Chapter 2

3.7K 51 2
                                    

CHAPTER 2:

Nag aabang na si Amatz ng jeep sa labas ng kanilang village at di rin naman ito naghintay ng matagal dahil nakakuha rin naman siya agad..

Mapapadaan sa isang iskwater area ang jeep bago makarating ng unibersidad. Maya’t Maya may nagpara at tumigil ang jeep, sumakay si Kulas sa jeep kung saan si Amatz nakasakay.. Magkaharapan silang dalawa..

Nagkatitigan..

Nagpapakiramdaman dahil sila lang dalawa sa loob ng jeep…

Nagtaka si Kulas dahil lumalaban ng tinginan si Amatz kung kaya’t bigla din siyang napahawak sa kanyang mata upang icheck kung may muta siya..

Napagaya si Amatz dahil akala niya eh nagsesenyas si Kulas na may muta sya na syang pinagkamalan naman ni Kulas na ginagaya siya kung kaya’t sinubukan naman ni Kulas na sumayaw sa loob ng jeep tipong mahihirapan si Amatz gayahin siya..

“Ang weird naman tong lalakeng to, siguro nagsisinghot ng rugby to pangtawid gutom..” ang sabi ni Amatz sa kanyang isip kaya bigla na lang niya dinedma at binaling ang atensyon sa view sa bintana..

“Akala mo magagaya mo pa ah! Huh! wais ata to! “ Ang sabi ni Kulas sa kanyang isip..

“hoy bata! Di ka pa nagbabayad!! Pasayaw sayaw ka na dyan” ang sabi ng driver kay Kulas

“Sorry po.. eto na po ang bayad ko..” ang sabi ni Kulas sa driver..

“Ilan to?” ang tanong ng driver

“siempre isa lang! obvious ba eh 8pesos lang yan??” ang pananabla ni Kulas.. “nakabawi din ako sa iyo ugok kang driver ka!” ang sabi ni Kulas sa kanyang isip..

Pangisi ngisi nlng si Amatz sa nangyayari sa loob ng jeep..

Binunot ni Kulas ang celphone nia upang tawagan ang tropa niya upang ipaalam na mag eenroll na sya at magiging magkaklase na sila..

Inilabas ang celphone de-antenna pa na sa sobrang laki ng celphone eh mukhang pangkaskas ng yelo

“hello! Hello!” ang sabi ni Kulas habang naghahanap ng signal sa loob ng jeep dahil di marinig ang kausap..

“Eto celphone, gamitin mo.. mukhang stone age pa yang cp mo.. mukhang ikaw na lang sa mundong to ang meron niyan at kahit siguro si Flintstone eh hindi na gumagamit nyan. ” ang pang aasar ni Amatz habang inaabot ang cp niya na iphone pa..

“yabang nito ah!” nasambit ni kulas sa isip.. “walkie talkie to tangek, di to celphone!” ang palusot na sabi ni Kulas sabay hugot paitaas sa antenna at umaarteng walkie talkie “Andyan ka ba over!, papasok na ko over!” pagkatapos nyang umarteng walkie talkie ito ay sabay ipinasok na ito sa bag dahil sa kahihiyan..

“Ikaw na nga pinapahiram, sige ikaw bahala.. sabay ipinasok na ni Amatz ang kanyang cp sa bag..at natanaw na nito ang kanyang unibersidad kaya nagpara na rin sya sa driver “Mama, fara at the side!” ang pasosyal kuno na sabi ni Amatz

“ha! Ang arte pa fara fara at the side pa sya!”ang inis na sabi ni Kulas sa isip nya na nakatuon ang atensyon kay Amatz dahil naartehan ito hanggang sa nakababa na si Amatz at umandar muli ang jeep..

Saka naibaling na muli ni Kulas ang atensyon sa paligid nang hanggang sa mapuna niya na ang unibersidad na iyon ay doon rin pala siya mag aaral kaya dali dali syang nagpara

“mama para!! Ma sa tabi lang! ma saglit!” ang sabi ni Kulas ngunit parang hindi ito naririnig hanggang sa sinubukan nya uling sumigaw! “Mama, fara at the side!” ang panggagayang sabi ni Kulas saka tumigil ang jeep..”Aww, yon na ba ang paraan ng pagpara ngayon? Kelan pa nagsimula..nakakaloko to ah!” ang pagtatakang sabi ni Kulas saka bumaba at tumakbo dahil medyo malayo layo na rin ang binabaan niya..

Sa kabilang banda.. naglalakad si Amatz nang maisipan nyang bilangin ang pera niya dhil malapit na ito pumasok sa gate para maihiwalay niya na ang pangtuition niya at pang shopping niya..ngunit….

Sa pagtatakbo ni Kulas at pagmamadali, na halos nasa gate na siya ng unibersidad ay naisipan niya ng ihanda ang pambayad niya upang hindi na ito makaabala pa sa pagbayad hanggang sa nagkabanggan sila ni Amatz at parehong sumabog ang pera nila..

Dali-daling pinulot ni Amatz ang perang nalaglag..

“Teka ang pera ko.. akin na!” ang sabi ni Kulas

“Ikaw na naman?! Sinusundan mo siguro talaga ako noh! anong pera! Naku luma na yang pakulong yan! Di na bebenta sa akin yan! Pera ko to noh at sinadya mo yon para makakuha ka ng pera sa akin! Neknek mo! Di mo ko maiisahan!!” ang sabi ni Amatz

“Hoy babaeng binabad sa suka sa kaputian! Pwede ba! Ibalik mo ang pera ko at wala akong oras makipag away sayo! Pang enrol ko yan!!” ang sabi ni Kulas

“ hoy! F.Y.I. natural ang kaputian ko at hindi ko kailangan ng suka!! Dami ka pang sat sat!!

Magnanakaw! Magnanakaw!!” At nag aagawan na sila hanggang sa sumigaw si Amatz..

“Hoy tumigil ka di ako magnanakaw, wag ka ngang maingay dyan baka gusto mong hatakin ko ngala ngala mo dyan!” ang sabi muli ni Kulas

Hanggang sa may lumapit nang mga guardiya…

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now