Ghost Detective! (COMPLETED)

By MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... More

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

EPILOGUE - Part 1

5.4K 125 6
By MCMendoza21


E 👑 P 👑 I 👑 L 👑 O 👑 G 👑 U 👑 E

PART ONE ▶️

LAIRA

Pagkatapos ng mga nangyari, inayos ko ang buhay ko. Iyong mga taong nagawan ko ng kamalian humingi ako ng tawad pati na iyong mga taong ginamit ko sa paghihiganti ko..

Of course, some of them didn't forgave me easily so I struggled a bit for their forgiveness. Pero meron namang naiintindihan ako at pinawatad ako kaagad.. including Rodney, Geo or Gello and Kayla. In fact, we are friends now.

It has been seven years since that happened.. yes, ang tagal na ng nakalipas. Kung tatanungin ako ngayon kung kamusta ang buhay ko.. I can say that I am in the best disposition of my life. Ako na ngayon ang namamahala ng Pacific Scott Academy dahil pinagkatiwala na ito ni Daddy sa akin habang si Kuya naman ang nag-aasikaso sa company namin. Speaking of my daddy, hindi na sila nagkabalikan ni mommy at sa ngayon nga ay may sarili na siyang pamilya and her new wife is a very nice and kind person. May isa silang anak na lalaki na six-years old na, my half-brother, Lewis. Si mommy naman... lets just say na 5 years ago, kasama na siya ni twin. My mom passed away dahil sa kidney failure and other complications sa katawan niya. Sobrang nakakalungkot, kahit si daddy naiyak pero sinabi niya na mahal na mahal niya ang mommy kahit ano pa ang mangyari at mga nangyari noon. It never changed. Kaya nakangiti ako pagkatapos ng libing niya. Masarap sa pakiramdam na pinalaya mo ang isang taong mahal na mahal mo ng maluwag sa kalooban. Sobrang saya and payapa.

"LAI! Laira hello!?"

Napalingon agad ako sa pinto ng office ko. Kanina pa pala ako tinatawag ng secretary ko. I smiled at her while she's giving me the dagger-look.

Ill-tempered talaga. "What is it, secretary? And don't give me the dagger-look, di bagay sayo." And I laughed.

"Alam kong di bagay sa'kin ganda ko kaya! Hmp!" Inirapan ko lang siya. "Pero seryoso, nakukulta na ako sa suitor mo, kanina pa siya paulit-ulit ng tawag, buset!" Tuluyan nalang akong natawa sa sinabi niya.

Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng corporate attir ko and she's right, pati nga rin ako tinatawagan niya at kasalukuyan ngang nag-call siya for the tenth time. Tindi! Haha

"Heyenne, hindi ko siya suitor--"

"Alam ko asawa mo siya. Hmp! Bakit ba kasi hindi rin tumatawag iyong magaling kong asawa!? Hmp! Maiwan na nga kita." Palabas na sana siya ng pinto pero huminto siya at humarap ulit sa akin. Tiningnan ko lang naman siya.

"At FYI lang, sobrang ganda ko para maging secretary mo lang no! Eh pareho kaya tayong CEO ng company na 'to! Sus, magtatrabaho na nga lang ako kesa isipin ang asawa ko. Manlalalake ako!! Hahahaha" at tuluyan na nga siyang lumabas na may malakas na tawa. Grabe hanggang dito naririnig ko pa, partida nakasara na pinto ko niyan ah!

And yes, bukod sa ako na ang namamahala sa PSA, may sarili akong advertisement company, a very successful one. And as you heard earlier kasama ko si Heyenne sa pagpapatakbo ng company na 'to. As what I have said, advertisement company, kami ang namamahala sa mga product na gustong ipa-advertise ng mga iba't-ibang company. Ako ang namamahal sa loob at kumo-contact sa mga clients namin at si Heyenne naman ang nag-aasikaso sa pag-brainstorming at sa planning. Doon siya magaling eh. Wala naman akong talent sa ganun.

At bago pa mag-pang eleventh time ang tawag ng 'suitor' ko daw, sasagutin ko muna ang tawag. "Hello?"

"Hey! Kanina pa ako tumatawag!"

"Obviously." Pang-aasar ko. Nai-imagine ko ang naka-pout niyang labi at nangungunot na noo. Natatawa ako pero pinipigilan ko.

"Laira." Uh-oh. Nag-warning tone na. That means seryosong usapan na 'to.

"Ehem. Okay, ano ba kasing sasabihin mo? And sorry kung hindi ko naririnig ang mga calls mo. Busy ako at naka--"

"Oo alam ko naka-silent na naman iyang phone mo. Honey naman! Sabi ko sayo huwag mong i-silent yan eh." Hindi ko na napigilan at natawa na ako ng tuluyan. Ang cute niya panigurado. Kaya gusto ko 'tong inaasar eh. "Tingnan mo, tawanan daw ba ang gwapong asawa niya..? Haayy, isa na talaga akong battered husband."

"Hoy ang kapal ng mukha mo Macario! Battered-battered ka pang nalalaman."

"Hey, Mackie naman! Huwag iyong Macario ang bantot!" Naiinis siya sa tunay niyang pangalan. Hahaha!

Siya nga pala, siya ang asawa ko ng isang taon na, si Mackie Gonzales. Ako na ngayon si Laira Scott-Gonzales. Kaya sinabi ni Heyenne na 'suitor' ko ang asawa ko, kasi para pa rin siyang nanliligaw sa akin kahit nga kasal na kami. Napatingin ako ulit sa isang bagay na hawak ko kanina pa and I smiled. Bumili ako kanina sa pharmacy ng tatlong pregnancy test kit and tatlong positive ang resulta. So that means I'm going to be a mother soon.

Twin, Lei.. sana kambal din ang anak ko para hindi malulungkot ang isa kasi may kakambal siyang kasundo niya sa lahat at mahal nila ang isa't-isa. Just like you and me before. I love you twin.

[End of Laira's POV]

****

HEYENNE

"Ang babaeng iyon talaga. Sa ganda kong 'to? Secretary niya? Kilabutan nga siya!" Gawain ko, magsalita ng mag-isa. Partida naglalakad pa ako niyan sa harap ng mga staff ko.

Natatandaan niyo pa naman ako diba? Yes, ang astiging si Heyenne na may kpop-hairdo noon. Seven years ago pa naman iyon. Ngayon buong buhok ko na ang may kulay.. kulay pink. At mas lalo raw akong naging korean dahil sa mga mata kong singkit. Pero wag ka, mahal na mahal yan ng asawa ko.

Speaking of asawa, oo may asawa na rin ako. Actually arrange-marriage kami. Pero natutunan naming mahalin ang isa't-isa. Sa buong magbabarkada, ako ang naunang ikasal at sa maniwala kayo't sa hindi, may anak na akong six years old, si Hanna Jade Morris. At ang aking asawa naman ay si--*tug*

Nabunggo ako sa kung ano--o sino. Sino nga ba 'to?

"Hey. Dahan-dahan nga sa paglakad, Yen." Agad na na-angat ako ng tingin sa tao sa harapan ko. Nandito na pala ang butihin kong asawa.

"Oh buti dumating ka rin asawa ko. San ka ba galing? Alam mo naman na nawawalan ako ng energy kapag wala ka sa paligid eh." Naglakad kami papuntang roof top. Hindi ko alam kung bakit nandito kami. Siguro dito ako dinala ng paa ko kasi alam niyang nandito si hubby? Wow ah! Ang galing mo paa, i love you na! Muaah! Hahahaha baliw na naman ako.

Nakangiting-aso naman ang asawa ko. Su~s! Kinilig yan! Hahaha

"Alam ko naman po iyon asawa ko, pero alam mo rin na may lunch meeting ako with our clients eh, diba?" Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan ang pisngi ko. Okay, kilig to the max!

"Edi kumain ka na pala asawa ko?" Naka-pout na sabi ko. Sayang naman kasi, nagluto pa naman ako ng lunch baon naming dalawa, eto nga dala ko oh!

"Hindi ako kumain. Alam ko kasing may baon kang dala sa atin eh. Yan na ba iyon?" Sabay kuha niya ng malaking paperbag sa kamay ko at inilabas na namin ang mga food na nasa container. Umupo na kami sa bench na nandito at nagsimulang kumain.

Ang pangalan nga ng asawa ko ay si Marco Morris. Apo siya ni lolo Damian na kalapit na kaibigan ng lolo Ignacio ko kaya doon nagsimula ang pagpapareha sa amin. Buti nalang minahal ko ang asawa ko at minahal niya rin ako kaya naging successful ang marriage namin, at seven years na rin namin. Opo, right after graduation, ikinasal po ako. Ganun kaatat ang mga magulang namin na ikasal kami. Siyempre, nagulat ang lahat ng barkada ko kasi nga hindi ko sinabi sa kanila na may fiancee na ako noon at nalaman lang nila nung araw na mismo ng kasal. Bongga isnt? Hahaha!

Natatawa pa ako sa reaction ni Lindonne, grabe ang nga-nga eh. Jaw-dropping moment talaga sa kanila iyon. Even the poker-face sisters a.k.a. K, Pran and Kamil.. sobrang gulat na gulat nung pinasabog ko ang bomba. Oy figurative speech iyon guys ah hindi literal. Edi patay na kami ngayon kung talagang nagpasabog talaga ako ng bomba. Defensive? Hindi naman.

Pati iyong mga new-found friends namin na sina Berry, Mami, Thomas at si ate Miguelle ay invited din. Medyo malungkot lang ako nun kasi hindi nakapunta iyong importanteng kaibigan ko.. si Kayla pati si Rodney. Hayy.. huwag na nga isipin iyon. Nalulungkot lang ako eh.

"Yen, I wanna hear again the story of someone who can see and talk to ghosts, that's interesting kasi eh. Gawin kaya nating movie iyon?" Muntik na akong mabilaukan buti nalang naabot ko agad iyong bottled water at agad na ininom. "Hey, are you okay? Yen naman, dahan-dahan sa pagkain." Hinihimas niya pa iyong likuran ko.

"Bigla-bigla ka kasing nagsasalita eh."

"Anong bigla-bigla? Eh ikaw naman nagkwento sa akin nun ah? At anong nakakabigla doon?" Umiling nalang ako.

Nalulungkot nga ako tapos ipapaalala pa iyong reason ng pagkalungkot ko?

May naalala ako. "Asawa ko."

"Yes?"

"Sa sunday may pupuntahan tayo. Gusto kitang isama at ipakilala sa mga friends ko."

"Friends? Sino, sina Lindonne ba? Eh kilala ko na sila eh." Umiling ako.

"Basta marc, sama ka nalang ha? Iwan muna natin si Jade kila mommy." Hindi na siya naka-angal at tumango nalang. Masarap na ulit kaming kumain.

Kamusta na kaya iyong mga iyon?

[End of Heyenne's POV]

****

LINDONNE

"Okay, paasikaso nalang Ivonne." Sabi ko sa aking secretary.

"Yes ma'am." Agad na siyang umalis sa office ko kaya nakahinga na rin ako ng maluwag at isinandal ang ulo ko sa head rest. Nakakapagod ang daming inaasikaso sa hotel palang. Simula ng maka-graduate ako ay naging hands-on agad ako sa hotel namin at sa awa ng diyos from three-stars naging five-star hotel and resort na ulit ang Brilliantes Hotel and Resort. Naibalik ko sa dating estado ang hotel na inaalagaan ng mga magulang ko. May iba't-ibang branch na kami sa ibang lugar ng pilipinas kaya mas lalong bumibigat ang responsibilidad ko pero masaya naman ako kasi nga ako ang nagpabalik sa dati ng business namin at kahit papaano magaan ang mga gawain ko dahil sa isang tao.

"May meeting pa kasing nalalalaman eh.. kailangan ko pa naman siya dito." Nahahawa na ata ako kay Heyenne sa pagsasalita mag-isa. Tumayo ako at naglakad papuntang maliit na ref ko at kumuha ng tatlong box ng peppero at nilantakan agad iyong isang box. Hmm.. hindi pa rin nagbabago ang pananabik ko sa favorite snack ko. And now, upgraded na ang peppero, may iba na siyang flavor which is I really like. Pero hindi pa rin nawawala ang loyalty ko sa chocolate flavor kahit may strawberry na. Hahaha! Sarap!

"Knock-knock? Nandito ba si miss Lindonne?" I rolled my eyes at the person behind the door. Speaking of the devil.

"Ay wala siya dito kanina pero since dumating na iyong taong hinihintay niya, nandito na siya ulit." Sinakyan ko nalang ang trip niya. Mahilig talaga yan mang-trip eh. Ako naman itong mahilig sakyan.... ang trip niya. Hahaha aminin iba ang iniisip niyo jan!

"Oy nandito na pala ang mahal ko eh! Papasok na ako ah.." Hindi ko malaman pero para akong nilagnat sa init ng mukha ko at alam ko rin na nangangamatis na naman ako sa pula sa mga sinasabi niya.

Tumikhim nalang ako at tiningnan ng masama ang lalaking nagsasara ng pinto. Nung pagkaharap niya sa akin ay nakita niyang nakasimangot ako habang ngumunguya pa rin ng peppero.

"Oh ba't ang sama ng tingin mo? Akala ko ba hinahanap ako ng mahal ko?" Naglalambing niyang sabi habang papalapit sa akin.

Inirapan ko lang siya. "Ayusin mo nga iyong pananalita mo. Mamaya iba ang isipin ng iba eh." Naramdaman kong itinayo ako ng asawa ko at siya na ngayon ang nakaupo sa swivel chair at ako naman nakaupo sa lap niya.

"Hahaha... uyyyyy.. iba ang iniisip mo ganun? Eh mahal ko, ikaw lang pala nag-iisip ng ganu--aray! Lindonne! Mahal aray ko-- hahaha sige na hindi na ako magbibiro." Hinampas-hampas ko kasi siya sa dibdib. Ang tigas. Hahaha!

"Umayos ka nga! Tapos na ba iyong meeting niyo?" I asked. He sniff my neck and kissed it which makes me feel something na hindi muna dapat kasi nasa opisina kami. "Aish, isa! ... Liam Rave Scott! Umayos ka nga! Ang aga-aga inaakit mo ko, porket mataas ang level ng hormones ko ngayon.."

Yeah, si Liam ang butihin kong asawa for three years now. At nasabi ko iyon kasi I am pregnant to our second child. Iyong panganay ko ay lalaki na si Leandro na hindi ko alam kung bakit iyon ang pinangalan ko. Masyado akong naga-gwapuhan sa pangalang iyon at that time kaya iyon ang pinangalan ko. He's 2 years old now. Nasa bahay siya nila dad kasi busy kami ngayon ng asawa ko. Sa company niya at sa hotel ko naman.

Maraming nangyari sa loob ng pitong taon. Pero hindi ako magkukwento sa inyo niyan kundi sila. Ang ikukwento ko nalang iyong tungkol sa amin ng mahal ko. Hindi ko nga alam kung paano naging kami eh na natatandaan ko galit na galit ako sa kapatid niyang si Laira dahil sa nangyari nung nakaraan.. well after a year, nagkaroon ng meeting ang mga kasamahan nila Liam dito sa hotel namin at nung time na iyon ako na ang namamahala sa hotel. So ayon nga, we met again and doon na nagsimula na nagka-gaanan ng loob hanggang sa niligawan niya ako at after two years of being girlfriend and boyfriend, he proposed to me in front of his and my employees dito sa hotel. After naman ng proposal ay may masamang balitang dumating at iyon nga ang pagkamatay ng mom nila ni Laira kaya kinailangan niyang pumunta sa California at sinama niya ako. Doon ko nakilala ang dad niya. After months nagpakasal kami at after another months dumating ang blessing sa amin, si Leandro.

Matagal na rin namin napatawad si Laira at ngayon nga ay kasundo ko na rin siya dahil magkasosyo pa sila ni Heyenne sa advertisement company business nila and I'm happy for my friends.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko iyon at sinagot habang nakikikain na rin si Liam sa peppero ko at sinusubuan pa ako. "Hello?" Hindi ko na tiningnan kung sinong caller.

"Hoy bruha, hula ko kumakain ka na naman ng peppero no?" That's the time that I look at the caller.

"Strawberry.. mahal ang tawag mula dyan sa america ah?"

"Ayos lang, kaya naman ng mahal kong asawa bayaran yan at pati na rin ako. Anyway, thats not the reason why I called."

"Eh ano nga ba?" I asked. Sinenyasan ako ni Liam na i-loudspeaker iyong phone kaya sinunod ko at nilapag ko sa table ang phone habang kumakain kami ng peppero.

"Uuwi na kami sa sunday! At kasama sila.. na-miss niya na daw kayo eh."

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niyang 'sila' ay muntik ko nang ibuga ang tubig na iniinom ko kanina sa phone ko buti napigilan ko. I am really shocked right now. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Hello? Yoohoo!? Kuya Liam, alam ko nanjan ka, nasan si Lindonne?" Sabi sa kabilang linya.

"Hello, Berry, nabigla mo ang mahal ko kaya hindi nakapagsalita. Saan ba ang meeting place?" He asked instead of me. Para akong nawalan ng dila at hindi ko na alam ang sasabihin.

Narinig kong tumawa si Berry. "Hahaha. I know nakakagulat ang desisyon niya, kahit kami nagulat. Pero iyon nga, meeting place? Sus, alam niyo na kung saan. Sige ah, magluluto na ako ng dinner namin ng hubby ko! Babye! Pasabi nalang sa iba!" At nawala na siya sa linya.

Hanggang ngayon di ko alam ang magiging reaction. Its been what? Almost eight years since the last time we saw them. Hindi nga rin sila nakapunta sa kasal ni Heyenne, kahit sa akin, kay K at Gello at pati kay Mami at Thomas. Sina Berry din nagpakasal dito at nagpakasal pa sa america. Edi sila na nag-double wedding! Hahaha ang bitter lang.

Pero iyon nga, wala silang pinuntahan na wedding namin.

"Mahal ko.. huwag ka masyadong ma-stress kasi si baby natin." Doon lang ako natauhan nung nagsalita si Liam. Ipinasok niya pa iyong kamay niya sa blouse ko at hinimas ang maliit pang baby bump ko. Napangiti na rin ako sa ginawa niya.

"Mahal, pupunta tayo sa PSA, diba? Doon ang meeting place alam ko." I said.

"Hmm.. and I have a feeling na alam na ito ng kapatid ko at malamang nalaman na rin ito ni Heyenne."

Napalingon ako sa kanya. "How did you know?"

"I got a text from my sister earlier at sinabi niyang pumunta daw tayo sa PSA sa sunday. Same with Heyenne, she also texted me na pasabi ko nalang daw sayo. I think that's it." Oo nga alam ko iyon nga rin yon.

Alam na kaya ng iba? Matawagan nga mamaya sina K.

[End of Lindonne's POV]

****

AKEYLA/K

Nasan na naman kaya ang magaling na tatay ng kambal? Nakakaasar! Malaman-laman kong hindi niya sinundo ang dalawa sa daycare at pinaubaya lang sa driver naming si manong Steve ang pagpapasundo at dito pa sa office ko pinadala. Nakakakulta ka talaga, Gello!!

"Mommy, when will we go home? I miss my dolls and my toys." Sabi ng four-year old kong babae, si Keyla. Sinunod ko talaga ang pangalan sa kanya. Gusto rin naman iyon ni Gello.

"Soon baby. Tatapusin lang ni mommy ang mga ito(I look at the pile of papers)and then we're good to go." Nginitian ako ni Kei at lumapit na sa kapatid niyang lalaki na nagbabasa ng books sa isang tabi. Ang pangalan naman ng lalaki kong anak ay si George or Geo. Kei and Geo are two opposite poles pagdating sa kanilang ugali. Si Kei ang nagmana sa ama niya na makulit at mainipin kaya kapag hindi naibibigay ang gusto niya ay umiiyak talaga yan pero natatakot siya sa akin kapag tiningnan ko na siya. Si Geo naman, siyempre nagmana sa akin na tahimik lang at siya naman ang takot sa daddy niya. Baliktaran lang. Pero pareho naman nilang kasundo ang isa't-isa at hindi nag-aaway. I am proud of my son and daughter kasi sa edad nilang apat, matalino na sila sa mga bagay-bagay.

After ko mapirmahan lahat ng papers ay nag-ayos na ako at inayos ko na rin sila, I change their clothes at naglakad na palabas. Ako na ang nag-aasikaso ng mga business ni daddy na iniwan niya sa akin. Kami minsan ni Gello ang nagtutulong sa pag-aasikaso pero dahil may business din ang asawa ko kaya minsan di niya ako matulungan.

Pero ngayon alam ko wala siyang work kaya inaasahan kong siya ang susundo sa kambal pero ito nga't sa akin niya pa ipinaako. Ano na naman bang problema nun? Tss.. malaman ko lang na nambabae siya lagot siya sa akin.

"Hmm? 'My, bakit po nakapatay ang ilaw? Wala pa ba si daddy?" Tanong ni Geo. Hindi ko naman alam ang isasagot kasi hindi ko rin alam kung wala ba si Gello sa loob o baka natutulog lang. Pumasok nalang kami ng dahan-dahan para hindi madapa ang mga anak ko.

Nung nakapasok na ako sa bahay ay binuksan ko ang ilaw at---

"SURPRISE MY LOVES! HAPPY 9th ANNIVERSARY!" Hindi na ako nakapagsalita.

"Daddy!/dad!" Agad na sinalubong ng kambal ang ama nila at kinarga naman nito ang masisigla niyang anak.

Tiningnan ko ang mag-aama ko at naiusal ang pasasalamat sa diyos dahil may pamilya akong ganito despite my past behavior towards my husband, natiis niya ako. Iyong pagiging masungit ko, iyong parang hindi ko maiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Kaya naman pala hindi niya sinundo ang mga bata. May surprise palang ganito.

Actually kanina ko pa naiisip na anniversary namin ngayon, iniisip ko kung naaalala pa ba niya and thank goodness, naaalala niya pa rin. Sabagay, kelan ba siya pumalya? Baka nga ako pa ang makalimot eh.

"Tss.. pakulo mo no, Noob?" Tanging nasabi ko. Napa-pout naman ang asawa ko, parang gago lang.

"Hanggang ngayon, kasal na tayo't may makukulit na chikiting na, Noob pa rin?" Inirapan ko nalang siya. Nilagpasan ko siya at inutusan na rin ang maid ng kambal na ayusin na ang kambal at kakain na. Dumiretso ako sa bedroom namin at normal na maghubad ng damit at pumasok sa shower. Balewala nalang naman sa akin kung pumasok si Noob na nakahubad ako. Mag-asawa naman kami at normal iyon. Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag? Tss.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos siya naman ang sumunod at mabilis lang rin na natapos. Nakahiga lang ako at nag-iisip nung may mga braso na humapit sa bewang ko.

"Ang sungit mo pa rin hanggang ngayon my loves. Don't you love me?"

"Ang drama mo Noob. Magpapakasal ba ako sayo kung di kita mahal?" Shet! Nakakailang pa rin hanggang ngayon iyong pagsasabi ng 'i love you' sa kanya. I guess there are things that didn't changed kahit ano pang mangyari.

"Pero anniversary natin ngayon. Wala man lang ba akong 'i love you too' jan? Daya naman!" Umalis siya ng yakap sa akin at tinalikuran rin ako.

Pabebe ang asawa ko. Pero mahal ko naman iyan, di lang halata.

Ako naman ang yumakap sa kanya pero pinipilit niya ialis pero matigas ang ulo ko kaya hindi ko inaalis. "Tangna, ang pabebe ng--hmp!" He kissed me.

"Don't cuss, my loves."

"Finally you kissed me. Kanina pa ako naghihintay ng kiss sa asawa ko pero siya nagpapa-bebe pa. Tss."

Nakikita ko na ang mayabang niyang ngisi at hinalikan pa ako. At dahil isa lamang akong babae na mabilis madarang sa mga halik niya ay tumugon ako.

*kriinggg*kriiingggg*

"Wai--wait Noob--phone--hmmmpp" hindi niya ako tinitigilan ng halik, baka importante ang call na iyon. Tinulak ko siya ng malakas pero hindi niya ako binitawan pero naputol ang 'kissing session' namin. What a term! Psh.

"Tsk, sino ba yang istorbo? Sa trabaho?" Kinuha ko nalang iyong phone ko sa side table at walang tingin na sinagot ang tawag. "Oh?" Wag na kayo magtaka, ganyan talaga ako kabastos.

"Maka-oh ito, I miss you too, K." Tss.. si Pran. Si buntis.

"Why?"

"Ang tipid magsalita. Anyway, I just call to say.. i love you.. Deniro! Maghugas ka nalang dyan ng pinggan, di ikaw kinakausap." Tss.. ayan na naman silang mag-asawa. Parang aso't pusa at nagkabaliktad ata ng role sa buhay mag-asawa.

"So ayun nga, napatawag ako kasi tumawag sa akin si Lindonne kanina, she told me that Berry called her earlier and she said that they will finally go home.. pati sila."

Agad na napalingon ako kay Gello at umiling lang siya na parang sinasabi na wala rin siyang alam.

"And?"

"And she told me na magkita-kita nalang daw sa PSA. Parang reunion ganun. Miss na miss na daw tayo eh. You know, I cried when I heard that from Lindonne, because of the hormones nagiging emotional ako. Hindi naman ako iyakin before diba K?"

"Tss.. that's just normal. Buntis ka eh. Pregnant women tend to be emotional because of the hormones. Ganyan din naman ako before nung ipinagbubuntis ko ang mga inaanak mo. And yeah, I was overwhelmed by that info. Sige, kita-kita nalang... kelan?"

"Sa sunday daw.. sige na, inaantok na ako matutulog na ako. Goodbye K and goodnight."

"Yeah.. good night." And I ended the call.

Tiningnan ko si Gello at nakikita kong seryoso siyang nakatingin sa ibaba. I hugged him again and he hugged me too. We just cuddle up without speaking.

Until he broke the silence.

"I missed her. She's my favorite person, you know that right?" Tumango ako.

"I missed her too. I hope she gets better now."

"I'm sure she will. Diba ang huling sinabi niya uuwi lang siya dito kapag ayos na siya?"

"Yeah. Pero hindi mo rin masasabi. I know her too well. Kahit na para siyang mahirap basahin, para sa akin I can see passed through her emotions. Maybe because we are similar in a way."

Hopefully we can see her smile again.

[End of Akeyla's POV]

To be continue......

Continue Reading

You'll Also Like

All for love By Cher

General Fiction

1M 40.9K 24
Originally arranged to be married, Nandiandra Guevarra's world comes crashing down when she finds out that Raphael Arandia falls in love with another...
985K 4K 7
Why? Why it is all happening? Who am I? What am I? ENCHANTED ACADEMY: The Long Lost Princess •MAGIC SERIES #1 COMPLETED. ©All rights Reserved.
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
2.8K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...