Meeting My Ex As My Professor...

By ma_rgarita

498K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 21

7.7K 182 8
By ma_rgarita


Ilang araw na ang lumipas simula nang sinabihan ako ng ganoon ni mommy.

Hindi ko alam, dahil tuwing naguusap kaming dalawa ng mommy ko ay lagi nya iyong sinasabi. She kept on insisting it.

Wala parin akong naiintindihan. Palaging tumatakbo sa isip ko ang mga sinasabi nya. Hindi ko parin maintindihan bakit nagkaganon?

Kahit wala ako sa wisyo ko, nagawa ko paring attendan ang mga klase ko. Pinipilit kong intindihin ang lahat ng itinuturo pero hindi talaga kayang gawin ng utak ko.

"Humanitarian rights." Calix wrote those words on the white board. "What's the first thing that comes in your mind or your insights the point you hear these words?" Tanong nito sa klase.

Maraming nagsisagutan sa tanong niya.

"All of those are right. Since this is your political subject, we are supposed to tackle laws." Tinanggal nito ang salamin nyang nakasabit sa long sleeves polo na suot nya at sinuot iyon. At muling iniharap ang iPad nya sa table kung saan nakalagay ang binabasehan nya ng mga tinatalakay sa amin.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang bawat kilos ni Calix. Ang gwapo gumalaw. Katulad ng palagi, nakatupi hanggang sa siko nya ang suot nyang polo, nakatuck in iyon sa kanyang kakhi pants habang nakabalandra ang suot nyang belt.

"Give me atlest five or seven human rights that you may know of." Calix sure love interactions between him and his students and I think that is one of the reasons why his subject that is supposed to be the most boring in the whole semester turned out to be the most enjoyable subject we have. Plus, I get to see him everytime.

"We have a right to education." Sagot ng isa sa mga blockmates ko na si Irish.

Agad naman na nagtaas ng kamay si
Ruby. "Sir, everyone has a right to breathe."

Natawa naman ng mahina si Calix sa sinagot ni Ruby.

"Karapatang mamuhay ng matiwasay, well at least to leave happily." Sagot naman ni Roxane na tinanguan ni Calix.

"We, everyone, has a right to love and to be loved. In short, love." Sagot ni Jillian.

Tumayo si Sandy at pumalakpak. "Tama!"

Nagtawanan naman tuloy ang mga kaklase ko.

'Everyone has a right to love and to be loved.'

Karapatan ng mga tao yon, kaya bakit kailangang may pumigil sa kanilang gawin iyon? Bakit kailangang laging may antagonist sa istorya? Bakit laging may twist? Hindi nawawalan ng conflict? Bakit hindi nalang palaging masaya? Bakit kailangan pang may umiyak? Bakit kailangan pang laging may mga tumutol?

Nilingon ko si Calix na nakangiting nagmamasid sa buong klase. Nakita ko ang sandaling pagsulyap nya sa akin. He smiled at me.

Gusto ko syang laging nakikitang nakangiti. He's the prettiest when he smiles.

"Everyone has a right to feel love, kaya nga may destined na tao sa bawat isa." Jea commented.

"You know what, that's a lie. Kung totoo yan, bakit may mga tumatandang dalaga? May mga nabubroken heart? May mga umiiyak dahil dyan sa love na yan?" May tonong pagka bitter ang sabi ni Princess.

"By chance meron ngang ganon. I think it's their choice. They choose to grow old alone. Atsaka broken heart? Hindi ba phase yan ng love?"Andrea.

"Not at all times, Andrea. Hindi love ang kailangan ng tao para mabuhay. Puro pagmamahal na lang, dahilan para maraming taong mapariwara. Hindi naman ibig sabihin love positive again, fyi love has negative outcomes too." Depensa ni Almen.

"You had said it, hindi lahat ng love. Ibig sabihin mayroon paring positibo. Love is still love. Kahit anong gawin natin, basta pag naramdaman na natin yan, wala na tayong takas. Totoo naman talaga ang sabi ni Andrea parte na ng pagmamahal ang sakit but that doesn't mean we stop loving." Lea.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga blockmates kong tila bay nagdedebate na tungkol sa love. Kanina lang ay humanitarian rights ang pinaguusapan, ngayoy tungkol na sa pag ibig.

"Oo nga! Look at Naya. She's a good example here. Broken hearted yan dati, may pagkabitter, nagpapakaemo, madrama, nang-bubusted pa ng mga hotties. Pero ngayon blooming na blooming, parang may bagong pag ibig." Tatawa tawang sabi ng baliw kong katabi. Peste talaga to. Nagtinginan tuloy lahat ng blockmates ko sa akin.

Ako pa talaga ang napagdiskitahan ng isang to.

"Napansin ko rin yan." Panggatong ng isa pa sa kanila.

Hindi ko matigilan ang mamula nang ako na ang naging topic ng klase. Narinig ko ang halakhak ni Sandy, kaya naman sinipa ko sya mula sa baba ng desk.

"Nako wag kayong maniwala kay Sandy!" Pilit tawa kong sabi. Nilingon ko si Calix sa harapan na nakangiting nakatingin sa akin halatang pinipigil lang rin ang matawa.

"Maniwala kayo sa akin!"

Nagtawanan ang mga blockmates ko. Pero agad ding nabaling ang tingin kay Calix dahil sa tanong ni Ri.

"Ikaw po ba sir? Kamusta po ang buhay pag-ibig natin?"

Napatawa lang ng mahina si Calix sa sinabi ni Ri at nilingon ako, hindi ko maiwasang hindi mailang sa tingin nya dahil baka mapansin ng mga blockmates ko.

"Masaya." Nakangiting sagot nya kay Ri.

Nagkatsawan ang mga kaklase ko kay Calix. Ramdam ko parin ang pag init ng mukha ko. Iniwasan ko ng tingin si Calix, wag nya akong titigan baka may makapansin sa kanya!

Ito namang si Sandy walang tigil kakahampas sa akin na parang kinikilig, palibhasa'y alam niya ang tinutukoy ni Calix.

"Ayiiie!~"

"May girlfriend na nga sya!"

"Ang swerte naman!"

"Sir sino ba yang lucky girl?"

"Okay, okay, let's stop this now and continue the discussion, class." Nahinto din naman ang mga blockmates ko at nagkinig na sa pinagsasasabi ni Calix.

Natapos din agad ang klase. Si Sandy nauna na sa akin dahil gutom na gutom na daw sya kaya pinauna ko na. Kalalabas ko palang ng classroom nang makareceive ako ng dalawang text. Tag-isa mula sa magkapatid.

-
Good afternoon. Naya, I'm here, outside your school. I just want to know if you have free time. Let's have a meal.
-Kairo.
-
Hi, love! I have my four hours vacant time with me. Are you free for a date?
--Calix.
-

Napalunok ako ng ilang beses beses bago basahin ulit ang text nila. Naunang nagtext sa akin si Kairo at mukhang sinadya nya pa talaga ako dito.

Umubo ako bago idial ang number ni Calix.

"Hello, Calix." Huminto ako sa paglalakad at gumilid.

[Hello, love. So, let's have a date?] Full of hope ang tono ng boses nya.

"Eh, kasi... Pwede, pagkatapos ng isang oras. Mabilis lang ako, may gagawin kasi ako eh."

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. [Okay.]

Napabuntong hininga din ako. Sayang to. Wala na sana akong susunod na klase tapos sya naman four hours na bakante. Ayun na sana. Ilang araw narin kaming hindi nagkakaroon ng oras para sa isat isa ng ganon katagal.

Minsan minsan nagkakasabay kaming umuwi pero hanggang don lang, mabilis lang dahil nagiging mahigpit narin sa akin si mommy.

"I love you, I love you, I love you, I love you, promise mabilis lang talaga to. I love you, Calix. I love you." Nag umpisa na akong maglakad para mabilis kong mapuntahan si Kairo. Kaso napahinto ako sa paglalakad at napasalampak sa sahig dahil sa may nabunggo ako.

"Sorry, are you okay?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita, alalang alala syang nakatingin sa akin habang nakaluhod.

Tinanguan ko sya.

Pinupulot nya ang lahat ng mga libro kong nagsihulugan.

Umayos ako at tinulungan sya sa pagpulot ng mga libro ko. Kinuha ko ang cellphone kong tumilapon.

Inabot nya sa akin yung mga libro ko at agad ding tumayo. Akmang aalis na sya ng pigilan ko.

I missed him.

Ilang linggo ko na syang hindi nakakausap. "T-teka, B-baste."

Napalunok ako at ng nilingon nya ako. Nag iba sya ng gupit. Ngayon ko lang sya nakita sa ganitong gupit. Si Baste itong nasa harapan ko diba?

"Yes?" Tanong nya.

Napalunok ulit ako. Gusto ko syang yakapin. Grabe, yung bestfriend ko, yung kababata ko na iniiwasan ako, ngayon nakita ko ulit. Ang tagal na, tinalo pa ng pagkaulila ko ngayon sa kanya ang nararamdaman ko dati nang umalis sya at pumuntang ibang bansa.

Masasabi kong mas ayos pa noon, dahil kahit malayo sya sa akin lagi kaming naguusap, kaiba ngayon.

"K-kamusta ka na? I mean, a-ang tagal na rin."

Si Baste.

Gusto kong umiyak sa harapan nya. Gusto kong sabihin sa kanya na wag na nya akong lalayuan, iiwasan.

"I'm okay, I'm fine." Malamig nyang sagot. Tumalikod sya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

Naiwan ako don.

Gusto ko syang habulin kaso natabunan agad sya sa paningin ko ng mga estudyanteng naglalakad sa corridor.

I composed myself and let a loud sigh.

Umiling nalang ako at pinilit na kalimutan ang nangyari. Alam ko, magiging ayos rin kaming dalawa ni Baste, hindi pa man ngayon pero alam kong malapit na.

Nagmamadali akong hinahanap si Kairo. Naka upo sya sa isa sa bench malapit sa guard house.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi nya.

"Kairo."

Napangiti sya at inabutan ako ng hawak nyang softdrinks in can.

"Salamat." Inabot ko naman iyon, kailangan ko, dahil masyado akong nastress. "How are you Kairo? Bakit bigla kang napapunta dito, is there a problem?"

Bumuntong hininga sya at ngumiti ng matipid. Hindi nagsalita si Kairo. Humalukipkip sya at sumandal sa bench na kinauupuan namin. Inangat nya ang tingin sa langit.

Ginaya ko naman sya at tumingin sa bughaw na kalangitan. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pag ihip ng hangin. Napangiti ako. "Ang ganda ng panahon ngayon." Muli kong minulat ang mga mata ko.

Nilingon ko si Kairo at nahuli itong nakatulala sa akin.

"Huy, Kairo okay ka lang ba?"  Pinaling ko ang ulo ko at siningkit ang mga mata sa kanya. "Parang may something ata sayo ngayon ah."

"Naya." Kairo called my name. I can really sense something odd. "I have something to tell you."

Napaayos ako ng upo ganon din sya.

"I just found out something that concerns you, me and my brother." Kairo looked dead serious. "I accidentally heard my mom and your mom talking last time. I didn't mean to eavesdrop pero narinig ko they were talking about us."

Hindi ako agad na nag react hinintay ko ang susunod nyang sasabihin. "Apparently, they were disappointed that you and Axel got back together. They were talking about how their plans may be ruined."

Para akong nabibingi sa sinasabi ni Kairo. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya.

Ano ba tong sinasabi ni Kairo? What plans?

Huminga ako ng malalim.

"Narinig ko, they we're planning na paghiwalayin kayo ni Axel dahil sabi nila ikaw at ako we were supposed to be married."

What the hell? This is sick.

Hindi ko mapigilang mapakuyom ang kamay dahilan upang bahagyang malukot ang hawak kong tin ng can. Ano ba tong planong ito?

"What... what the hell." I whispered. "What the hell are they talking about?!"

Kairo looked as pissed as I am. Katulad ko, alam kong ayaw nya itong planong ito.

"Kapatid ka ni Calix." Napalunok ako. "And I love Calix." I whispered. Natulala ako. "Mahal ko si Calix, how could they make such a plan?"

Napalingon ako kay Kairo nang maramdaman ko ang pag abot nya sa kamay ko. "I know Naya how horrible this plan is. They were planning this all along. Your mom and my mom. You and me while Calix is meant for Leila."

Napailing ako. Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko.

"Ito ang rason kung bakit kahit anong gawin ko ayaw sa akin ng mom mo. Ilang beses nya akong tinreathen at pinalayo kay Calix and I was dumb pumayag na man ako... hinayaan ko naman." Mabilis kong pinahiran ang kumawalang luha na pumatak mula sa mga mata ko. "Ito ang rason bakit sinasabihan ako ni mommy na makipaghiwalay kay Calix."

Naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko. Para akong nilamon ng sakit nang mapagtanto ko ang lahat.

All this time they were conspiring against Calix and I. Paano nila naatim na gawin iyon?

Si mommy... pano nya naatim na makita akong umiiyak dahil kagagawan nila ng kaibigan nya?

Sino sila sa tingin nila para gawin samin ito?

Paulit ulit kong pinahiran ang mga luha ko. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko sa galit. "Paano nila nagawa sakin to?" Huminga ako ng malalim. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Kairo.

"Pano nila nagawa to, Kai?"

Calix

Napabuntong hininga nalang ako bago lumabas ng opisina. I think I'll just go home first since I still have here with me an hour before our date.

I hurriedly proceed to the parking lot and entered my car. I prefer using the back gate since it is the nearest one but since it's under construction, I had no choice but to drive to the main gate.

Nakatuon ang atensyon ko sa daan habang abala sa pagdadrive nang mahagip ng mata ko hindi kalayuan si Naya. I slowed down.

Naya's there. Sitting on the bench with my brother Kairo. Napakunot ang noo ko nang makita kong hawak ni Kairo ang kamay ni Naya. I stopped there waiting on what will happend next. Maya maya pa ay lumapit sa kanya si Kairo at niyakap sya.

My jaw clenched. What the hell is Kairo doing? Why is he with Naya?

I took a deep breath as I tried to calm myself.

Kairo was holding Naya like there was something going on between them two. I know Kairo hates me. I know how much he does. Ano ba tong ginagawa nya?

I can't stand seeing them like this.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho.

Fuck, Axel. Fuck, man. Stop being paranoid. Naya and Kairo are just friends. Don't think of things that would only fire your mind. Alam mong hindi ganong babae si Naya. She's your Naya. You know her more than anyone does, more than Kairo does. So put up yourself.

Napabuntong hininga ako. Napahinto ako ng marinig ko ang syang pagring cellphone ko.

[Axel, dear.]

"Yes, mom.

[Are you free today, dear? Can we meet?]

Napabuntong hininga ako bago sabihing oo. I think I can still make it. And I dont even think I can handle to look straight face at Naya. I feel really guilty thinking that she's doing something behind my back. I think I should calm myself first.

"Yes, mom. I have a free time for you."

Naya

Nagmadali akong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na. Matapos ikwento sa akin lahat ni Kairo ay napagdesisyunan naming dalawa na magtutulungan kami upang hindi mangyari ang pinaplano ng mga magulang namin.

I felt hopeless nang marinig ko lahat ng gustong mangyari ng mom nya at mom ko, but I swear when Kairo said that he'll be with me through this, I felt kind of relieved. At least may kakampi ako.

Matatapos na ang isang oras ko kaya naman agad kong dinial ang number ni Calix. Is Calix busy? He's not answering his phone. Napagdesisyunan ko na lamang na pumunta sa opisina niya.

Inayos ko ang gulo gulo kong bago kumatok sa pintuan ng office ni Calix. Nakakaisang katok palang ako ay narinig ko na agad ang boses ni Sir Rhod mula sa loob.

"Hello, sir. Tanong ko lang po kung nandyan si Sir Calix." Nakangiting sabi ko.

Tinanggal nya ang titig nya sa papel na sinusulatan nya at nilingon ako. "He's not here. He said he'll be home."

"Ganon po ba? Sige po." Lumabas agad ako sa opisina nila. Tinry ko uling tawagan si Calix, sakaling sasagutin nya ako pero hindi parin.

Pupuntahan ko nalang sya sa unit nya. I sent Calix a message telling him that I'll be at his place.

Nagmadali akong sumakay ng taxi at nagpahatid papunta sa building ng asaan ang condominium unit ni Calix.

Nasa lobby palang ako ng building ay agad na akong napahinto sa paglalakad. Nakita ko ang mom ni Calix na nakatayo hindi malayo sa receptionist desk ng lobby.

Napalingon sa akin ang mama ni Calix na para bang alam nyang makikita nya ako dito. I felt so uneasy. Iba agad ang naramdaman ko nang makita ko sya.

Lumakad sya with poise papalapit sa akin at nginitian ako.

"Naya."

Pinilit kong ngumiti at i-maintain ang eye contact sa pagitan naming dalawa. This lady, kanina lang sya ang pinag uusapan naming dalawa ni Kairo.  I still cannot believe that there are people like her, same as my mom. Manipulative people who never cared about other's feelings.

"Are you going to visit my son?" Tanong nya.

Tumango ako. Hinigpitan ko ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko.

""I'm sorry I don't think he's here. Baka mamaya pa umuwi sabi ni Leila." Nakangiting sabi nya.

Napalunok ako. Matagal kong tinignan ang mukha ng mama ni Calix at Kairo. Huminga ako ng malalim at tumango. "Hihintayin ko nalang po si Calix pakisabi kay Leila."  Sabi ko at akmang tatalikuran na sya ng maramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko.

"Since mamaya pa naman makakauwi ang anak ko, why don't you join me for a coffee."

Napatigil ako sa sinabi nya.

Binitawan nya ang hawak nya sa braso ko at nagumpisa ng maglakad papalabas ng building.

"Don't be so rude. Let's go." Madiin nyang sabi.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at tila bang may sariling utak ang mga paa ko at sinundan sya.

Sumakay kami sa kotse nya, magkatabi sa backseat at kasama ang driver nya na syang nagmamaneho.

Tahimik lang ang buong byahe, wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Muli akong napalunok ng ilang beses ng makita ko kung saang coffee shop na huminto ang kotseng sinasakyan namin. This place was so familiar.

We entered the same place.

We sat at the same spot.

Dito sa pwesto kung saan kami dating nagkita ng mom ni Calix. Dito yon.

Hinding hindi ko makakalimutan ang lugar na ito. Hindi nagbago ang interior design ng coffee shop. Kamukha parin ng dati.

Para akong nasa replay ng isang eksena sa buhay ko.

Um-order ang mom ni Calix ng coffee para sa aming dalawa.

"Remember this place?" Tanong nito habang inaayos ang kaniyang buhok.

Hindi ako sumagot. Nanatiling nakatingin lang sa kanya. Nanunuyo ang lalamunan ko. Feeling ko may malaking bara doon na hindi ko kayang tanggalin.

This woman.

"We were here two years ago, remember?"

Nangingilid ang mga luha nang maalala ko ang nangyari dati.

"I brought you here to remind you, Naya, and to tell you once again." Nakangiting sabi nito pero agad din iyong nawala. "Can you please get away from my son?"

Dumating ang waiter na dala dala ang mga inorder ng mom ni Calix.

Napakuyom ang kamao kong nakapatong sa tuhod ko.

Eto nanaman sya.

"Leave my son."

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Umiling ako. I mustered all the courage I have to open my mouth. "I won't."

Umiling ako ng paulit ulit. Sobrang sikip ng dibdib ko. Ang bigat ng nararamdaman ko.

"I won't leave Calix again." Mas madiin kong sinabi. "I can't leave Calix again."

"I know you can. Hindi ka pa naman attached ng sobra sa anak ko. Ilang months palang kayo nagkabalikan, madali lang lumimot."

She's wrong. Attached na attached na ako kay Calix. Masyado ko na syang gusto, masyado ko na syang mahal. Madaling ma-attach sa isang taong katulad ni Calix, kaya sobrang hirap ng gusto nyang mangyari.

Hindi kasing dali ng iniisip nya. Hindi kasing dali.

Tumayo ako at tinignan ng sya. Ilang beses akong huminga ng malalim at sinalubong ang mga tingin nya sa mata ko. "Hinding hindi ko iiwan si Calix kahit ano pang sabihin mo sakin."

"You loved the wrong man, Naya. Para kay Leila lamang si Calix."

Yumuko ako. "For you yes, para kay Leila si Calix. Tanungin nyo po ang anak nyo kung para kanino sya." Tanging sabi ko at mabilis na naglakad na papalabas pero wala pa man ay napahinto nang may mabunggo akong babae.

"Ayy! S-sorry miss. Sorry, sorry!"

Napatingin ako sa basa kong uniporme. Natapunan ito ng iced coffee. Hindi ko iyon pinansin at mabilis na lumabas ng coffee shop.

Nagmadali akong lumabas ng coffee shop at pumara ng taxi. Tila nanlambot ang buo kong katawan nang makapasok ako sa loob ng taxi. Lahat ng luhang pinigil ko sa harap ng mama ni Calix ay sunod sunod na nagsibagsakan.

Pinilit kong hanapin ang phone ko sa bag at agad na dinial ang number ni Calix kahit patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi pa rin sya sumasagot katulad kanina.

Hindi ko mapatahan ang sarili ko.

"Calix naman! Sumagot ka please!" Umiiyak kong sigaw sa cellphone ko at pinindot uli ang dial button.

Hindi parin talaga.

Tinry ko ulit ng pangilang beses pero hindi talaga, hanggang sa naubusan nalang ng power ang cellphone ko at kusa itong namatay.

Lahat ng bagay ayaw umayon sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang sikip sobrang bigat ng nararamdaman ko. I can't even stop myself from sobbing.

Nagpahatid ako sa driver pabalik sa building ng unit ni Calix.

Kahit basang basa ang damit ko, kahit patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit ano pa man, sya lang ang gusto kong makita. Si Calix lang ang tanging kailangan ko ngayon.

Pinagtitinginan ako ng mga taong nakasalubong ko papaakyat ng floor ni Calix. May mga nagtatanong kung okay lang ako. May nagaabot ng panyo, pero hindi ko sila magawang sagutin dahil sa mga hikbi nalang ang syang lumalabas sa bibig ko.

Paulit ulit kong pinindot ang doorbell ng unit ni Calix pero wala manlang sumasagot. Wala parin ata sya doon.

Nanghihina na ang mga tuhod ko, hinang hina na ang loob ko. Napaupo ako sa sahig.

I badly need Calix now. I badly need him.

"Calix. P-please, nasaan ka ba?" Bulong ko kahit alam kong hindi nya ako naririnig.

Calixto Axel

'Here at my office, you can meet me here.' - mom.

Sumakay ako ng lift at agad na pinindot ang 13th floor kung nasaan ang opisina nya.

Napabuntong hininga ako. I remembered Naya's face. We were supposed to meet for my remaining free hours but I'm here. I should've not let my anger control me. I was wrong.

I took a glance at my watch. It's already quarter to three in the afternoon. I think I'll just do this fast and go to see her.

Nagmadali akong lumabas ng lift at dumiretso agad sa opisina ni mama. Only to fin Leila sitting on the couch near my mom's desk. My mother wasn't there to be seen.

Sya lang ang tanging tao dito na sya namang ikinakunot ng noo ko.

"Axel, you're here. Where's tita?" Tanong nito sa akin nang makita nya ako.

"Hindi ko alam." Simpleng sagot ko at tumalikod sa kaniya.

"Oh, w-wait! Tita told me to go here. H-hindi ko alam na pupunta karin pala."

I'm not a rude person but just thinking of everything she's done to Naya makes me furious.

Hindi ko sya pinansin at dumiretso nalang sa pinto. Pinihit ko ang knob ng pinto na sya namang hindi gumana.

Napakunot ang noo ko.

Inulit ko ang pagpihit pero hindi parin ito gumagana.

"Bakit, Axel? What's wrong?" Leila.

Hindi ko sya nilingon. "I think this fucking knob is broken." Asar na sabi ko at inulit ulit ang pagphit dito.

"Oh, gosh. Are we stranded?"

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero wala. Ngayon ko lang naalala na iniwan ko iyon sa kotse ko.

Lumapit ako sa desk ng mom at hinanap ang intercom nito pero wala akong mahanap. Nilingon ko si Leila at agad na nahuli syang nakangiti habang nakamasid sa ginagawa ko.

Damn. I should've known it was mom and Leila's plan. I should've been wiser.

"Give me your phone."

"It's broken. You can't use it."

Napahampas nalang ako sa desk at agad muling tinungo ang pinto. "Open this goddamn door!" I shout at the top of my lungs hoping there's anyone outside who can hear me.

"I don't think that would work. Nagpaalam sa akin ang secretary ng mom mo na uuwi sya at wala ng ibang office ang nandito sa floor na to." Paliwanag ni Leila.

"Why don't you just, Axel sit here and wait for them to notice that this room is locked?" She tapped the space beside her. "Let's talk." Nakangiti sya na para bang natutuwa.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"You know, Axel. It's been a long time ng huli tayong magkasama na tayong dalawa lang."

Nanatili akong nakatayo at nakamasid sa orasan nitong opisina na ito. Im just wasting my time. Anong oras na at hanggang ngayon nandito ako. Sinayang ko lang ang oras ko.

"You know, Calix. Naya and I had a talk." Sabi nya dahilan para tignan ko sya.

Of course I know. This lady is insane.

"I told her everything. Ang pinagtataka ko lang ay, bakit ngayon tanggap nya ang lahat ng yon? Can't she understand?"

"That everything, are lies."

"I'm not lying. Totoo namang may something sa ating dalawa. I know you like me Calix so just stop fooling around with her."

I crumbled my hands into fist. I did my best to control my temper. I should never hit a woman. Never hit a woman.

"Why are you still with her, Axel? Dati para kang tanga kakahabol sa kanya hindi ba? With that two years you did your best para makapasok sa university kung nasaan sya. You always keep your eyes on her, kahit wala syang pakielam sayo. Sinasaktan ka lang ng babaeng iyon."

"You know nothing, Leila."

"I fucking know everything, Axel! I fucking do! I was there and witnessed everything. Ano bang gayuma ang ginamit sayo ng babaeng yon?!"

"You shut your fucking mouth, Leila."

Mababakas mo ang inis sa itsura nya, maging ang pagluha ng mga mata nya.

"I did everything for you, Calix. Lahat na ginawa ko layuan ka lang ng babaeng yon. Even your mom!"

I stopped.

What does that mean? 'Even your mom.'

"Anong ibig sabihin mo?"

"Hindi mo alam? That's pathetic. Naya's pathetic. She tried to fix everything by herself. Hindi manlang naawa sa sarili nya. That pathetically bitch."

Lalo akong naguluhan sa sinabi nya.

My jaw clenched. I can feel nothing but anger.

Hinding hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nya.

Involving my mother and Naya.

"Your mother tried to push Naya away from your life. She threatened her and all. Tama lang naman diba? With those two years, naging mas maayos ka nang iwanan ka ni Naya. That was a great plan after all, pero bumalik pa sya. Everything was ruined because of that."

All this time.

Our two years was wasted because of them. All of those heart break. All of those pain.

Nasayang ang lahat ng saamin ni Naya nang dahil sa sarili kong ina?

Bakit ngayon ko lang nalaman?

Tumalikod ako kay Leila at kumuha ng buong pwersa para itulak ang pinto.

I'm fucking raging. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Nagmadali akong sumakay ng kotse ko at agad na hinanap ang aking cellphone.

I received many calls from her.

I dialed her number but she's not answering.

Shit. I don't know where to find her.

Muli akong napalingon sa text messages ni Naya. She's at my place.

I drove off to my unit hoping she's really there waiting for me. I hurriedly went to my unit to find Naya there.

Nakita ko syang nakaupo sa sahig sa labas ng unit ko, sapo sapo ang mukha gamit ang dalawang kamay. She's crying that's why I called her.

Agad nya akong nilingon. "Calix!" Umiiyak nitong sigaw at tumakbo papalapit sa akin, she hugged me tight as soon as she reached me.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...
156K 3.1K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
655K 14.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...