Chapter 33

1.4K 16 1
                                    

CHAPTER 33:

Sa Kabilang banda..
Saktong papunta rin ang mga sisteret sa canteen..
“bad3p ang sakit ng puson ko, bilisan nio mga sisteret need ko bumili ng napkin, mukhag may dalaw ako ngayon..” ang sabi ni Thinkerbell

“nauna ka pa sa akin, diba magkasunod tayo, pero ako ang una. Mukhang delayed na naman ako ah..” ang sabi ni Lani

“uhmm siguro irregular ka kaya ganon..” ang pagsingit naman ni Anna..

“Mukhang sina Kulas at Amatz iyon ah at sino iyong babaeng mukhang kaaway nila.. “ ang sabi naman ni Bernadette

“oo nga anoh, pero diba iyon yung nakalaban ni Amatz sa Beauty Contest?” ang sabi ni Rich..

Sa kabilang banda, sa pag uusap nila Kulas, Amatz at Nisei..

“Anong pinagsasabi mong malapit na ah?pwede ba hindi ikaw ang kausap ko baka gusto mong ibunyag ko ang sikreto mo nang malaman ni Amanda kung anong pinagggawa mo.. “ ang sabi ni Nisei

Saktong parating na rin ang mga sisterets sa canteen..

“Anong ibg mong sabhing pinagggawa nia?” ang pagtatakang tanong ni Amanda

“Naku! Pakner! Wag kang magpapaniwala dyan, epekto ng paglunok ng jackstone nya yan.. may tama na yan sa pag iisip, ituloy na lang natin ang pagdadakot ng nagsisimula sa B at nagtatapos sa G, mas interesting pa yon kesa sa ibabalita nia..” ang sabi naman ni Kulas na pinipilit niyang ibahin ang istorya..

Sakto namang parating ang mga sisteret at napuna nilang parang may pagtatalo kina kulas, amatz at Nisei..

“Anong kaguluhan to, at bakit mo inaaway ang dalawang to ah??” ang matapang na sabi ni Bernadette..

“haha! Magtulungan pa kayo, wala akong pakelam..Well, tutal nandito na rin kayong lahat edi pasasabugin ko na ang unang bombang hawak ko haha!” ang sabi ni Nisei.

“Ok! Bring it on! Di kami natatakot sa bomba mo, siguraduhin mong talagang sasabog yan at hindi yan supot!” ang pang aasar ni Amatz..

“Naku pakner, paano kung nuclear bomb nga talaga ang bomba niya, tatakot naman ako..” ang kinakabahang si Kulas dahil baka nga sikreto nia ang ibunyag ni Nisei, tungkol sa pinagkasunduan nila ng nanay ni Amatz..

“Well, di ako natutuwa sa ginawa mong pagpapaasa sa Kuya ko, pero natutuwa na rin ako na hindi kayo ang magkakatuluyan dahil hindi ako boto sa iyo! Pero kung inaakala mong perpekto na ang pagsasama niyo ng Kulas na ito, pwes nagkakamali ka! Hahaha!” ang pang aasar ni Nisei

“Anong ibig mong sabihin?” ang pagtataka ni Amatz..

“Nisei!! Anong ginagwa mo?? Halika nga dito!” ang paghatak ni Red sa kanyang kapatid ng matagpuan nia itong nakikipagtalo kay Amanda..

“Sorry Amanda sa gulo ng kapatid ko, don’t mind her.. Don’t worry I’m planning to leave and study in America.. I came here just to say goodbye and thank you for being nice to me kahit sa maikling panahon, naging masaya ako. I will not forget you..” ang paliwanag ni Red na biglang sumulpot..

“B..bakit ka nagppaalam, teka naguguluhan ako.. anong sinasabi ng kapatid mo na pinaasa lang kita at bakit ka pupunta ng America?” ang sabi ni Amanda.

“Red, ikaw lang ba pupunta doon or isasama mo tong kapatid mo? Isama mo na to,wala ng magbabantay dyan, baka lalo lang mapariwara yan!” ang pagsingit ni Kulas

“Yup, ill bring her with me, mg aaral na kami sa America, napetisyon na kami ng mga magulang namin and doon na lang namin icocontinue ang studies namin..” ang sabi ni Red kay Kulas at humarap sia kay Amatz at sinagot ang tanong nitong muli.. "Amanda,, hindi mo ko pinaasa, naduwag ako sa pag amin sa iyong mahal kita.. but i have to go, kelangan ko ng mag move on at ako na ang humihingi ng pasensia sa ginawa ng kapatid ko sa inyo.. pasensia sa abala.."

“Kuya, akala ko ba tinanggihan na natin iyon? At bakit ngayon tinanggap tanggap mo? I know why kuya, tinanggap mo iyon dahil gusto mong makalimot kay Amanda, dahil sa ginawa niyang pagpapaasa sa iyo, dahil nagkabalikan sila ni Kulas,at itong kulas na ito iniiputan lang pala niya itong Amanda na to dahil nakabuntis siya.. Kinarma ka sa ginwa mo Amanda, dahil ang Kulas na yan ay may ginawang katarantaduhan sa iyo.. Iniiputan ka lang niya dahil nabuntis niya itong babaeng ito (at sabay tinuro si Lani na siya namang ikinagulat ng lahat! At nagkatinginan at biglang nagkaroon ng matagal na katahimikan)” ang sabi ni Nisei

“Stop Nisei! I told you wag kang gagawa ng kahit na anong hakbang na ikasasama ng ibang tao!, nagsisisi ako bakit ko sinabi sayo ang problema ko, I thought youre my sister at makakaunawa sa akin higit kanino man.. Let’s go Nisei, we have to go at baka kung ano pa magawa ko sa iyo! Sorry Kulas and Amanda sa ginawa ng kapatid ko..” ang sabi ni Red at sabay hinatak si Nisei..

“Kuya stop it! Nasasaktan ako!” ang sabi ni Nisei habang hinahatak ni Red sa bisig at medyo mahigpit ito kaya nasasaktan sia..”hindi pa ko tapos sa inyo! Mapapatunayan kong may ginagwang kalokohan yang kulas na yan!” ang pahabol ni Nisei at biglang naiputan ng ibon sa ulo si Nisei.. “yuck!ggrrrrrrr!!”

“Ikaw ang iniputan! Hindi ako!” ang sigaw ni Amanda.
Tulala pa rin ang lahat, pati mga sisterets at lahat ay nakatingin kay Lani at Kulas..nang makalayo na ang dalawa ay saka naghagalpakan ang lahat..

“hahaha! Akala ko kung ano ipapasabog! Supot pala ang bomba niya! Hahaha!” ang sabi ni Kulas

“Sis, hindi kaya delayed ka nga talaga dahil nga jontis ka kay Kulas?” ang sabi ni Thinkerbell kay Lani

“Gaga! Hindi noh! Paano naman ako mabubuntis eh wala kaming relasyon niyan ni Kulas, ewan ko saang chismiss nya pinagkukuha yan.. hahah!” ang sabi ni Lani

“nakakatawa naman iyon, at pinagkamalang may relasyon pa si Kulas at Amanda..” ang sabi ni Anna

Nanatiling nakatulala si Amanda sa mga narinig niya..

“Ayus ka lang ba sis?” ang sabi ni Rich kay Amatz

“Pinaasa? Hindi ko alam kung ano mga snasabi nila, pinaasa ko ba si Red? Ni hindi ko nga alam na nanliligaw sia at anong iniiputan, hindi naman naging kami ni Kulas ah.. eh ano kung nakabuntis siya, pakelam ko ba sa personal niyang buhay..” ang sabi ni Amatz

“hay naku sis, wag mo na nga pansinin iyon! May sira na ata tuktok non eh..” ang sabi ni Bernadette..

“oo nga, sabi ko sa iyo wag kang nakikinig doon eh, sabi ko sa’ yo mas interesting pa ang pagdadakutan natin ng B at G eh..” ang sabi ni Kulas

“hay naku sis, ignore mo na lang yan at tara na sa canteen, nagugutom na ko..” ang sabi naman ni Anna..

“Tara na nga..nakakagutom na eh, kwawa naman mga baby kong bulate sa tiyan hahaha!” ang pabirong sabi ni Lani

“oh dahan dahan, baka makunan ka, sayang naman yang baby na yan, basta paglabas niyan akin ang batik batik ah..” ang pabirong sabi ni Thinkerbell

“sige mauna na kayo, sunod na lang ako..” ang sabi ni Amanda na nag iisp pa rin..

“Sige kayo na lang guyz, samahan ko lang ang gf ko este bff ko.. hihihihi” ang pabirong sabi ni Kulas

“oy baka totohanin niyo naman ah! Haha! Alalahin mo kulas jontis ako at ikaw ama ng mga bulateng ito..” ang pabirong sabi ni Lani

“oo pananagutan ko yan, kumain ka na don!” ang sabi ni Lani

Pag alis ng mga sisteret, napaupo na lang si Amatz sa bench…

“Kulas, tama bang habulin ko at pigilan si Red, at sabihing mahal ko din sia?” ang sabi ni Amanda

“ikaw… kung mahal mo ang isang tao diba dapat ipaglaban mo..tingin mo ba pinaglaban ka nya nung time na inaakala niyang akin ka? Sana sinubukan niya munang sabihin sayo ang nararamdaman niya bago ka niya jinudge..” ang sabi ni Kulas

“Sabagay, tama ka doon.. pero aalis na sia kulas, baka pagsisishan ko naman ang pgkawala nia, anong gagawin ko?” ang sabi ni Amatz

“Edi sundin mo kung ano ang sa tingin mo ang tama.. ikaw pa rin naman ang magdedesisyon eh puso mo yan..” ang sabi ni Kulas

“Hay, ang hirap naman.. ayaw ko namang ako ang mauna, sia yung lalake eh, dapat sa kanya magmula iyon..” ang sabi ni Amatz..

“Mag isip ka muna ng 100times bago ka gumawa ng sunod na hakbang, baka pagsisishan mo sa huli.. bago ka matulog, mag isip ka, parang nagbibilang ka lang ng 100 na baka para makatulog hhehe.. ngayon kung nag iisip ka ng solusyon dyan sa problemang pag ibig nay an eh magbilang ka ng 100 na red hehehe para makatulog ka ah..” ang pagbibiro ni Kulas
“eto naman puro ka kalokohan!! Dakutin ko ang “B” mo na nagttapos sa “G” eh..” ang pagsisimulang pagbiro ni Amanda

“yan!! Yan ang kanina ko pa gustong malaman, sige na handa na ang B ko na may G sa dulo, gusto na magpadakot!” ang sabi naman ni Kulas..

“Alam mo na ba kung ano dadakutin ko ah… ah. Ahh.. “ ang aktong magdadakot na si Amanda at parang nagpapatintero kay Kulas at nag aakmag mangdadakot ng isang maselang bhagi ng katawan ni Kulas para inisin ito at biruin..
“oh eto na eto na, papadakot ko na ang BISIG ko.. hihihihi..” ang sabi ni Kulas

“wow! akalain mong nakapoints ka doon, pano mo naisip iyon ah?” ang sabi ni Amatz

“eh nakita kong hinawakan sa bisig si Nisei ni Red eh, bigla ko lang naisip.. hehehe..” ang sabi ni Kulas..

“Dahil nakachamba ka, tara sa canteen, nagugutom na ko.. treat ko!! Anong gusto mo ah??” ang sabi ni amatz


“wow! hindi nga? Manglilibre ka? Wow sige tara!!” ang sabi ni Kulas

AT nagtakbuhan na ang dalawang magpakner..

Habang kumakain sila sa canteen si kulas at amatz, di napigilang titigan ni Kulas si Amatz..

*kelangan ko ng kausapin si Tita Rowenalyn, hindi ko na tatanggapin ang sahod ko dapat ngayong buwang ito… Mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin ni Amanda.. ayaw kong maging personal body guard nia na bayad.. gusto kong serbisyuhan sia habang buhay bilang isang matalik na kaibigan na bukal sa kalooban ko na walang anumang perang involve..* ang sabi sa isip ni Kulas

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon