PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by...

By AthenaAdamas

105K 1.2K 65

si Kulas ay mahirap at si Amanda naman ang mayaman.. aso't pusa nung una at naging magpakners na nung huli at... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46

Chapter 42

1.1K 13 0
By AthenaAdamas

CHAPTER 42
Nangtreat na nga si Aldrin sa mga kaibigan nila sa chowking bilang selebrasyon na rin dahil nagbati na rin sila ni Anna at tinanggap na rin nito kahit hindi tuna yang singsing..
Matapos nilang kumain sa canteen, kanya kanya na rin silang uwi at sabay na ngang umuwi si Kulas at Amatz..
Habang naglalakad ang dalawa, napadighay si kulas..

“groorwkkk!!” ang lakas ng pagkadighay ni Kulas na ikinairita ni amtaz

“pakner ang baboy mo naman!! Kadiri ka.. kung di utot, dighay naman…ayan ang takaw mo kasi..” ang sabi ni amatz habang nag aabang sila ng masasakyan..

“Pero parang di pa ko satisfied.. parang gusto ko pang mag fishball” ang sabi ni Kulas ng Makita niya ang fishball-an..

“Ano?? Ang tindi mo, napadighay ka na nga di ka pa satisfied dyan.. pero infairness namiss ko din ang fishball, sige tara kain muna tayo..” ang sabi ni Amatz..

Pumunta na nga sila sa fishball-an, tumawid sa kabilang kalsada.. atsaka nagbayad muna sila, nang itutusok na nila ang fishball, biglang nakarinig sila ng sipol ng isang pulis, bawal pala doon magtinda ng fishball, kaya ang tindero ay bigla niyang pinaandar ang kariton..

“Wahh tekkaa!! Di pa kami nakakatusok ng fishball.. “” ang sigaw ni Kulas at nagtatakbo para habulin ang tindero..

“wahhh fishball naminnnnn!!’ ang habol din ni Amatz..

Habang nagtatakbo ang tindero, nagtatakbo din sila Amatz habang tumutusok ng fishball at kumakain…

Nang matapos na sila sa pagtusok at pagkain ay tumigil na rin sila sa pagtatakbo at nagtinginan sila habang nginunguya nila ang fishball, bigla rin silang nagtawanan..

Pero ang tindero patuloy pa din sa pagtakbo at humahabol pa din ang pulis sa tinderong iyon..

“Hahaha! Ang saya nun pakner ah!! Challenge iyong pagtusok! Haha!” ang sabi ni Kulas

“Pero mas magaling ako kesa sa iyo, ang bilis kong natusok lahat yung anim na fishball na iyon at mas mabilis akong tumakbo kesa sa iyo hehehe!!” ang pagyayabang ni Amatz..

“hahaha!! Ang kulit nga ng takbo mo eh.. biruin mo hinubad mo ang sapatos mo mahabol mo lang ang tindero hahaha!! Nagkandalaglag na nga ang sawsawan eh.. heheh” ang sabi ni Kulas

Patuloy pa din ang tawanan nila dahil sa nakakatawang itsura nila hanggang sa natahimik si Kulas..

“Oh bakit ka naman natahimik dyan” ang sabi ni Amatz..

“ kasi naisip ko lang.. na napakaswerte ko dahil meron akong pakner na katulad mo.. simple kahit na alam kong mayaman ka.. balahurang babae hahah! Pero malinis ang kalooban..” ang pagdadrama ni Kulas

“ano ba yan kulas ang drama mo.. ako din naman eh.. maswerte.. kasi kahit na maingay ka, malakas kang dumighay at tumawa, alam kong mabuti kang tao” ang sabi ni Amatz..

“teka sobrang nabusog ako sa pinagggawa natin.. nauutot na ko…” ang sabi ni Kulas na pinipigil ang kanyang sarili sa pag utot

“kahit kelan ka talaga ang baboy mo.. dyan ka na nga..” ang sabi ni Amatz at nagsimula na itong maglakad muli..

“Pakner, kung isa kang utot, pipigilan ko to because I don’t want to lose you..hihihi” ang banat ni Kulas

“ang baho mo magkumpara ah..pero sige pwede na.. tara hatid mo na ko..” ang sabi ni Amatz..
At nang may Makita silang jeep at dahil sa puno ito… sumabit na lamang silang dalawa.. kahit na babae si Amatz eh trip nitong sumasabit sa sasakyan dahil nais niyang maranasan..
Hinatid na nga ni Kulas si Amatz ngunit niyaya pa nito na pumasok muna at tumambay saglit…

“hindi ka pa naman nakakapasok sa bahay namin.. tara pasok ka para Makita mo naman ang loob” ang sabi ni Amatz..

At pagpasok nila sinalubong naman sila ng nanay ni Amatz..

“Good Eve po mommy sensiya na ginabi kami.. kumain na kasi kami sa chowking eh.. syangapala si Kulas, pakner ko yan and my bestfriend” ang sabi ni Amatz..

“ah oo, nakilala ko na sya..ammpf!” ang nadulas na sabi ni Rowenalyn.

“Po? Magkakilala na kayo? Kelan? Saan? At paano?” ang pagtatakang sabi ni Amatz..

‘ah eh.. sa ano sa….---“ ang nauutal at nag iisip na si Rowenalyn..

Nanatiling tahimik lang si kulas at kinakabahan at wala ring maisip na palusot..

Biglang sumingit si yaya.. hi mr. poging tobero!! 

Biglang tinakpan ni rowenalyn ang bibig ni yaya..

“ahhh.. heheh!! Oo anak, naalala mo sa acquaintance party niyo, pumunta siya dito at doon ang una naming pagkikita..” ang sabi ni Rowenalyn..

“ayy oo nga, don ko una nameet ang mama mo’ ang sabi ni Kulas

“teka ma’am bakit niyo ba tinatakpan ang bibig ko ah.. inaano ko ba kayo dyan ah!!” ang iritableng sabi ni yaya..

“mabaho kasi hininga mo, doon ka na sa kusina’t magluto ka at di iyong nakikisali ka dito..” ang sabi ni rowenalyn..

“ay oo nga pala, ikaw nga pala ang date ko..” ang naniwalang si Amatz..

“maupo ka muna kulas, gusto mo ba ng maiinom?” ang pag aalok ni Rowenalyn..

“maiwan ko po muna kayo’t aakyat muna ko sa taas, magbibihis lang po ako dahil napawisan ata ko sa kakatakbo naming ni Kulas..” ang sabi ni Amatz..

Pag akyat ni Amatz, sinilip muna ni Rowenalyn kung nakapasok na ito sa kwarto saka binalingan si Kulas..

“Kulas, dalawang buwan ka di nagpapakita sa akin at hindi mo pa kinukuha ang sahod mo sa akin..” ang sabi ni Rowenalyn..

“ahmm Ma’am Rowenalyn, gusto ko po sanang sabihin sa inyo na, kumakalas na po ako sa pagiging secret bodyguard ni Amanda.. napamahal na po sa akin si Amatz at ayaw ko pong may perang involve sa aming pagkakaibigan..” ang tanging tugon ni Kulas..

At di nila namalayang lumabas na si Amatz sa kwarto dahil nakalimutan pala niya sa baba ang bag niya, kukunin niya sana ito’t babalik din sa kwarto agad.. ngunit tanging ang sagot lamang ng mommy niya ang narinig nya.
“ I got your point, sige na tanggapin mo na tong perang to at sinisiguro kong ito na ang huli mong pagiging secret body guard ni Amatz.. salamat sa pagbabantay sa kanya..” ang sabi ni Rowenalyn..
Aktong tatanggapin na ni Kula sang pera dahil nagpupumilit ang nanay ni Amatz at doon nag react si Amatz..

“paano mo to nagawa sa akin Kulas?? How dare you!!.. I thought.. you thought.. ahmm( nauutal at hirap na mag English na si Amatz kaya ang nasabi na lang niya..) utot ka!! ang baho ng pagkatao mo! “ at biglang nagkulong ito sa kwarto..

“let me sexplain este explain!!” ang tanging tugon ni Kulas ngunit hindi na ito pinansin ni Amatz..

Continue Reading

You'll Also Like

698K 8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!