Chapter 28

1.6K 19 0
                                    

CHAPTER 28:

“Wala akong dapat ipaliwanag sayo Ryel, hayan ang damit mo, magbihis ka na at kumain at pwede ka ng umalis!” ang sabi ni Bernadette saka ito tumalikod at tnangkang lalabas na ito ng kwarto..

“Teka dette, sagutin mo muna tanong ko..” ang pghhabol ni Ryel kay Bernadette..

“Pwede mgbihis ka muna, kasi asiwang asiwa na ko kagabi dyan sa pink mong boxer shorts eh.. muntikan ko ng tanggalin at palitan yan dahil naaasiwa ako.” ang pang aasar ni dette.

Nagbihis naman din agad si ryel, hindi na ito amoy suka at napansin niyang bagong laba ang damit na ito..

“Nilabhan mo ang damit ko?” ang sabi ni Ryel

“Obvious ba? Naamoy mo naman diba? Pero si yaya ang nglaba niyan at hindi ako..” ang paliwanag ni dette..

“dette, ano ba tlga nangyari? May nangyari ba kagabi? May nagawa ba akong di maganda sayo? Saka bakit dito ko natulog?” ang sunod sunod na tanong ni Ryel

“Unang una Ryel, tayo ang magka-date.. Kung kaibigan ka talaga, hinding hindi mo hahayaang maging perwisyo ka sa mga kaibigan mo na may kanya kanya ding date.. Gusto mo ba masira ang gabi ni Aldrin na naging memorable para sa kanya ang araw na iyon dahil nagpropose sia kay Anna at tinanggap naman ito ni Anna.. Gusto mo rin ba sirain ang gabi ni Carmilo na dumidiskarte pa rin kay Rich at maging alagain ka sa mga tropa mo? Si Kulas naman kasama ang kapatid niya at walang kotse para ihatid ka at higit sa lahat kasama niya pa si Amanda.. Ryel, iniisip ko lang din sila at gustuhin ko mang ihatid ka, hindi ko alam ang bahay mo at di ko na rin naitanong pa sa kanila dahil baka nakakapwersiyo na tayo sa mga natutulog sa inyo.. kaya magbihis ka na, at kainin mo na ang almusal mo..” ang sabi ni Dette

“Pppero wala ba nangyari sa atin.?” Ang sabi ni Ryel

“ay ang kulit!! Oo na oo na may nangyari na… ano masaya ka na ah?” ang sabi ni dette…

“anoo?? Shet!!! Anong gagawin ko, pano na pag nabuntis kita.. di ako handa dette..!! bad3p naman oh!! “ ang sabi ni Ryel

“hoy pwede ba wag kang OA!! Kung umarte ka parang ikaw ang may matres ah! Umayos ka bago pa kita masapak dyan!” ang sab ni dette..

“dette nag aaral pa ko, bakit hinayaan mong may mangyari sa atin!! Bakit??? !! alam kong type mo ko pero hindi naman tama na pikutin mo ko!” ang sabi ni ryel

“Hoy lalakeng may matres! Natulog tayong magkatabi? My masama ba don? Nakakabuntis ba yon ah!! Konti na lang mapupuno na ko sayo eh!! Ganyan na ba tingin mo sa akin ah??tingin mo talaga easy to get ako ah!! Wala akong dapat ipaliwanag sa yo Ryel! At hindi ko pagpipilitan sayo kung sino talaga ako.. kung yan ang tingin mo sa akin wapakels ako dyan! Dahil mas kilala ko agn sarili ko kesa sa pgkakakilala ninyo sa akin!” ang sabi ni dette at nagwalk out...

Nashock naman itong si Ryel sa mga binitawan ni dette.. parang nahiya sia sa naging asal niya..

Habang nasa kwarto sia ni dette.. di nia napigilang mangealam ng gamit nito, di niya napigilang pakelaman ang mga albums..

Nakita niya ang mga class picture nito nung elementary at highschool na nag aral pala sia sa isang exclusive school at madre ang nagtuturo kasama si Rich..

“di nakakapagtaka kung bakit napakaconservative ni Rich, pero bakit ibang iba itong si dette..” ang sabi ni Ryel sa kanyang sarili..

Pinagpatuloy pa niya ang panonood ng mga pictures at nakita niya ang mga pictures nila ni Rich, dahil mabespren ang dalawang ito since elementary hanggang hayskul.. Nakita nia ang unti unting pagbabago ni dette sa mga pictures, nagiging kikay ito at fashionista samantalang si Rich ay conservative pa din ito sa mga pictures hanggang sa hayskul at napuna rin naman iyon ni Ryel kahit itong college. Nakita din nia ang maraming magazines about fashion at kung anu ano pang kakikayan

Mas nagulat siya nang Makita nia ang mga pictures nito kasama ang mga bata sa bahay ampunan..Minsan na rin pala siang tumulong sa mga ito..

Dito nia nakitang iba ang dette na nakilala nia kesa ang dette na nadiskubre nia ngayon..


Samantala dumalaw si Kulas sa subdivision kung saan nakatira si Lani, nakatanggap kasi ito ng text mula kay Lani at humiling kung maaari siang dalawin dahil need nia ng makakausap.. hindi nia kasi masabi sa mga barkada nia ang tungkol sa problema nia dahil baka daw magbago ang tingin sa kanya..

Sa labas ng gate nila Lani doon nag aantay si Kulas, maya maya lamang ay lumabas na rin si Lani..

“kulas salamat dinalaw mo ko.. pasensia ka na kung naistorbo kita..” ang sabi ni Lani

“ang laki pala ng bahay ninyo..anyway ayos ka na ba ah? Wag mo ng isipin yon, malalagpasan mo rin iyon.. tatagan mo lang loob mo.. ang sabi ni Kulas

“Kulas, lalo lang akong pinaghihinaan ng loob..hindi ko na alam ang gagawin ko.. natatakot ako.. “ ang sabi ni Lani

“andito ko, tutulong hanggang sa makakaya ko.. ayaw mo bang sabihin na natin sa kanila?”

“Wag kulas, gusto ko, ikaw at ako lang nakakaalam nito. Ipangako mo yan..” ang sabi ni Lani..

Hindi sa kalayuan ay di sinasadyang marinig lahat iyon ni Red.. magkaisang subdivision lang kasi si Lani at Red at that time eh nagjajogging si Red at nakita nito si Kulas na nagdodoorbell kina Lani kaya naisipan na nitong alamin kung ano ang ginagawa ni Kulas doon..

“ano kaya lihim ng dalawang ito? Buntis kaya si Lani, nabuntis kaya sia ni Kulas? Naku dapat kong malaman ang katotohanan, dahil ayaw kong ilagay nila sa alanganin si Amanda.. hindi ako makakapayag saktan nila si Amanda.. kelangang makausap ko bukas si Kulas.. lalake sa lalake..” ang sabi ni Red..
..

Samantala..
Sa bahay nila Amanda..
“Oi, beles belesan mo dyan ah, nagogotom na ako” ang sabi ng yaya

“oo ihahahin ko na..” ang sabi ni Rowenalyn sa yaya na nakaupo at nag aantay na ng food sa dining area

“baket ganto? Sonog naman loto mo! Hende ako komakaeng ng oleng, itapon yan! Intiyendeess??” ng sabi ni yaya at ginagaya si Rowenalyn pag nag uutos ito sa kanila..

“Teka anong nangyayari dito?? Nagkapalit ba kayo ng kalululwa? Bakit si yaya umaarteng ikaw mommy? At ikaw naman naging si yaya?” ang sabi ni Amanda..

“Mababatukan ko na tong yayang to eh.. hindi ko naman sinabing umarte syang parang ko... napagtripan ko lang kasing ako ang magluluto at gusto kong matutong magluto aba’y nilait lait na…hoy yaya, bumalik ka na ng kusina at ipagluto mo na kami ni Amanda.. ayaw ko na magluto, di ko maperfect!” ang inis na sabi ni Rowenalyn…

“Ano ba tong niluto mo mommy, menudo?” ang sabi ni Amanda..
“Mukha bang menudo? Eh kare kare ang gusto kong lutuin eh! Huhuhu!” ang sabi ni rowenalyn

“Karekare ba? Bakit parang lasang may pagkacaldereta.. hehee!” ang pang aasar ni Amanda..

“oh atleast 3 in 1, sino kaya ang marunong magluto nian ah! Ako lang heheh..” ng sabi ni Rowenalyn pero napansin niyang di na nakikinig si Amanda at maya maya natingin sa mobile.

“sino inaantay mong magtext ah?? Kanina ka pang tingin ng tingin dyan sa mobile mo eh..” ang sabi ni Rowenalyn

“mommy si red kasi di pa rin ako kinocongratulate eh.. saka di man lang nagpaalam..”

“hay naku baka di na nia nakayanan ang kalasingan nia at kaya umuwi na ito baka that time eh busy ka naman kaya di na nagawa pang magpaalam.. malay mo pagpasok mo bukas eh ma surprise sia sayo” ang sabi ni Rowenalyn

Maya maya ay may nagtext na nga at dali dali naman itong si Amanda na basahin..

“Hi Amanda, congratulation!
You look gorgeous last night and I enjoyed dancing with u kahit na bitin pero ayus lng, I hope nag enjoy ka din. Im so excited to see u and may importante din kasi akong sasabihin..” ang text ni Red..

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Where stories live. Discover now