Chapter 35

1.4K 14 1
                                    

CHAPTER 35:

“badtrip naman, pag minalas malas ka nga naman, nalaglag pa ang singsing.. paano na to. Kelangang makuha koi yon, ang tagal tagal ko ding pinag ipunan iyon ah.” ang bulong ni Aldrin sa kanyang sarili.. Wala na siang ibang choice kundi ang dukutin ito..

Dahan dahan niyang kinukuha gamit ang dalawang daliri lang na animo’y nandidiri sa pagkuha..

Sa di inaasahan ay may sumanggi sa kanya dahil may pasaherong bababa na kung kaya’t nasubsob ang kanyang kamay sa dibdib ng babae..

Nagising ang babae..

Nagulat dahil nakita niya ang kamay ni aldrin na nasa kanyang dibdib..

Umusok ang ilong!

Naningkit ang mga mata..

Ngumawa na animo’y tigre…

Namuo ang mga pawis ni Aldrin..

Nanginginig sa takot si Aldrin dahil seryoso ang tingin ng babae at walang katinag tinag.. “mmisss pasensia na, may nais lang akong dukutin este kunin sa loob.. aww mali basta pasensia na di ko sinasadya.. importante lang talaga tong gagawin ko, wag ka lang pong kumilos, mabilis lang to..”

Nang biglang tumayo ang babae at niyakap sia bigla “bakit di mo na lang ako gisingin kung gusto mo rin lang pala akong hipuan.. hindi mo naman kelangang pahirapan pa ang iyong sarili.. “ ang sabi ng babae at di kayang kumawala ni Aldrin sa higpit ng yakap nito..

“Hoy magsibaba kayo, wag kayo dito maglampungan!! Ang sikip sikip na nga lampungan pa kayo ng lampungan!!” ang sabi ng isang pasahero..

“Bitawan mo nga ako! wala akong gusto sa iyo, may gusto lang akong kunin sa dibdib mo… ahmm ang totoo kasi may pumasok kasi sa gitna ng dibdib mong napakaimportante, kelangan kong makuha yon..” ang sabi ni Aldrin ..

“alam kong naaakit ka sa dibdib ko.. dahil malaki at malusog.. kaya halika na, doon na lang natin ipagpatuloy sa motel.. mama, para ho!” ang sabi ng babae at hinahatak si Aldrin pababa, sa di inaasahan nalaglag ang singsing at di iyon mapulot pulot ni Aldrin dahil sa lakas ng pagkaladkad sa kanya ng babae at natapak tapakan at gumulong na lamang ito sa loob ng bus..

Pagkababa nila ng bus nakahanap ng tiyempo si Aldrin para kumalas sa babae at dali dali na itong tumakbo at hinabol naman sia ng babae..

Hingal na hingal ang babae sa paghahabol nia kay Aldrin dahil mabilis itong tumakbo at siempre physically fit ito dahil laging nagbabasketball..

Napadaan sila sa palengke at maputik, patuloy pa rin sa paghahabulan ang dalawa hanggang sa natalisod ang babae sa putikan at nasanggi niya ang nagtitinda ng sibuyas at bawang at tumilapon sa putikan kasama ng babaeng mataba..

“Awww ang babaeng mataba nalublob sa putikan..!!” ang sigaw ng mga tindera..

“Wahh mga paninda ko! Kakainis!!” ang sabi ng isa pang tindera..

“Wow! ayos to may adobong baboy sa gitna oh!! Hahahaha!” ang pang aasar ng isang sanggano nang Makita nia ang babae..

“Hay salamat, di na ko hinabol nung babaeng iyon, akala ko katapusan ko na.. pero kakainis sayang ang singsing na pinaghirapan ko.. hayz.. “ ang panlulumong sabi ni Aldrin…

…..

Sa Kabilang Banda..

“Hello pakner, nasa house ka lang ba? Saturday kasi now baka pwede mo naman akong samahan, kasi tong kapatid ko nagpapasama magshopping, malay ko ba sa mga damit pambabae..” ang sabi ni Kulas sa kabilang linya habang kausap si Amatz..

Napapayag din nia si Amatz at sinamahan sila magkapatid at tinulungan ni Amatz si Daisy sa pamimili ng damit..

“Ate buti sumama ka.. hayz kasi tiyak si kuya pamamadaliin na naman akong mamili.. one time nga ate nakalimutan ko isuot pantalon ko nung nagsukat ako sa dressing room eh, paano kakamadali ni kuya… “ ang pagsusumbong ni Daisy

“haha! Ganun ba? Hayaan mo andito na ko lagi para samahan ka..” ang sabi ni Amatz kay Daisy..

“wag ka nga sinungaling, bata bata mo pa eh..kamo, mabagal ka lang talagang magsukat..” ang sabi ni Kulas

Habang nasa dressing room si Daisy, may dalawang magkaibigan ang nagkukuwentuhan sa di kalayuan..

“sis, alam mo ba ang nangyari kina melody at Gretchen, nagsabunutan sila ..” ang sabi ng isa..

“bakit naman? Diba sobrang close ung dalawang iyon at magbestfriend pa..” ang sabi naman ng isa..

“ikaw ba naman traidorin at perahan eh.. hindi ka ba magagalit..” agn sabi ng isa..

“grabe, ganun pala si melody, talagang ginamit lang nia si gretchen.. kawawa naman.. “ ang sabi ng isa at umalis na rin sila ..

Narinig iyon ng dalawang magkaibigan na sina Kulas at Amatz..

“Grabe naman iyon, nagsabunutan pa, buti na lang ako hindi babae ang bespren ko kundi lalake.. haha.. makikipagsabunutan ka ba sa akin kulas pag nag away tayo?” ang pagbibiro ni Amatz..

“Hindi noh, pag ako nainis sa iyo, mimake up-an na lang kita.. hehehe.. pwera biro Amatz, kung halimbawa ako iyong Gretchen na iyon, ano magiging reaction mo? Ganun din ba?” ang sabi ni Kulas

“oo naman, hindi koi yon matatanggap kasi naging totoo ako sa iyo tapos ikaw hindi diba, saka gusto kong mahalin mo ko bilang kaibigan dahil ito ako, simple at masarap kasama.. hindi dahil sa pera ko..” ang paliwanag ni Amatz..

“Amatz, totoo naman ako sa iyo eh.. mahal din kita bilang kaibigan ko.. kaya lang, may dapat kang—“ ang naudlot na sasabihin ni Kulas dahil biglang lumabas si Daisy..

“Wow! daisy ang ganda ganda mo diyan sa damit mong iyan.. yan na lang bilhin mo ah..” ang sabi ni Amatz

“Kuya maganda daw, eto na lang damit ko para sa birthday ko…” ang sabi ni Daisy

“Magkano ba iyan?” – kulas

“500 pesos po..” – Daisy

“Ang mahal, wala bang tig 100 lang?” ang sabi ni Kulas

“kuya naman eh nangunguripot na naman..” ang sabi ni Daisy

“sige ako na magbabayad pabirthday ko na saiyo..” ang sabi ni Amatz..

“Hwag!!” – Kulas

“bakit?” – Amatz

“ako na! basta ako na magbabayad, wala kang gagastusin ni kusing ngayong araw na to Amatz ako ang nagyaya eh..” ang sabi ni Kulas..

“aba, galante naman pala kuya mo eh, heheh tara na! .. siangapala ano nga pala sasabihin mo Kulas?” ang sabi ni Amatz..

“ah wala, nakalimutan ko na eh hehehe, pag naalala ko na lang uli..” ang sabi ni Kulas..

“ate bakit di na lang kayo ni Kuya Kulas, sana kayo na lang magkatuluyan siguro ang saya saya ahmm—“ ang sabi ni Daisy na di nia natuloy dahil biglang tinakpan ni Kulas ang bibig ni Daisy..

“eto pera, ikaw na nga magbayad doon bago pa magbago isip ko at di ko na bibilhin yan..” ang sabi ni Kulas kay Daisy at inabot ang bayad..

Pag alis ni Daisy…

“Kulas, diba magbespren tayo.. diba ang magbespren dapat nagsasabihan ng sikreto.. anong sikreto mo ang di ko pa alam?” ang sabi ni Amatz..

“ang sikreto ko, ahmmm, natutulog akong kalahating bukas ang mga mata..” ang sabi ni Kulas

“Wala bang mas mabigat pa dyan na sikreto?” ang sabi ni amatz

“eto.. mas mabigat.. umiihi ako sa salawal pag napapanaginipan ko si Ely Pante..” ang sabi ni Kulas

“Bakit ka naiihi sa salawal at bakit naman sa dinami dami si Ely Pante pa..” ang sabi ni Amat

“di ko nga din alam bakit ko ba iyon napapanaginipan eh.. naiihi ako kasi di ko masikmurang hinahalikan ko sia.. hahaha! At may relasyon daw kami hehehe” ang sabi ni Kulas

“Wahh ! ganun kadiri ka ah.. haha! Wala pa bang mas mabigat dyan?? “ ang sabi ni Amatz

“ano bang bigat ang gusto mo.. kainis ka ah pinipiga mo ako..” ang sabi ni Kulas

“teka, eh diba nachismiss kayo ni Lani at nabuntis mo sia.. di ba kayo nagkarelasyon nun?” ang sabi ni Amatz

“Wala ah.. di ko nga alam saan nakuha iyong chismiss na iyon eh pero tingin ko dahil dumadalaw ako sa kanya parati..” ang sabi ni Kulas

“bakit ka naman dumadalaw?”

“kasi may problema sia.. alam mo bang nalulugi na ang Royal Softdrinks, kaya naghihirap na sia.. di ko nga alam sa paanong paraan ko sia matutulungan eh, ayaw nia muna ipaalam sa mga sisteret dahil nga natatakot sia baka pati sila mawala sa kanya, sabi ko nga sa kanya doon nia makikilala kung sino ang totoo sa kanya kapag meron siang problema at sure naman akong di sia iiwan ng mga to..” ang sabi ni Kulas

“oo nga naman, dapat noon pa sinabi nia edi sana natulungan namin sia.. teka may naisip ako.. “ ang sabi ni Amatz..

“ano iyon?” – Kulas

Binulungan ni Amatz si Kulas ..

“wow! ok iyon ah, sige! Go ako dyan!” ang sabi ni Kulas

Natapos din ang pamamasyal nilang tatlo at hinatid na rin nila si Amatz..

Habang naglalakad ang magkapatid nakita nilang nag iinuman si Ryel, si Aldrin at si Carmilo..

“Tol! Halika inumn tayo!” ang sabi ni CArmilo nang Makita nia si Kulas


“sure! Why not! Matagal tagal na rin akong di nakakainom ah.. oh daisy, eto na pinamili mo, umuwi ka na ah..iinom muna ko dito..” ang sabi ni Kulas

“susumbong kita kay Tiya Nac makikipag inuman ka na naman..” ang sabi ni Daisy
“sige, di na kita ipagsashopping ulit!” - Kulas

“sige na nga..damihan mo pag inom ah..” ang sabi ni Daisy..

Pag alis ni Daisy, nagsimula nang makipag inuman ni Kulas sa mga kaibigan..

“Pare anong meron.” Ang sabi ni Kulas

“sinecelebrate lang naman namin ang mga kamalasan nitong dalawa hahaha!” ang pang aasar ni Carmilo..

“Anong kamalasan na naman nangyari sa inyong dalawa?” ang sabi ni Kulas

“Si ryel, narinig niang may kasamang lalake si Dette nang tawagan nia ito..” ang sabi ni Aldrin..

“at ito namang si Aldrin nawala nia ang singsing na ibibigay nia kay Anna” ang sabi naman ni Ryel

“mga malas nga kayo, iinom na nga lang natin yan…pero may solusyon ako diyan..bago ko sasabihin, lasingin nio muna ko hahaha!” ang sabi ni Kulas

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now