Chapter 11

2.3K 34 0
                                    

CHAPTER 11

Pagkatapos maligo ni Kulas ay nagpasya na syang matulog sa kanyang kwarto pero pagkalipas ng ilang minuto ay may kumatok..

“Kuya… anong ginagawa mo?” ang sabi ni Daisy, ang nakababatang kapatid ni Kulas…

“nag eensayo kung paano mamatay! Kelangan pa bang itanong kung anong ginagawa ko? Siempre natutulog?” ang sabi ni Kulas

“Kuya naman ang sungit, tumatanda ka na kasi eh.. tabi tayo matulog kuya..” ang sabi ni Daisy

“Hoy daisy, hindi ka na rin bata ano! 16 years old ka na tapos gusto mo pang tumabi sa akin!” ang sabi ni Kulas

“kuya naman, namiss lang kita eh.. lalo na iyong pagtulog ka bigla kang nagsasalita.. hehehe!” ang sabi ni Daisy

“Sige na nga, teka.. bakit nga pala naisipan mong dumalaw sa akin dito ngayon? Ayaw mo na ba doon tumira kay nanay?” ang sabi ni Kulas

“Kuya, hindi ko kasundo mga kapatid ko sa nanay natin eh… ikaw pa rin ang da best kong kapatid..” ang sabi ni Daisy..

“sus, sipsip ka naman..hehehe! paanong da best ako eh pag binabasahan kita ng story noong bata ka eh, pinapatay ko agad ang bida para tapos na..” ang paliwanag ni Kulas

“oo nga eh, da best ka pa din para sa akin!!” ang sabi ni Daisy

“Bakit naman ako da best para sa iyo?”’ ang sabi ni Kulas

“Kasi may kuya akong binabasahan ako ng story bago matulog, kahit na huli ko na narealize na si snow white pala eh nabuhay at nakasama pa si prince charming nia, at kahit na hindi ko nalaman ang sumunod sa story ni sleeping beauty after na natusok sia ng karayom dahil sabi mo nung namatay si sleeping beauty eh hindi na sia nagising kahit kelan.. halatang tinatamad ka man kwentuhan ako eh naaappreciate ko pa rin iyong pagtiataga mo, lalo n pag pumapasok ako at pinupulbuhan mo ko,tapos pinagtatawanan ako sa school dahil mukha daw akong taong espasol kasi inubos mo ang bagong biling pulbo ni nanay at ipinaligo mo na halos sa akin.. hehehe! Ikaw lang nakakagawa non kuya! Atleast nag effort ka diba? “ ang sabi ni Daisy.

“Bakit di mo ba kasundo mga step sister at step brother natin kina nanay?” ang sabi ni Kulas

“Hindi kuya eh..ayos lang ba, dito na lang ako sa inyo? Kahit stop muna ko mag aral? Nag paalam na ko kay nanay, ayaw ko na tlga doon kuya..” ang sabi ni Daisy..

“Sige, hayaan mo, next year kahit ako naman ang tumigil at ikaw naman ang mag aaral ah..” ang sabi ni Kulas

“talaga kuya? Yeheyy ! salamat !” ang sabi ni Daisy at hinug niya na si Kulas

“sige tulog ka na..” ang sabi ni Kulas

“kuya, basahan mo ko ng story para makatulog ako..” ang sabi ni Daisy..

“Matulog ka na! baka ikaw na ang patayin ko at hindi na ang mga character sa story! Tanda tanda na mo na eh! Bilog na nga utot mo!” ang sabi ni Kulas

“eh kuya naman eh! Sige na kwentuhan mo na ko.. eh ikaw nga nung kaedad mo pa lang ako, umiihi ka pa nga sa brief! Aminin! Hehehe!” ang sabi ni Daisy

Nagharutan na ang magkapatid dahil sobrang namiss din nila ang isa’t isa.. Sa tagal ba namang hindi sila nagkita..

Sa kabilang Banda..

Sa bahay nia Ryel…

Hindi pa ito inaantok kaya naisipan pa nito magbasa basa ng kanilang libro..

Habang si Ryel ay nag rereview, nagulat sia nang may nabasa sia sa libro…

Parang sulat kamay ng isang babae at ito ang nakasulat…

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now