The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]

By prokrastineytor

557K 13.1K 870

Samantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. S... More

1
2
2.1
3
4
4.1
5
6
7
8
9
9.1
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
HELP!
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46 - The End
The author has something to say:
Extra Scene

20

12.1K 270 19
By prokrastineytor


The Bad Boy Meets Me
20

" Don't trust him. Narinig ko sila ni Jiro na nag-uusap. Jiro was convincing him na huwag kang sasaktan pero matigas ang ulo ni Zach. He still wants you to love him. And then, break you. Gano'n ka raw n'ya tuturuan ng leksyon. Kaibigan ko s'ya pero mali ang ginagawa n'ya. For now, please 'wag mo munang hayaang mapalapit s'ya sa 'yo. Nag-aalala kami ni Jiro."

Naalala kong sagot sa akin ni Leam nang tanungin ko s'ya sa kung anong tingin n'ya sa mga aksyon ni Zach. At hindi na rin ako nagulat sa sinabi n'ya. Siya ba naman ang pinag-uusapan. Pero sa loob-loob ko, hindi ko rin maipagkakaila na parang nadaya ako ni ako ni Zach. I mean, medyo nagkalapit kami ng loob. Nag-sorry pa s'ya at inamin ang pagkakamali. Ayun pala, wala ring nagbago.

Kailangan ko ng umpisahan ang plano ko para layuan na ko ni Zach. 

Nakatingin lang ako sa front ng classroom habang nag-iisip at nakapangalumbaba. Nadi-discuss yung teacher namin sa Trigo and wala ako sa mood makinig or lets say ayoko talaga makinig. Ewan ko ba kung bakit ang hina ng utak ko sa Math.

Bakit kasi may mga hindi maka-move on sa X nila. Lalong-lalo na si Math! Bakit kailangan pa nyang paduguin ang ulo ko kakahanap ng X nya.

"Bad trip nga pare eh. Ginagawa akong bata ng magulang ko sa harap n'ya"

Mula sa pagkakatunganga ay nakuha ang atensyon ko ng dalawa kong lalaking kaklase. Medyo umusog ako ng konti at inayos yung upo ko. Sa likod ko sila nakaupo kaya sumandal ako. Trip ko ngayon makichismis.

"Naku pre , turn off yun."

"Oo nga eh. After ng dinner na yun , she broke up with me"

"Masakit ba p're?"

"Hindi. Naunahan lang ako eh. Syempre sa gwapo kong 'to ako dapat mag break. Hindi sila."

Nanlaki yung mata ko. Confident masyado? Pinigilan ko nalang yung sarili ko na humarap sa kanila tapos panlakihan ng mata.

"Kapal ng mukha mo" Tapos nag tawanan silang dalawa. Sa tingin ko nga, naghahampasan dahil sa ingay na naririnig ko. Yan ang behaviour ng mga lalaki na hindi ko malaman kung bakit nila hilig gawin.

Napailing ako. *tok*

Nalipat ang tingin ko sa crumpled paper na napunta sa desk . Nalukot ang mukha ko. Sinong siraulo ang hindi alam kung ano ang pagkakaiba ng desk sa trash can?

Inikot ko yung tingin sa classroom kaya naobserbahan ko yung classmates ko. Iba-iba yung ginagawa. Merong nagdadaldalan , nagsusulat , natutulog , nakikinig at nagpapa-cute sa mga kaklase naming gwapo.

Nahagip ng mga mata ko ang isang taong kaway nang kamay para makuha ang atensyon ko. Si Zach.

Meron syang sinasabi pero hindi ko maintindihan kung ano. Nakangunot yung noo ko. I mouthed him 'what?' . Inulit-ulit niya yung sinasabi.

Pilit kong inintindihin pero talagang hindi ko maintindihan. I looked at him, confused. Wala naman akong nababasa sa bibig nya kundi 'asdfghjkl' lang. In the end, umiling lang ako sa kanya tapos tumingin sa white board na may nakasulat na ibat ibang equation.

May bumato ulit. This time sa likod ko naman tumama. I sighed in frustration then tumingin ulit sa paligid.

Nakita ko si Zach na tinuturo yung papel na nasa kamay ko.

"Basahin mo" sabi n'ya.

Inirapan ko sya then binuksan yung papel. 'Mag-ttry out kami mamaya sa basketball , sasama ka?'

Napangunot ang noo ko. Ano namang gagawin ko dun? At sa na-aalala ko, nung nasa condo kami ni Zach tinanong ko sila kung mahilig sila sa basketball. Ang sabi nila sakin , marunong pero hindi naglalaro palagi dahil ayaw nilang pinagpapawisan. Arte diba? Tapos ngayon magttry out sila?

'At basahin mo yung isang papel' sabi pa n'ya.

I stared blankly at him. So s'ya pala yung sira ang ulo na yun. Pinulot ko yung nakabilog na papel at pagkatapos ay binuksan.

Napatanga naman ako sa nabasa. 'Huwag mo 'ko isipin masyado Sammy, malapit lang ako'

Nanlaki yung mata ko tapos napatingin sa kanya. He grinned at me. Napansin yata n'ya na nakatulala ako kanina.

Tinaasan ko sya ng kilay. Anlamig na nga ng kwarto dahil sa aircon , dumagdag pa yung kahanginan ni Zach.

"Alam mo pare , kung may babaeng magb-baby sit sakin, matu-turn off ako."

Nanlaki yung tenga ko nang marinig ang sinabi ng nasa likod ko. Tinggal ko ang tingin kay Zach tapos inayos ang pagkakaupo.

Medyo nagkakaroon kasi ako ng idea.

"Ako rin eh. Kasi diba, kumuha tayo ng girlfriend , hindi ng nanay."

Nagliwanag ang mukha ko.

I smiled wickedly at Zach. Mukhang magandang idea yung i-baby sit sya. .  

Try out plus baby sit equals major-major turn off.

I cant wait . .

"Sure, sasama ko!" Sinigaw ko sa kanya nung hindi mapigilan ang excitement ko.

Bigla akong napahawak sa bibig ko nung ma-realized ang ginawa ko.

Tumahimik ang buong room.

Bibibigyan ako ng masamang tingin ng mga girls then nilipat yung tingin kay Zach. Alam yata nila na siya yung kinakausap ko.

"Attention seeker'' Narinig ko pang sabi nung isa sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ko. Ako, attention seeker ? Wala silang alam. Pero Mamaya ko na pag aaksayahan ng oras 'yang mga yan.

Unti-unti akong tumingin kay Sir. "Ms. Samantha, answer number five."

Napalunok ako tapos napakamot. Masaya na 'ko , winasak pa ni Math ang kaligayahan ko.

Meron akong narinig na tumawa. At nang tinignan ko , sino pa nga ba?

Sige lang Zach , tumawa ka ngayon tapos mamaya , ako naman ang tatawa sayo.

"Go, Samantha." Leam cheered me pati narin si Jiro.

Pramis ang talas nung tingin ng girls sakin. I rolled my eyes then I smirked at them. Halatang nagulat sila sa inakto ko kasi nanlaki yung mga mata nila.

Akala nila uupo ako sa isang sulok at magdadrama? Asa. Attention Seeker pala ha? Pwes , mamatay kayo sa inggit.


Sasagutan ko na sana 'yung nasa blackboard pero,  "Kriiiiiiiiiiiiiiiing!" Nag ring na yung bell. Signal na time na.

Nakahinga ako ng maluwag. Whoo! Ligtas.

Sinabi lang ni Sir na upagpapatuloy ko bukas tapos nagpaalam na sya samin.

Lumapit sa 'kin yung tatlo . Tumabi sa right side ko si Zach tapos yung dalawa , papaalisin sana yung nasa harap kaso nung tinaasan ko ng kilay nagkamot sila ng ulo tapos hinila yung sarili nilang upuan.

"Samantha , sasamahan mo kami?"

I nodded at Jiro nung makaupo na sila.

Medyo awkward lang ako kasi pinagtitinginan kami ng classmates namin.

Actually kanina pa yan. Pag pasok ko palang ang dami nang feeling close. Yung dating binabangga bangga lang ako , akalain mong long lost best friends ko DAW.

"Just ignore them" Napansin ata ni Zach yung discomfort ko kaya binulungan ako.

"Wow! Thank you sa support." Leam said cheerfully. Tatanungin ko sana sila kung bakit naisipan nila na mag try out kaya lang nagsalita sya ulit "Yung isaw pala, Samantha, gusto ko nang matikman"

Natawa ko sa itsura niya. Para s'yang bata. Ngumiti sa 'kin si Jiro.

"Oo, mamayang uwian kakain tayo."

"Pero sama ka muna kasi may pupuntahan pa kami after ng try out." Sabi sakin ni Jiro.

Nagdikit yung kilay ko.. "San kayo pupunta?"

Ngumiti lang si Leam sakin tapos sinabing "Mamaya makikita mo"

Napatingin kami sa lumapit na girls samin. Taga ibang section ata.

Inaaya sila Leam na maglunch.

"Sorry girls, kaming apat na kasi ang magkakasabay kumain eh" Jiro told them politely.

Sinubukan nila silang pilitin pero Zach just dismissed them by waving his hand.

Tumango tango naman si Leam.

They gasped then maarte na humawak sa ulo. With matching hawak din sa puso nila. Over acting lang?

They were looking at them with horror. Hindi ko rin sila masisisi. Sino ba naman ang hindi? Ang kilalang bad boys na matinik sa chicks, tatanggi sa mga babaeng lalapit?!

Well ako , hindi na nagulat. Ginagawa nya lang naman kasi 'to para makuha yung loob ko. Ewan ko lang sa dalawa. Umiling-iling yung tatlo tapos inayos yung posture. I bet ginawa lang nila yun para mapag takpan yung pagkapahiya.

Binigyan nila ko ng nanlilisik na tingin tapos tumalikod at naglakad palayo.

"Ano bang sumasanib sa inyo ? Kanina nalaman kong sasali kayo sa basketball tapos ngayon umaayaw kayo sa 'chicks' nyo"

Si Leam ang unang nagsalita. "Pwede mong sabihing bad boy ako pero hindi ako play boy. Hindi ako mahilig sa chicks na sinasabi mo."

Napaisip ako sa sinabi ni Leam. May point s'ya. Kung iisipin kong maigi, hindi ko pa s'ya nakita in action na nakikipaglandian sa babae. Oo, ngumingiti s'ya sa babae, pero hindi 'yung point kagaya ng mga naririnig kong chismis sa paligid.

" 'Wag kang maniwala d'yan kay Leam. Mahilig din sa chicks ka 'yan. Sa dati naming school, playboy 'yan. " Panlalaglag ni Jiro dahilan para matawa ako. 

Nag-make face si Leam. " Hindi na ngayon. Good boy na 'ko."

'' Ikaw naman Jiro, anong dahilan mo? Good boy ka na rin ba kagaya ni Leam?"

Leam just pouted.

" Gusto ko lang ng peaceful na pagkain ngayon." sagot ni Jiro.

"Alam n'yo, hindi n'yo dapat pinaglalaruan ang feelings ng mga babae. Kung hindi n'yo gusto, 'wag n'yo paasahin. 'Wag kayong fckboy."

Napa-'ooohh...' sila sabay tawa sa sinabi ko. "At dapat, 'yung babaeng lalapitan n'yo, 'yun na 'yung babaeng gusto n'yong maging girlfriend gano'n."

"Parang ganyan 'yung sinabi ni Zach . " panlalaglag ni Jiro.

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Talaga?  Pero naisip ko rin, baka sinabi lang 'yun ni Zach kay Jiro para kunwari, bumait na dahil nga sa plano n'ya. Kaya imbes matuwa, inasar ko lang s'ya. "Mukhang may nagle-level up na ng kabaduyan" Nagparinig ako. Tumitingin ako sa paligid kaya hindi ko nakikita yung expression nya. 

"Nagpapatawa ka ba ,Sammy? Ang dami ko kasing tawa mga lima" He said sarcastically.

I snorted. "Paano mo mabibilang , eh hindi ka naman tumawa" I teased him.

Tumatawa sina Jiro habang tinitignan kami. "Tumawa ako hindi mo lang narinig." Palusot n'ya.

I crossed my arms as I rolled my eyes. "Konting convince pa, Zach baka maniwala na ko."

"Nagsimula y'on nung makilala ka namin. I forgot to mention , naging baduy na sya." Jiro said casually. At alam ko kung ano ang tinutukoy n'ya. 'Yung sa audi na ginawa ni Zach.

 No'ng tinignan ko si Zach sobrang namumula yung mukha n'ya.

Napahawak ako sa bibig then I laughed hard dahil sa expression ng mukha nya. Para s'yang bata na nahuling kumukuha ng candy. Kahit sila Jiro tumatawa rin. Pinagtitingan lang kami ng ibang classmates namin. Nagba-backfire lang 'yung mga kunwaring kabaitan n'ya kaya hindi ko maiwasang matawa. Nakitawa na rin si Leam sa akin.

Pinunasan namin  yung mga mata  nung mahimasmasan.

Nag-apir pa kami nila Leam. Pinanlisikan naman kami ng mga mata ni Zach  then padabog na tumayo. " Pinagtutulungan nyo lang ako , kumain na nga tayo!" 

Pagkasabi n'on naglakad sya pero natisod nung upuan nya kaya muntik na syang mawalan ng balanse. Buti nlang naagapan nya.

Epic Fail.

Natawa kaming tatlo tapos tinignan namin sya habang papalabas ng kwarto. Nagsalita si Leam. "Hindi manlang nanghintay?" He said between his laughter.

"Hayaan mo na , pikon eh" then Jiro wink at me.


 Habang naglalakad kami, inaasar namin si Zach kaya ang nangyayari puro sigaw yung inabot namin. Okay lang. Nakakatawa naman eh.

Nakaramdam ako ng "tawag ng kalikasan" kaya pinauna ko na sila sa canteen nang matapos naming ilagay yung gamit sa kanya kanyang locker.

Naglakad ako papuntang C.R. Napansin ko pang walang tao. Pumasok ako sa pinakaunang cubicle tapos ni-lock yung pinto.

Naisip ko yung sinabi nila Jiro na nagbabago si Zach dahil sakin. Hindi kaya Nagugustuhan n'ya ako? Pinigil ko rin ang iniisip. ng kapal ng mukha ko. Hindi magkakagusto sakin si Zach noh.

May narinig akong pumasok sa restroom na mga babaeng nagtatawanan. "Agree. Never silang mai-in love sa kanya." Narinig kong sabi ng una.

Ayoko sanang makinig kaya lang may magagawa ba ko?

"Yeah. Isa lang naman syang saling pusa rito sa school . Hindi sya belong dito. She doesn't even own a car!"

Napailing ako. Wala lang kotse , pinag chichismisan na? I can imagine na tatlo yung mga babae.

Napagdesisyonan kong hintayin nalang silang lumabas bago ako lumabas . Mamaya sabihin pa nila nage-eavesdrop ako.

"Pero bakit hinahayaan nila syang kumain kasama nila?"

"Gosh, Isa pa yan! She's so malandi talaga. At first may pabangga-bangga pa syang nalalaman! Yun pala isa lang sya sa mga girls na baliw na baliw kina Zach" Maarte na sabi nung isa.

Napangunot ako at nag isip. May Zach pa ba sa seniors maliban sa Zach na kilala ko ?Pero baka hindi. Hindi ko nga kabisado ang pangalan ng classmates ko, pano ko naman masasabi yun?

"Yeah. Pa-hard to get lang naman."

"Sinabi rin ni Sarah na tinangihan daw sila nila Zach!"

Okay, I am really curious kung sino yung 'babaeng malandi' , ' saling pusa' at 'walang kotse' na pinag-uusapan nila.

Pwede kayang maging ako ? Kasi medyo napagtatagpi-tagpi ko yung kwento. Pero hindi ako manlandi!

"What's her name again?"

There's a long paused then may nagsalita. "SAMANTHA"

Nanlaki yung mata ko. What the fudge?

"Hindi ko pa sya nakikita pero I hate her na!"

"She's such a flirt!!!"

"Hindi naman n'ya boyfriend si Zach, akala mo kung sino s'yang binibigyan ng atensyon."

Nag-init yung ulo ko. Ano to , lokohan? Huminga ako ng malalim tapos mahinahon na lumabas ng cubicle.

Napatingin silang tatlo sakin habang nagli-lipstick sa harapan ng salamin. Iba-iba yung sched. ng vacant kaya hindi ko namumukhaan yung mga babae sa harapan ko.

Tinaasan ako ng kilay nung isa. "Brittany , sya si Samantha." Siniko ng nasa right yung nasa gitna.

Humarap sila sakin then tinignan nila akong tatlo mula ulo hanggang paa.

"Plain" Sabi nung brittany.

I crossed my arms as I tapped my foot on the floor. "Mga ineng, pagbutihin n'yo nalang ang pag--aaral n'yo kesa mababaliw kayo sa mga lalaki." I said casually as I gave  them a 'bored look'

Nanlaki yung mata nila. "How dare you!" Lalapit sana yung isa kaso pinigilan nung nasa gitna. Mukhang sya yung leader nung dalawa.

"Girls , let me handle this, okay?" She said calmly then she gave me a disgusted look.

"Yeah let her handle this, okay? Aw, aw!" Mukhang nakuha nila yung gusto kong iparating kasi nalisik yung mga mata nila. Bakit ba, totoo naman ah? Para silang asong sunod ng sunod sa inuutos.

Inirapan ko naman sila. Magsasalita sana sya kaso inunahan ko na.

"Unang-una sa lahat hindi ako malandi, okay? Actually si Zach nga ang habol nang habol sakin" I said mockingly. Bahala na si Batman na mag-imbento ako ng part na 'yon pero hindi ako magpapatalo sa mga 'to.

Pinagpatuloy ko yung sinasabi habang tinitignan yung gulat na gulat nilang expression. Yun yung sinabi ko dahil alam ko yun ang pangarap nila. Ang habulin ni Zach. "Nanliligaw nga sakin eh. And 99% sure ako na sagutin ko sya. Kaibigan n'yo pala yung girls kanina?" Nag-gasp ako kunwari. "Pakisabi , sorry sa kanila kung hindi sila pinansin nila Leam. And siguro isa rin kayo sa mga may gusto sa kanilang tatlo? Tsk. Tsk. Naku, hindi nila kayo magugustuhan  dahil pagbabawalan ko sila. Sasabihin kong masama ang impluwensya nila sa inyo." I smirked.

Nakita ko naman yung takot na rumehistro sa mukha nila. "Hindi mo magagawa 'yan!" sabi ulit nung Brittany.

Nag-smirk ako sa kanila. "I'm their BEST FRIEND, dear. Kahit itanong mo pa sa kanila. Gusto mo, samahan pa kita ngayon eh" I said surely.

Tumalikod ako with hawi pa ng buhok tapos naglakad papuntang pinto.

Lumingon pa muna ako.

They're just looking at me dumbfounded.

Pumunta ako sa canteen then umupo sa lamesa nila Zach. Hindi ko na babanggitin yung nagyari kanina. 

Okay din yung pag sabay ko sa kanila kumain kasi nililibre nila ako eh. Sino ba naman angtatanggi sa grasya ?

**********

*Tweeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!" nangibabaw yung pito ng coach sa basketball court kasabay ng pag-iingay ng mga nanood. Andaming Fans nila Zach! Grabe puno yung bleacher. Talo pa nila yung mga players. Kahit try out lang 'to ah? 

Napatingin ako sa grupo ng mga babaeng kanya-kanya ng sigaw at pag wave ng pom poms nila.Nakalimutan ko palang sabihn sa inyo na hiwalay yung section ng mga players pati narin yung kasama sa Cheerleading Dance Group . Complicated kasi yung sched. nila. 

Parang gusto ko tuloy umatras dahil ang daming tao. Pinagpapawisan ako ng malagkit habang hawak hawak yung pulbo and towell na gagamitin ko mamaya . Bahala na si Batman. Basta mapalayo ko lang si Zach sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

30.4K 667 28
Meet Etienne Evone Monterroso, isang top secret agent sa loob at labas ng bansa. Matalino at masayahin. But, when her childhood bestfriend and her lo...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
155K 7.1K 60
Elyzer Justine Barber. Isang Varsity player, matalino, mayaman, hinahangan ng lahat. Girls are like piece of clothes to him. Mayabang, mapaglaro... H...
618K 20.7K 60
Highest achieve in wattpad rank#8 naiinis,nagagalit,nasasaktan halo halong pakiramdam hindi ko n alam kung pano ako makikisama baka mamaya sasabog...