Chapter 34

1.5K 18 0
                                    

CHAPTER 34:

Kinabukasan…

“oi, pare! Mukhang bihis na bihis ka ah!! Saan ang lakad?” ang sabi ni Carmilo habang kumakain ng fishball sa kanto nila nang Makita itong si Aldrin na nakapostura..

“Bibili lang ako ng singsing pare!! Magpopropose na ko kay Anna, ipagdasal mong aayon ang mga planeta at buwan sa akin ngayon para kahit anong sabihin ng manghuhula eh tatanggapin ni Anna” ang sabi ni Aldrin..

Maya maya, biglang nag ring ang phone ni Aldrin, di pa man sila natatapos mag usap ni Carmilo…

“Aldrin, si anna to, I know we’re still not ok dahil sa nangyari.. sorry pero alam kong magagalit ka na naman sa sabihin ko dahil alam kong di ka naniniwala sa mga hula hula.. pero nakausap ko kasi si Athena Adamas, iyong dream reader.. actually di naman sia manghuhula pero napanaginipan kasi kita at inask ko sia kung ano ibig sabhin ng panaginip ko.. Aldrin, isang babala ang panaginip ko kaya mag ingat ka, kung maaari wag kang umalis ngayon..” ang sabi ni Anna sa kabilang linya..

“tumawag ka para don lang, sige salamat sa paalala.. bye..” ang bukod tanging sabi lamang ni Aldrin.

“Oh pare, mukhang nagbago mood mo ah? Sino ba kausap mo?” ang sabi ni Carmilo

“Pare si Anna, wag daw akong umalis dahil may mangyayaring masama daw sa akin dhail nakausap nia ang dream reader na kakilala niya.. pare ano ba gagawin ko dito kay Anna..” ang sabi ni Aldrin..

“haha! Pare gawin mo ang lahat at patunayang mali ang mga haka haka niya at patunayan mong walang pwedeng humadlang sa pagmamahal mo.. ok pare!! Goodluck!! Ingat ka ah.” Ang sabi ni CArmilo..

“Tama ka pare! Sige pare! Salamat sa advice!! Alis na ko..” ang sabi ni Aldrin..

“Pare! Wala bang kiss??” ang sabi naman ni Carmilo

“wala pare! Iloveyou na lang! hahaha!” ang pabirong sabi ni Aldrin..

“sige pare! Iloveyou too!! Hahaha!” ang pabirong ganti ni Carmilo…

“boss, bading po kayo? Jowa po ninyo? Ang sweet nio naman, ang swerte naman nia sau.. sana ako na lang sia..” ang sabi ng tindero ng fishball, isa palang bading

Nasuka bigla si Carmilo at biglang umalis..

“Teka boss, what happened to u, don’t tell me nabuntis ka na niya.. sayang nman, bakit ngayon ka lang.. dumating sa buhay ko!” ang sabi muli ng bading na tindero na napakanta dahil sa kabiguan..

Sa kabilang banda..

*gusto kong marinig boses ni dette, matagal tagal na rin kaming walang kibuan.. di ko alam paano kami mag uusap muli, di ko alam paano ako magsisimula. Teka, tawagan ko nga sia sa pay phone, atleast doon maririnig ko boses nia kahit saglit, at di nia makikilala kung sino ako..” ang sabi ni Ryel sa isip nia..

Nagdial na si Ryel nang biglang may kakaibang sumagot sa pay phone.. “The number you dialled is not a number, please try again. If you know the password, dial it now!” ang sabi ng operator,

naweirduhan bigla si Ryel,..

nawindang..

natulala..

“kakaibang payphone, may operator pa, hindi daw number denial ko eh anong tawag dito, number naman to ah? Adik! May password pa.. ang sabi ni Ryel sa isip nia..

Sinubukan uling ihulog ni Ryel ang kanyang limang piso para makatawag uli..ngunit ganon pa rin ang sinasabi ng operator..

Sa di kalayuan.. ay may pulubing naka shades pa, pero butas naman ang isa.. at naninigarilyo na napakatikas ng kanyang tindig na akala mo’y sia ang may ari ng buong lugar na iyon… napansin niyang nahihirapan si Ryel dumial at di kabisado ang kakaibang payphone kung kaya’t nilapitan nia ito..

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now