Chapter 39

1.1K 10 1
                                    

CHAPTER 39:

Ang nakaraan:


“Hindi iyon guyz! Nalulugi na ang kumpanya nila, dahil nga konti na ang bumibili ng Royal Softdrinks, kelangan ntin siang suportahan at tulungan, nahihiya sia iinform kayo bka kasi magbago tingin ninyo, kaya napapansin nio iba na sia manamit at wala na rin siang car..” ang sabi ni Amanda..

“bakit di nia sinasabi, eh di naman namin sia kinaibigan dahil sa pera nia eh, anu’t ano pa man sia, kaibigan pa rin natin sia..” ang sabi ni Rich

“kaya nga eh, yon din naman explain ni Kulas sa kanya, kay kulas lang sia nagShare ng problem niya, kaya may naisip ako guyz para makatulong tayo kay Lani.” Ang sabi ni Amanda..

At pinag usapan na ng mga kaibigan nila kng anong tulong ang gagawin nila para kay Lani, bilang isang mga tunay at totooong kaibigan na nagdadamayan..

….

Nagkaroon na rin ng plano ang magkakaibigan kung anong tulong ang magagawa nila para kay Lani..

Kinabukasan..
Sinundo ni Amatz si Lani sa kanilang tahanan..
“Lani, kelangan mong pumasok na ulit.. namimiss ka na namin eh.. “ ang sabi ni Amatz

“Pero Amatz, palugi na ang kumpanya namin.. ni pamasahe nga wala na ako.. hhuhuhu!! Wala na kaming choper! Hhuhu!!” ang iyak ni Lani

“hayaan mo na iyon, kaya nga sinundo kita eh kasi may surpresa ako sa iyo!!” ang sabi ni Amatz, umalis sya saglit at kinuha ang paper bag sa loob ng kotse pero bago man siya bumalik kina Lani eh nagbukas ang bintana ng kotse at nagsalita si Kulas
“matatagalan pa ba ang panunuyo mo kay Lani? Naiinip na ako ah!..nanaginip na ko’t lahat lahat di mo pa siya makumbinsi! Marami na kong isusulat kay Madam Athena Adamas para iinterpret niya panaginip ko” ang sabi ni Kulas

“Ang dami mong reklamo, nag aantay ka nga lang dyan nagrereklamo ka pa..wait ka lang ok?” ang sabi ni Amatz at bumalik na ito sa bahay nila Lani dala dala ang paper bag..

“Lani ito ang surprise ko sa iyo!!” ang sabi ni Amatz at nilabas ang gown na parang pang Cinderella di man sing ganda ng mga gown dati na sinusuot ni Lani pag pumapasok pero sobra nito naappreciate ang effort ni Amatz..

“Maraming salamat Amanda,” ang maluha luhang sabi ni Lani, at napangiti ito’t pahabol pang sinabing “May matataguan na uli si Fifi..hehehe”
Nagkatawanan na silang magkaibigan..

“dali na suotin mo na’t malilate na tayo sa school at inaantay ka na ni Chopper sa labas..” ang sabi ni Amatz

“May Chopper ka pang dinala Amatz?” ang gulat na pagkasabi ni Lani

“hmmmm medyo ganun na nga,” ang sabi ni Amatz

Nagmadali na ngang magbihis si Lani at atat na atat na muli itong pumasok sa eskwelahan nila..


“Hayan, bumalik na uli ang dati mong ganda..yehey!! “ ang sabi ni Amatz ng mamangha ito sa ganda ni Lani ng masuot niya ang gown na binigay nia..

“Tara pasok na tayo sa school, inaantay na tayo ng chopper mo sa labas hehe” ang sabi ni Lani

“Malamang, naghuhuromintado na naman yon!” agn sabi ni Amatz

Paglabas, nagulat si Lani dahil ang kotse naman ang nakita niya’t hindi helicopter

“akala ko ba Chopper?”

“oo iyong nasa loob na kasama natin, dating Chopper ng baboy sa palengke! Tara na, malilate na tayo!” ang sabi ni Amatz

“Ang tagal niyo ah!! Naiinip na ko, bilisan niyo nga, nagbubulong bulongan pa kayo dyan!” ang sabi ni Kulas

Natawa na lamang si Lani at sumakay na rin ng kotse ni Amatz, siempre si Amatz ang nagmaneho.. hehehe..

Pagdating sa eskwelahan..

Aakma ng bababa si Lani pero pinigilan ito ni Kulas at Amatz dahil may isa pa pala silang surpresa, pagbaba ni Kulas, inilatag na rin niya ang Red Carpet..

Lalo ng napaluha si Lani dahil naalala niya ang dati niyang buhay nung di pa sila nag hirap..

“salamat kulas, salamat Amatz sa effort niyo!” ang sabi ni Lani

“Wala iyon! At hindi pa naman yang ang surpresa namin.. Marami pa, mag antay ka lang.. ano pa’t kaibigan mo kami siempre gusto naming pasiyahin ka..” ang sabi ni Amatz

“At ako muna ngayon ang body guard mo, basta sa likod mo lang ako parati.. pag may sumapak sa iyo, saluhin mo, kasi sa likod mo pa rin ako.. hihihi! Joke!” ang pabirong sabi ni Kulas

“siraulo ka tlga!” agn sabi ni Lani at nagtawanan na silang tatlo..

Pagpasok sa gate, namangha na silang lahat dahil bumalik ang dating Lani na una nilang nakilala.. Nagsitakbuhan ang mga sisterret sa pananabik kay Lani

“sisterrette! Namiss kita ah!! Wag ka ng aabsent ah, wag mo na uulitin iyon!” ang sabi ni thinkerbell

At lumapit bigla si fifi at parang naglalambing sa paanan ni Lani..

“sisterret mukhang namiss niya ang bahay niya sa ilalim ng palda mo! Hahaha!” ang sabi ni Anna at nagtawanan ang lahat..

Nagulat si Lani nang Makita niya na ang lahat sa unibersidad doon ay umiinom ng Royal Softdrinks..

“Paree, lashing na ko, ayaw ko na!” ang sabi ng isang estudyante!

“Pare, tagay pa!! dami pang bote oh! Nakakadalawang case pa lang tayo !!” ang sabi ng isa pang estudyante!

Pinagbabatukan ni Carmilo ang dalawang estudyante! “Hoy, mga baliw!! Kelan pa nakakalashing yang Royal Softdrinks ah!! Ang sabi ni Carmilo

“Tol, naman, umaarte lang eh, kasi kanina pa kami umiinom, kelan ba pwedeng mamahinga?” ang sabi ng isa pang estudyante!

Nagkatawanan ang lahat ..

“Bakit lahat ng estudyante umiinom ng Royal?” ang sabi ni Lani

“Isa yan sa surpresa naming sa yo! Para kahit papaano, kahit konti eh masalba naming ang kumpanya niyo!” ang sabi ni Ryel

“my Royal blood na nga din ako eh, kasi feeling ko Royal softdrinks na dumadaloy sa dugo ko hehehe!!” ang pabirong sabi ni Aldrin..

Maya maya pumunta na rin sila sa Classroom habang si Amatz ay dumaan muna sa CR.. dumating na rin si Ms. Lenie sa classroom,

“Natuwa naman ako’t andito ka na Lani, tingnan mo naman ang ginawa ng mga barkada mo para lang makabalik kang muli sa eskwelahang ito, kaya naman sinuportahan ko sila at kinumbinsi ang lahat na tulungan ka, kaya pati mga professor eh umiinom na rin ng Royal.. hehe! Dahil sa kabaitan ninyong lahat, may plus 10 kayong lahat sa quiz!!” ang sabi ni Ms. Lenie

“yeheeyy!! Ang saya! Mas lalong masaya kung ang quiz eh hanggang 10 lang din, haha! Para kahit di na namin sagutan eh perfect na kami hehe” ang pabirong sabi ni Bernadette..

Habang nagkakasiyahan ang lahat, nakamasid pala si Nisei,

“Ano na namang kahibangan ang ginagwa nila, bakit maraming umiinom ng Royal ngayon? Hmmmm at bakit masyado atang concern ito si Ms. Leni sa mga estudyanteng ito, masyado niya atang iniispoiled, kung ikaw kaya ang gawan ko ng problema para makaalis ka sa eskwelahang ito, tiyak wala ng kakampi ang mga estudyanteng to!!” ang sabi ni Nisei na mahina lamang..

Nagulat ito nang, biglang may nagsalita sa likuran niya “ Hindi ka magwawagi! “ ang pabulong ni Amatz sa tenga ni Nisei na halatang kagagaling lang sa CR..

“nagulat ba kita? Hindi ka kasi nagpasintabi bago ka pumunta sa teritoryo namin! Baka manuno ka! Ikaw rin, bumaliktad ang ilong mo!” ang sabi ni Amatz sabay pasok sa classroom pero di pa man nakaka ilang Segundo bumalik muli ito!!

“Teka nakalimutan ko palang sabihin, may muta ka, (ang sabi ni Amatz pero sa ilong ito tumuro at hindi sa mata)” ang pahabol ni Amatz

Sa tense eh hindi na naanalyze mabuti ni Nisei ang sinabi ni Amatz kaya napahwak ito sa ilong..

“No wonder kung bakit ganyan ka, hindi ka dapat pinapatulan dahil di tayo magkalevel! Minsan gamit gamitin mo ang utak mo ah! Nakakahiya ka!” ang sabi ni Amatz sabay layas!

Nanggigilaiti sa galit si Nisei at dali daling lumayas!

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن