GETTING BACK TO EACH OTHER'S...

By KimVerly

637K 6.9K 764

ito na po yung book2 nang getting to now each other on bed..basahin muna ang book1 bago ito para hindi malito... More

GETTING BACK TO EACH OTHER ARMS
PAGE-1-
PAGE-2-
PAGE-3-
PAGE-4-
PAGE-5-
PAGE-6
PAGE-7-
PAGE-8-
PAGE-9-
PAGE-10-
PAGE-11-
PAGE-12-
PAGE-13-
PAGE-14-
PAGE-15-
PAGE-16-
PAGE-17-
PART-18-
PAGE-19-
PAGE-20-
PAGE-21-
PAGE-23-
PAGE-24-
PAGE-25-
PAGE-26-
PAGE-27-
PAGE-28-
PAGE-29-
PAGE-30-
PAGE-31-
PAGE-32-
PAGE-33-
PAGE-34-
PAGE-35-
PAGE-36-
PAGE-37-
PAGE-38-
PAGE-39-
PAGE-40-
PAGE-41-
PAGE-42-
PAGE-43-
PAGE-44-
PAGE-45-
PAGE-46-
PAGE-47-
PAGE-48
PAGE-49-
PAGE-50-
AUTHORS NOTE:PASASALAMAT
THE LAST PART(EPILOGUE)
SPECIAL CHAPTER

PAGE--22--

9.8K 97 14
By KimVerly

PAGE-22-

 CODILYN POV'S

Isang linggo narin pala buhat nang traydurin niya si Harley.isang linggong nag mistula na siyang robot dahil sa pag sunod sa mga utos nila.punta sa ganitong party at kung saan-saan pa.ngumiti kung kani-kanino na animo isa siyang laruan na de control.

"Anak."nilagpasan niya ang Mama niya nang masalubong niya ito palabas nang bahay nila

hindi niya ito pinagka-abalahang lingunin or batiin manlang.basta diretsyo lang siya sa paglabas sa bahay nila.ilang beses itong nagpumilit na makausap siya pero hindi niya ito sinagot.pabalandra niyang sinaraduhan ang pinto nang kotse niya pagkapasok na pagkapasok niya doon.

nag-tuloy siya sa Daffodils store niya at dun ginugol ang maghapon.pinokus niya ang sarili sa pagpipinta at mamaya lang pag gumabi na ay didiretsyo naman siya sa bar.isa namang tinig ang nagpalingon sakanya

"minahal ka niya pero bakit tinraydor mo siya!"binaba niya ang paint brush niya at mataray itong tinignan

"oh,ikaw pala Ara,anong masamang hangin ang nagdala saiyo dito.?"

"anong ginawa mo kay harley?"gigil nitong tanong

"anong ginawa ko?oh,tsk!ang bilis nga namang kumalat nang balita.akalain mong nalaman mo na agad."

"buong buhay niya nilaan niya saiyo.anong klaseng babae ka para traydurin mo siya?."

"anong klase akong babae?haha,patawa ka! isn't it obvious kung anong klaseng babae ako."

"hindi ko akalain na ikaw ang babaeng minahal niya.tinanggap ka niya kahit alam niyang ang magulang mo ang may pakana nang lahat kaya namatay ang kapatid niya."

"so?nagpunta kaba dito para konsensyahin ako,i'm busy pwede kanang umalis."tinalikuran niya ito pero bigla nitong hinatak ang braso niya

"ang mga mata mo.."

"ano namang problema sa mga mata ko?anong problema kung gamitin ko ang mata nang kapatid ni Harley.may masama ba dun hah!agent Santiago.?"halata mong nagulat ito sa sinabi ko,halos bumaon ang kuko nito sa braso ko nang makabawi sa pag-kagulat

"alam mo na pala!pero bakit kailangan mo siyang saktan.tinanggap ka niya kahit gustong-gusto niyang maghiganti sa inyo.napakawalang kwenta mong tao na ipagpalit siya sa walang kwenta mong rason."ngumiti siya nang pang-asar

"walang kwentang rason?bakit ano namang alam mo sa rason ko?hindi ba maganda lang na gawin ko iyon kung yayaman naman ako."

"nang dahil sa pera pinagpalit mo si Harley?nang dahil lang sa pera!"hindi siya nagpaapekto sa pag-sigaw nito,tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa braso niya at hinarap ito

"problema ko ang pera kaya natural lang na kumapit ako sa taong mabibigyan ako nang yaman.kung ako saiyo mind your own problems before you talk about mine,baka hindi ako makapag-pigil at ipatapos ko ang buhay mo."

"sa tingin mo matatakot ako sa banta mo?gagawin ko ang lahat makuha lang si harley saiyo at sa oras na makuha ko siya,hinding-hindi na ako papayag pang makuha mo siyang muli sakin.this time sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan kasama nang mga demonyo mong magulang."ngumiti lang siya dito na lalong nag-painis dito

"tapos kana ba?pwede kanang umalis,hindi ito drama center para dito ka mag-drama.alis na!"nang hindi ito tuminag ay sinigawan ko ito "ano pang hinihintay mo!gusto mobang kaladkarin pa kita?."isang masamang tingin naman ang binigay nito bago tuluyang umalis.

pagkaalis  na pagkaalis nito.malakas  niyang binato sa pintuan yung pinipinta niya.lumabas siya nang daffodils store at nag-tungo sa bar.

Halos nakakalimang baso na siya nang alak nang dumating si Nina.hindi naman niya ito nilingon at tinutok lang ang atensyon sa pag-inom na ginagawa.sa pang pitong baso nga niya nagulat siya nang kuwanin ni Nina iyon sa kamay niya.

"what's wrong with you?"seryoso nitong tanong

"what's wrong with you too?"balik niyang tanong dito

"ODIN?!alam mo ang ibig kong sabihin"

"hey, isa ngang baso diyan."hindi niya ito inintindi at tinawag yung bartender

"Odin,ano itong nababalitaan ko.akala koba si harley ang mahal mo pero bakit magpapakasal ka sa iba?"

"well,that's life!akala ko rin pero hindi pala."

"ODIN!?"asar namang nilingon niya ito nang sigawan siya

"huwag mo akong sisigawan baka tamaan ka sakin."pero hindi ito natinag sa banta niya at hinawakan pa siya sa braso

"Odin,ano bang problema?alam ko may problema ka.hindi ako naniniwalang magpapakasal ka sa iba,nasan ba si harley at pinababayaan kang  ganyan.?"

"wala akong problema,kung kayang magbago nang tao kaya din magbago nang puso.at kung pwede lang kung  wala kang magandang itatanong umalis kana sa harapan ko."tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at nag-simula ulit uminom

"pero.."

"hayaan mong ako ang makipag-usap sa kanya."napailing naman siya nang makita si Throwie sa tabi niya

Napatayo  tuloy siya sa inis sa mga ito.kung wala din naman siyang mahahanap na katahimikan sa pag-iinom niya dito sa bar.mabuti pang lumipat siya nang ibang lugar,sa lugar na walang asungot.

"sandali lang Codilyn..mag-usap tayo."habol-habol siya ni Throwie palabas nang bar

Hindi niya ito inintindi at nag tuloy lang sa parking lot.bubuksan na sana niya yung pinto nang kotse niya nang pigilan siya nito.asar na tinignan naman niya ito.

"what?!"singhal niya dito

"anong nangyari?bakit kailangan sa ganun humantong ang lahat?"

"let me go,wala akong oras sa mga ganyang tanong."pinilit niyang makawala sa kamay nito pero hindi siya nito pinakawalan

"alam mo kung gano ka niya kamahal at alam mo rin sa sarili mo kung gano mo siya kamahal.pero bakit kailangan maging traydor ka sa kanya.?"seryosong-seryoso ito at wala na dito ang bakas nang pagkamakulit nitong mukha

"kailangan ba palaging may sagot at may tanong sa mga bagay na hindi niyo dapat pakialaman?this is my fucking life at gagawin ko ang gusto kong gawin."

"sige!sabihin na natin na hindi ako dapat makialam sa buhay mo,ierased mo na ang pakialam ko sa buhay mo.pero Codilyn kaibigan ko si Harley at hindi ko kayang manood lang na naghihirap na naman siya.ang dami na niyang sinakripisyo para lang saiyo!pero anong napala niya sa pag-mamahal saiyo?mahal na mahal ka niya kaya please lang maawa ka naman sa kanya."

"ano naman ngayon kung mahal niya ako?ano naman ngayon kung kaibigan ka niya at awang-awa kana sakanya.wala akong pakialam sa nararamdaman niyo.hindi ko naman kayo kaano-ano in the first place."mahigpit nitong hinawakan ang dalawang balikat ko para magkaharap kami

"hindi ako naniniwalang hindi mo siya mahal,you can trust me!sabihin mo sakin kung bakit kailangan mo itong gawin kay harley,alam kong may malalim kang dahilan.hindi man tayo kasing tagal ni Nina na naging magkaibigan,nandun naman ako nung mga panahong nagmamahal ka kay harley."tumawa siya nang pagak dito

"akala koba wala kanang pakialam sakin?.so bakit kita pagkakatiwalaan!at yung sinasabi mong pagmamahalan na nasaksihan mo!isa lang iyon drama,kinailangan ko lang iyon gawin para makuha ang impormasyon na nakalap niya laban sa business nang pamilya ko.at isa pa nga pala kung ayaw mong madamay si Nina dito huwag kanang makialam pa."napaltan nang takot ang kaseryosohan nito

"hindi ko akalain na masasabi mo ang lahat nang yan!at hindi ko rin akalain na makukuha mo ding idamay dito si Nina."ngumiti siya at tinapik ito sa braso

"kayang-kaya kong idamay ang lahat para lang hindi mawala ang negosyo at yaman namin.kesehodang si Nina at Yzhel pa yun na tinuring akong kaibigan,.kung ang mga magulang ko nun ay nalulusutan niyo sa aksyong ginagawa niyo.pwes!ibahin niyo ako,iba akong kalaban dahil higit na mas tuso ako sa pamilya ko.itatak mo yan sa utak mo Agent Salvador."

pagkatapos kong sabihin yun.pumasok na ako sa kotse at mabilis na pinasibad palayo doon.nag diretsyo ako sa bahay namin.patay pa ang ilaw nang dumating siya.siguradong wala dun ang Mama niya kaya ganon.

sinalubong naman siya nang damba ni Memo ang kanyang kaisa-isang kakampi sa buhay na aso.nag half bath lang naman siya at nahiga narin sa kama.pinatong niya ang braso sa noo niya at matagal na tumitig sa kisame

parang tanga ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong-hininga.pag-naiisip niya ang nangyayari sa kanya ngayon hindi niya na alam kung panong nakukuha niyang ngumiti at hindi umiyak sa pangyayari.

nakakagulat na ganon na pala akong katatag ngayon.pinikit nalang niya yung mga mata para matulog.bukas pupunta siya kung saan nakakulong si Harley.

>>>>

"kumain naba ang bihag niyo?"tanong ko sa isang armadong lalaki na nakaupo hindi kalayuan sa kulungan ni Harley

"dadalhan palang po namin."

"ako na ang magdadala,pakibigay nalang sakin."tumango lang naman ito sakin at  binigay sa kanya ang isang tray na may lamang pagkain

"gutom kana ba Mr.Escueta?"galit naman itong tinignan siya habang nakaupo ito sa isang maliit na kama  doon at nakakadena ang isang paa

"who cares?"sagot nitong kulang nalang patayin siya sa tingin

"I care.kailangan mong kumain para maging malakas ka"

"you care?"bigla itong tumawa at umiling-iling sakin "naririnig mo yung sarili mo!you care?!kailan pa? ni hindi mo nga ako minahal diba?!"

"hindi ko alam kung pano ka naging agent ganung bobo ka naman,I care dahil gusto kong makita kung pano ka gumanti sakin.baka nakalimutan mo yung sinabi mo sakin na pagnakatakas ka dito sisirain mo ang buhay ko."

 

"hindi ko nakakalimutan yun!"

"yun naman pala eh,kumain kana dahil hihintayin ko ang araw na iyon,kung hindi ka kakain mamatay kana lang dito na hindi ka nakakapag-higanti samin."pabigla itong tumayo at hinatak siya

at dahil medyo malapit siya dito nahatak siya nito agad sa braso.nakakadena nga ang isang paa nito pero sapat naman ang haba nun para makalapit sakin.gitil na gitil itong halos bumaon ang kuko  sa braso ko

"makakatakas ako dito at sa araw na makatakas ako.hindi ako magdadalawang isip na patayin ka para makuha ang mata nang kapatid ko."ganyan nga harley,magalit ka para maging maayos ang buhay mo

"ok!huwag kang mag-alala nakahanda na ang libingan ko kung sakali mang mangyari yung sinasabi mo.pero sa ngayon  hawak ko ang buhay mo kaya mag-ingat-ingat ka sa pinag-sasabi mo at baka hindi ako makapag-pigil at mapadali ang buhay mo,"hinatak ko ang braso ko dito at lumabas nang kulungan nito

taas noo siyang naglakad palabas sana doon at nang malapit na siya sa pintuan nang building napatigil siya sa nakita.nakasandal si Near sa gilid nang pinto nang lumang building habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa.

"Hi."bati nito na kinaharap niya dito

"akalain mo nga naman,so talaga palang kasabwat ka nila?"tumawa lang naman ito nang mahina

"uhm!sabihin na nating trabaho lang.katulad mo may misyon din ako sa buhay na gustong matapos."

"anong ibig mong sabihin?"tinuro naman siya nitong sumunod sa kanya para mag-kausap sila

dinala siya nito sa likod nang lumang building.may malaking puno doon na may pang dalawang upuan na bato kang makikita.umupo kaming dalawa doon at ilang minuto din kaming nawalan nang imik bago nagawang basagin ang katahimikan

"hindi ko akalain na bibitawan mo siya!"sinipa niya yung isang maliit na bato doon bago  ito sinagot sa sinabi nito

"ganun talaga!katulad nang sinabi mo sabihin na nating trabaho lang."

"alam mo hindi mo kailangan mag-sinungaling sakin kasi alam kona ang lahat."

"alam mo naman pala pero bakit  kailangan mopa akong tanungin?"tumawa ito nang pagak

"you can cry on me if you want."gitil naman niyang hinarap ito

"cry on you?simula nang araw na pinadakip ko si Harley at traydurin siya nawalan na ako nang karapatang umiyak.why should i?para san pa ang pag-iyak kung hindi na nun matatakpan pa ang lahat nang kasalanan na ginawa nang mga magulang ko sa kanya.isa nakong robot ngayon wala nang pakiramdam o awa manlang sa iba."

"ibang klase ka talaga."

"yeah!and if you don't mind i need to go.wala akong time makipag-usap sa mga walang kwentang tao."tumayo na siya at iniwan ito.wala na itong nagawa kundi pagmasdan  nalang siya

>>>>>>>.TO BE CONTINUED<<<<<<<<<<

Continue Reading

You'll Also Like

804K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
620K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
764K 27K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.