Meeting My Ex As My Professor...

By ma_rgarita

499K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 10

15.2K 353 26
By ma_rgarita

Naya

"Sandy!" Sigaw ko sabay upo sa tabi nya. Nakadukdok lang sya sa desk nya at parang tangang nakamasid sa kawalan.

Napakunot ang noo ko. Ano bang nangyayari sa babaeng to? Ang tahimik. So unsual of her.

"Really, Sandy. What happened to you? Bakit ang tahi-tahimik—?"

"---Naya!"

Pareho kaming napalingon ni Sandy sa tumawag sa akin. Nakangiting lumapit sa akin si Baste at umupo sa tabi ko. Kunot noo ko syang tinignan."Ba't ka nandito?"

He smiled goofily. "Nice to see you too, babe."

Sinamaan ko sya ng tingin.

Tinawanan nya lang ako at tinanggal ang backpack nya sa likod nya. "Makiki-sit in ako." Sagot nya.

"Sit in? Pwede ba yun? Magkaiba tayong year, magkaiba rin ng college. Sure ka makiki-sit in, may ganon ba?"

Tinawanan nya lang ako. "I'll just sit beside you. Sit in." Sarkastiko nyang sagot.

"Baste." Tawag ko sa kanya in warning tone.

Nginitian nya ako. "Yes, babe?"

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Why?" He laughed.

"Baliw ka ba?"

"I love you too."

"Baliw."

"I love you more."

"Bawal ka dito."

"I love you more than anything."

"Malala ka na."

"Oo. Matagal nang malala ang pagibig ko sayo."

"Baste pwede ba?"

"Mahal na mahal kita." He smiled.

Kinunutan ko sya ng noo. Pinaningkitan ng mata at tinaasan ng kilay. "Okay, mag stay ka. Pero tumahimik ka lang. Baka mapagalitan pa ako dahil sayo." Irap ko.

He just laughed.

"Hoy, yung love birds dyan! Ang sweet nyo daw sabi ni Sir Axel." Sigaw ng isa sa mga blockmates ko kaya naman napaayos ako ng upo. Mabilis kong tinanggal ang kamay ni Baste sa kamay ko.

Si Calix nga andyan na.

Nakatingin sa akin. His signature stare. Tingin na walang emosyon.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Si Calix. I'm sure, that night he was there. That unfortunate night, Calix's there. Nakita ko syang dumating. Nahanap nya ako.

I gulped as I felt a big lump on my chest. Calix came to my rescue just like before.

Alam ko, hindi ko na dapat to nararamdaman. Pero simula nang bumalik sya, hindi ko mapigilang isipin ang lahat. What we could've been if I never ended what we had. If I was strong enough, ano na kaya kami ngayon?

Tinignan ko si Calix sa harapan ng klase. That man who loved me two years ago. I swear, nakamove on na ako. I know in myself without any lies, nakamove on na ko. I spent the past two years getting over him.

Kaya bakit bumalik pa sya sa buhay ko? Why would he go back?

Flashback

Nanginginig ang kamay kong pinindot ang door bell ng unit ni Calix. I was doing my best to hold my tears. I shouldn't cry. I should'nt look weak.

This decision is final. I have to stand by it.

Huminga ako ng malalim. Hanggang ngayon, paulit ulit parin na nag eecho sa utak ko ang boses ng mommy ni Calix. She wants me to get away from his son.

It had been a week nang habang naghihintay ako ng masasakyang taxi papauwi, when a car stopped right in front of me. A familiar woman in her mid forty's went outside the car. Calix's mom.

I can never forget that day. The day when Calix's mom told how she do not like me for his son. That day when she threatened me to get away from Calix. Para akong nasa teleserye o kaya panaginip. I never knew it would happen to me.

Alam kong hindi ako dapat matakot, di dapat ako makinig. If I truly love Calix, I would fight for him. Pero hindi ako matapang. I'm weak. A coward.

His mother told me that she'll take everything away from Calix if we continued us. I know she can. She looks like she can.

Hindi lang isang beses nangyari iyon. Natatakot ako na maapektuhan sya dahil lang sa relasyon naming dalawa. His mother looked at me like she disgusts me. She doesn't like me for Calix at duwag ako. I couldn't fight for him.

Napapikit ako ng madiin at naramdaman ang pagbagsak ng mga luha ko na agad kong pinahidan.

Mabilis kong pinahidan ang pisngi ko, sakto naman ay pagbukas ng pintuan ng unit ni Calix.

Even just for this one, kailangan kong pigiling umiyak sa harapan nya. I must control myself. I should control myself.

I bit my lower lip. I must keep myself from crying. I must.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. I saw Calix brightly smiling at me. My sweet Calix.

Napayuko nalang ako at napakuyom ng kamao ko. Kinagat ko rin ang labi ko para mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Ayokong magmukhang mahina sa harap nya. Ayokong magmukhang mahina sa gagawin ko. Dapat magmukha akong masaya kasi ito yung choice ko. I choose to let him go.

"Hey, love." Rinig kong sabi nya.

Ngayon palang mamimiss ko na sya. Yung boses nya, yung paraan ng pananalita nya. Lahat lahat tungkol sa kanya. Kung paano nya ako tawagin sa pangalan ko. Kung paano nya sabihing mahal nya ako.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko na agad kong tinanggal, inangat ko ang tingin ko sa kanya.

Halatang nagulat sya sa ginawa ko.

"Why? Is something wrong? Ayos ka lang ba?" Tanong nya.

'I don't want you for my son, never have been and never will. May gusto na akong babae para sa anak ko so please don't ruin everything. Please do as I wish, layuan mo si Axel.'

Inilingan ko sya at humugot ng malalim na hininga.

"Let's end this. Mag-break na tayo, Calix."

Nagulat sya sa sinabi ko. He was stopped for a second.

"Sorry." Mahina kong sabi. I feel like I'm losing air. Sobrang sikip ng dibdib ko.

"This is not funny. Stop joking around." he tried to laugh.

Hindi ako nagsalita. I shook my head. Napayuko ako.

Calix took a deep breath. Hinawakan nya ako sa magkabilaang braso at tinignan diretso sa mga mata. "You're just pranking me, aren't you." Rinig ko pa ang pagkabasag ng boses nya. Calix forced a laugh.

"No. Totoo ang sinasabi ko, Calix. Hindi ako nagbibiro." Umiling ako. "Calix maghiwalay na muna tayo—."

"Stop it!"

Mali ako nang iangat ko ang tingin ko sa kanya. All my defenses fell and I cannot do anything about it. Kita ko sa mukha nya ang inis at lungkot.

"We're not breaking up. I love you and I know you love me too. Please, stop with this nonsense, love."

"No. Minahal kita, d-dati. Hindi na ngayon. I... I just realized that I don't love you anymore." I said, almost in a whisper. Lies. Mahal ko si Calix, God knows how much I love Calix.

Calix reached out for both of my hands and kissed them. I saw how a tear fell from his eyes. I see pain in his eyes.

Umiiyak si Calix at nasasaktan ako.

"Please, Naya. Please, tell me that's not true. Mahal mo pa ako. Mahal mo pa ako, diba? Please tell me, mahal mo ako." Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko, his voice almost begging.

Gusto kong sabihin sa kanyang hindi talaga totoo ang sinasabi ko, nagsisinungaling ako. Yes, I still love him. Sobrang sobra. Gusto kong yakapin sya ng mahigpit. Gusto kong magback-out. Ayoko na pala makipaghiwalay. Hindi ko pala kaya. Ayokong saktan si Calix.

Gusto kong gawin pero hindi pwede, gusto kong gawin pero bawal.

Tinanggal ko ang hawak nya sa akin at yumuko. "Sorry." Sabi ko at tumalikod.

Sa pagtalikod ko sa kanya, doon nagsimulang tumulo ang lahat ng mga luhang pilit kong pinigil kanina pa.

Humakbang ako papalayo sa kanya, papalayo sa lalakeng minamahal ko ng sobra, nang maramdaman ko ang pagyakap nya sa akin mula sa likod.

"I can't understand..." Calix whispered in pain. Naramdaman ko ang pag iling nya. He buried his face on my shoulder. "We were happy, we were both in love. Why the hell all of a sudden?" he sobbed. "why?"

Umiling ako.

Napatakip na lang ako ng mukha ko gamit ang mga kamay ko. "I'm sorry, Calix..."

Nararamdaman ko ang bawat hikbi nya. Bawat paghinga nya.

Ayokong lumayo sa kanya, pero wala akong magawa. I feel like this is a right thing to do. I don't want to hurt his relationship with his mom.

"I love you, Naya. I cannot bear this, not this, love."

Me too. Ayoko nito but I cannot do something about this. Ito lang ang kaya kong gawin.

Madiin kong kinagat ang pang ibaba kong labi at huminga ng malalim. Agad kong pinahidan ang mga luha ko at tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin.

Hindi ko na sya nilingon. Hindi ko kaya. Agad nalang akong naglakad papalayo sa kanya at agad na sumakay ng elevator.

Marahas kong pinunasan ang luha ko at huminga ng malalim.

Inhale, exhale.

Dapat masaya ako. Eto na eh, nasabi ko na kay Calix. Okay na, okay na ang lahat. Tapos na. Masaya na dapat ako para sa kanya. Para sa kanila ng mom nya. I did the right thing I should be happy. I shouldn't be crying.

I did the right thing.

Okay na lahat, maliban sa puso ko.

End of flashback


Sandy

Peste.

Peste, peste, peste. Peste ka, Gray. Ang kapal ng mukha mo para gawin sakin yun. Ang kapal ng mukha mo.

"Sandy okay ka lang ba talaga?" Pabulong na tanong ni Naya sa tabi ko na nakikipagdate sa gitna ng klase ng ex nya.

Kinunutan ko lang sya ng noo at hindi sinagot.

Ewan ko, ibang level ang pagkairita ko ngayong araw.

"Sandy.." ulit na tawag sa akin ni Naya.

Ewan ko sa kanya. Babaeng manhid. Kung ako niloko ni Gray, sya naman niloloko ang sarili nya. Halata namang may feelings pa sya sa ex nya, madrama lang. Puno ng pagka-indenial sa katawan. Ito rin namang si sir Axel, ang tanga tanga rin, puro tingin lang ang ginagawa. Akala nya ba makukuha nya si Naya sa patingin tingin nya?

Akala ko pa naman matalino sya.

Nakakabobo sila.

Napailing nalang ako. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nanaman ang pagvibrate ng cellphone ko.

Napakunot ang noo ko ng makita kung sino ang nagtext. Si Gray. Ilang araw na lumipas nang mahuli ko syang nakikipaghalikan sa ibang babae. Since then, he was texting me nonstop.

Hindi nya ba alam, simula nang lokohin nya ako matic na tapos na kung ano man ang meron kami?

Please, Sandy. Let's talk, let's fix things over.
- Gray

Napadabog kong linapag ang cellphone ko. Ang kapal ng mukha ni Gray! Nakakainis!

Ngayon nya gustong ayusin kung kailan wala ng maayos, kung kailan nalinawan na ako. Ano namang akala nya sa akin? Laging availabale kung kailan nya lang gugustuhin?

Maya maya pa ay nagvibrate nanaman ang cellphone ko. Pero this time tumatawag na sya. Kinuha ko yon at itinapat sa tenga ko, "tigilan mo na ako utang na loob! Hindi mo na ako mauuto, you cheater!" bulyaw ko sa lalake sa kabilang linya.

[No, Sandy. Please, mag-usap tayo.]

Kumunot ang noo ko, "bakit? Ano bang akala mo sa ginagawa natin? Nagkakantahan? Hindi pa ba paguusap ang tawag dito?!"

Narinig ko ang pagsinghap nya mula sa kabilang linya. Now he's getting what he deserves.

Peste ka talaga, Gray. Hindi na ata huhupa ang galit ko sa kanya.

[No, I mean pagusapan natin yung tungkol sa atin. Magkita tayo. Ayusin natin to. I realized how much fool I am.]

"You're late, you cheater. Huli ka na para marealize sino ang sinayang mo. Ang ganda ko para lokohin lang."

[I'm sorry, Sandy.]

"Oo, tama yan. Magsorry ka, kasi magsosorry din ako. Hindi na ako magpapaloko sayo. Tapos na ako. Bye," sabi ko bago ibaba ang cellphone ko.

Huminga ako ng malalim at frustrated na sinapo ang mukha ko. "Purkit ba gwapo ka, akala mo mapapatawad kita agad." Sigaw ko sa contact pictutre nya sa phone ko.

Naramdaman ko naman ang paulit ulit na pagkalabit sa akin ng katabi ko, kaya hinarap ko sya. Hindi ko malaman ano ang istura ni Naya, parang ninenerbyos ang loka. O natatae?

"Ano ba Naya? Kanina ka pa kumakalabit dyan, ano bang kailangan mo?! Magpaalam ka kung magbabanyo ka!"

Kumunot ang noo nya na para bang namula pa. Hinampas nya ako sa braso, "baliw!" She hissed.

Inirapan ko sya. "Ano ba gusto mo? Ako pa magpaalam sa ex mo----asdfjgh," tinakpan nya ang bibig ko, narinig ko naman nagtawanan ang mga blockmates ko.

Kanina pa sila tawa nang tawa.

Tinanggal ko ang hawak ni Naya sa bibig ko at kinalampag ang desk ko, dahilan para matigil sila sa tawanan. "Ano? Bat kayo tumigil?! Masaya ba kayo? Masaya ba kayo sa narinig nyong nahihiya si Naya magpaalam kay Sir?! O dahil masaya kayo dahil naloko ako ni Gray?!"

Naramdaman ko ang paghawak ni Naya sa braso ko na pilit akong pinapaupo.

"Bakit ha?! Nakakatuwa ba na niloko ako? Kasi nagpakatanga ako sakanya? Sorry naman!" naramdaman ko nanaman ang pamumuo ng mga luha ko sa gilid ng mga mata ko.

"Sandy tumigil ka na,'" awat sa akin ni Naya.

Umiling ako at hinarap sya, "isa ka pa. Ilang anesthesia ba ang naturok sayo at ganyan ka kamanhid? Mahal ka nga sabi ng ex mo, mahal ka pa non! Peste, nakakabobo kayo!"

Halatang nagulat si Naya sa sinabi ko at nanlaki pa ang mata.

Hindi ko sya pinansin at hinarap naman si Axel sa harapan, "ikaw, Sir. Kung mahal mo kasi sabihin mo,hindi yung hinihintay mong maramdaman nya. Tanga pa naman yun. Puputi muna ang uwak bago nya malaman."

Huminga ako ng malalim at nagpahid ng luha.

Kinuha ko ang bag ko, ganon din ang cellphone ko at mga libro ko bago ako lumabas ng room.

Gusto kong magmukmok lang at kumain ng maraming maraming pagkain. Sa totoo lang, nakakagutom pala ang maging love guru. Lalo na kung kalahating tanga at isang buong manhid at indenial pa ang mga pinagsasabihan mo

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 20.2K 29
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
33.2K 1.5K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
98.9K 1.5K 16
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...