GETTING BACK TO EACH OTHER'S...

By KimVerly

637K 6.9K 764

ito na po yung book2 nang getting to now each other on bed..basahin muna ang book1 bago ito para hindi malito... More

GETTING BACK TO EACH OTHER ARMS
PAGE-1-
PAGE-2-
PAGE-3-
PAGE-4-
PAGE-5-
PAGE-6
PAGE-7-
PAGE-8-
PAGE-9-
PAGE-10-
PAGE-11-
PAGE-12-
PAGE-13-
PAGE-14-
PAGE-15-
PAGE-16-
PAGE-17-
PART-18-
PAGE-19-
PAGE-20-
PAGE-21-
PAGE--22--
PAGE-23-
PAGE-24-
PAGE-25-
PAGE-27-
PAGE-28-
PAGE-29-
PAGE-30-
PAGE-31-
PAGE-32-
PAGE-33-
PAGE-34-
PAGE-35-
PAGE-36-
PAGE-37-
PAGE-38-
PAGE-39-
PAGE-40-
PAGE-41-
PAGE-42-
PAGE-43-
PAGE-44-
PAGE-45-
PAGE-46-
PAGE-47-
PAGE-48
PAGE-49-
PAGE-50-
AUTHORS NOTE:PASASALAMAT
THE LAST PART(EPILOGUE)
SPECIAL CHAPTER

PAGE-26-

10.1K 99 4
By KimVerly

PAGE-26-

Nagtatakang nilibot ko ang mga mata sa buong paligid nang kwartong pinagkakahigaan ko ngayon.pinilit kong maalala ang nangyari at napaupo siya sa kama nang maalalang si Kaden nga pala yung lalaking nakasalubong niya kagabi.

mukhang sa bahay na naman niya ako dinala.napatingin din siya sa orasan na nakasabit sa may gilid nang kwarto.alas onse na at malapit narin mag tanghalian.tumayo ako para magtungo sana sa Cr na nandoon nang matabig ko yung shoulder bag ko

tumilapon ang laman nito at nakita niya doon yung black notebook ni Harley.kasama ito nang Cd na naglalaman nang documentong nakalanap nito.kinuha ko iyon para sa mga tanong na hindi pa nabibigyang linaw sakin

binuklat ko yung notebook dun sa part na hindi ko pa nababasa.sa limang pahina nang notebook nito ay halos puro drawing  lang ang makikita.drawing nang bahay,puno,bulaklak,batang babae at isang batang lalaki.sa sumunod na page ay isa nang sulat

HI..it's me harley

hindi ko alam kung dapat paba akong mag-sulat dito.matagal narin at marami nang nangyari sa buhay ko.nawalan ako nang magulang,kapatid at pati girlfriend.ang sabi nang taong kumupkop sakin pag-subok lang iyon at kailangan ko yun lagpasan pero hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin nang pag-subok na iyon.dahil hanggang ngayon nilalamon  parin ako nang masamang alaala na iyon.isa narin akong agent ngayon,gusto kong tulungan yung mga taong nawalan nang minamahal dahil sa mga demonyong tao.sa abot nang makakaya ko hahanapin ko din ang mga taong pumatay sa  taong mahal ko.

muli niyang  nilipat yung  pahina nang matapos  niya iyon basahin.may gusto siyang malaman at iyon ay kung bakit hindi sinabi sa kanya ni Harley na siya yung batang tumulong sakin.hindi rin nito kinontra si kaden nang magpanggap bilang siyang bata noon na tumulong sakin

Hey,it's me again Harley

may babaeng bigla nalang pumasok sa condo ko at dahil dun may nangyari saming dalawa.i though she was my girlfriend but i was shock na hindi siya iyon.nakakatuwa siyang pagmasdan sa totoo lang.siya yung babaeng madalas kong makita sa bar at minsan madalas ko din siyang sundan.hindi ko akalain na magkakakilala kami sa ganitong tagpo.kung alam niyo lang kung gaano siya nagalit nang sobra.pinagbintangan niya pa akong nirape ko siya which is hindi naman yun totoo dahil bumigay din siya sakin.sa tingin ko magiging magulo ang mundo ko dahil sa kanya parang ang hirap niyang iwasan eh.

napangiti ako nang mabasa iyon.parang bumalik tuloy ako sa nakaraan namin nang mabasa ko iyon.hindi ko rin akalain na isusulat ito ni harley doon.muli ko naman binuklat yung kasunod na page.

Hey..Harley again.

yung babaeng nakilala ko Codilyn pala yung name niya.nga pala Memory yung binigay kong pangalan sa kanya.maganda narin naman yung naisip ko dahil wala naman akong balak na makilala pa siya nang lubos.kailangan ko din iyong codename na iyon para sa trabaho ko bilang isang agent.isa pa nga pala kailangan ko yun dahil hanggang ngayon sa nakaraan padin ako nabubuhay.nga pala sa condo ko narin siya nakatira.may deal kami at pumayag siya pero hindi naman masama yung intensyon ko sakanya.ayoko lang naman sirain niya yung buhay niya.masyado nga lang matigas ang ulo niya.masyado siyang pasaway,mukhang nagkamali ata ako sa deal na inalok ko.nakakasakit siya nang ulo sa totoo lang.

naalala niya din ito.dito nag-simula yung deal nilang dalawa.at dahil din sa pangalan niya nagkasira silang dalawa.muli naman niyang binuklat yung sumunod na page.

Hey..it's me Harley aka memory

akala ko hindi ko siya magagawang mahalin pero minahal ko siya,lumayo ako dahil sa tingin ko iyon ang tama.lumayo ako sa kanya nang ilang buwan dahil din naman sa trabaho ko.at nang dahil doon nasaktan ko siya.nasaktan ko siya nang sobra lalo na nang malaman niyang niloko ko siya,ginawa ko naman lahat para maitama ang maling nagawa ko.pinaliwanag ko sa kanya ang lahat kung bakit iyon ang ibinigay kong pangalan.napagbigyan niya rin naman ako at dahil doon totoo nang naging kami.hindi ko alam na magiging ganito ako kasaya sa feeling niya.

may lumaglag na luha sa mga mata ko at mabilis ko iyon pihiran para muling basahin yung susunod na page.

Hey..Harley again

sa bawat oras,minuto at sandali na nawawala siya sa paningin ko pakiramdam ko mababaliw ako.palagi ko siyang naiisip,palagi ko siyang namimiss.ganito naba talaga ako kabaliw kay codilyn na nagagawa niyang mapahinto ang mundo ko?.sobrang mahal na mahal ko siya at dahil doon natatakot ako sa pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya,hindi ko talaga akalain na magmamahal ako nang babaeng pasaway,hindi marunong magluto,mahilig magtampo sa napakaliit na bagay at higit sa lahat sa babaeng pantasya yata nang lahat.

napasimangot naman ako nang mabasa yung babaeng pasaway,hindi marunong magluto at mahilig magtampo sa napakaliit na bagay.pero napangiti naman ako sa sinulat nitong ako ang nagpapahinto nang mundo niya

Hey..

nagpanggap akong patay sa tingin ko yun ang dapat.alam kong nasasaktan ko siya nang sobra dahil sa ginawa ko.sa pagpapanggap kong patay may nalaman ako.yung kapatid ko na namatay ay hindi pala namatay kung hindi sinadyang patayin.sobrang sakit,lalo na nang malaman kong nakay codilyn ang mga mata nang kapatid ko.sobrang sakit na hindi ko alam kung kailangan kobang maghiganti para sa kanya..

nangilid ang luha niya nang mabasa iyon.sobrang tagal na niyang alam.kaya pala! ngayon,nauunawaan ko na kung bakit parang nawala ito sa sarili noon.

Hey..

sobrang mahal ko talaga siya at hindi ko kayang maghiganti sa pamilya niya.hindi ko siya kayang saktan.ayoko na siyang umiyak,ayoko na siyang makitang nahihirapan.kung mababasa ito nang kapatid ko sa kabilang buhay sana mapatawad niya ako sa pinili kong desisyon.mahirap man para sakin pero alam kong mas mahihirapan ako kung siya naman ang masasaktan saming dalawa.ipag papasa Dyos ko nalang ang lahat.gagawin ko ang pagpapatawad dahil alam kong iyon ang sinisigaw nang puso ko.mas maigi pang ako nalang ang masaktan kaysa siya.alam ko sa pinili kong ito kailangan ko rin siyang palayain.kailangan ko siyang iwanan para hindi na mabunyag pa ang lahat at masaktan ito pag nalaman nito iyon.sweety,hindi ako makikipag-hiwalay dahil hindi na kita mahal.sobrang mahal na mahal kita,bumuo ka nang pamilyang nababagay saiyo.lalaking hindi kana sasaktan at hindi kana paiiyakin pa.sa binuo kong pasya na iyon.saksi ang bilog na bilog na buwan at karagatan.pagkatapos nang sampung taon muli tayong magkikita para makinig ako sa naging masayang buhay mo sa ibang lalaking pinili mong makasama.

napahagulgol ako nang iyak nang mabasa ang kahuli-hulihang sulat na nandoon.nakaplano na pala talaga dito.ang lahat nang sasabihin nito sakin nang gabing pinili nitong makipag-hiwalay sakin dati.kung sana hindi ko siya pinilit na balikan ulit ako sigurado hindi na ito mangyayari sakanya.

kung sakali bang pinili ko ang kasunduan naming iyon?.mababago kaya niyon ang naging kapalaran ni Harley ngayon?magiging mas maligaya kaya siya kung sakaling hindi sila muling nagkabalikan?.

yung dapat na pagpunta niya sa cr ay hindi na niya nagawa.umiyak siya doon nang umiyak.habang sinisisi ang sarili sa mga nangyayari kay Harley.bigla namang pumasok nun si Kaden at niyakap ako nang mahigpit dahil sa walang tigil kong pag-iyak.

sinamahan ako at dinamayan ni kaden hanggang sa mag-alas kwatro nang hapon,wala itong ginawa kundi pilitin siyang pasiyahin kahit hirap na hirap siyang gawin iyon.sobrang nagpapasalamat siya dito  dahil  kahit  papano  nababawasan yung bigat sa dibdib  niya.

ala-singko na  nang  hapon  nang mapag-pasyahan kong  mag pahatid dito sa isang park.nag paiwan siya dito doon na mag-isa.mukhang naintindihan naman ako nito kaya hindi na ito nagpumilit na  samahan  ako.

sa pag muni-muni ko doon at  paglalakad sa may fishpond.isang matandang lalaki naman ang bigla nalang tumabi sakin.nakangiti itong tinignan  ako,nagtataka man ngumiti  narin ako dito.bigla naman itong nag-salita na kinagulat ko

"ikaw si Codilyn diba?"

"ako nga po.kilala niyo po ba ako?"ngumiti ito at sinenyasan akong maupo kaming dalawa sa damuhan

"ikaw ang babaeng minahal nang apo kong si Harley."

"ikaw po ang?pero panong.."ngumiti ito at tinapik ang palad ko

"nagtataka ka kasi ang alam mo wala na siyang kamag-anak kasi ampon yung Daddy niya at yung mga magulang naman nang Mommy niya ay patay narin.ako ang tunay na Ama nang Daddy ni Harley at ako din ang kumupkop sa kanya nung walang-wala na siya sa buhay nung maliit pa siya."itong taon at buwan na ito ang dami-dami kong nalalaman

"pero bakit hindi po nabanggit sakin dati yan ni Harley?.."muli itong ngumiti at binaling ang tingin sa fishpond na nasaharapan namin

"kasi hindi niya na maalala ang about doon."

"ano pong ibig niyong sabihin?"bumuntong-hininga muna ito bago muling nag-salita

"nang mamatay ang kapatid niya at tuluyan na siyang napunta sa poder ko,hindi ko pa alam na siya ang anak nang nawawala kong  anak.dose anyos siya nang malaman kong patay na ang anak ko at siya ang apo ko.sinabi ko sa kanya ang  tungkol doon.pero,nangyari ang di inaasahang pangyayari.nawala siya sa sarili nang patayin ang unang babaeng minahal niya sa harapan niya.palagi siyang sumisigaw pag sasapit nang hating-gabi.isang araw sa sobrang takot niya dahil mukhang napaniginapan na naman niya yung nangyari eh,nagtatakbo siyang lumabas nang bahay at dahil doon nabangga siya nang kotse.kung may mapapansin kang pilat niya sa noo kung tititigan mo siya.yun ang palatandaan na nabangga siya"na shock ako sa nalaman at parang nag flashback din sakin yung pilat nito

 anong nangyari sa noo mo?!may pilat kasi ito sa noo pero hindi naman ganong halata. kung titigan mo lang dun mo mapapansin syaka hindi naman iyon ganung malaki

 

ah,nakuha ko yan nung bata ako masyado kasi akong malikot nun kaya ayan ang napala ko..ngumiti ito pero meron akong napansin lungkot sa mga ngiti nito

yun yung eksaktong natandaan ko nang tinanong ko ito dati about sa nakita kong pilat nito sa noo.ngayon parang nabibigyang linaw na talaga sakin ang lahat.

"ang ibig po bang sabihin niyo,nawalan siya nang ala-ala?"muli itong bumuntong-hininga bago sinagot yung tanong ko

"yun nga din ang pinagtaka naming lahat.ang hindi niya natandaan ay ang magagandang nangyari sa buhay niya,ang natandaan niya lang ay ang mga masasamang nangyari sa buhay niya.ang sabi nang doctor ay siguro mas pinili niyang huwag kalimutan iyon dahil doon siya mas magiging matatag.pero nang dahil doon mas lalo pa siyang nasama sa buhay."napatango ako sa sinabi nito,tagos-tagusan ang huling sinabi nito sakin at ngayon alam ko narin kung bakit hindi nito maalalang siya yung batang lalaking tumulong sakin noon

"i'm sorry..ako po ang may kasalanan nang lahat."umiling naman ito

"hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo dahil si Harley ang gumawa nang kapalaran niya.pinasya ka niyang makasama kahit alam niyang maari siyang masaktan.minahal ka niya at sa pag mamahal niyang iyon  nalabanan niya yung dapat na paghihiganting  gagawin  niya saiyo."

"pero po..nang dahil sakin..nang dahil sakin.."hindi kona napagilang mapaiyak nun

"mas gugustuhin kong mas pinili ka niyang mahalin kaysa pumatay siya nang tao.tama lang na mas pinili niya na ang Dyos ang gumawa nang kaparusahan sa mga taong gumawa nang kasalanan sa kanya.pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pinili mong kalabanin siya."hindi ako nakaimik nang ilang minuto

tumingin siya dito pagkatapos ay niyakap ang mga tuhod para ipatong doon ang chin niya.tinimbang niya kung sasabihin dito oh hindi ang dahilan.nag tagal pa nang ilang minutong hindi siya umimik hanggang sa napag-pasyahan na niyang sabihin dito ang lahat

"mahal ko siya pero hindi lang siya yung taong kailangan kong protektahan.marami sila at sa sobrang dami kailangan kong igive-up yung taong alam kong kaya akong intindihin sa ginawa kong pasya.alam ko na pag siya ang pinili ko at nalaman niya ang lahat mas pipiliin niyang isuko ang sarili niya sa Daddy ko para hindi ako mahirapan,mas pinili kong ako ang maglagay sa ganung posisyon sa kanya dahil alam ko sa ginawa ko makakaya ko pa siyang mailigtas."

nanatili  itong tahimik at nakikinig sa  mga  pinag-sasabi ko.pinunasan ko naman muna yung luhang  naglandas sa pisngi ko bago nag-salitang ulit.

"alam ko,mukha na akong masama sa lahat nang tao.pinili kong maging masama sa harap nang mga kaibigan ko at kay Harley para protektahan sila.God knows kung gano kasakit na pilitin kong huwag umiyak at maging matapang sa harapan nila.gustong-gusto kong sumigaw nang tulungan niyo ako kasi kailangan ko nang mapag-sasabihan pero wala akong magawa.hindi lang buhay ni harley,buhay nang Mama ko at buhay nang mga kaibigan ko ang nakataya dito.buhay din nang dalawang daang batang mapapalaya at hindi mananakawan nang organ ang maliligtas ko kung isusuko ko si harley.kung  naging  masama ako dito dahil pinahamak ko ang apo niyo patawarin niyo po ako."sunod-sunod na pag patak nang luha ang kumawala sakin

"i understand now.tama lang ang ginawa mo.kung si Harley nga ang pinili mo at nalaman ang bagay na iyan,sigurado akong isusuko din niya ang sarili niya.ang gusto ko lang naman ay malinawan at mabigyan nang kasagutan ang lahat nang katanungan ko,nag papasalamat akong nakakilala siya nang babaeng katulad mong gagawin ang lahat para lang sa kanya."

"patawarin niyo po ako..patawarin niyo po ako..."niyakap siya nito nang mahigpit at doon siya nag-iiyak

"sshh.alam kong makakayanan niyo rin dalawa iyan.basta ipangako mo sakin na gagawin mo ang lahat para sa kaligtasan nang lahat at kung kailangan mo nang tulong sabihin mo sakin at bibigyan kita nang suporta kung sakali."

"gagawin ko po ang lahat para maitama ang lahat,may kasama narin po akong tutulong sakin.ang gusto ko lang po sana na itulong niya sakin ay ang pag-tago nito."nilabas ko yung black notebook at Cd na naglalaman nang lahat nang pagkakasangkot nang Daddy ko at Ama ni Kaden sa illegal na business

"ano ito?"

"notebook po ni Harley,yung mga ibang napagdaanan niya noon na sinulat niya diyan.ang CD naman ay naglalaman nang lahat nang nakalap ni Harley na information laban sa masamang business nang Daddy ko.kumuha ako nang copy at tinago ko iyan maigi.kung sakali pong matunugan nila ako at pumalpak sa plano,kayo napong bahala ang tumapos nang lahat..parang awa niyo na po,gawin niyo po ang tama."tumango-tango ito sakin at niyakap siyang muli

"huwag kang mag-alala,itatago ko itong maigi at tutulungan din kita sa mga balak mong gawin."

"salamat po.."natapos ang pag-uusap namin nang gumaan ang loob ko

hindi na siya nagpahatid dito sa bahay.natatakot kasi siyang madamay ito.naunawaan naman nito yung ginawa ko at sinabihan nalang siyang mag-iingat at balitaan siya minsan para alam niya ang nangyayari kay Harley.

tumango nalang siya dito at tinago ang binigay nitong calling card sa kanya.kailangan niya din ang tulong nito para magkaroon siya nang ilang pwersang magpapabagsak sa Ama niya.nangako naman itong ang grupo ni Throwie ang kukuwanin at hindi ipapaalam sa mga ito na nasa likod siya noon para hindi magkaroon nang pagdududa.

sa ngayon,matinding ingat at pagpapanggap lang ang kailangan muna naming gawin hanggang sa mabuo na namin ang balak naming gawin..

>>>>>>>>>>>TO BE CONTINUED<<<<<<<

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 143K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
124K 2.1K 10
BALEOROZA BROTHERS [Book 3] FRANKLIN
211K 3.9K 21
Dice and Madisson