Chapter 38

1.1K 11 1
                                    

CHAPTER 38:

Hindi pinansin ni Red ang pangungulit ni amatz, halatang iniiwasan na nia ito at wala na siang pakelam kaya tinalikuran nia ito..
Pinigilan naman sya bigla ni Amatz
“Red, ano ba kasi ang gusto mong mangyari? Kung gusto mo akong saktan wag mong idamay ang kaibigan ko..” ang sabi naman ni Amatz

“Kaibigan?, wag mo nga akong lokohin amanda, alam ko na ang lahat, sia ang ex mo diba? Nakilala kita na brokenhearted ka, hindi ba’t sia ang dahilan kung bakit kumakanta kanta ka nung una kitang nakilala sa library room.. hindi ba’t sia ang dahilan kung bakit umiiyak ka nang Makita kitang nakasandal sa pader sa may corridor? Ngayong nagkabalikan kayo, at nagkaroon ng gantong eskandalo ako na ang pinag bibintangan mo? Mahal kita Amanda kaya mas pinili kong lumayo na lang at magbulagbulagan sa mga panloloko sayo ni Kulas” ang sabi ni Red

Narinig yon ng buong barkada ni Amanda at kulas at nanatiling tahimik lang sila at di nangealam..

“Alam mo Red, ikaw rin ang nagpapatay sa sarili mo dahil sa matinding selos at pagiging Tamang hinala.. wala kaming relasyon ni Kulas, yan ang hirap sayo eh, masyado kang nagpapaniwala sa mga nakikita’t naririnig mo, hindi mo muna kasi itanong sa akin bago ka kaagad nagconclude! Inaamin kong naging crush kita noon Red, pero hindi na ngayon dahil ikaw na mismo ang naglayo sa sarili mo sa akin..Pero di ko hahayaang saktan mo ang sinoman sa mga mahal ko sa buhay..kaya di ko matatanggap ang ginawa ninyo kay Kulas!” ang sabi ni Amanda

“mapapagbagsak din kita man of steel!! Tandaan mo yan!!” ang hirit naman ni Kulas at di napigilang napautot ito..

“hmm ang baho naman kulas ano ba yan tara na nga!! “ ang sabi ng mga barkada nila amatz at kulas
Sa sobrang tagal na di nagpopooo si kulas, ay sobrang baho na pala ng utot nia, na siyang ikinahilo ni Red na hindi sanay sa mababaho kaya bumagsak ito..

“awww, di pa tumatagal ng ilang minuto naibagsak na kita heheh! Effortless ah! Galing ko talaga!” ang sabi ni Kulas

“tara na kulas! Iwan na natin yan!” ang sabi ni Amanda..

Habang naglalakad sila..

“hindi kaya si Nisei ang may gawa nun? Parang hindi naman si Red eh..”ang sabi ni thinkerbell

“Parang nga, kasi diba sia naman ang nagbabanta parati kay Amanda na gaganti sia dahil di rin nia tlga matanggap pagkatalo nia tapos ngaun nalaman pa nia na ang babaeng mahal ng kuya nia eh kinakainisan nia?” ang sabi naman ni Anna
“Maaaring si Nisei nga, baka nga wala tlgang kinalaman si Red..” ang sabi ni Amanda

“tara na, malilate na tayo! Saka na nating alamin yan! Kakastress lang, masisira lang beauty natin!” ang sabi ni Lani

“oo nga pumasok na tayo, bago pa tayo bumagsak lahat sa klase, andito pa tayo lahat sa labas! Nag uumpisa na klase natin tiyak minus 10 na naman tayo kay Ma’am Lenie!” ang sabi ni Carmilo

Kinabukasan…

sa bahay nila Red, habang nag aalmusal..

“Nisei! Ikaw ba ang may kagagawan ng pagkakalat ng picture ni Kulas?” ang sabi ni Red

“hahaha! Nagustuhan mo ba ang ginawa ko kuya?” ang sabi ni Nisei

“Nisei!! Hindi tayo pinalaki para manira lang ng kapwa natin! Nisei, gaano ako kagalit kay Amanda, hinding hindi ko magagawang saktan sia! Alam mong mahal ko siya!” ang sabi ni Red

“bakit, si Amanda ba ang sinaktan ko? Ang lalakeng iyon naman ang ginantihan ko ah? Hindi ba’t sia ang dahilan kung bakit di ka makadiskarte kay Amanda? Saka kuya, ikaw nga ang kumuha ng mga litratong iyon eh, hindi naman ako, at bakit mo kinuha ang mga litratong iyon kung wala ka ring planong ipakita iyon balang araw? Hindi ba? Pinaaga ko lang!” ang sabi ni Nisei..

“oo inaamin ko ako nga ang kumuha ng mga iyon pero nagbago na isip ko, plano ko sana ipakita iyon kay Amanda, pero nakita kong masaya na sya, ayaw ko namang Makita siyang nasasaktan pag pinakita ko pa iyon! Tigilan mo na ang kahibangang ito Nisei! Aminin mo ang kasalanan mo at humingi ka na ng tawad, malapit na tau umalis sa eskwelahang iyon tapos iiwan ka pa ng record!” ang sabi ni Red

“Hindi ako hihingi ng tawad, di pa ko sira pra gawin yon! Kung ayaw mong gumanti sa ginawa nila sayo, pwes! Gaganti ako sa ginawa ng Amanda na iyon sa pagkatalo ko sa beauty pageant na iyon!” ang sabi ni Nisei saka tumayo at umalis na para pumasok..

Lumipas ang ilang araw, mahina ang ebidensia nila para mapatunayang si Nisei nga ang may kagagawan ng eskandalong iyon, sa paglipas din ng araw, hindi na rin nakikita si Lani sa eskwelahan..

Sa may canteen , andun ang grupong sisterets at si Amanda

“guyz, napapansin niyo ba na napapadalas ang pag absent ni Lani?” ang sabi ni Thinkerbell

“oo nga noh, bakit kaya?” ang sabi naman ni Anna

“May problema siya guyz! I think this is the right time to tell all of you about whats happening to lani” ang sabi ni Amanda

“ano iyon? Don’t tell me totoong buntis nga sia kay Kulas?” ang sabi ni Bernadette

“Hindi iyon guyz! Nalulugi na ang kumpanya nila, dahil nga konti na ang bumibili ng Royal Softdrinks, kelangan ntin siang suportahan at tulungan, nahihiya sia iinform kayo bka kasi magbago tingin ninyo, kaya napapansin nio iba na sia manamit at wala na rin siang car..” ang sabi ni Amanda..

“bakit di nia sinasabi, eh di naman namin sia kinaibigan dahil sa pera nia eh, anu’t ano pa man sia, kaibigan pa rin natin sia..” ang sabi ni Rich

“kaya nga eh, yon din naman explain ni Kulas sa kanya, kay kulas lang sia naghare ng problem niya, kaya may naisip ako guyz para makatulong tayo kay Lani.” Ang sabi ni Amanda..

At pinag usapan na ng mga kaibigan nila kng anong tulong ang gagawin nila para kay Lani, bilang isang mga tunay at totooong kaibigan na nagdadamayan..

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now