Chapter 8

2.9K 39 1
                                    

Inabot din siya nung guy.. Pilit pa rin niyang tinatanggal ang nasabit na damit nya sa bandang likuran dahil sa pagkakasadsad nya sa pader.. nasa harapan na niya at napasandal na lamang si Amatz, humawak sa pader ang lalake, halos magkalapit na ang mga mukha nila na parang inaakit pa ng lalake si Amatz at ngising aso, napapapikit na lang si Amatz sa takot at bigla itong nagsalita.. “Sorry na!! oo na, kasalanan ko na.. ibabalik ko naman ang pera mo eh, naunahan mo lang ako.. kakausapin ko ang school na payagan ka pang mag aral.. wag mo lang akong patayin, parang awa mo na, sige ka kukulang ang Diyosa sa mundo! Wahh! Di ko pa nga nahahalay yung crush ko tapos papatayin mo na ko.. di ko pa makikita ang baby namin..” ang sabi ni Amatz at biglang may binunot si kulas sa bulsa niya at napasigaw si Amatz “ wahhhh!!!” 
Inilabas ni Kulas ang swiss knife at saka hiniwa ang damit na nasabit.. “Marunong ka rin palang tumanggap ng pagkakamali eh.. buti naman inamin mo kasalanan mo..!”
Saka umalis na si Kulas at iniwan si Amatz..
Matinding kaba ang naramdaman ni Amatz at nanginginig pa rin ito sa kaba..Napaupo na lamang sa sahig si Amatz.. at nagrelax muna dahil sa kabang inabot nito na akala niyang gagantihan na sia..sa takot niya ay bigla na lamang siya napaluha at ipinikit ang mga mata pansamantala..
“Miss, panyo oh.. may kinalaman pa rin ba yang pag iyak mo at nung araw na nakilala kitang kumakanta ka? “ ang sabi ng lalakeng nakilala niya sa library, tumabi at umupo ang lalake at sumandal na rin sa pader upang samahan si Amanda..

“waahhhh!! Huhuhu!!” biglang ngumawa si Amatz dhil naalala niya ang pgkapahiya nia sa harap ng cute guy tapos now nakita na naman siyang umiiyak

“oooppss teka di ko gustong paiyakin ka .. sorry naman kung pinaalala ko sa iyo..kunin mo na tong panyo..” ang sabi ng guy uli..

Tinanggap ni Amatz at inamoy amoy nia ang panyo at napapangiti na ito bigla, 

“Salamat ah…nahihiya ako sayo dahil sa mga nangyayari sa akin tuwing nagkikita tayo” ang sabi uli ni amatz

“Wala iyon.. I understand naman.. tao naman ako and I know how you feel, dumaan din ako dyan., nagmahal and nasaktan din..” ang explain nung guy..

Nag alarm na ang mobile ni Amanda, it means lang na, oras na niya para pumasok..

“Naku, hindi na ko magtatagal, kelangan ko ng pumasok baka malate ako.. salamat sa panyo mo ah.. syangapala, twice na tayo nagmeet hindi ko pa rin alam ang name mo..” ang sabi ni Amatz..

“yup, my name is Red.. Red Apache..” sabi ng guy at inabot ang kamay para mgshake hands..

Natulala si Amatz at parang gumuho na naman ang mundo sa kanya..

“Whaaaatttttt??? Paki ulit nga?” ang sabi ni Amatz

“I said my name is Red, is there anything wrong with that?” ang sabi uli nung guy

“WAhhhh!!! Huhuhu!!! Gosh!!! Eto na panyo mo.. sige alis na ko..” ang pag ngawa uli ni Amatz dhil sa pagkadismaya sa kanyang nalaman.. hindi nya alam kung nanadya ba ang tadhana, or kung galit ba ang mundo sa kanya, dahil sa pangatlong pagkakataon, kulay na naman ang name nung guy na nakilala niya at crush pa niya..

“Teka miss.. may mali ba sa name ko..” ang pagtataka ni Red..

Hindi na pinansin ni Amatz si Red at iniwan na ito, walang lingon lingon.. at iniisip na naman nya ang ssabihin ng mga kaibigan niya.. tiyak aasarin na naman ito..

Sa pagmamadali nya ay nabangga niya si Lani..

“ooppss!! Sorry..” ang sabi ni Amatzz at sa pagbangga niyang iyon ay nalaglag ang korona na suot suot ni Lanie..

Pinulot ni Amatz dahil mahirap para kay Lani pulutin ang korona niya, at isinuot ito ni Amatzz

“Thanks sis..” ang sabi ni Lani

“uhmm, hindi ka ba nahihirapan sa suot mo.. why don’t you wear a simple dress para maging magaan ang pakiramdam mo..”

“Nope, nakasanayan ko na to since bata ko because you know already na Royal Blood ako..” ang sabi ni Lani

“Royal Blood? Eh may ari lang kayo ng Royal Soft drinks diba” ang sabi ni Amatz

“Yup, kasi Royal Soft drinks na nga ang dumadaloy sa mga ugat ko.. but anyway, thank you for helping me, I’m Lani” ang sabi ni Lani

“Im Amanda, nice to know you.. halika pasok na tayo..” ang sabi ni Amatz at dahil di makapasok si Lani sa laki ng damit nya ay tinulungan pa ito ni Amatz..
Pagpasok nila sa room…

“ Hi Amanda!!” ang masayang sigaw ni Anna nang Makita niya ang new friend niya..

“Hi Anna, mukhang red na red ka today ah..” ang sabi ni Amatz


“yup kasi sabi ng horoscope ko, im not lucky today kaya para mataboy ang mga negative vibes eh kelangang magsuot ako ng color red..” ang sabi ni Anna

“Nice..” ang tanging sambit ni Amatz na halatang hindi ito masaya dahil naalala na naman nya ang guy na nakilala niya kanina..

“hey gurl..
Pag upo niya.. nasulyapan niya ang isang grupo ng mga lalake doon na maiingay na sina Aldrin, Ryel, Carmilo at si Kulas.. 

“What??? Kaklase ko ang lalakeng to?? Shocks naman.. magiging impiyerno ang buong sem kong to.. bad3p!” ang sabi ni Amatz sa kanyang sarili. .makalipas ang ilang saglit nakaramdam sya na may parang tubig na nabubuhos sa kanyang legs at pag tingin niya ay isang shitzu na kulay pink na umiihi sa legs niya..

“oopps!! Sorry girl..Fifi, stop that..” ang sabi ni Thinker bell sa kanyang aso.. “sensiya na kayo sinama ko siya dito kasi galing kami sa salon eh, ayan pinakulayan ko siya ng color pink and malilate na ko kaya di ko na siya nauwi pa.. oh diba.. itatago ko na lang siya dito.. wag lang kayo maingay ah.. ngayon lang naman eh.. “ ang sabi ni Thinker bell at nakasuot pa rin ito ng pang fairy..

Humiwalay pansamantala si Bernadette kay Rich, dahil nag babasa si Rich ng libro at nabobored ito kaya nakipag chika chika ito sa mga guyz sa labas ng room nila..

Nang mag CR si Ryel nakita nya si Bernadette na kausap ang maraming guyz na nakapalibot ito.. naririnig din nia na parang pinag titripan ito, ginugulat gulat siya para masabi nito ang number niya..

Nilapitan ni Ryel ang mga guyz..
“Pwede tigilan nio siya?? Tama bang paglaruan siya?” ang sabi ni Ryel sabay hinatak si Bernadette

Nagtataka si Bernadette kung bakit sya hinatak ni Ryel..

“Pumasok ka na sa room natin, darating na ang prof natin..”

“Hey! What are u doing? Naaliw lang naman sila sa akin dahil sa expression ko pag nagugulat ako.” ang sabi ni Bernadette

“Gustong gusto mo naman? Hindi mo alam na pinagtatawanan ka nila? Alam mo, I don’t know you pero may respeto ako sa babae at hindi kaya ng konsensiya kong may babaeng binabastos! Kaya pumasok ka na lang sa room at hintayin mo ang prof natin.. “ ang sabi ni Ryel

Pagpasok ni Bernadette, umupo na lang siya sa upuan na parang na shock sa nangyari, na pinagtaka naman ni Rich dahil alam niyang masiyahin at makulit ang kaibigan niya kaya ramdam niyang may problema ito, pero hinayaann lamang niyang mapag isa ito.. kaya tumayo siya at lumipat muna ng upuan para mag basa ng libro. 

Makailang saglit, may tumabi kay Rich..

“Hi miss..” ang sabi ni Carmilo

“ah eh. Hindi ako allowed makipag usap sa lalake, magagalit ang parents ko, baka ipagtabuyan ako, baka itakwil nila ko, isipin nila nakikipagdate na ko sa iyo at lumalabas at ntutulog kasama ka at susunod non mabubuntis ako.. wahhh! Ayaw ng parents kong mag asawa ako ng maaga..hindi katanggap tanggap sa lipunan iyon pagkatapos maghihirap ako.. hindi ko kakayanin iyon.” Ang tulo tuloy na sabi ni Rich

“wait!!! Haha! Nakakatawa ka naman.. wala pa naman akong ginagawa sa iyo ah…Hi pa lang iyon,.. hehehe.. don’t worry hindi ako masamang tao.. hindi ko gagawin sa iyo yon.. .magpapakilala ako sa iyo ha.. I’m Carmilo..” ang sabi ni Carmilo at inalok ng shake hands si Rich..

“Im sorry, hindi ako nakikipagshake hands, wala pang nakakahwak ng kamay ko, pero I think your nice so papakilala ko I’m Rich, but don’t think that im flirt na ah, baka isipin mo na binibigay ko name ko malandi na ko..” ang sabi ni Rich..

Natatawa na lagn si Carmilo sa sobrang konserbatibo ni Rich..

“Alam mo, magaling akong mag drawing, una pa lang nakita kita.. sabi ko maganda to kung mag aayos lang.. is it ok kung iremove mo iyong eyeglass mo, saka iyong ponytail mo? Gusto ko lang matapos yung obra ko at ipapakita ko to sai yo.. “ ang sabi ni Carmilo..

Unti unting inalis nga ni Carmilo ang salamin niya at pony tail at napangiti ito.. Inagaw din agad ni Rich at binalik..

“Im sorry.. hik..hik., .. hindi kasi ko sanay makipag usap sa lalake, sige nice to meet you.. babalik na ko sa upuan ko.. hik.. hik.” Ang sabi ni Rich, habang pasinok sinok pa ito.. Sinisinok si Rich kapag itoy kinakabahan at natetense.. kaya umalis na lamang siya at bumalik sa upuan nila..

Makalipas ang ilang saglit.. dumating na rin ang Prof nila..

“Ok Class, ang gagawin natin ngayon ay aayusin natin ang sitting arrangement niyo.. Yup I know n parang pang hayskul lang ito, pero sa subject ko, gusto kong alternate ang babae at lalake.. “ ang sabi ni Lenie

“yup I like that!!” ang biglang nagpabuhay kay Bernadette..

“aw.. aw.. aw..” ang tumahol na aso ni Thinkerbell..

“fifi, please keep quiet, baka mahuli ka!” ang sabi ni thinkerbell sa aso niya sa ilalim ng upuan nia..

“May aso ba dito?” ang sabi ni Lenie

“ahmm ma’am ring tone lang po iyon.. “ ang sabi ni Anna na pinagtatakpan si Thinkerbell..

Binalewala muna ito ni Lenie at pinatayo ang lahat ng estudyante para siya ang magsasabi kung sno ang magkakatabi..

Nagkatabi si Ryel at si Bernadette..
Si Amatz at Kulass
Si thinker bell at si Aldrin at si Anna
Napapagitnaan si Carmilo nila Rich at Lani

Kung tatanungin nio ko kung sila lang ang estudyante.. pwes, hindi! Haha! Marami sila pero sila lang ang kilala nio kaya dyan lang tayo magfocus! Hehe..

Halos ayaw umupo ni Amatz sa tabi ni Kulas at lalo pa syang inaasar ni Kulas..

“Lalapit at lalapit ka pa rin, pano ba yan? Tadhana na ang nagpapalapit sa atin.. hehe.. “ ang pang aasar ni Kulas kay Amatz

Pag upo ni Amatz ay biglang may naupuan siya at iyon ang ikinagulat niya dahil tumunog ito..
“hahahaha!! Oopp sorry! Naiwan ko pala dyan ang bathroom duck ko..” ang pang aaasar uli ni Kulas

Inis na inis si Amatz dahil sa pangtitrip sa kanya ni Kulas.. 

“May oras ka din mokong ka..” ang sabi ni Amatz sa isip isip..

Makailang saglit..

Nakatapak ng tae si Lenie.. “What the heck is this? Ilabas nio ang aso kung hindi minus 10 agad kayo sa quiz!!!”

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now