Ghost Detective! (COMPLETED)

By MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... More

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)

3.9K 118 6
By MCMendoza21

[PRAN's HOUSE]

KINABUKASAN..

HEYENNE

"Guys, gising na si Kay--la.. sabi ko nga excited sila. Hmp!"

Natatawang tinapik-tapik ko nalang ang likuran ni Lindonne at sabay na kaming pumanhik papunta sa guest room kung saan naka-stay si Kayla sa bahay ni Pran. Pagpasok sa loob ay hindi na halos namin makita si Kayla dahil sa nagdagsaan sila sa paligid ng kama niya.

"Kayla..." I heard Rodney's voice. "Sorry.. sorry babe, ako ang nagdala sayo sa kapahamakan. Sorry.."

"W-walang dapat.. ipag-alala... w-wala kang... dapat.. i-hingi... ng s-sorry.. babe.." Nahihirapang saad ni Kai.

Napapaiyak na tuloy ako sa nakikitang estado niya ngayon.. makita ko lang talaga ang babaeng bruhilda na gumawa nito sa kaibigan ko.. sisipain ko siya sa kaliwa't kanang pisngi niya, yung magiging swollen ang peg tapos kukurutin ko siya sa singit gamit ng tyani! Yamot na yamot ako sa kanya!

"You know Heyenne, alam ko kapag murderous ang mga naiisip mo ngayon.. calm down and have a bite of these." Inakbayan niya pa ako at seryosong nag-alok ng isang stick ng pepero. Ako naman si uto-uto at kinuha ang inalok niya.. minsan lang mag-alok yan ng favorite niya eh. Madamot yan kadalasan kaya this is new.

"Salamat, Lindonne.. kahit na sa totoo lang hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa binigay mo. Seryoso.. isang stick lang?"

"Aba, buti nga nagbigay ako eh! Reklamo ka pa, di nalang i-appreciate at mag-thank you ng walang sinasabing kahit ano." Ako naman ngayon ang umakbay sa kanya at pinipilit kong paharapin siya sa akin.. at nagawa ko naman.

"Isip-bata talaga 'to. thanks na nga. Lika, mag-ready nalang tayo ng food para sa kanila. pakilaman natin ang kitchen ni Pran." Ngingisi pa akong hinila siya na nagpahila naman sa akin.

****

KAYLA

"A-alam ba.. nila.. mommy.." Hindi na pinatapos ni Kuya Jerry ang sinasabi ko at sinubuan niya na ako ng apple na binalatan at hiniwa niya para sa akin.

"Yes, baby sis.. alam na nila tita at tito. In fact, they're on their way here.. pasensya na kung pinaalam ko. Kahit kasi hindi natin sabihin malalaman at malalaman pa rin nila lalo na nagpatawag ng meeting ang principal sa school ninyo dahil sa nangyari ngang gulo. At tsaka.." Inilayo niya ang tingin sa akin, na parang iniiwasan niyang magkasalubong ang mga mata namin. May hindi pa siya masabi-sabi na parang may kutob na naman ako kung ano.

"Kuya Jerry, ano yun? Tell me.."

"Gusto kang ipa-expell ng lahat ng mga estudyante pati yung mga magulang ng mga estudyante pagkatapos nilang malaman iyong.. " tumango nalang ako para sabihing naintindihan ko ang sinasabi niya.

Pero hindi ibig-sabihin na hindi ako nasasaktan.. napatungo ako at hindi napigilan na tumulo ang luha hanggang sa maging hagulhol na ito.

Paano na ang pangarap nila mommy at papa sa akin? Iyong normal na buhay na gusto nila para sa akin? Hindi ko na matutupad iyong kahit simpleng makapagtapos man lang ng kolehiyo at maipagmalaki ng mga magulang ko... I ruined it all.. Hindi ako naging masunuring anak sa kanila.

"Kayla.. ako ang may kasalanan... ako ang sisihin mo.. Please wag kang ganyan Kayla.." Naririnig kong umiiyak din sa tabi ko si Leira. Mas lalo akong napahagulhol.

Parang biglang nanghina ako sa mga rebelasyon sa akin at lalo na sa thought na madi-disappoint ang mga magulang ko sa akin. I love them.. I love them with all my heart and I want them to be proud at me bilang nag-iisa akong anak nila. Pero.. hindi ko pa magagawa.

Naramdaman kong niyakap ako ni kuya Jerry kaya mas lalong naiyak ako. May naramdaman rin akong isang tingin at napalingon ako sa direksyon ni Rodney na nasa pintuan at kakapasok palang. He's also worried pero hindi ko hinayaan na makita niya akong sobrang kawawa sa paningin niya kaya agad akong kumalma, pinilit ko.. at humiwalay na rin ako sa yakap ni Kuya.

"Kuya Jerry... pwede bang iwan mo muna kami ni Rod?" I asked him. Tumango naman siya at agad na lumabas.

Nilapitan naman agad ako ni Rod. He held my hand and just like that, he calmed my nerves down.

"Babe." He called. Napangiti naman ako. "Babe, bakit ka umiiyak? Did he said something bad?" Umiling ako.

"Wala iyon. sinabi niya lang naman sa akin ang totoong nangyayari.. hindi lang ako handa kaya napaiyak ako." Ginawaran ko siya ng halik sa kamay para iparating na ayos lang ako.

Gusto kong maging maayos para sa kanya kaya kahit nasasaktan ako ay pinipilit kong maging okay for him.

"Sure ka babe?" Tumango ako. Niyakap niya ako.

Kaninang pagkarating nila sa kwarto, si Rod ang nangunguna at nakita ko ang mata niyang parang galing sa pag-iyak kaya muntik na rin akong mapaluha pero buti nalang napigilan ko. Niyakap niya ako ng matagal at parang ayaw na niya akong bitiwan kung hindi lang siya hinila nila Thomas at Den dahil sila kuya Jerry at Gello naman ang yumakap sa akin. Panay din ang hingi ng tawad ni Geo sa akin hindi niya rin daw inaasahan na magagawa iyon ni Laira dahil magkaibigan sila. Pero wala na naman magagawa iyon, nangyari na ang nangyari at ito na nga.. matatanggal ako sa school at hindi makakapagtapos.

"Babe.. katabi mo ba si Lei ngayon? Pwede bang makausap ko siya? P-pero kung nahihirapan ka, pwedeng hindi---"

"Sure.. gusto ka rin niyang makausap." Nginitian ko siya. Buti naman nakapag-salita na ako ng maayos.

Narinig kong nagbuntong-hininga si Rod bago nagsalita sa hangin. "Lei, ano bang pwedeng gawin para tumigil na si Laira sa ginagawa niya? Do you have any ideas?"

Napatingin ako sa kanan ko kung nasaan si Leira. Malungkot siya at hindi ko naman alam kung paano siya maaalo pero alam niya naman na nag-aalala rin ako sa kanya.

"Rodney... sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong pwedeng gawin para patigilin ang kakambal ko, except me. Alam ko na ako ang tanging makakagawa nun pero sa estado ko ngayon.. how can I do that?" Lahat ng sinabi ni Leira ay sinabi ko kay Rodney. Natahimik na naman kami sa malalim na pag-iisip.

I was about to speak when suddenly the door opened and there goes my mommy and papa, looking so worried about me.

"Anak... Anak anong ginawa nila..." Humahagulhol na niyakap ako ni mommy. Si Papa naman ay tiningnan saglit si Rodney na lumabas ng kwarto at binalingan na rin ako at niyakap.

Wala naman akong masabi at umiyak nalang ng umiyak. Alam kong sesermunan nila ako tungkol sa ability ko. Na dapat sinunod ko sila na hindi na gamitin ang abilidad ko dahil ito ang mangyayari.. but its too late now.. too late.

"Princess... nabalitaan namin ang nangyayari.." Si Mommy.

"Mom, ayos lang po kung magagalit kayo sa akin. Its my fault, its my selfishness that get me in this situation.. Sorry po kung I disappointed you.. na baka hindi ko kayo mabigyan ng diploma..."

"Anak, you didn't do anything bad.. in fact, proud kami sayo kasi tumutulong ka sa iba, kaso naipapahamak ka naman ng abilidad mo.. and that's what we fear since day one. alam namin na may sakit kang kakaiba dahil sa abilidad mong iyan kaya nga nung sinabi mong wala ka nang ability na makakita at makakausap ng ghosts, abut-abot ang tuwa at saya namin. Pero hindi kami galit sayo.. at first, yes, nagtatampo kami, lalo na si mommy.. "

"Sorry mommy, papa..."

"Daughter," napatingin ako kay Papa. "alam kong nagsinungaling ka nung sinabi mong wala na ang abilidad mo na iyon. Alam kong gusto mong hindi na kami mag-alala sayo kaya mo ginawa iyon kaya hindi kami galit. Anak, we love you. You are our treasure at hindi namin mapapalampas ang mga taong gumawa nito sayo."

Nahintakutan ako sa aura na nilalabas ng papa ko. Nasa 'police detective' mode siya, si chief Harrold Fuentes at hindi ang CEO at businessman na si Harrold. Nagpa-excuse siya at iniwan kami ni mommy sa kwarto.

Niyakap ko ulit si mommy na pinipilit nang patahanin ang sarili niya.

"Nak,"

"Hmm 'my?"

"Alam mo ba kung kanino ko nalaman ang ginagawa mong 'little hero' moments?" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Gusto ko nga rin malaman kung kanino niya nalaman ang mga iyon.

Pero may hinala ako na sinabi ni kuya Jerry at iyon ang sinagot ko. "Si kuya Jerry?" Umiling siya. "Then who, 'my?"

Huminga siya ng malalim. "Si Marichu Lorenzo. I know you remember her."

Si tita Chu? Pero wala naman akong sinabi sa kanya tungkol sa ability ko nun ah?











###
A/N : Si Marichu Lorenzo, siya yung isa sa mga huling kaso nila Kayla sa season2, chapter 29-32 ata yun. Correct me if I'm wrong.

Anyway guys! This is my 'pagtatapos' chapter.. ibig sabihin malapit na ang pagtatapos. Hindi ko alam kung makakailang part itong ending tapos may Epilogue pa. Pero susubukan kong matapos itong story this month.

Happy Mothers sa lahat ng mommies na reader, writer, basta sa lahat-lahat. Pati na rin sa mama kong minsan moody! Hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 5.4K 7
BOOK 1 Kinilala kong kaibigan ay mabuti, Pagkakaibigan ay susubukin, May tunay at nagtraydor para mailigtas ang minamahal Pero sa pagdating ng araw M...
64.2K 5.4K 98
[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great p...
Z+ By soju

Horror

125K 4.3K 20
(Z+ lit. Z Positive) Dahil sa paglala ng kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas ay naging agresibo ang mga Filipino scientist sa pagtuklas ng gamot sa saki...
185K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...