Chapter 14

1.9K 27 0
                                    

CHAPTER 1 4:

Namomoroblema si Amanda kung paanong gagawin niya sa dalawang lalakeng napangakuan niya..

Namamasyal sina Jana, Princess at Amanda para sa susuotin niya sa Acquaintance Party..

“Sissy, bagay sayo tong dress na to, try mo kaya ang color purple..” ang sabi ni Princess

“But I preferred color Red gown.. you will look amazing at talagang stands out ang beauty mo dahil tisay ka..”ang sabi ni Jana..

“Yes, red na red at ang ka-date ko ay Red din ang name..”ang sabi ni Amanda at nadulas ito dahil nabanggit niya ang name ng lalakeng nakilala niya sa library..

“Ano?? Paki ulit nga, tama ba iyong narinig ko?? Red ang name nung guy? So you mean ang nakilala mo sa library eh si Red”ang sabi ni Jana

“Naku sissy, ang tawa ko talaga.. hahah! You mean color pa rin ang name ng lalakeng crush mo.. wala na talaga akong masabi sa napaka colorful ng lovelife mo..”ang sabi ni Princess

“oo na, talo na ko sa pustahan.. hayz, bakit ba naman kasi nadulas ako eh.. osha, libre ko na lang kayo. Kain tayo saang restaurant niyo gusto, pero tulungan ninyo muna ko kung ano gagawin ko..”ang sabi ni Amanda

“Ano ba ang problema?” angsabi ni Princess

“Problema ko kasi naka oo din ako kay Kulas tapos ganon din kay Red, ngayon hindi ko alam kung sino at paano ko sasabihin sa lalakeng matuturn down ko..” ang sabi ni Amanda..

“Well ang suggestion ko lang dyan eh, kung sino ang unang dumating, sa kanya ka sumama.. tapos!”ang sabi ni Jana..

“Tomo! Kumbaga eh, first come first serve.. hehehe..”ang sabi naman ni Princess

Nag isip ng malalim si Amanda.. at pagkatapos rin nila kumain eh nagpasya na rin silang umuwi..

Dumating na rin ang araw ng pinakahihintay ng lahat.. Ang Aquaintance Party..

Habang ang lahat ay abala sa preparasyon, sa bahay nila Kulas ay may ginagawa ring preparasyon si Daisy..

“Kuya, pwede mo ba akong suportahan mamaya?”ang sabi ni Daisy

“Saan naman yan, alam mo namang may Acquaintance Party kami diba? “ang sabi ni Kulas habang nag aayos na ito para sa kanilang party sa eskwelahan..

“Kuya naman!! Gusto ko andun ka!! Kasi unang sabak ko pa lang sa fliptop,.. andun kaya sina inigma at si dello..dali na kuya, practice na muna tayo bago ka umalis..”ang sabi ni Daisy at halos ayaw paalisin ang kuya niya para makipag fliptop muna sa kanya..

“Hindi ka mananalo sa akin.. Ako pa eh malufet ako sa tulaan at kaya ko ang impromptu!”ang sabi ni Kulas

“Naku subukan nga natin ang yabang mo..”ang sabi ni Daisy..

“Sige simulan mo.. ladies first..”ang sabi ni Kulas..

Nagsimula ng bumirit ng tula si Daisy

“Itong si Kulas na maangas

Akala moý sa tula’ý matatas

Sumasakit lang naman ang aking bangz

Dahil ilong pa lang talaga namang opangz

Hindi ako papatalo sa tulaan hunghang

Dahil akoý hindi pa nahihibang

Pag narinig mo tula koý magbibigti ka sa lubid

Pagdating sa laglagan, walang kapa-kapatid

Magsama ka pa ng mga taga bilibid

It’s your turn mr kulas, anong say mo?

Laglag ba ang panga mo?”

Natatawa at nang aasar lang si Kulas na parang hindi siya nabilib sa tula ni Daisy at saka sya namaý bumirit!

“Daisy, mahal kong kapatid

Ako magbibigti sa lubid?

Ni hindi man lang ako affected

Sa tula mong nakakaantok

Tinalo ko pa ang nagdrugs sa pagkakaroon ng katok!

Wag mong sabihin akoý opangz

Alalahanin mong kapatid kita hunghang

Ang sinasabi moý bumabanda sa iyo

Paki kapa nga baka bumaliktad na ang ilong mo

Mag ensayo ka pa ng maigi

Dahil malulufet ang mga kalaban mo, baka ikaý mapipi” hindi natapos ni kulas ang kanyang sasabihin nang biglang sumingit si Tiya Nac!

“Kulas! Nyemas! Hestas! Barabas!

Pakitingnan nga ang Oras!

Ikaý huli na’t dapat ka ng lumayas!” ang patulang sigaw ni Tiya Nac

“Wahahaha! Talo pala tayo ni Tiya Nac eh! Hehehe”ang sabi ni Daisy

“Tiyang, si Daisy kasi nakipagfliptop pa sa akin eh.. sige alis na ko, baka magalit na si Amanda, susunduin ko pa sya eh..”ang sabi ni Kulas na nagmamadali

“Kuya teka! Wala bang goodluck kiss..? “ang sabi ni Daisy..

“osha sige ito na kiss.. goodluck mamaya ah!susubukan kong makakahabol sa fliptop mo..Mwah!”ang sabi ni KUlas at hinalikan nya sa noo si Daisy..

“enjoy din kuya!!! Gwapo mo sa pang elvis Presley ah.. hehehe” ang sabi ni Daisy..

Umalis na nga si Kulas para sunduin si Amanda..

Sumakay na sa Jeep si Kulas…

Nagkataon, matandang driver pa ang nasakyan nya..

“mama bayad nga po..”ang sabi ni Kulas

“Ano kanyo? Bayang hapo? Naku totoy, wala na akong magagawa sa bayan nating naghihingalo..” ang sabi ng matandang bingi..

“manong, nagbabayad lang po ako, hindi po ako nagrereklamo sa bansa natin..at wala po akong pakelam ang gusto ko lang eh makarating sa pupuntahan ko dahil late na po ako..”ang sabi ni Kulas

Nagpatuloy sa pagdadrive ang matandang bingi, ngunit sa katandaan ay sobrang bagal na nitong magdrive..

Inip na inip na si kulas..

Hindi siya mapakali..

Lalo syang nairita nang nag overtake ang bisikleta sa harap nila..

“mama, nakita niyo yon? Nag over take na ang bisikleta, ibig sabihin ganun kayo kabagal.. pakibilisan naman po..”ang sabi ni Kulas na nagmamakaawa na sa matanda

“ano kanyo? Bwisit na tekla? Nasaan ang tekla? Mababangga ba natin?”ang sabi ng matanda..

“Nakupo dyos ko po, makakarating pa kaya ako..”ang sabi ni Kulas

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now