Chapter 27

1.6K 16 0
                                    

Chapter 27:

Habang ang lahat ay busy sa picture taking with Amanda at mga sisterets, ang mga boylets naman na sina Carmilo, Aldrin at Kulas ay nagkakwentuhan…

“Pare! Ayus ang chicks mo ah ! nanalo! ” ang pabirong sabi ni Carmilo

“Siempre si Amanda pa..hehehe!” ang sabi naman ni Kulas

“so dapat magcelebrate na tayo niyan, double celebration na rin para sa pagkapanalo ni Amanda, at sa pagbabati ninyong dalawa!” ang sabi naman ni Aldrin

“oo ba, saan ninyo gusto?” ang sabi ni Kulas

Andun pala si Red na narinig ang kanilang pag uusap at namisinterpret nito na may relasyon na uli or nagkabalikan si Kulas at Amanda gaya ng kanyang pagkakaintindi..

Pagkainom niya ng alak ay bigla nitong binagsak ang baso ng malakas at nagulat naman sina Kulas

“Oh pre, dahan dahan! May bukas pa, wag mo ubusin ang alak..magtira ka naman para sa amin.. “ ang pabirong sabi ni Kulas

Hindi na nagawang magsalita pa ni Red ay saka ito nag walk out..

“Oh ano nangyari doon?” ang sabi ni Carmilo

“lango lang sa alak, wag na ninyong pansinin.. “ang sabi ni Aldrin

“Tingnan mo tong mga chicks natin mga lango din sa picture taking..hehe” ang sabi ni Carmilo

“Teka parang kulang tayo ah.. asan si Ryel?” ang sabi ni Kulas

“Wag mo nang hanapin iyon, kasalukuyang nagsasaya na iyon..hehe!” ang pabirong sabi ni Carmilo..

Biglang napansin ni Kulas na tumakbo si Lani at umiiyak kaya pinlanong habulin nito si Lani

“Pare, dyan muna kayo ah, balikan ko lang muna kayo..” ang sabi ni Kulas

Umalis na si Kulas at sinundan si Lani

Habang sila’y nag uusap dalawa ay di napigilan ni Lani na umiyak sa balikat ni Kulas kaya napayakap na lamang ito..

Hindi pa nakakalayo si Red, ngpalamig lang pala ito sa fountain at nakita niya ang pagyayakapan ni Kulas at ni Lani..

Nanggigilaiti sa galit si Red dahil nagawa ni Kulas lokohin si Amanda.. pinlano niyang lapitan ngunit napagdesisyunan niya munang pagmasdan ang dalawa..

Hanggang sa nakita nitong pinappatahan ni kulas at nagawa pang halikan sa noo si Lani, at kahit papaano’y nawala na ang lungkot ni Lani dahil sa pagdamay na ginawa ni Kulas sa kanya..

Maya maya pumasok na rin sa loob si Lani at Kulas habang nakaakbay pa ito kay Lani para alalayan ito..

“Hindi ako makakapayag Kulas na lokohin mo si Amanda, kung sasaktan mo rin lang sia, sana pinaubaya mo na lang sia akin..” ang sabi ni Red

Maya maya bigla sia nakarinig ng kantang.. “di ko kayang tanggapin, kung mawawala ka na sa akin.. napakasakit na marinig, na ayaw mo na sa akin..” na halos naging background music nito habang nagdadrama sia, at nadadala naman si Red sa background music dahil naging memorable sa kanya ito.. Pero bigla sia nagtaka kung saan nagmumula ang music na ito..

Paglingon nia..

“huh! Ano ginagwa mo dyan ah?? Saka bakit ka nagpapatugtog?” ang sabi ni Red sa isang estudyante din na napatambay din a fountain

“eh sayang ang emote mo kung walang background music eh, buti nga nagkabuhay ang pagdadrama mo.. tanggapin mo na, na hindi talaga sia para sayo!” ang sabi ng estudyante na akala’y si lani ang iniiyak nito dahil nakita rin nia si kulas at si Lani na nag uusap..

“tumigil ka nga! Lumayas ka bago pa kita banatan eh! Kung ayaw mong mabura ang mukha mo!!” ang inis ni Red sa estudyante..

Maya maya nagpasya na rin ang mga estudyante at professor na magsiuwian na rin..

Palinga linga si Amanda at hinahanap nito si Red..

Pero wala siang red na nakita…

“hindi man lang ako kinongratulate ni Red, umalis na lang sia nang di nagpapaalam.” Ang malungkot na sabi ni Amatz sa kanyang isip..

“oh pano Amatz, uwi na tayo? Hatid ka na naming ni Daisy..” ang sab ni Kulas

Hindi agad ito naksagot dahil hinahanap pa rin nia si Red pero di ito Makita ng kanyang mga mata..

“sige, uwi na tayo..” ang malungkot na sabi ni Amanda

Nagkanya kanyang paalaman na rin ang mga estudyante, ganun din ang mga sisterets.. Humiwalay na rin sina Kulas, Amanda at Daisy .

Nagcommute lang sina Daisy, Amanda’t Kulas at sa kamalas-malasan ang nasakyang jeep ni Kulas ay ang jeep na matandang nasakyan niya nang susunduin nia sana si Amanda..

“Manong kayo na naman? Naku po, aabutin tayo syam yam nito..” ang sabi ni Kulas

“Ano kanyo? Si Shamcey? Umabot nga daw iyon ng top 5” ang sabi ni Lolong driver

“Kuya bingi naman yung mamang driver eh..” ang sabi ni Daisy

“Naku Kulas, kung ito ang sinakyan mo nung susunduin mo ko, pwes maghanap tayo ng panibago bago tayo abutin ng kinabukasan dito..” ang sabi ni Amanda..

“Malamang, ngayon nga lang ito nakarating dito kung di ako bumaba sa kanya, ibig sabihin dapat gantong oras pa lang ako makakarating sa Acquaintance Party! Tindi mo lolo tinalo mo pa ang pilay na pagong!” ang sabi ni Kulas

“Ano kanyo? Tulay na bago? Wala naman akong nakikitang tulay dine..” ang sabi ni Lolo..

Binalewala na lang ng tatlo ay bigla na silang bumaba dahil sa bagal ni lolo magdrive..

Kinabukasan…

Umiinat inat na rin si Ryel, halatang napasarap talaga sia ng pagtulog..

Maya maya nakarinig ito ng sigaw na.. “Breakfast in Bed, wake up!!” ang sabi ng yaya ni Bernadette

Nagulat si Ryel halos gustong kumawala ng kaluluwa nia sa pagkagulat dahil sa hindi nia maintindihan kung nasaang bahay sia natulog at sino itong nasa harapan niya

Lalo pa sia nashock ng Makita niyang nakaboxer shorts lang siya..

“wahhh!! Sino ka?? Anong ginawa mo sa akin?? May nangyari ba? Anong ginagwa ko dito?? Pinagnasaan mo ba ako ah?? “ ang sabi ni Ryel at biglang masuka suka ito dahil nga sa matanda na ang yaya..

“Hoy bata ka!! Anong tingin mo sa akin papatulan kita ah eh halos anak na kita? Tumigil ka nga dyan sa marumi mong imahinasyon!! Hayan ang napapala ng mga lasinggero, iinom inom hindi naman pala kaya! Dyan ka na nga, pagkatapos kitang paghandaan ng breakfast ito pa igaganti mo sa akin! Hmpf!” ang sabi ni yaya at bigla itong nag walk out..

Maya maya, lumabas na rin sa banyo si Bernadette na halatang bagong ligo at pinupunasan pa ang buhok na basa..

“Gising ka na pala..so kamusta ang tulog? Ayus ba?” ang sabi ni Bernadette

“Dette, anong ginagwa ko dito? Bakit ako andito? Saka saan ka natulog ah?dont tell me iisang kama lang tinulugan natin?” ang sabi ni Ryel

“ganun na nga, tabi tayo natulog, masama ba?” ang sabi naman ni Bernadette..

“mmm..May nangyari ba?” ang diretsahang tanong ni Ryel

“hahahaha!!! Hahaa!! Haha! Nakakakatawa ka talaga! Anong klaseng tanong iyan!” ang sabi naman ni Bernadette

“Bernadette sabihin mo ang totoo? Bakit halos wala na akong damit, tapos bagong ligo ka pa?” ang sabi ni Ryel

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now