Alexa's POV
Tick.
Tock.
Tick.
Tock.
Rinig na rinig ko yung tunog ng wall clock ko. Grabe, Ilang minuto na rin akong nakahiga sa kama at nakatingin sa kawalan. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Nagtapat na si Ian sa akin. Sa totoo lang, ngayon lang ata may lalaking gumawa sa akin ng ganon. Sobra talaga siyang nag-effort. Hindi lang yun, yung mga sinabi niya sa akin, lahat ng yun, sobrang... sweet.
Nakakahiya nga e, napaiyak kasi ako kanina. Akala tuloy nung mga tao nagpo-propose na sa akin si Ian.
Tapos, nung nag-sorry ako kay Ian, mas lalo silang napatingin sa amin. Akala naman nila tinanggihan ko yung proposal niya.
Hay.
-FLASHBACK-
"Ian, I-"
"I'm sorry."
Napayuko siya. Tapos humarap siya sa akin.
"I understand," sabi niya sabay ngiti.
Nakita ko sa mga mata niya yung lungkot.
"Look Ian, I like you. Pero kasi... naguguluhan pa ako. Baka masyado pang mabilis lahat. Please give me some time to think. I - I'm really sorry."
"Sshh, ok lang" sabi niya sabay punas ng mga luha ko. "Sabi ko naman sa'yo diba, kaya kong maghintay..."
And in that moment, alam ko nasaktan ko siya kahit ayaw niyang ipakita.
-END OF FLASHBACK-
Tama nga kaya yung naging desisyon ko?
Hindi ko alam.
Nung hinatid niya ako pauwi, alam ko pinipilit lang niyang ngumiti at tumawa, yung parang walang nangyari.
Mas nagi-guilty tuloy ako.
I'm sorry Ian. Hindi ikaw yung may problema.
Ako.
Ewan ko ba.
Hanggang ngayon pa rin ba...
Tok! Tok! Tok!
"Ay putek!" - nasabi ko.
Sabay pasok ni mama sa kwarto ko.
"Nagulat mo naman ako Ma," sabi ko sabay upo sa kama. Naudlot tuloy yung pagmumuni-muni ko.
"Bakit, ano bang ginagawa mo?" sabi nito sabay tawa.
"Ah wala naman, nakahiga lang." sabi ko naman.
"Malalim siguro iniisip mo." sabi nito.
Ngumiti lang ako.
"Oo nga pala, may lalaking nagpunta dito kanina. Matangkad na maputi. Mga kasing edad mo siguro o mas matanda lang ng konti. Pasilip-silip nga e. Parang may hinahanap. Lalabas na nga sana ako para tanungin kaso bigla naman siyang pumasok sa kotse tsaka umalis. Baka kako ikaw yung hinahanap. Kilala mo ba kung sino yun?" tanong nito.
Matangkad na maputi na medyo ka-edad ko???
Isip.
Isip.
Isip.
"Hmm, wala naman. Baka naman maling bahay yung napuntahan niya."
Nagkibit balikat lang si mama. "Baka nga." Tapos lumabas na rin ito sa kwarto. Yun lang pala yung dahilan kung bakit niya ako pinuntahan.
Ilang oras na rin yung nakaraan pero hindi pa rin ako mapakali. Tinawagan ko si Rhea at kinuwento sa kanya lahat nang nangyari ngayong araw na'to.
"Bezy, anong gagawin ko?" tanong ko.
"Bez, ano ba talaga yung gusto mo? Akala ko ba okay sa'yo si Ian?" sabi niya.
"Oo nga. I mean, gusto ko naman si Ian. Alam mo yun, di kasi siya katulad ng ibang lalaki diyan. Masaya ako pag kasama ko siya. Tapos lagi niya akong napapatawa..." sabi ko.
"O, yun naman pala e. Anong problema?" tanong niya.
"Kaso kasi bez...-"
"Kaso hindi siya si Erik?" sabi niya bago ko pa matapos kung ano man yung sasabihin ko.
Natahimik ako ng ilang segundo.
"Tama ba ako Alexa?" tanong niya ulit, this time alam kong seryoso na yung boses niya.
"A-ano? Hindi. Ano ka ba, matagal ko nang kinalimutan si Erik. Alam mo yan." sagot ko.
"Yan ang sinasabi ng utak mo sa'yo. E tinanong mo na ba yung puso mo kung nakalimutan na niya si Erik?" tanong niya.
Natahimik ulit ako.
"Bezy..." sabi ni Rhea, "Alam ko mahirap na desisyon yan para sa'yo. Nakalimutan mo na nga ba talaga si Erik? At si Ian, kaya mo bang bigyan siya ng chance?"
Hindi pa rin ako sumasagot.
"Alexa, you deserve to be happy. We want you to be happy, you know that. We love you. Pero syempre, the decision is still yours. Pag-isipan mong mabuti okay. Basta nandito lang ako." dagdag pa ni Rhea.
I sighed.
"I know and thank you. Don't worry, pag-iisipan ko to ng mabuti. Love you, see you bukas sa campus." sabi ko sabay baba ng phone.
Now I really have to make this decision...
------
SAMANTALA SA ISANG BAR, TATLONG LALAKI ANG NAG-UUSAP-USAP...
"Ilang oras na tayo dito pero wala pa rin siya. Sigurado ka bang siya yung nagtext sa'yo?"
"Oo naman pre, sigurado ako. Ang sabi pumunta daw tayo ditong tatlo."
"Kung ganon, does it mean that he's back?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Yep. I'm back."
Napalingon yung tatlo sa lalaking nagsalita.
.
.
.
.
.
.
.
.
"ERIK." sabay sabi nilang tatlo.
-------
Kinabukasan, sa campus...
"Asan na ba si Alexa?" tanong ni Rosel.
"Malamang late na naman yun." sabi ni Rhea.
"Teka, ang sabi niya may sasabihin daw siya sa'ting good news e." sabi ni Bunny.
.
.
.
.
.
"O, ayun na pala e." sabay turo ni Rhea.
Napatingin naman agad yung dalawa sa direksyon niya.
"Teka, si- si Ian ba yung kasama niya? Magkahawak sila ng kamay?" tanong ni Rosel.
"Hmm, maybe he's the good news." sabi ni Bunny.
.
.
.
.
"Sorry guys! Kanina pa ba kayo naghihintay" sabi naman ni Alexa.
"Hindi naman, sanay na kami kaya ok lang" sabi ni Bunny nang may panunuksong ngiti.
"So, what did we miss?" tanong ni Rhea na nakatingin kay Alexa at Ian.
Nagtinginan naman si Alexa at Ian at sabay na ngumiti.
"Ah, guys. Yun nga pala yung sasabihin ko sa inyo" sabi ni Alexa.
Tumingin ng diretso yung tatlo sa kanya.
"It's official. Kami na ni Ian!" sabi ni Alexa.
Napatili at kinilig naman agad yung tatlo.
"Kelan pa?" tanong ni Rosel na halatang sobrang excited.
"Kagabi lang." sagot ni Alexa sabay kindat kay Rhea.
"Dahil diyan, manlilibre kayong dalawa sa Cafeteria." panunukso ni Bunny.
"Sige, libre namin! Mamaya pa naman start ng klase natin e. Tara!" sabi naman ni Alexa.
Sa may cafeteria...
"Kami na lang ni Alexa oorder ha?" sabi ni Rhea sabay hila kay Alexa.
"Teka, teka... gutom much!" sabi naman ni Alexa, sabay tawa.
"Hinila kita para makapag-usap tayo. Bezy, akala ko ba pag-iisipan mong mabuti." tanong ni Rhea ng pabulong.
"Oo nga kaya nga di na ako nag-dalawang isip pa. Tinawagan ko na agad si Ian." sagot nito.
"Diba masyadong mabilis desisyon mo. E parang kagabi lang nung magkausap tayo gulong-gulo ka. Anong nangyari?" tanong ulit ni Rhea.
"Na-realize ko na tama ka. I should give Ian a chance. Bakit ko pa pagtatagalin diba?" sagot ni Alexa.
"At ano sabi ng puso mo aber?" tanong ni Rhea.
Huminga ng malalim si Alexa. Nagtaas naman ng kilay si Rhea.
"Ang sabi ng puso ko, nakalimutan ko na si Erik. Wala na siya okay at hindi na siya babalik." sagot nito.
Tumingin lang ng diretso si Rhea kay Alexa.
"Alam mo namang ayaw ko lang masaktan ka pa." dagdag ni Rhea.
"Alam ko yun. Ian and I will be okay. Sa tingin ko naman tama naging desisyon ko e." sagot ni Alexa.
"Sana nga bez, sana nga." sabi ni Rhea.
.
.
.
.
Ilang oras pa ang lumipas, natapos na rin ang klase nila. Nagkayayaan naman sila Alexa, Rhea, Rosel at Bunny na pumunta sa mall. Hindi na nakasama si Ian dahil may kailangan pa siyang asikasuhin.
"So kumusta naman ang may bagong lovelife?" pang-iinis ni Bunny.
Tumawa lang si Alexa.
"Bez, we want you to know that we're happy for you" sabi ni Rhea.
"And we wish na sana kayo na talaga ni Ian. Alam namin kung gaano ka niya kamahal Lex, for sure aalagaan ka niya talaga" dagdag pa ni Rosel.
"At bago pa nga tayo magkadramahan dito, manuod na tayo ng sine" sabi naman ni Bunny.
Umakyat na sila papunta sa 3rd floor sakay ng escalator. Habang nandun, isang lalaki ang nakahuli ng atensiyon ni Alexa. Pababa naman ito ng escalator habang paakyat naman sila. Matangkad ito at maputi. Nakasuot siya ng black leather jacket at black pants. Hindi niya masyadong makita yung mukha dahil medyo nakayuko ito at may kausap sa cellphone.
Hindi niya maintindihan pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya inaalis yung tingin niya sa lalaki at sakto nang magkatapat na sila sa escalator, binaba ng lalaki yung phone niya at doon niya nakita yung mukha nito.
Hindi siya makapaniwala sa nakita.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Erik?" bulong ni Alexa sa sarili.
_______________________
Author's Note:
Hmm, totoo ng ito. Erik is really back! Pero paano na yan?
Maapektuhan kaya nito ang relasyon nina Alexa at Ian?
Totoong nakamove-on na kaya si Alexa kay Erik?
At si Erik, bakit nga ba siya bumalik?
Abangan lahat ng yan sa susunod na chapter. ;)
Malapit na tong matapos kaya wag niyong palagpasin ang mga susunod na mangyayari.
Vote.
Comment.
Thank you! ;)
-misskomplikado ♥