Deal Breaker (Published under...

By swirlybitch

5.4M 96.2K 7.5K

Princess Nicole "Nick" Madrigal wants nothing more than to regain the independence that she lost noong nalama... More

Chapter 1: Goddamn Shoe
Chapter 2: Hala, Nas'an na?!
Chapter 3: By Hook Or By Crook
Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!
Chapter 5: I Should've Stayed
Chapter 6: Akala Ko
Chapter 7: Lesson No. 1
Chapter 8: Reconciliation
Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever
Chapter 10: WDF?!
Chapter 11: Train Train Go Away
Chapter 12: The Sister I Never Had
Chapter 13: Love Sick
Chapter 14: I'm Sorry
Chapter 15: Third Wheel
Chapter 16: First Time In My Bed
Chapter 17: ABC Song
Chapter 18: Back Off
Chapter 19: Good Night Gone Bad
Chapter 20: I Lo-- Ano Daw?!
Chapter 21: He Left
Chapter 22: She Got Drunk, He Got Heartbroken
Chapter 23: I Just Can't Help It
Chapter 24: His
Chapter 25: Oh No
Chapter 26: The Truth.. It's Sad
Chapter 27: What Now?
Chapter 28: Ano Na Naman 'To?!
Chapter 29: What Really Happened
Chapter 30: Moves Like Jagger?
Chapter 31: Nasaan Na Ako?!
Chapter 32: The Meet
Chapter 33: All About Us
Chapter 34: Will You Take Me Away With You?
Chapter 35: Don't Say It, 'Coz You'll Definitely Break My Heart
Chapter 36: The Truth... It Sucks
Chapter 37: Only Him
Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!
Chapter 39: The Phone Call
Chapter 40: Love Me, Love Me, Say That You Love Me
Chapter 41: Boy Talk
Chapter 42: Versus
Chapter 43: Dreams
Chapter 44: This Is It
Chapter 45: Dealing With It
Chapter 46: Too Late?
Chapter 47: Tragic
Chapter 49: Points Of View
Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?
SIDE STORY - Shut Up Or I'll Kiss You
OTORS NOWT: LAST NA TO! HEHEHE.
The Story Behind THE STORY.

Chapter 48: What About Love?

79K 1.2K 267
By swirlybitch

"True love is your soul's recognition of its counter point and another." - John in Wedding Crashers

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Para po ba sa anak niyo?" tanong ng sales lady sa akin..

Nilingon ko siya at ngumiti. Kahit na gaano ako naiinis sa mga saleslady na nagtatanong kung anong bibilin ko at kung anek anek pa, tumango ako. "A four year old girl."

Wala akong ideya sa kung anong bibilin ko, hindi ako magaling sa damit pangbata. Lalo na sa pambabae.

Ngumiti naman pabalik yung sales lady at may kinuha siyang cute dress. Pink na may ruffles and everything.

"Ahmmm. May iba ba kayong kulay?" Tumingin nang parang nagtataka yung saleslady. "She doesn't like pink." At least, kahit papaano na-adopt yata ni Denise yung taste ko pagdating sa kulay. I mean distaste ko pagdating sa kulay.

"Ahh. Okay po." tapos naghanap pa siya sa mga nakasabit dun. Pagbalik niya may dala-dala na siyang yellow dress na iba naman yung design. Pero pambata at pambabae din naman at MAS KYUUUT kesa dun sa pink dress.

"Kukunin ko yan."



Bitbit lahat ng pinamili ko. Naglakad na ko papunta sa fastfood chain na favorite ni Denise. As much as possible, nilalayo namin siya sa mga fastfood chains. Mga once a month lang kami pumunta sa mga ganitong kainan.


"Mommyyy!!" halos magtatalon siya nung makita niya ko.

Hindi ko naman mapigilang ngumiti with the sight of her. I mean, how cuute can she be? Parang araw-araw na lang ibang klaseng kakyuutan ang ipinapamalas ng batang to. Tss. Tss.

No wonder hindi maiwan iwan ng tatlong lalaking nagbabantay sa kanya.

"Daddy! Papa! Uncle! Look! Mommy's here!!" pagdating na pagdating ko sa table nila, ibinababa ko yung mga pinamili ko at lumapit sa napaka kyuuut na si Denise.

"Who misses mommy soo much huh? Whoo??" I asked and I give her a kiss on her pink cheeks.

"Me! Mommy, me!" sabi niya habang tumatalon. Inikot niya yung maliliit niyang braso paikot sa leeg ko at hinalikan ako sa mga pisngi ko. Nung humiwalay na siya tinuro niya yung mga kasama namin sa table.

"And daddy! And papa! And uncle! They missed you too."

Narinig ko namang tumawa yung tatlong lalaki na nasa table.

"I'm late." sabi ko sa kanila while taking my seat next to this very amazing little girl.

"We almost missed it, if only you didn't remind us.." sabi ni Charles.

"Hindi ahh. Maaga ka para bukas.." si Erick naman yun.

While Jacob shrugged his shoulders.. "So what's the result?" he simply asked.

"My treat." sabi ko at binigyan ko sila ng napaka-ubod ng lapad na ngiti!

Bigla namang tumayo si Erick, tapos sumigaw "You heard her? It's positive!"

"Hoy! Siraulo ka! Positive ka diyan! Hahaha. Isipin nila buntis ako! Umupo ka nga!"

Tapos hinatak ko yung shirt niya pababa. Umupo naman ang loko. Ibang iba na si Erick simula nung malaman ko na member siya ng gang. He is who he is now, and I'm still happy that we remain what we were before.

"Congrats nicole!" sabi ni Charles tapos sinilaw na naman niya ko ng ngiti niya. "I really want to give you a hug right now bu---"

"Hug? Mommy and Daddy? Hug?" nilingon ko yung bata sa tabi ko at mukha talaga siyang umaasa na mag-ha hug kami ng daddy niya.

"No sweetie. No hugs."

"No hug?" tapos nag frown siya at yung mga mata niya parang iiyak na.

"Don't cry baby. Iha-hug na ni mommy si daddy."

She looks up at me. "Really?" Tumango ako at lumapit  kay Charles at niyakap siya. While we're in a hug binulungan ko siya.

"Sinadya mo to no?! Siraulo ka talaga! Lagot ka sa'kin mamaya."

Tapos kumalas ako at binigyan siya ng pinaka-peke kong ngiti at bumalik na sa kinauupuan ko at nagsimulang kumain.

"So kailan ka magsisimulang magtrabaho?" tanong ni Jacob.

"I don't know. Maghahanap pa ko."

"Oh come on Nick. You passed the exam. Hindi ikaw ang maghahanap, sila ang maghahabol sa'yo.  Tignan mo maya-maya lang sasabog yang phone mo sa dami ng calls." sabi ni Erick habang tinataas baba niya yung dalawang kilay niya.

"Itigil mo nga yan, mukha kang tanga."

"What's tanga mommy?"

Holy shoot! Tss. Bawal pala mga ganitong words sa harap niya. Waaaaahh!

"Ahh. Ehh."

"It's nothing sweetheart." says Jacob coolly.

"You'll know it when you grew older." dugtong ni Charles.

Si Erick, tango lang ng tango.

"Ow. Okay. Can I use that word?"

"NO!" sabi naming apat ng sabay sabay.

"Ok." she bit her lower lip tapos kumain na din naman ng spaghetti niya. Hoo. Nakahinga din kaming apat.

"Sorry." Sabi ko sa kanilang tatlo. Tapos tinignan ulit nila ako na parang takang-taka.

"What?! I said sorry. I won't say anything like that again when she's around. I promise." tumango na lang silang tatlo tapos kumain na kaming tahimik.

Hanggang ngayon hindi pa rin sila sanay sa'kin kapag sinasabi ko yun.

Ganito lang kasi yan. Kung ikaw binigyan ng isa pang chance na mabuhay, hindi ba't magbabago ka. Para sa ikabubuti mo, para in case may mangyari ulit sayo. Tapos matuluyan ka na, wala kang pagsisihan. Nagawa mo yung mga bagay na dapat at gusto mong gawin. Nasabi mo yung mga salita na dapat at gusto mong sabihin. Ganun lang yun. You're trying to be a better person kasi sa dati mong buhay, you generally suck.

So there. Now you know that I survived the accident. Hindi ako braind dead, o lumpo, o kahit na ano. (LUMPO? eh sa pagkaka-alala ko sa ulo ako tinamaan nung lokong yun.. bakit ko naisip na pwede akong maging lumpo??!)  Ah siya. Wag niyo na lang pansinin.

Normal ako. Katulad ng dati, medyo mas maayos nga lang ngayon. And a CPA. Yep! It's positive! I passed the board exam. Sa totoo lang kanina pa may mga tumatawag sa cellphone ko, pero pinatay ko muna. This is family day and I'm not letting anyone interrupt us. Maghintay sila no. CPA yata ko! Wuaahahahahaha! YABANG ko. Amp! Talk about being a better person daw.

 "Nick magbayad ka na." utos ni Erick.

"Yeah. Your treat right?" dugtong ni Charles.

Hay. Kelan kaya ako titigilan ng mga to?! Pero dahil nga sa sinabi ko na ako manlilibre ngayon, ako nga ang nagbayad. Lumabas din naman kami ng mall pagkatapos. Hawak ni Daddy Dharles at ni Papa Erick ang kamay ni baby Denise nila.

At si Jacob? Siya pinaka-kawawa. Siya may bitbit lahat ng pinamili namin. May bitbit din naman ako. Hehehe. Pero hindi kasing dami nung kay Jacob.

"I wanna go to the amusement park!!!" sigaw ni Denise.

"Yes! To the amusement park!" sigaw din ni Erick.

"I'll ride the most dangerous rides there in the amusement park!!" sigaw ulit ni Denise.

"No to the amusement park!" mahinang sigaw ni Erick pabalik. 

Tapos tawa naman kaming lahat. Bigla namang nalungkot si Denise. Hanggang sa pagsakay namin ng sasakyan malungkot pa din siya. Pero hindi siya umiiyak. Hindi din naman ganun katindi tantrums niya eh. Behave din siya.

Si Charles ang nasa passenger seat at nasa gitna namin ni Erick si Denise.

"Mommy..." sabi niya sa'kin na parang nagmamaka-awa.

"What sweetheart?"

"I really want to go to the amusement park. Please. Pretty please." Tapos ginawa niya yung kitty cat eyes.

Napahawak ako sa noo ko. "Oh shoot! Okay. Okay. Fine. We'll go then."

"Yay!! Rides! Rides! Rides!" chant ni Denise.

"What?" sabay sabay na sabi nung tatlo.

"What what?!" Tinignan nila ko na para bang ang laki ng pagkakamali ko. "Okay, fine sige. Kung sino man sa inyong tatlo ang kayang mag-no sa batang to, gawin niyo. Ngayon na."

"But she wants to ride the dangerous rides there. Are you serious Nick?!" tanong ni Erick.

"As if naman papayagan natin siyang gawin yun?! Tss. Baliw baliw to. Relax. Apat tayong bantay niya. Anong masama sa palagay niyo ang pwedeng mangyari ha?"

Hindi na nga nakasagot yung tatlo. And we won! Ahehehehe! Iba talaga kaming dalawa. WE RUN THE WORLD. Okay. Medyo exageration na yan. We run the world of these boys. Hehehe.

Tinignan ko ulit si Denise and give her a very happy smile. Hinug naman niya ko ng mahigpit. "Mommy, you're the best!!"

"Thank you. I also want to hear your favorite line Denise."

"Hindi na po ako magiging pasaway."

Tapos napuno ng tawanan yung loob ng sasakyan. At nagdrive na si jacob papuntang amusement park!

YAY!

Pagkapasok na pagkapasok namin, hinatak agad ni Denise ang papa niya. Sila kasi ang playmates. Si Daddy naman niya ang kanyang teacher. At ang uncle niya ang spoiler. Ako naman ang, ahh... hindi ko alam. Ang mommy niya na minsan playmate niya, teacher, spoiler at disciplinarian. Just trying to live out the saying that mothers knows best. Ayeah!

Naupo kami sa isa sa mga benches. Si Charles kumuha ng makakain namin. Kung mapapansin niyo. PRINSESA KAMING DALAWA NG MGA LALAKING TO. Hehehe. Sayaaa ng buhay hindi ba?

"How are you doing?"

Nilingon ko si Jacob. Hindi ko alam pero parang ang seryoso ng dating niya ngayon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I mean. Are you okay that you're here? At the amusement park?"

Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Ano bang klaseng tanong yun? "Ofcourse I'm okay. Ikaw? Okay ka lang? You're acting weird."

Nagkibit-balikat na lang siya tapos hindi na nagsalita ulit.

"Tungkol ba 'to sa nanay natin?"

"Ang alin?"

"Yang pagiging weird mo. Alam ko it's been years since she passed away, but... "

"No, it's not about her. It's just that, I'm not sure if you're okay with everything."

Natawa ako sa sinabi niya. Ang weird naman kasi, katabi niya ko tapos hindi siya sigurado kung okay lang ako. Baliw ba siya?

"Alam mo ang weird mo talaga." sabi ko sabay akbay sa kanya. "Okay lang ang kapatid mo. Buhay. Humihinga at masaya. Kaya wala kang dahilan para mag-alala."

Ang tipid nang ngiti na ibinalik niya sa akin. Buti na nga lang bumalik na si Charles at may kasama na kaming dalawa.

"Anong binili mo?" tanong ko. Ipinakita naman niya yung mga dala niya. Pizza tapos softdrinks. Infairness apat na softdrinks yung dala niya ah.

Nagsimula na kaming kumain nung dumating yung dalawa. Si Denise tumatakbo pabalik sa amin. Si Erick naman hingal na hingal na kakahabol yata sa kanya. Nung nakalapit na silang dalawa, sumalampak sa upuan si Erick at ininom agad yung softdrinks niya.

"Okay ka lang?" sabi ko habang tumatawa.

"Mukha ba kong okay Nick?"

"You look great!" asar ni Charles.

"Thanks man! Pogi mo talaga eh no." sagot nia tapos inom ulit.

Si Denise naman, ayun nandoon na sa uncle niya at kumakain na din. Binilan naman siya ng sandwhich ni Charles kanina, tsaka chocolate drink. Patay! Sugar! Sana lang hindi siya maging super energize pagkatapos dahil lagot na naman lalo si Erick.

"Mommy.  Let's go there later.." tinuro niya yung grand carosel

Now I'm dead! Bakit ako pa Denise? Si Daddy mo na lang? O kaya si uncle. Tinulungan na kita makumbinse yung tatlo na pumunta tayo dito tapos ngayon ako pa rin? Wag naman ganun.

"Oh sure sweetie." sagot ko nang nakangiti.

Nasamid naman si Erick. Si Charles tumawa ng mahina lang. "Ang plastik mo nick." sabi naman ni Jacob.

"Para namang may magagawa ako. " angal ko. Huhu.

Tapos nang kumain si Denise at nakapagpahinga na. "Mommy. Let's go!" sabay hatak sa'kin papunta dun sa mga makukulay na kabayo na paikot-ikot.

Nung naka-upo na siya sa isa sa mga kabayong yun, umarte naman siya na para bang nasa totoo talaga siyang kabayo. "Ya-tigidig-tigidig!". Habang tinitangay ng hangin yung naka-pigtail niyang buhok, Yung mukha niya nagliliwanag dahil sa ngiti sa mga labi niya.yung mga mata niya kumikislap. ngayon masaya ako at ako yung hinatak niya dito. I would never trade this moment with anything else in the world.

"Hey sweetie. Careful."

"Mommy! I'm reading a horse. Look."

"Yeah. You are. And you're riding at it alone. You're really great Denise." sabi ko habang may napakalapad na ngiti sa mukha ko.

"Are you proud of me mommy?"

"Very." then I kissed her forehead.

Nung nakatatlong ikot na yata kami tsaka ko lang napansin yung tatlo na nakatayo hindi malayo sa grand carousel, nanood at nakangiti samin. Sila Erick at Charles nakalabas yung phone, si Jacob naman hawak yung video camera ni denise. Isa sa mga trip gawin ni Jacob is to record everything na nangyayari kay Denise, kaya yan, palagi siyang equipped with something to capture every moment of her life.

Nung mapansin ni Denise na kinukunan siya, kumaway-kaway naman siya. Bibong bata. hehehe. At nung mapansin na naman niya ko na walang ginagawa. "Mommy. Wave at the camera!" utos niiya.

Nag-wave naman ako. Hehehe. Uto-uto lang? Lakas niya sa'kin eh. Ano bang magagawa ko?

Nang matapos yung ride, hinatak na naman niya ko. at hinatak niya ko ng hinatak sa kung saan saan. Mukha naman siyang masaya kaya hinayaan ko lang, pero nung hindi ko na talaga kaya...

"Denise. Mommy's legs are tired. Can't we just sit down first? Please?" Opo. Nagmakaawa po ako sa isang batang babae na walang ganang mamasyal.

Pumayag naman siya at naupo kami sandali. Pero sandali lang ayan na naman siya. Hay! Ampupu. Sisiguraduhin kong tubig lang iinumin ng batang to sa susunod na mamasyal kami. Dumating na yung tatlo sa tabi ko. at napagod din sa kakasunod sa amin..

"Mommy let's go. We don't have much time left. And we're not done riding every ride in this park." hinahatak niya yung kamay ko.

"Mommy's still tired sweetie." sabi ko nang nakapout.

"It's ride all you can right? Come on mommy." sabi niya ng nakapout din.

"But I can't anymore."

Binitawan niya yung kamay ko. "Okay. Then I'll go alone." sabi niya sabay talikod. Nahatak naman siya agad ni Charles. "You can't go there alone."

"But mommy won't come with me anymore." again those kitty-cat eyes. Charles' doomed.

"Okay. I'll go with you." tumayo siya at habang hawak yung kamay ni Denise naglakad palayo.

"Okay ka lang?" tanong ni Erick pagka-alis nung dalawa. mapang-asar yung ngiti niya. "You look great." tapos tumawa na talaga siya.

Sinuntok ko siya sa braso niya. "Loko ka ah!"

"Pero totoo nga Nick, you look great." si Jacob naman yun. Nung tinignan ko yung siya, mapag-asar din yung itsura niya.

"Che!" sagot ko tapos sinandal ko yung likod ko. At ipinikit ko yung mga mata ko. The moment I shut my eyes. Ayun. I'm having that dream again. This time, I'm at this same amusement park. Lights everywhere. Music all around me and then... he's there.

"What happened?!"

Nagising ako nang marinig ko yung boses ni Jacob. Sumisigaw ba siya? Pagkamulat ng mata ko. Medyo madilim na yung paligid at nakita ko si Charles and Jacob standing. Mukhang nag-aaway yata sila.

"Relax lang kayong dalawa." awat ni Erick.

"Relax? Nawawala si Denise and you want me to relax?!"

Teka. Ano daw? Sinong nawawala? Bigla akong napatayo.

"What?! Wait?! Sinong nawawala?!"

"We were just at this store tapos binibilan ko siya ng makakain. Nang paglingon ko, wala na siya sa tabi ko."

"Oh no." Nahilo ako bigla sa sinabi niya kaya napaupo ako bigla. "Denise."

"Okay. Okay. Panicking won't get us anywhere. Here's what we're gonna do." sabi ni Erick at nakinig naman kaming lahat.

"Maghihiwa-hiwalay tayo. Dala niyo naman mga phone niyo hindi ba?" the three of us nod in unison. "Then good. Let's go now."

Tapos we went different ways.



DOMINIC'S POV:

Walking in this park brings back good memories. The last time I'm here, the scene is very different. Maging yung pakiramdam. Ibang-iba. Now I'm here alone. Wandering alone. Pagkatapos kong puntahan yung bahay na 'yun, dito ako dinala ng mga paa ko. Dito ako dinala ng... puso ko... I think.

While walking alone, I saw this little girl. She's alone and just like me, her eyes are scared and searching. But she's not crying.

Nung lumapit ako sa kanya. "Hey kiddo." Nag-squat ako para naman kapantay ko siya kahit papaano. Tinignan niya ako, pero hindi siya nagsasalita. Yung noo niya nakakunot. As if she's assesing me. She looks smart for a little girl.

"Nawawala ka ba?"

Mas lalong lumalim yung kunot ng noo niya. "Are you lost?" Then I saw understanding in her face. Ngumiti ako, hindi siya makaintindi ng tagalog.

"Soo where are your parents?"

Still hindi pa din siya sumasagot. Is she mute?

"Can you speak?"

"Ofcourse I can!" yung mukha niya mukhang offended. My bad. But she's really cute.

"Then why are you not answering me?"

"Coz my Daddy told me not talk to strangers!" sabi niya tapos tumalikod.

Whoa! Did she just snob me? This little punk.

"Okay. I was just trying to help you. You seemed lost you know."

Nung patayo na ako, I heard her little voice. "What? Help?"

"Yes." bumalik ako sa posisyon ko kanina.

"Who told you I'm lost?"

I shrugged my shoulders "I don't know. You look lost to me."

Nagkunot na naman yung noo niya. Then I remember a girl who always do that. Sadness filled my heart.

"Ahmm. You're a bit right. I'm not lost but I do have a problem." she looked at me straight in the eyes and then she looks like she's waiting for an answer.

I nodded.

"I just can't find them."

Wait. What did she just said? She's not lost... so that means, her parents are lost, not her.

"Ow.Okay. So let's find them then." I said almost laughing.

"But I can't come with you. You're a stranger."

Right. Whoever the parents are of this girl, they've done a very good job so far.

"You're right. So why don't you just stay here and then I'll go find a guard. Yes> Do you agree with that? Then we'll go searching for your parents." I smiled as I saw her approving to what i just said.

"Ok." tapos ngumiti siya.

"Okay. Just stay here and don't move."

Tumango naman siya. Kaya I ran and go search for a guard. Nung bumalik ako kasama yung guard, she's there... with... Charles?


Charle's POV:

When I saw Denise, she's just seating by one of the benches as if waiting for someone. She does look lost, but for a kid, she's not crying.

"Denise!" The moment she heard my voice. she comes running towards me and then hug me.

"Daddy!!" Then that's just the moment she started crying. "I hate you! Why did you left me?!"

I hugged her back. She may not be my child but I love her with all my heart. "Ssshh. I'm sorry sweetheart. Daddy's really sorry. But I'm here now and I won't leave you. Never."

She burried her face on my neck while she still keeps crying and crying. As I'm trying to call Nicole, I saw a familiar face.

He's standing right in front of me, maybe a meter away.

"Dominic."

And then all of a sudden she stopped and then looked at me with her curious eyes.

"Daddy?"

Dominic's already in front of us.

"So you find your father huh?"

My brows furrowed. I looked at Denise then to Dominic and back to Denise. And I saw her smiling and nodding. "But still thanks for trying to help though."

"No problem little girl. And nice to see you again Charles."

"You know him daddy?"

I just nodded. When did he come back? Does he know that we're here? That Nicole's here?

He tapped me on my shoulders and then left.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nick's POV:

"Nakakapagod tong araw na to no?"

Nasa loob na kami ng sasakyan pauwi. Wag niyo na itanong kung anong nangyari sa pagkikita namin ulit ni Denise. May pagkamadrama eh, kaya wit ko na ikukwento sa inyo.

"Sinabi mo pa." sang-ayon ni Erick

This time siya naman yung nagdadrive, napagod yata si Jacob. Ayun. Tulog sa harap. Ang katabi ko ngayon eh si Charles at sa gitna namin si Denise. Tulog na din siya. Napagod yata kakaiyak. Si Charles naman kanina pa tahimik.

Nung tinignan ko siya at tinanong kung may problema ba siya, wala naman siyang sinabi. Tapos natulog na lang din.

Siraulo lang? Tulugan daw ba ako?


"Erick. Patugtog ka naman."

Sinunod naman ako, ilang sandali lang napuno na ng tugtog yung loob ng sasakyan. Mahina lang naman. Tsaka mellow yung tugtog kaya hindi naistorbo si Denise o si Jacob o si Charles sa mahimbing nilang pagkakatulog. Buti pa sila.

♪♫

What if I took my time to love you?

What if I put no one above you?

What if I did the things that really mattered?

What if I ran through hoops of disaster?

I know this song. What about love? Napangiti ako. Considering the title of the song, what about love, naramdaman kong gumalaw si Denise. Nung tinignan ko siya, This is love. And everyone else in this car. I feel happy just having them with me. Sinandal ko yung ulo ko and then I closed my eyes.

 ♪♫

No one would care if e never made it

We're in this alone so why don't we face it

There is no room to blame one another

We just need time to forgive each other

I don't know if it's the song, pero bigla na lang akong nalungkot. It's like he's singing about a love lost and somehow I can relate. Yung puso ko parang biglang bumigat... biglang parang nagkaroon ng butas... parang may kulang... may nawawala.

"Nick are you okay?"

Pagkadilat ko ng mga mata ko, nun ko lang napansin na may luha na pala yung mga mata ko.

♪♫

What about love?

What about feeling?

What about all the things that make life worth living?

What about faith?

What about trust?

And tell me baby...what about us?

Umiling ako kay Erick. "No. I don't feel okay. I... I feel like I'm missing something... or someone. I don't know."

"Are you sure?" yung tingin niya parang he's studying me.

♪♫

How can I give this love a new beginning?

How can I stop the rain? It's never ending

How do I keep my soul believing?

Memories of how we should be keep calling

Umiling ulit ako. "Wag mo na lang ako pansinin. Keep your eyes on the road."

Alam kong walang kinalaman yung aksidente ko years back sa nangyayari sa akin ngayon. Pero baka iba ang isipin ni Erick. He still blames himself sa nangyari sa akin. And I don't want him to feel that way.

Matapos yung mahabang byahe. Nakarating na rin kami sa bahay. Dahil late na rin naman, dun na din namin pinatulog si Erick at Charles. Ako naman inakyat ko na si Denise sa kwarto niya at pumasok na sa sarili kong kwarto.

Hindi ko alam pero ngayon hindi pa ko inaantok. Kaya ayun, nag-ayos muna ako ng closet ko. Inabot din ako nang halos 30 mins. sa pag-ayos nun. Nung isasara ko na yung closet ko, I saw this box. Nun ko lang yun nakita. Well, ngayon lang din kasi ako ulit nag-ayos ng sarili kong damitan. Puro kasi aral ginagawa ko. Dinala ko yung box dun sa kama ko.

Pagkabukas ko ng box. I saw weird things... parang mga walang kwentang bagay lang. May nakita akong wig, isang coat na pangbabae, isang shorts, tickets sa amusement park na pinuntahan namin kanina pero yung date eh nung taon na naaksidente ako. May nakita din akong sapatos, pero wala yung kapares. Tsaka isang note

Smile.

                        -Dominic..

Nung nabasa ko yung pangalan. Naramdaman ko na naman yung naramdaman ko kanina. yung lungkot. Yung kulang. Tapos bumigat na naman yung puso ko.

Ibinalik ko yung mga gamit na nakita ko kanina sa loob. Nung isasara ko na, may pabilog na string akong nakita, naka-ribbon siya. Sinubukan ko siyang ilagay sa daliri ko, sakto naman.

And then I saw memories flash right before me.

Me and a guy in a porch.

Me and the same guy sa isang garden.

Me and that guy sa amusement park.

Me and that guy sa tapat ng bahay namin.

Me and that guy in my bed.

Me and that guy in another bed.

The same guy singing a song to me.

Me and that guy in a mall.

Tapos biglang sumakit yung ulo, then I lost control natabig ko yung box at nalaglag. Sinubukan kong kunin yung box. Pero dahil sa sakit na rin ng ulo ko, na out of balance ako tapos ako naman yung nalaglag.

*Blag!*

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

OTOR'S NOWT:

soooo. this is the update..

this will be second to the last update sa story nila nick.

hehe. in advance. salamat sa inyo. ^_______^

and CONGRATS at nakaabot kayo sa part na 'to. hehehe.

salamat..


MAY PASOK PA PALA AKOOOO BUKAAAAS!! AMPOOOT*

4 AM PA GISING KO MAMAYA. HAHAHA.

pero para sa inyo.. heto.

kaya

VOTE. LIKE AND COMMENT NAMAN KAYO JAN!!

HEHEHE.

eks.ow.eks.ow

-otor

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...