Be Mine

Od ainelabs

77.8K 1.6K 495

"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siy... Více

Prologue
Chapter 1- The Flashback
Chapter 2- Bry the Jerk
Chapter 3- His Rival
Chapter 4- His Love
Chapter 6 - Friends
Chapter 7- Jealous? OR NOT?
Chapter 8- Melalaine Beetch
Chapter 9- What is this I'm feeling?
Chapter 10- The battle has just started
Chapter 11- Move on, Steff
Chapter 12 and 13- He's gay
Chapter 14- Confession
Chapter 15- Another Postponed Lovestory?
Chapter 15.2- Another Postponed Lovestory 2??
Chapter 16- Bitchy attitude ACTIVATED
Chapter 17- To the rescue
Chapter 18- The FIRST.... What?!
Chapter 19- A bitch is always a bitch
Chapter 20- The Past
Chapter 21- Captain
Chapter 22- Guarding you
Chapter 23- This fight is for you
Chapter 24- Someone who cares
Chapter 25- Camp Training 1st part
Chapter 26- Camp Training 2nd part
Chapter 27- Camp Training 3rd Part
Chapter 28- Camp Training 4th part
Chapter 29- Camp Training 5th Part
Chapter 30- Last day
Chapter 30.2- Short update
Chapter 31- Busted
Chapter 32- Begging
Chapter 33- I'm so BACK
Chapter 34- Suddenly
Chapter 35- Earn your trust
Chapter 36- Courting you
Chapter 37- Short update (DEAL)
Chapter 38- Then marry me
Chapter 39- Jollibee
Chapter 40- Friends dilemma
Chapter 41- When it started
Chapter 42- Bully
Chapter 43- Option
Chapter 44- Trouble
Chapter 45- Seafoods
Chapter 46- Fried Chicken
Chapter 47- Truth or dare
Chapter 48- Sheet of paper
Chapter 49- I'll be okay
Chapter 50- All of Me
Chapter 51- Contract
Chapter 52- Pregnant
Chapter 53- Take Me Away
Chapter 54- Rape
Chapter 55- Explanations
Chapter 56- My little shiny star
Chapter 57- Can I have this dance
Chapter 58- Protect
Chapter 59- Meet the parents
Chapter 60- Group Study
Chapter 61- Kissing
Chapter 62- Right
CHAPTER 63- Intoxicated
Chapter 64- Kami na
Chapter 65- TAM

Chapter 5- Accident

1.4K 25 15
Od ainelabs

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung nakita ko yung eksena na nagpabagsak sa mundo ko. Simula nun, hindi ako umiiwas. Actually, siya. Sila na kasi yung laging magkasama. Kahit sa tv binalita nang matino na daw ang Casanova. They even tell the whole world their lovestory. Sa school ngayon, sila ang perfect couple.

“Bagay sila no?”

“Oo nga e. Gwapo at maganda.”

“True. Perfect Match.”

“They are match made in heaven.”

Mga linyang naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa tuwing dumadaan sila sa hallway. Ako, eto. Nagpapaspas na kami para sa competition. Yes, sumali pa din ako. If I don’t, baka mabaliw ako sa sobrang bored at sakit na nararamdaman ko. Sabi niya, everything will be fine, pero asan siya ngayon? Naging sila lang nakalimutan niya ng may atraso pa siya sakin, nakalimutan nya ng siya ang may dahilan kung bakit anytime pwede lumala yung nararamdaman ko at hindi na ako makasayaw. Kung kelan naman akala ko magkakaroon nan g chance yung “ako at siya” pero sa isang iglap biglang wala na. Letseng tadhana to oh. -_- Pinaglalaruan ata ako.

Mamaya may practice pa kami. Ang sama ng pakiramdam ko. Hayyyss. -_- Nandito ako ngayon sa upuan ko at nakasubsob sa lamesa. Hindi na nga pala kami magkatabi. Syempre naman, yung girlfriend niya na yung tatabihan niya. Matutulog nalang ako kesa titigan sila kung paano maglandian..

Nasa point na ako kung saan makakatulog na ako nung biglang may nag’poke sa tagiliran ko. Pagtingin ko, isang gwapong nilalang na naka’panda na jacket ang nakita ko, nakatingin sakin at nagpapacute. ..

Hindi ko na napigilang tumawa kasi favorite ko ang panda.. “HAHAHAHAHA! Rence, ang cute cute mo! Haahahahaha.” Oo, si Clarence. Siya na yung katabi ko ngayon.

“Ehem. Ehem” Oooppps. Yung prof namin, nagkaklase pa pala tapos halos lahat ng tao sa room nakatingin saming dalawa pati sila Bryan. Buti nalang hindi si Mrs. Grumpy yung prof.

“Ah.. Eh. Sorry Ma’am. Kasi po hindi ko lang talaga napigila….”

“Ma’am ako po yung may kasalanan. Kasi po masama yung pakiramdam niya at mukhang malungkot. Ayaw ko naman po na mukhang biyernes santo yung mukha ng babaeng nililigawan ko. Diba nga po sabi nila kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat mapasaya lang siya?” namula naman ako sa sinabi niya. Ano ba naman naiisip nitong tao na to? Lahat tuloy ng kaklase naming inaasar na ako. Except kay Bryan na nakatingin lang namin na parang wala namang emotion. Tulad dati, nung dinadaan’daanan niya lang ako. Well, nagtaka pa ako. Sino ba naman ako para sa kanya diba? =_= Pssh.

“So Mr. Seo nililigawan mo na pala si Miss Chua ha! Miss Chua, wag mo na pahirapan si Mr. Seo, sagutin mo na agad, bagay na bagay kayo!” sabi ng prof namin. Aba, takte. Nakiasar pa. Halatang kinikilig-kilig pa siya. Abnormal. (#_#)

Napayuko nalang ako sa sobrang hiya hanggang sa natapos ang klase at lunch na.

Sa tatlong araw na nakalipas laging si Clarence ang kasama ko, papuntang locker kahit sa comfort room. Ayaw niya daw kasing malayo sakin dahil pagkakaguluhan daw siya ng mga babae. Tsss. Sarap ipakaen ng buhay sa mga pating noh?

“Hoy! Anong iniisip mo dyan?” sabi niya na may kasabay pang pagpitik sa noo ko. Kakadating niya lang sa mesa naming, siya kasi um-order ng lunch namin. Swerte ko nga e, lagi akong libre ng pagkain diyan. Bwahahaha.

“Aray ko naman. Kelangan ba kasi may pitik pa?”

“Oo. Mukha kasing natutulog ka dyan at nananaginip ng gising e. Ano bang iniisip mo?”

“Wala.” Tapos sumubo na ako ng pagkaen ko. Alam na alam niya talaga yung gusto ko, vegetable salad. Hindi kasi ako nag-rrice. Tinanong ko nga siya kung paano niya nalaman na hindi ako kumakaen ng rice sabi niya nasa google daw.. -_-

“Oh hindi!” OA na sabi niya habang umaarte na parang tinatakpan yung katawan niya. Anong drama to?

“Ano yan? Nagpa-practice ka ba? Para san ba yan? Ang baduy naman ata ng kwento ng movie mo ngayon.” –_- Simula nung nagging magkaibigan kami, lagi kaming nagmmovie marathon, at alam nyo ba kung anong pinapanood naman? PURO MOVIE NYA LANG. Pati mga luma nyang commercials at telenovela hindi pinalagpas. Kahit wala naman akong maintindihan kasi habang nanonood kami, knukwento nya naman yung mga nangyari sa behind the scene nung bawat eksena. Bwisit noh?

“Wag mo sabihin na ako lagi ang laman ng utak mo pati ang inosente kong katawan? Umamin ka, Lian! Pinagnanasaan mo ako noh!?”

O.O

Anaknamputcha naman o.

Nasa cafeteria kami at ang lakas ng boses niya! Nagtinginan tuloy yung ibang tao samin at siya umaarte pa din na tinatakpan ang katawan niya at parang ginahasa ang emotion sa mukha. =_= Lord, malaki ba talaga ang kasalanan ko sainyo? Boyfriend na nga ngayon ng bestfriend ko yung taong mahal ko tapos binigyan nyo pa ako ng isang autistic na kaibigan.

“Letse ka Rence! Tumigil ka nga. Nakakahiya ka e.” natatawa na din ako sa kanya.

“Yan! Nag’smile ka na ulit.”

“Huh?”

“Namimiss ko na kasi yang ngiti mo, yung tunay, hindi yung pilit. Hmm. By the way, may practice ka ba mamaya?”

Hindi niya alam na medyo malala yung lagay nung balakang ko, kahit ang team ko hindi nila alam. Pinipilit ko na wag ipakitang nasasaktan ako sa bawat routine. Kailangan e.

“Ah. Oo, bakit? Manunuod ka ulit?” lagi kasi siyang nanunuod ng practice tapos siya na din ang naghahatid sakin pauwi. Kilala na nga siya nila Mommy e, at ang loko feel at home na feel at home sa bahay. Minsan nga dun na siya naga-almusal e.

“Hindi ako makakanuod e. May shooting ako later. Pero itext mo ako kapag malapit na kayong matapos, dadaanan nalang kita dito para ihatid sa inyo.”

“Nge. Wag na, sira! Tawagan ko nalang si Manong Ding, sa kanya nalang ako papasundo para hindi hassle sayo.”

“You sure?”

“Oo. Baka kasi maningil ka e, wala akong ipapasweldo sayo sa pagiging driver ko. Hahahaha.”

“Maging masaya ka lang naman okay na sakin.”

“Ha?”

“Wala. Lika na, magbe-bell na.”

Bumalik na kami sa room. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room ang unang bumungad na sakin ay si Laine na nakayakap kay Bryan. </3

Hayys. Para naman akong araw-araw pinapatay neto. Nagulat nalang ako nung bigla nalang may yumakap din sa likod ko. Kaunti palang naman ang tao. Pero ramdam ko lahat sila nakatingin samin.

“Lian, sayo nalang oh.” Sweet na sabi niya.. Pagtingin ko sa kamay na inaabot niya na nasa harapan ko, yung PANDA NA JACKET! (^o^)

Napaharap ako sa kanya kaya natanggal yung pagkakayakap niya sa likuran ko.

“TALAGA? SAKIN NA TO TALAGA?!” (^_______________^)

“Oo nga. Kung ayaw mo edi…”

“WAAAAHHHHH! THANKYOU!” Tuwang tuwa na ako talaga kaya niyakap ko siya at hinalikan…

Sa pisngi..

“Thankyou talaga! Dahil dito pwede mo ng ubusin lahat ng pagkaen sa bahay! Promise” nakita ko naming nagningning yung mata niya na parang ganito (*o*) . PSH. Basta talaga pagkaen e. Hahahahaha.

Nagulat nalang kami nung biglang parang may nagdabog at lumabas. Pagtingin ko si Bryan pala yun. -_- Pagtingin ko kay Laine mukha din siyang nabigla. Hmmm. Siguro nagaway sila. Pssshhh. Wala na akong pakealam. Kailangan ko ng simulan ang paglimot sa kanya.

Natapos na ang klase. Papunta na ako ng gym, si Rence pumunta na siya location ng shooting nila. Sa Tagaytay pa ata. -_- Layo no? Manila to Tagaytay. Psh. Hassle. Napansin ko nalang na nasa unahan ko si Laine, wow. Hindi niya talaga ako pinapansin. L Nung malapit na kami sa gym nakita ko na napatingin si Bryan sa direksyon ko. Ay mali. Siguro kay Laine, nasa unahan ko lang naman siya e. Tapos yung tingin niya parang nagtatanong na naiinis. Nagaway siguro talaga sila kanina. Hmm. Hindi na kasi siya pumasok kanina after niya magdabog e. Ilang araw na din siyang hindi umattend ng practice nila simula nung nagging sila kaya hindi kami nagkikita tuwing nagpapractice kami. Naging close na nga kami nga teammates niya especially Kevin and Alvin.

Sinalubong ako nila Alvin. Hindi ko na tinignan sila Bryan, masasaktan lang ako.

“Uy sexy.” Pangaasar sakin ni Alvin.

“Loko ka ah. Hahahaha.” Tapos nakipagbeso’beso ako sa kanila. Sabi ko sainyo e, close na kami. J

“Steff, ang hot mo ah?” sabi ni Kevin. Hot? I know right! HAHAHAHAHA. Nagulat ako nung pinatong ni Alvin yung kamay niya sa noo ko.

“Nilalagnat ka Steff. Okay ka lang ba?”

AKO? Nilalagnat? Kinapa ko yung sarili ko. Oo nga. Kaya pala kanina pa masama yung pakiramdam ko.

“Okay lang ako. Sige na magpractice na kayo. Wag nyo ipatalo ang team ha? Kakahiya ko kayong kaibigan. Hahaha.”

“Kami pa. Asa naming magpatalo kami no. Edi kinastigo kami ni Coach. Sha, sige na. Goodluck sa routine.” Sabi naman ni Kevin na naglakad na papunta sa teammates niya.

“Okay ka lang ba talaga? Dalhin nalang kita sa clinic gusto mo?” sabi naman ni Alvin. Halata naman sa kanyang concern siya sakin.

“Oks na oks lang ako. Don’t worry!”

Dumiretso na ako sa shower room at nagpalit. Sports bra lang ang suot ko at cycling short tapos pinatong ko lang yung panda na jacket. Waaaahhh. KAWAIII!!! (*o*)

Habang nagpaparatice nahihilo na ako talaga, isabay pa yung pakiramdam na naaasiwa ako kasi feeling ko may nakatitig sakin. Nasa taas ako ngayon, yes. Ihahagis nila ako and magfflip ako. Pagtingin ko sa harap ko nagtama yung mata namin ni Bryan. Nakita ko galit siya at magsisimula na dapat maglakad papunta samin pero

bigla siyang hinila ni Laine at hinalikan kasabay ng paghagis sakin ng team. Nahihilo na talaga ako at nawalan ako ng balance dahil nabigla ako sa nakita ko. Hindi ko na narinig ang bilang ng grupo ko. Hindi na din ako nakapagflip, dahil sa mali ang bagsak ko. Hindi nila ako nasalo.

“AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!”

BRYAN’S POV

Badtrip na talaga ako nung nakaraan pa. Paano ba naman kasi tong Koreanong hilaw na to kaklase ko pa talaga! At nilalandi ng nilalandi si Steff. -_- Hindi ako nagseselos okay? Naaasar lang ako kasi kabago’bago pa lang niya dito nanglalandi na siya. At talagang si STEFF pa ha.

FLASHBACK

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa rooftop. At nakita ko dun ang babaeng mahal ko, nakatayo tapos biglang tumakbo papalapit sakin at niyakap ako.

TEKA, ano to? Bakit niya ako niyayakap?

“Mahal kita. Sorry ngayon ko lang nasabi. Mahal kita Bryan.”

Ma…hal? Mahal niya ako? Mahal ako ni Melalaine? Pero kelan pa? Paano? Bakit?

“ANO? MAHAL MO DIN AKO?!” masaya ako. Hindi ko maintindindihan yung nararamdaman ko. Sobrang saya ko.

“Oo. Sorry kung ngayon ko lang narealize to. Mahal din kita. Nasasaktan ako kapag may kasama kang iba. Lalo na kanina, nung binuhat mo siya.”

Binuhat? Si Steff? Pero bago pa ako makapagtanong hinalikan niya na ako. Ang tagal kong hinintay yung oras na to. Yung mahalikan ko ang babaeng mahal ko, pero bakit parang may mali? Sabi nila kapag daw first kiss nyo ng taong mahal mo feeling mo daw lutang ka, pero yung halik na to, walang pinagkaiba sa pakiramdam kapag nakikipaghalikan ako sa ibang girlfriends ko. Nung natapos na yung halik bigla siyang nagsalita.

“Si Steff. Natakot ako na tuluyan ka niyang agawin sakin, matagal ka nan yang gusto Bry. Remember first year? Siya yung sinigawan mo noon, yung nagtapat na may crush sayo.Yun yung time na nagtapat ka din sakin diba? Gagawin niya lahat para lang mapunta ka sa kanya. Pero hindi ko pwedeng hayaang lang basta na mangyari yun. Mahal kita, Bry. Please be mine.”

Hindi ko na naintindihan yung ibang sinabi niya. Si Steff? Sinigawan ko? Niyakap ako ni Laine at niyakap ko nalang din siya. Wala akong matandaan. Kung si Steff yung sinigawan ko noon, ibig sabihin siya din yung babaeng nakasalamin at medyo mataba noon? O.O Pero paano? Hindi ko maintindihan.

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

“Too late. I already FALL.. in love with you.”

Paulit’ulit kong naaalala yung sinabi niya sakin kanina habang buhat ko sya. Pero ang mas lalong nakapagpagulo ng isip ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang parang nageecho ang mga salitang yan sa tenga ko at naalala ko yung mukha niyang umiiyak kanina.

“Babe? Para kang lutang diyan? Anong iniisip mo?” nabigla naman ako sa sinabi ni Laine. Andito siya ngayon sa gym, halos kasabay niyang dumating si Steff na hindi makuha sa tingin. Ano bang ginagawa niya dito?

Sakto naming nahagip siya ng mata ko na kalalabas lang shower room at nakasuot ng cycling at yung pesteng panda na jacket na ang panget panget naman galing kay koreanong hilaw! At aba! Anong iniisip ng babae na to?

Sinalubong siya kanina nila Alvin at Kevin. Nakakabwisit nga e, hindi ko alam pero nabwibwisit ako.

“Laine. Puntahan ko lang si Kevin ha. Wait for me.” Sabi ko sa kanya kasi nakita kong bumalik na si Kevin galing kay Steff.

“KEV!”

“O pare bakit?”

“Anong ginagawa ni Steff dito?” tinignan naman niya ako na para akong nasisiraan ng bait.

“Pare. Kumaen ka na ba? Nagkagirlfriend ka lang ng isa nagkaamnesia ka na? Araw-araw nandito si Steff dahil captain siya ang cheering squad. Kawawa nga siya e, nilalagnat yan ngayon. Sobrang init nga niya e. Kaso no choice siya, nakadepende ang squad sa kanya.”

Pucha naman o. Ang tigas talaga ng bungo ng babaeng yun nakakabwisit! Hindi ba niya naintindihan yung sinabi nung doctor samin? Dapat ba naghanap muna kami ng translator para sa alien language niya? Leche. Nakakapanginit naman talaga ng dugo. ABA! Tignan mo ngayon. May gana pa siyang magflip sa ere ng lagay nyang yan?! Pupuntahan ko na sana siya pero pagdaan ko sa harap ni Laine, bigla naman nya akong hinila at hinalikan. Nagulat nalang ako nung may narinig akong sumigaw.

“AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!”

Pakiramdam ko tumigil bigla yung ikot ng mundo ko pati ang pagtibok ng puso ko. Napalingon ako sa place kung saan nagppractice sila Steff.

“Captain!”

“Humingi kayo ng tulong bilis.”

“Captain wag kang pipikit!”

“Bilisan nyo!”

Nakita ko silang nagkakagulo pati ang team at si Coach tumakbo na. Dun lang ako natauhan. Tumakbo na din ako papunta sa kanila.

SHIT!

Nakita ko hinang’hina na siya at namumula yung mukha niya tapos may tumutulong luha.

No. No. Steff. Pleasee.

“ANO PANG TINATANGA TANGA NYO DYAN!!! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!” Sigaw ko sa kanila. Lahat naman sila nagsikilos na.

“BILISAN NYO! LETSE. ANG BABAGAL NYO E.”

“Pare relax ka lang. Lahat sila tumatawag na.” sabi naman ni Alvin na tinapik’tapik pa yung balikat ko.

Gusto ko siya murahin at sigawan. Pero nanahimik nalang ako at tumingin kay Steff. Umiiyak siya pero hindi siya nagsasalita.

Hinawakan ko yung kamay niya. Sht! Ang init ng palad niya.

“Steff. Hold on. Don’t close your eyes okay? Wag.. Wag kang matutulog. Do you understand?” I can feel that I’m stammering. Sa buong buhay ko ata ngayon lang ako natakot nga ganito. Marahan naman siyang tumango.

Dumating na yung ambulansya at dahan dahan nilang nilagay sa stretcher si Steff. Hindi ko binitawan ang kamay niya at wala akong balak bitawan yun. Nung sinabi ni Coach na siya na daw ang sasama sa hospital, sabi ko nalang na ako ang bahala sa lahat.

Habang nasa loob ng ambulansya nagulat ako nung biglang nagloose yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Steff. No! Don’t sleep. Wag kang magpadala sa antok. Stay with me. Please stay with me.” Naiyak na ako. Ngayon ko lang naramdaman na parang nanghihina ako. Na parang wala akong kwenta. After I said that naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

“Thankyou.” Sabi ko sa kanya.

Nang makadating na kami sa hospital. Sinugod na agad siya sa emergency room. Sabi sakin nung nurse malaking bagay daw na hindi nakatulog si Steff kasi pag nagkataon baka mas mahirapan sila lalo na’t sabi ng squad kanina malakas ang pagkakahampas ng ulo niya nung nalaglag siya. Hindi naman semento talaga ang binagsakan niya pero delikado pa din dahil mataas ang pinaglaglagan niya.

Nasa labas ako ng emergency room. Nanginginig ako at nanghihina na ang tuhod ko. Tumawag naman ako sa office ni Mama.

“Yes my sweet son?” malambing niya pang bati.

“ALISIN MO NA ANG CHEERING SQUAD NGAYON DIN!”

“Son, I can’t. Tsaka bakit ka ba ganyan?”

“Ma, please. Alisin mo. PLEASE LANG.”

“Bakit ba? Ano bang problema mo sa squad, anak? The squad has a lot contribution for school. And I like their captain Miss Lian, she’s a good….” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

“SHE’S NOW IN THE HOSPITAL SPECIFICALLY IN THE EMERGENCY ROOM BECAUSE OF THAT G*DDAMN SQUAD OF YOURS!” Hindi ako bastos makipagusap sa mama ko pero naghalo’halo na talaga yung nararamdaman ko kaya siguro ako ganito ngayon.

“Ohmy! Alam na ba nila Amanda to?” Sinong Amanda? -_- Baka nanay ni Steff.

“No hindi pa. Ako lang ang nandito. “ Sinabi ko sakanya yung hospital at pupunta daw siya. After that, I hang up.

PLEASE STEFF. PLEASE BE OKAY.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

38.9K 3.2K 46
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
1.9M 75.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
62K 1.7K 14
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...