang lahat nang nawala mong ala-ala?"nakuha ko iyon itanong kahit na alam kong hindi dapat ako magtanong nang ganun

"yun din yung unang tinanong ko sa kanya noon,akala ko nga ayaw niya lang na makaalala ako.pero dahil pala yun sa sobrang pagka stress ko na alalahanin ang bawat detalye nang naging buhay ko.sinabihan siya nang doctor na baka ikabaliw ko yun kung pilitin kong alalahanin ang lahat.kaya,pinasya ni Lolo na tumira muna kami sa canada para maging maayos ang pag control ko sa sarili kong maalala ang lahat"Hindi ko alam ang bagay na iyon,ang tanging alam ko nalang pinasya muna nang lolo nitong manirahan sa canada pansamantala.

"sa pag-tira moba doon may naalala ka?"tumingin naman ito saglit sakin at bahagyang umiling

"wala!ang tanging alam ko lang isa akong seryosong tao na halos itaya ang buhay sa pagiging agent,palaging may takot sa buhay at may magulong buhay"nawalan naman ako nang imik at napabuntong-hininga

"ganun ba!"yun lang ang tangi kong nasabi pagkatapos nang mahaba din naming hindi pag-imik sa isat-isa

"nakakatawa no?"bumalik na ulit ang nakangiti nitong mukha at nawala na yung kaseryosohan

"ano namang nakakatawa?"

"na isa akong seryosong tao noon,na isa akong agent noon.ni hindi ko naisip na magiging ganung klase nang tao ako,kaya siguro pinili kong maging masayahing tao ngayon.ayokong masayang yung mga oras ko sa mundo na puro kaseryosohan lang yung nagagawa ko sa buhay.gusto ko namang ngumiti at tumawa nang walang problemang iniisip.minsan nga,naiisip ko na sana.huwag ko nalang ma-alala ang lahat nang nawala sakin"takang tinignan ko naman ito,nakaramdam din ako nang sakit sa sinabi nito na ayaw na niyang maalala ang lahat

"bakit naman?"bigla naman nitong sinandal yung ulo sa balikat ko

"hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako nang takot..nang takot na baka pag naalala ko ang lahat nang iyon,may isang bagay na hindi ko na mabalikan"

"ano naman yung bagay na iyon?"

"hindi ko alam.hindi ko rin alam,basta nararamdaman ko lang na pag nawala iyon,hindi na ako magiging masaya sa buhay ko"

Bigla naman bumilis yung tibok nang puso ko nun.Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko bigla din akong nakaramdam nang takot.ang takot na hindi na niya maalalang mahal niya ako

>>>>>>..TO BE CONTINUED<<<<<<<

Continue Reading

You'll Also Like

803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
1.1M 25.8K 26
** Eight Evil Torturer Book 6 @MyJaff WARNING:SPG Leon Chui "Loosing the wrong one.. Just found the right one.."
763K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
322K 6.5K 13
GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla Every woman fantasized him. Every girls desire him. Lahat sila ay magkakandarapa para lang mapansin niya. Lahat...