GETTING BACK TO EACH OTHER'S...

By KimVerly

637K 6.9K 764

ito na po yung book2 nang getting to now each other on bed..basahin muna ang book1 bago ito para hindi malito... More

GETTING BACK TO EACH OTHER ARMS
PAGE-1-
PAGE-2-
PAGE-3-
PAGE-4-
PAGE-5-
PAGE-6
PAGE-7-
PAGE-8-
PAGE-9-
PAGE-10-
PAGE-11-
PAGE-12-
PAGE-13-
PAGE-14-
PAGE-15-
PAGE-16-
PAGE-17-
PART-18-
PAGE-19-
PAGE-20-
PAGE-21-
PAGE--22--
PAGE-23-
PAGE-24-
PAGE-25-
PAGE-26-
PAGE-27-
PAGE-28-
PAGE-29-
PAGE-30-
PAGE-31-
PAGE-32-
PAGE-33-
PAGE-35-
PAGE-36-
PAGE-37-
PAGE-38-
PAGE-39-
PAGE-40-
PAGE-41-
PAGE-42-
PAGE-43-
PAGE-44-
PAGE-45-
PAGE-46-
PAGE-47-
PAGE-48
PAGE-49-
PAGE-50-
AUTHORS NOTE:PASASALAMAT
THE LAST PART(EPILOGUE)
SPECIAL CHAPTER

PAGE-34-

10K 114 6
By KimVerly

PAGE-34-

Halos ten narin nang mag-siuwian ang lahat pwera nalang sa mga bata na alasingko eh,naipahatid na sa kani-kanilang bahay.nakakapagod pero masaya naman.hindi na ako kinatok ni Mama sa kwarto para mag paalam na matutulog na ang mga ito

Nag half-bath lang naman ako at nahiga na sa kama.napapangiti pa nga ako habang naaalala ko ang mga kalokohang ginawa ni Harley kanina.makulit din naman siya noon,lalo na pag ako ang kasama niya.Pero ngayon,sumobra naman ata at open na open pa sa lahat.natatawa naman ako nang maalala ang reaksyon nang lahat sa sinabi nito sakin bago umuwi.

"b-day girl,agahan mong gising bukas hah?dapat eksaktong ten bihis kana,malayo yung pupuntahan natin,kaya dapat lang handa ka."gulat na napatanong nga si Kaden dito

"san kayo pupunta?"na sinagot naman ni Harley

"may date kami bukas!"

"date?"sabay-sabay na tanong nang mga ito

"ah,hindi yun date.pambawi lang yun sa ginawa niya sa painting ko."Nagtaasan naman ang mga kilay nang mga ito sakin.para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.si Mama naman eh,makahulugan yung ngiting binigay sakin.

"may date pala kayo pero bakit hindi manlang nagpapaalam samin nang Mama mo ang lalaking ito?"sabi ni Dad na tinuro pa si Harley

"ah,pasensya na po.ayos lang ba na mag-date kaming dalawa nang anak niyo?"natatawang tanong nito,siguro kasi iniisip nito na hindi na ako teenager para ipagpaalam pa

"good!mabuti naman at nag paalam ka,sige!basta ingatan mo ang anak ko."nag-kamay pa ang dalawa na tipong lalaki sa lalaki,si Nina naman eh pasimpleng bumulong sakin bago umuwi

"ikwento mo samin lahat-lahat pagkatapos nang date niyong dalawa.aabangan namin yan ni Yzhel"kahit-kailan talaga ang chismosa nito

Hindi ko naman ito sinagot at tinulak ko na ito palabas nang gate namin.napabuntong-hininga naman ako nang magbalik sa tamang pag-iisip.bukas ang araw na makakasama ko na naman siya.

kinakabahan ako,hindi ko alam kung anong gagawin ko.grabe,ang hirap pala nang ganito.mas mahirap pa ito sa ex-boyfriend mong makakasama mo ulit pagkatapos nang panlolokong ginawa sayo.

pinikit ko na nga lang ang mata ko para matulog.kinabukasan naman eh,ang aga kong nagising.ewan ko ba!excited yata ako masyado.nanlalamig pa nga yung mga kamay ko.ilang beses pa nga akong pumasok sa Cr,pero hindi naman ako na eerrr..lam niyo na yun!

Alasais ba naman ako nang umaga nagising.eh,ten pa man din yung sinabi niya saking oras.naghalungkat na nga lang ako sa closet ko nang isusuot.wala naman akong mapili.ano ba namang buhay to!pakiramdam ko ngayon lang ako makikipag-date sa buong buhay ko.

Sa inis ko nga eh,bumababa nalang ako para magluto nang breakfast sa kusina.may kanin pa dun na pwede pang gawing sinangag.kaya yun ang niluto ko.inuna ko na nga lang pirituhin yung itlog at sausage para mahati ko at isama sa sinangag pag medyo ok na.

Sakto namang nakapag-luto na ako at nilalapag nalang sa lamesa nang biglang bumungad si Daddy sa salas.nagtataka itong napatingin sakin.

"ang aga mo atang nagising?"

"oo nga po eh.diko rin po alam kung bakit."makahulugan naman itong ngumiti

"maybe it's because of him"

"ako nalang Dad,umupo kana"pag-pipigil ko dito nang makita kong magbabalak itong mag-timpla sana nang kape

"mukhang ibang-iba siya sa dating Harley noon."napansin din pala nito iyon kahit na hindi nito ganong nakahalubilo si Harley "pero alam mo,i like him!hindi dahil sa gusto mo talaga siya at minahal ka rin niya,kundi dahil nakikita kong kayo talaga ang bagay para sa isat-isa"namula naman ako sa sinabi nito

"marami nang nagbago Dad!hindi natin masasabi baka pag-naalala niya ako,wala na yung pag mamahal niya sakin."umiling lang naman ito habang humihigop nang kape

"ang pag-ibig ay pag-ibig!ang tadhana ay tadhana,kung kayo ang para sa isat-isa,gagawa at gagawa nang paraan ang Dyos para kayong dalawa ang magkatuluyan.just like me ang your Mom,hindi man ako ang lalaking minahal niya nang lubos,eto kami ngayon.kami parin ang nagkatuluyan,basta huwag ka lang sumuko na mahalin ang taong mahal mo."niyakap ko naman ito

"thank's Dad!"nagkape lang naman ito,gusto daw kasi nitong makasabay si mama na kumain,kaya ako nalang yung kumain mag-isa

Umakyat nga muna ako sa kwarto pagkatapos kong kumain.maya-maya nalang ako maliligo at mag-uumpisang mag-ayos.nang sumapit naman ang oras kung saan 20 minutes nalang dadating na si Harley,itong si Mama eh,todo ang sermon sakin.

"what's wrong with my outfit?"

"you called it outfit?anak naman,first date mo kay Harley ngayon.after two years bakit ganyan naman yung suot mo?"si Daddy naman eh,napapailing lang din sakin

"ano namang masama dito?disente naman akong tignan."

"wala naman akong sinabing hindi ka disente,pero Odin!wala kana bang damit sa closet mo?gusto mo ba bumili pa ako ngayon para lang sayo!"

"Ma.."pinigilan ko naman ito sa tangkang pag-alis nito "ayos na ako dito,mas gusto ko ang suot ko,sinabi ko naman sa kanyang may gagawin ako,kaya bahala siya kung ayaw niyang makipag-date sa tulad kong simpleng white t-shirt at kupasing maong ang suot."

"tapatin mo nga ako anak!balak mobang magpaka tomboy nalang.kasi diba ganyan minsan yung ayos nang tomboy.medyo maluwag na white t-shirt ang suot,maong na kupas,naka rubber shoes pa at naka cup.inuunti-unti mo ba ang pag ta-transform mo?"

"MA..alam mo ang OA mo!tigilan mo nga ako,basta ito nalang ang isusuot ko,bahala siya sa buhay niya,"


"Odin naman!"pinigilan naman ito ni Daddy

"hayaan mo na siya sweetheart,malaki na ang anak natin.alam na niya ang dapat suutin at hindi."kokontra pa nga sana ito nang makarinig kami nang pag-katok sa pinto,mukhang nandito na si Harley

"ako na ang magbubukas Odin,bumalik ka nalang nang kwarto mo at magbihis ka nang iba."

"ayoko!"matigas kong sabi at ako na ang nagbukas nang pinto.Kahit alam kong si Harley yun,hindi ko parin maiwasang kabahan lalo na nang tuluyan ko nang masilayan ang mukha nito pagbukas ko nang pinto.

"goodmorning!"nakangiting bati nito

Ako naman eh,natulala sa ayos nito.naka shade's ito na black,tapos may cap din na kakulay nang t-shirt nito na kulay blue.yung pants naman nito medyo maluwag nang konti na bumagay talaga sa porma nito.

Ang cool niyang tignan parang ang sarap-sarap yakapin at halikan.nakaimik nga lang ako nang biglang dumamba dito si Memo.palibhasa kasi kilala nito ang dati nitong Amo,kaya ganun nalang kasabik na makita si Harley

"ah,tara nang umalis."mabilis kong kinuha yung bag ko na may lamang sketch pad at pang drawing

"sandali lang!"pigil nito sakin

"bakit?"tumingin muna ito sa mukha ko tapos pababa sa buong katawan ko

"sigurado kabang nakabihis kana?"bigla namang singit ni Mama dito

"yun na nga ang sabi ko diyan eh!"pinatigil ko naman ito sa pag-sasalita

"Ma..kung pwede lang sana!"

"ok!mag-iingat nalang kayong dalawa."sumusukong sabi nito,tinignan ko naman si Harley na mukhang takang-taka sakin

"susuutin ko kung anong gusto ko.kung ayaw mo nang ayos ko,makipag-date ka sa iba kung gusto mo!sinabi ko naman sayo diba,may gagawin ako."pagkatapos,lumabas na ako nang bahay at nilampasan ito,humabol naman ito sakin nang makalabas na ako

"wait!ok,medyo nagulat lang ako,hindi ko kasi akalain na yung tipo mong mukhang alam muna."

"anong alam muna?"taas-kilay kong tanong dito

"sa porma mo kasi parang hindi ikaw yung tipo nang taong mag-susuot nang ganyan sa isang date.kahapon ang ganda mo tapos ngayon."medyo mahina pa yung sinabi nitong iyon pero narinig ko rin naman

sumaya nga ako sa sinabi nitong maganda ako kahapon.atleast diba,napansin niya yung beauty ko.pero nakaramdam din naman ako nang kaba sa karugtong nang sasabihin nito sakin ngayon.

"bakit?ano ba ako ngayon?"

"ah,wala!tara na,ayos na sakin yang suot mo,simple is pretty."pagkatapos bigla nalang ako nitong inakbayan

"sandali nga!yung kamay mo.para ka namang taga kanto kung umakto."tumawa lang naman ito at tinanggal ang pagkaka-akbay sakin

"siguro naman pwede na ito?"tapos hinawakan nito yung kamay ko at hinila na akong maglakad,ang kulit lang sobra!

ano ba namang klaseng date to!wala manlang siyang dalang kotse na magiging sasakyan namin.at eto kaming dalawa ngayon,naka-sakay sa isang bus na kami palang dalawa ang laman.

"hay!inaantok ako.tutulog muna ako hah?!"

"hah?anong sinasabi mong matutulog ka?"ngumiti naman ito sakin at sinandal yung ulo sa balikat ko at pumikit

"gisingin mo nalang ako pag bababa na tayo sa Hidden place."

"hidden place?"ano namang alam ko kung nasaan yun?"

"don't worry!kusang titigil ang sinasakyan nating bus sa lugar na iyon,sige na!antok na antok na talaga ako.ikaw kasi pinuyat mo'ko!"

"anong pinag-sasabi mong?"ah,ok!tinulugan nga ako

Pinag-masdan ko naman ito habang nakapikit na nakaunan sa balikat ko.bigla pa nga itong yumakap sakin na kinabigla at kinabilis nang tibok nang puso ko.nakaka miss pala talaga ang makasama itong muli.

Inangat ko yung isang kamay ko para sana haplusin yung mukha nito nang matigilan ako.dapat ko pabang paasahin ang sarili kong muli niya akong maaalala?dapat paba talaga akong umasang sa bandang huli magiging kami parin dalawa?

mabilis ko tuloy na iniwas yung tingin ko dito at binaba nalang yung kamay kong hahaplos sana sa mukha nito.may mga sumakay namang estudyante sa bus.nag-tinginan pa nga ang mga ito saming dalawa ni Harley.siguro iniisip nilang sobrang PDA naman naming dalawa

"hoy ate!naks naman,mabuti naman at kayo na pala ulit dalawa ni kuya"

nagulat naman ako nang biglang mag-salita yung isang babaeng estudyante na sa harapan namin nakapwesto.tumingin pa nga ko sa may bandang kaliwa ko.nasa kanan kasi kami nakapwesto ni Harley at ito ay nasa tabi nang bintana

"ako ba ang kinakausap mo?"tinuro ko pa yung sarili ko para maka-sure

"oo ate!ikaw nga,hindi mo naba kami natatandaan?"tapos tinuro pa nito yung mga kasama nitong estudyante ding nasa bus

"ah..hindi eh!"

"ay!dapat natandaan mo kami,kami yung mga batang tumulong sayo sa Mcdonald,kami yung nagdala sayo sa ospital.kasi yang si kuya na kasama mo ang nag-utos saming dalhin ka nung nawalan ka nang malay."

"ang daldal mo talaga Nicole!sinabi ni kuya na wag nating sasabihin kay ate.bakit mo sinabi?"sumabat yung isang lalaking kasama nito

"ay.oo nga pala!sorry naman bessy Lance"para namang nag flashback sakin ang lahat nang mga sinasabi nito

Natatandaan ko na.sila yung mga batang maiingay sa Mcdonald.nung time na iyon inakala kong yung lalaking nakabangga ko sa mcdonald ay si harley dahil hindi ko matanggap na namatay na ito sa pag-sabog sa kotse.

pero nung time na iyon ang sabi nang mga ito mukhang abnormal or basta ganun yung nakabangga sakin at hindi si Harley.ibig sabihin lang,totoo palang si Harley yun na inutusan lang yung mga batang mag-sinungaling sakin

"ah,natatandaan ko na kayo.salamat pala sa ginawa niyo"

"ayiie..ayos lang yun ate."palibhasa itong si Nicole nga ba at Lance yung name ang malapit samin nakaupo.sila yung panay daldal sakin habang pangiti-ngiti lang yung ibang mga kasama nito

"nagpakasal na po ba kayong dalawa?"nabigla naman ako sa tanong nung Lance lalo pa at biglang nagising si Harley na takang napatingin sakin

"ah..ano!bababa na pala kami.sige hah!una na kami sa inyo,iinvite ko nalang kayo kung sakali ngang mangyari yung tinatanong mo sakin."gulat na gulat naman si Harley sakin lalo nang hatakin ko na ito palabas nang bus.Ang lakas talaga nang kaba ko nun,muntik nang malaman ni Harley kung sino ako sa kanya.

"ano yung narinig kong sinabi nung batang babae?"

"ah,wala!"umiwas ako nang tingin,hirap pa naman akong mag-sinungaling dito

"ganun ba!teka,"biglang kumunot ang noo nito at nilibot yung paningin sa binabaan namin "bakit dito tayo bumaba?diba sabi ko.."

"ikaw ang may kasalanan,sinabi ko naman sayo diba wala akong alam sa hidden place na sinasabi mo!"kinabahan kasi ako kaya eto hinila ko ito agad pababa nang bus

"sinabi ko din naman sayo na kusang titigil ang bus sa hidden place.bakit bumaba ka agad?ang layo-layo pa natin"medyo inis nitong sabi

"kailangan talaga mainis ka?dapat nga ako yung mainis sayo dahil tinulugan mo'ko!"

"ikaw ang may kasalanan kaya nakatulog ako!"

"at bakit ako?ano bang ginawa ko?"namaywang pa ako sa harapan nito

"anong ginawa mo?"

"oo!anong ginawa ko?"ngumiti naman ito nang nakakaloko,sabay hapit sa bewang ko na kinasubsob ko sa dibdib nito

"your.."nakakakiliti yung mainit niyang hininga sa tenga ko sa ginawang pagbulong nito

"ano na?"ang tagal-tagal nitong sabihin,nag-wawala na yung puso ko sa sobrang paglalapit naming dalawa

"your ki.."binitin na naman nito yung sinasabi pagkatapos bigla nalang nitong sinapo yung mukha ko

at bago pa ako makaiwas sa gagawin nito.nahalikan na niya ako.saglit lang yung halik na yun,pero sapat na para manginig yung tuhod ko.

"your kiss making me crazy!"pagkatapos bigla nalang ako nitong hinila para makapaglakad kami

grabeh!iba talaga ang epekto nang isang Harley sa buhay ko.nakakalunod nang puso,

>>>>>>>>>>>TO BE CONTINUED<<<<<<<<<<<

Continue Reading

You'll Also Like

804K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
113K 6.4K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
182K 4.2K 14
Cognac-Mateo Abarde—ang binatang umiikot ang buhay sa sports at pagkahilig sa kompitisyon. Pilipino-Pakistan, ipinanganak sa Spain pero mas gustong t...