Chapter 20

1.7K 22 0
                                    

CHAPTER 20

Itinulak ni Red Eye si Daisy sa sobrang pagkapikon nito dahil di niya matanggap na matatalo lamang siya ng bata.

Sa Pagtulak na iyon ay buti na lamang nasalo ni Kulas Si Daisy..

“Hoy! Red Eye! Sa ginawa mo, gusto kitang ibitin patiwarik

At saka babalatan kita at ilulublob na may kalamansi at putik!

Porket tinalo ka lang ng kapatid ko, kahit ito pa’y may pagka-saltik!

Sa pagiging pikunin mo ako’y talaga namang napapa ampekpek!

Wag marumi ang utak, hindi iyon bastos tangek!

Kumbaga sa English ang shortcut ng tawa ay LOL, sa ilokano ay PEK

Humarap kami ng maayos at Lumaban kami ng patas!

Tapos ito pa ang inyong ipinamalas!

Bawal ang pikon dito, yan ang isa sa mga batas!

Kung talagang nais nyong subukan ang amign lakas!

Haharap kami at lalaban hanggang wakas!

Tandaan ninyo, humarap kami sa inyo bilang tao

Pero asal hayop naman ang ipinakita ninyo

Walang sinumang pwedeng manakit sa kapatid ko

Dahil sa akin kayo mananagot at maniningil ako!

Naging totoo kami sa inyo!

Kumbaga sa English translation I FACT You! “ ang malufet na banat ni Kulas dahil sa ginawang pagtulak ni Red Eye sa kanya..

“wow lufet mo pakner! Di ko akalaing makata ka pala ah!! Isang appear nga dyan!” ang sabi ni Amatz

“Kuya, manang mana nga ako talaga sa iyo! Kuya nga kita! Heheh! Labyu kuya!!” ang sabi ni Daisy..

“Hindi maganda ang Fliptop dito, porket dumayo kami pinaboran ninyo ang babaeng ito porket taga rito siya! Hindi tama iyon, marami na akong napanalunang laban tapos matatalo lagn ako ng bata.!!! Mga kasama, banatan niyo sila“ agn sabi ni Red Eye

Nagkagulo na nga at nag alisan na ang iilang mga manonood..

Lumaban din naman sina Kulas, Amatz at Daisy…

Sumakay sa likod si Daisy at pinagkakagat ang tenga ni Red Eye

Habang si Kulas at Amatz ay may kanya kanya rin silang kinalaban..

Napatumba din naman nila ang kalaban hanggang sa may sumugod pang isang lalakeng kasama ni Red Eye kina kulas at Amatz

Nag agawan naman si Amatz at kulas sa nag iisang kalaban..

“Ako na babanat dito.. “ ang sabi ni Kulas

“Hindi ako na pakner..” ang sabi naman ni Amatz

“Ako na sabi eh… kaya ko na to.. “ ang sabi ni Kulas

“Hindi ako na, yakang yaka ko na to..” agn sabi ni Amatz

Naulit ulit ang ganong eksena hanggang sa napikon na rin si Kulas…

“Sige iyo na! para kalaban lang eh.. saksak mo sa baga mo..” ang pagtulak ni Kulas sa kalaban papunta kay Amatz

“Nagtatampo ka na niyan ah? Kalalake mong tao matampuhin, sige na nga, iyo na..” ang pagtulak naman ni Amatz sa kalaban papunta kay kulas

Naulit din ang ganung eksena.. hanggang sa mismong ang kalaban na ang bumigay at nahilo saka bumagsak sa lupa..

"hayan nahimatay tuloy ang kalaban, sabi ko sa iyo ako na eh!" ang sabi ni Kulas

Maya maya dumating ang mga Pulis..

Hinuli sina Amanda, Kulas at Daisy..

“Teka hindi kami ang nanguna, sila, bakit kami ang huhulihin ninyo?” ang sabi ni Amanda

“sa Presinto na kayo magpaliwanag!” ang sabi ng Pulis

“Bakit ba kelangan laging sa presinto magpaliwanag ? wala ba kayong utak para intindihin ang paliwanag naming at yung mga nandoon lang ang nakakaintindi ah??” ang inis na sagot ni Kulas

“Aba sumasagot ka pa ah! Pilosopo kang bata ka?Teka? parang ikaw na iyong nakulong dati kasi nagnakaw ka!” ang sabi ng Pulis

“hindi ako nagnakaw! Ampf! Tanong mo pa dyan sa babaeng iyan.. frame up iyon!” ang paliwanag ni Kulas

“Ah basta doon na kayo magpaliwanag, huhulihin din namin sila… lahat kayo may kasalanan dahil nanggugulo kayo dito..’ sabi ng Pulis

“Teka, Kulas ano to? Paano pa ko makakaabot sa beauty contest ko??” ang sabi ni Amanda

“mamang pulis, ako na lang po ang hulihin ninyo, pakawalan na ninyo tong babaeng to dahil may beauty contest pa yan.. “ ang sabi ng Pulis

“Mga palusot ninyo! Luma na iyan! Hala sige na! sumakay na kayo sa kotse! “ ang sabi ng Pulis

“Teka ako po di po pwedeng ikulong kasi minor de edad pa ko..” ang sabi ni Daisy

“Sumama ka na rin! Doon na natin yan pag usapan lahat sa presinto!” ang sabi ng Pulis

Sa kabilang Banda..

“Sige na lani, umpisahan mo na ang ibinulong mo sa akin, since wala na talaga tayong choice! Kelangan nating aliwin ang mga estudyante!” agn sabi ni Lenie

“Sige mam, kakausapin ko na rin ang mga sisteret..” ang sabi ni Lani..

Maya maya lamang ay nakatanggap ng tawag si Red kaya dali dali itong pumunta kay Leni

“Ma’am Lenie, I received call from Amanda, she told me that she need our help..” ang sabi ni Red

“Nasaan ba siya?” ang sabi ni Lenie

“Nasa presinto daw sila..” ang sabi ni Red..

“ok sige, tara na samahan mo ko at puntahan natin sila..” ang sabi ni Lenie

Sa kabilang banda..

“Guys aalis na muna ako, uuwi na muna kami ni Ryel” ang sabi ni Bernadette..

“Mamaya ka na umuwi Bernadette, may gagawin pa tayo.. “ ang sabi ni Lani

“Ano iyon?” ang tanong ni Bernadette

“kelangan nating aliwin ang mga estudyante para hindi sila mainip sa kakaantay ng beauty contest” ang sabi ni Lani..

“So ano ang gagawin natin?” ang sabi ni Rich

“uhmmm kakain ba tayo ng apoy?” ang sabi ni Thinkerbell

“o di naman kaya kakain tayo ng buhay na manok?” ang sabi naman ni Anna

“Hay naku puro kayo kalokohan, hindi yon..” ang sabi ni Lani

“eh ano nga!!!” ang sabay sabay na sabi ng mga sisterettes!

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now