Chapter 15

2K 24 0
                                    

CHAPTER 15
Sa Kabilang Banda..

Nag aayos na si Amanda…

“Wow Sissy ang ganda ganda mo, tiyak ikaw ang mananalo mamaya sa Beauty Contest ninyo..” ang sabi ni Princess

“kelangan dagdagan mo ng kindat sa mga judges para manalo ka.. “ ang sabi naman ni Jana..

“Siempre saan pa magmamana yan eh sa mommy na beauty queen..” ang sabi naman ni Rowenalyn

“Tita Weng, sana nga lang eh makasagot si Amanda sa Q and A portion.” Ang sabi ni Princess

“Batang Promil naman siguro si Amanda diba tita weng, eh may pera naman sila, tiyak puno ng vitamins yan si Amanda..” ang sabi ni Jana

“Excuse me, hindi Promil ang pinapainom ko dyan kay Amanda nung baby yan..” ang sabi ni Rowenalyn..

“Mommy naman, ibibida mo na naman bay an..” ang sabi ni Amanda..

“Ano yon Tita, parang excited naman ako..” ang sabi ni Princess

“Edi ano pa.. edi Emperador!! Dahil yan ang Tunay na Tagumpay! Hahaha!’ ang sabi ni Rowenalyn

“No wonder kung bakit naging Amatz ang palayaw mo, hahaha! Lagi kang may Amatz hehehe!” ang sabi ni Jana..

“hay, ayusan na nga lang ninyo ako at tigilan na ninyo makipagdaldalan dyan sa mommy ko at baka kung ano pa maikwento niyan tungkol sa akin..” ang sabi ni Amanda..
Sa Kabilang banda..

Sa bahay nila Bernadette, dumating na rin si Rich.

“Ano yan Rich?? Ano yang suot mo?? Hoy babae, hindi tayo magsisimba sa baclaran alalahanin mo.. party ang pupuntahan natin.. “ ang sabi ni Bernadette

“ayos naman ang suot ko ah..eh sa dito ko komportable eh..” ang sabi ni Rich

“Palitan mo yan parang awa mo na, at please tanggalin mo ang eyeglass mo at ponytail mo ah, mukha kang Principal sa ayos mong yan.. halika dito hahanapan kita ng damit..” ang sabi ni Bernadette, at inayusan niya si Rich..
Puro daring ang mga damit na naipasuot niya kay Rich na hindi naman carry ni Rich

Pero pagkatapos ng maraming sukatan eh nakatiyempo din si Bernadette na babagay kay Rich na hindi ito maiilang..

Bumagay kay Rich ang black gown na may mga sequence ito at isang balikat lang ang labas.. WAlang eyeglass at nakalugay lang ang buhok nito, may earings na malaki at kwintas

“perfect!! Ang ganda ganda mo pala bespren pag inaayusan eh, shet! Baka magkagusto pa sa iyo si Ryel ko di ako makakapayag nyan! Haha! Ganda mo bespren..” ang sabi ni Bernadette
“Talaga best? Salamat ah.. ikaw rin naman eh, bagay ang suot mong kulay blue na gown at backless.. talagang gusto mong maakit si Ryel ah” ang sabi ni Rich

“hintay ka lang Rich, mapapasaakin din ang ugok na iyon.. hehehe!” ang sabi ni Bernadette..

Sa kabilang banda..
Nakatulog na si Kulas sa jeep dahil sa sobrang bagal ay inantok ito..
Nagising na sya ay parang hindi halos gumalaw ang sasakyan dahil malayo pa rin ito..

“Mamang driver, ubos na pasensya ko, ibaba na lang ninyo ako..” ang sabi ni Kulas

“Ano kanyo? Inuubo si Inocensia, sino ba si inocensia totoy? Wala akong kilalang inosensia..” ang sabi ng Driver

“Hindi ko alam kung bkit ko ba inaaksaya ang oras ko kausap kang matanda ka.. makababa na nga lang bago pa ko mawalan ng respeto sayo..” ang sabi ni Kulas

“Teka totoy, saan ka pupunta, iyong bayad mo..” ang sabi ni Matandang bingi..

“lolo pagkasakay ko nagbayad na ko, makakalimutin ka na talaga! Naku po lolo! Kung ako sa inyo matulog na lang kayo at magpahinga sa bahay ninyo at magbilang ng apo..” ang sabi ni Kulas

“bakit ka bumaba na, hindi pa naman ito ang village na pupuntahan mo..” ang sabi ng matanda..

“lolo, nang mag overtake ang bisikleta, matatanggap ko pa eh, pero ang mag overtake ang pagong! Kalabisan na lolo!!” ang sabi ni Kulas at umalis..

“Pagong? Totoy, wala naman akong nakikitang pagong.. taong kuba meron..” ang sabi ni Lolo..

“akalain mong hindi sya nabingi sa sinabi ko..” ang sabi ni Kulas habang naglalakad at dinedma na si lolo.
..
Sa kabilang banda, sa bahay nila Amanda..

“Teka Anak, sino ba ang maswerteng ka-date mo ah..” ang sabi ni Rowenalyn

“Naku tita, hindi rin niya alam kung sinong maswerteng lalakeng mauunang makarating..” ang sabi ni jana..

“kasi tita pareho syang um-oo sa dalawang lalake..” ang sabi ni Princess

“Amanda? Kelan ka pa naging salawahan.. naku anak, kawawa naman ang taong mapapaasa mo..” agn sabi ni Rowenalyn..

“Mommy hindi ko naman iyon sinasadya eh.. nung inask ako ni Kulas um-oo ako sa kanya kasi wala pa naman nagyayaya sa akin at siya iyong lagi kong kasama saka lagi niya kong nililigtas eh parang pakunswelo ko na lang sa kanya, tapos nung nakita ko si Red,siempre nawala sa isip ko si Kulas dahil kausap ko na yung crush ko, eh niyayaya niya rin ako, ano pa ba magagawa ko edi siempre um-oo din ako..” agn sabi ni Amanda..

“kaya tita sabi naming kung sino ang unang makakarating doon siya sumama, kaso matinding dasal ang ginagawa ni Amanda ngayon na sana si Red ang dumating.. “ ang sabi ni jana..

“Sana si Kulas ang dumating..” ang sabi ni Rowenalyn

“mommy kilala mo ba si Kulas? Nagkita na ba kayo at bakit gustong gusto niyo sya..?” ang sabi ni Amanda..

“ahh ehh.. hindi, sa kwento niyo lang.. diba siya yung nakabangga mo noon at naghalo pera niyo.. buti nakapag aral pa sya noh.. siempre siya gusto ko para naman makabawi sa kasalanan mo..” ang palusot ni Rowenalyn..

“oo nga mommy eh, buti na lang nakapag aral pa sya, hindi ko nga natanong paano at saan sya nakakuha ng pera..” Ang sabi ni Amanda..

Makalipas ang ilang saglit.. dumating na si Red..

Abot tenga ang ngiti ni Amanda dahil si Red ang unang nakarating kesa kay Kulas..kaya dali dali itong pumunta ng gate at siya na ang nag bukas agad..

Ang gwapo ni Red sa suot niyang black Tuxedo na may Red necktie at red na panyo sa bulsa ng tuxedo niya at dala nito ang color black na Honda city Car niya..

“Good Evening ladies” ang bati ni Red kina jana, princess at Rowenalyn..

“Red, this is my mom Rowenalyn and these are my bestfriends Jana and Princess..” ang pakilala ni Amanda..

“your mom still look young and beautiful, no wonder kung bakit napakaganda mo rin at lalo ngayong gabi bumagay sa iyo ang Red gown..” ang sabi ni Red

Nagblush naman itong malanding amatz na to.. hahaha! Joke!

“Red, hijo! Ingatan mo ang unica hija ko ah.. manananagot ka sa akin pag hindi mo binalik yan ng buong buo.. “ ang sabi ni Rowenalyn..

“Yes Madam, don’t worry, hinding hindi mangyayaring pabayaan ko tong princesang ito..” ang sabi ni Red..

“ingat kayo ah! Dire-Diretso lang ah! Wag biglang liko..hahah!” ang pabirong sabi ni jana..

Umalis na rin sina Amatz at Red..

Sa Kabilang banda.. 
Sa bahay nila Lani.. Dumating si Thinker bell sa bahay nila Lani para sabay sila sa pagpunta sa Acquaintance party dahil pareho silang walang ka-date..

“kainis wala man lang nagyaya sa akin, dibale, tiyak ko doon sa mismong Acquaintance party makakahanap ako ng Prince Charming ko..” ang sabi ni Lani

“Im sure with that my cinderella, coz I will be your Fairy God mother at imamagic ko para magkaroon ka ng ka-date!” ang sabi ni Thinkerbell
Biglang napuna ni Lani na maybitbit na namang aso si Thinkerbell..
“Thinker bell,dinala mo na naman ba si fifi?” ang medyo galit na sabi ni Lani
“Kasi sisteret, umiiyak siya kanina eh, gusto niya ring sumama kaya binihisan ko na rin siya para makasama sa atin sa Acquaintance Party, andyan na man ang balloon na gown mo eh, kasya naman siya dyan.. heheh! Sige na payag ka na.. tingnan mo ang cute cute pa naman ni fifi sa gown niya, terno kami, the fairy doggie..” ang sabi ni Thinker bell dahil nakasuot din ang aso ng pang fairy na dress

“hay naku, sige na nga.. bahala na kung anong palusot na naman ang gagawin ko.” Ang sabi ni Lani..

“Thank you sisterette, mwah!!” ang sabi ni Thinkerbell..

Sa Kabilang banda..

Sinundo na rin ni Aldrin si Anna..
Ang ganda ni Anna sa suot niyang dress na talaga namang kita ang cleavage..samantalang si Adrin naman ay nakasuot ng white tuxedo at nakasakay sa white na tricycle.. hahaha!

“Dyan tayo sasakay?” ang pagkagulat na sabi ni Anna nang Makita ang tricycle..

“yup, pasensiya na ah, di kasi ako sing yaman ninyo.. simpleng mamamayan lang ako eh.. eto lang kaya kong ipangsundo sa iyo..” ang sabi ni Aldrin..

“ok lang, nakakatuwa nga eh, tricycle, dahil im sure ikaw ang tricycle driver na sweet lover! “ ang pambobolang sabi ni anna..

Nilakad na lamang ni Kulas ang Village kung saan nakatira si Amanda..

Nadaanan ng kotse ni Red si kulas na naglalakad at nakita iyon ni Amanda..

Halatang nakunsensya si Amatz at nagtaka naman si Red bakit papunta sa village nila si Kulas

“Saan pupunta iyon, diba classmate mo iyon..?” ang sabi ni Red..

“ah eh.. siguro taga sa amin ang nakuha nyang ka-date..” ang palusot na sabi ni Amatz pero halata pa rin sa kanya ang pag aalala at nakukunsensya ito..

Nakarating na rin si Kulas kina Amanda at nagdoorbell na rin ito at bumungad sa kanya si Rowenalyn..

“Huli ka na Kulas, wala na si Amanda at sinundo na siya ni Red..” ang bungad agad ni Rowenalyn at hindi na ito inantay mabati muna ni Kulas..

“Ganun po ba, kemalas malas ko naman ngayong araw na to..hayz, sige po, ayos lang po, kasalanan ko naman eh kasi pinaghintay ko siguro siya ng matagal kaya naghanap na siya ng ka-date..” ang sabi ni Kulas

“Pero siguraduhin mo kulas ikaw ang maghahatid sa kanya dito dahil ikaw ang hinire kong bodyguard nya kaya magtrabaho ka..” ang sabi ni Rowenalyn..

“opo madam..” ang sabi ni Kulas

Nglakad na naman si Kulas at pagdating sa labas ay biglang may mga barumbadong lalake ang humarang sa kanya..

“Hold up to.. akin na ang celphone at wallet mo..” ang sabi ng mga magnanakaw na akala nila eh mayaman si kulas dahil galing ito sa magandang village..

“ha? Ano ibibigay ko sa inyo, itong celphone kong de-antenna at wallet ko na may 50pesos lang?” ang sabi ni Kulas at inilabas niya ang wallet at celphone niya..

Nadismaya ang mga magnanakaw at binugbog si Kulas at tatangkaing sasaksakin ito..

“Pinagloloko mo ba kami ah.. siguro meron ka naman talagang magnadang celphone at sinadya mong yan ang ipakita sa amin, ilabas mo na ang celphone mo! Pag hindi mo nilabas ang celphone mo, ipapasok ko yang cp mo na de-antenna sa pwet mo!” ang sabi ng magnanakaw..

“Ano ba kayo! Pagbinenta ninyo agn celphone ko sa museum, tiyak mahal to, antique na kaya to..” ang palusot ni Kulas

“Wag mo kong pinaglololoko… pag di mo pa ilalabas, isasalpak ko na talaga to sa pwet mo.” Ang sabi ng magnanakaw..

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now