Will You Be My....?? (Complet...

By B2stful

12.9K 308 5

"Will you be my...." Hear his favorite line wherein this is the reason why are their lives changed. More

Prologue
WYBM 1- Handsome
WYBM 2: Photographer
WYBM 3: Unexpected
WYBM 4: Wallet
WYBM 5: Pretending
WYBM 6: Twin Bro and Twin Sis
WYBM 7: Renayld
WYBM 8: Welcome to Hell
WYBM 9: Something Unusual
WYBM 10: Right Time
WYBM 11: The Condition
WYBM 12: Cough of Guiltness
WYBM 13: Agreement
WYBM 14: Par
WYBM 15: Condo Unit
WYBM 16: Truth
WYBM 17: Their Point of View
WYBM 18: Blind of Love
WYBM 19: He's Concern?
WYBM 20: Curiosity Discussion
WYBM 21: Celebration
WYBM 22: Move In
WYBM 24: Cotton With Alcohol
WYBM 25: Fight
WYBM 26: Don't Leave Me
WYBM 27: Whole Day Together
WYBM 28: Admit It
WYBM 29: Plan
WYBM 30: Secret Lover
WYBM 31: There's Something
WYBM 32: Chaos
WYBM 33.1: Convincing
WYBM 33.2: More Convincing
WYBM 34: Beginning
WYBM 35: Thanks To You
WYBM 36: Confession
WYBM 37: First Love
WYBM 38: Report
WYBM 39: Distracted
WYBM 40: Official
WYBM 41: Gone Wrong
B2stful Author's Note
WYBM 42: Heartbreaking
WYBM 43: Face the Fact
WYBM 44: On The Job Training
WYBM 45: Passionate Sincerity
WYBM 46: Marking his Territory
WYBM 47: Consequences
WYBM 48: Resigning
WYBM 49: Graduation
WYBM 50: Surprise
Epilogue

WYBM 23: Gift

205 5 0
By B2stful

~Zeila

Nagluluto ako ng ulam ngayon. Actually, gabi na pero wala pa din si Kaydee. Nung tanghalian, lumabas ako para kumain tapos nung meryenda dito ako kumain pero bumili ako ng cake tapos ngayon, magluluto ako kasi panigurado dadating na si Master. If you know who I means.

Busy ako sa kakaluto ng adobo dahil yun lang ang madali lalo na't medyo gabi na. Marunong akong magluto, isa nga ako sa mga inaasahan ng mga kaibigan ko na magt-take ng Culinary peri mahilig talaga ako sa investigation kaya PolSci ang kinuha ko.

Tinikman ko na yung adobo at masarap na sya infairness kaya pinatay ko na yung kalan. May naisip ako, kakain na ba ako o hihintayin ko pa sya? Eto na naman po ang mga abnormal na insekto sa tiyan ko. Yun lang ang inisip ko, nagkagulo agad. Parang mga abnormal eh. O ako na talaga ang na-abnormal? Tinanggal ko yung apron saka sinabit sa rack na nakalagay sa kusina.

Lumabas ako ng kusina at nakita kong 9 na pala ng gabi. Unang araw ko dito, nahihirapan akong mag-adjust. Mag-isa lang kasi ako di katulad sa bahay na anytime maingay. Tapos pagod pa ako sa school. Takteng buhay yan.

Nag-ayos ako ng pinggan, baso, kutsara at tinidor pero hindi para sa akin, para sa kanya. Baka sabihin nya na naman na di ko ginagawa yung tungkulin ko, baka mabigwasan ko na sya ng di oras o kaya ibaril ko sa ulo nya yung nakita kong baril sa cabinet nya kanina.

Umakyat muna ako para maligo saka ako nagbihis ng pantulog. Tshirt na puting medyo loose at saka pajama na pink. Ganto talaga akong matulog. Pero 10 na ng gabi, wala pa din sya. Ano bang ginagawa sa buhay non? Umupo ako sa sofa nya at di ko binuksan yung tv. Mabilis akong maboted kapag nanonood kaya ang ginawa ko, nagbasa ako ng kung ano-ano sa cellphone ko.

Eh kung itext ko kaya si Kaydee? Nah! Di nya naman ako girlfriend, I'm just a maid.... and a friend! Sya nagsabi di ba? Di ba?

Naramdaman kong inaantok na ako pero nilabanan ko pero feeling ko, jelly na ako kaya nanlambot ako and put my head in the side of the sofa.

+Kaydee

Ginabi na naman ako. May inaayos kasi kaming plates na dapat ipasa bukas. Group plating kasi yon kaya hindi pepwedeng di ako sumama. Grade conscious ako, di lang halata. Tapos yung pinuntahan ko pa, Cavite. Ang layo kasi nung bahay nung leader namin nakakagago. Tapos di ko pa kagrupo si Rhon pero si Benj, kagrupo ko.

Tinignan ko yung oras sa wrist watch ko, 11 na pala. Ano na kayang nagawa ni Thania?

Pumasok ako sa unit ko at saka ko sinara. Habang naghuhubad ako ng sapatos at nakayuko ako, napaangat yung ulo ko at nagulat pa ako kasi nakita ko si Thania na natutulog sa sofa. Tayna! Hinintay ba ako nito? Binaba ko yung dala kong bag sa rack saka ako tumingin sa kusina. May nakaayos na mga utensil. At nakita kong may nakalagay sa kalan. Agad komg binuksan yon at adobo. Nagluto pa pala sya. Teka, kumain na ba yon? Kasi parang di pa nababawasan yung ulam. Tinignan ko yung rice cooker at wala pa ngang bawas. Edi hindi pa nga sya kumakain.

Lumabas ako ng kusina at pinuntahan sya sa sofa. Gigisingin ko ba to? Bahala na nga.

"Thania", sabi ko sabay tapik sa kanya.

Di sya gumalaw. Ngayon ko lang nakita ng malapitan yung mukha nya. I mean, oo as always inaasar ko sya sa paglapit ng mukha pero iba kasi ngayon. Ang angelic pala ng mukha nya.

"Thania", sabi ko ulit at tinapik ulit sya. Dumilat naman sya at agad naman syang napaupo dahil nakita nya ata ako.

"K-Kaydee! Kanina ka pa ba dyan? A-Ano, kumain ka na!"

"Eh ikaw di ka pa kumakain di ba?"

"Ah, eh... Okay lang ako! I-ikaw yung kumain. Okay lang ako!"

"Sabayan mo ako"

Natulala naman sya bigla.

"H-Ha? Wag na! I-Ikaw na lang ang kumain!"

"Baket ka ba nauutal? Ganyan ka ba kapag bagong gising?"

"O-Oo! Wag ka nga!"

"Sumabay ka na sa akin. Mamaya sabihin mo na harassment na naman to dahil di kita pinapakain"

"Sige. S-Sunod na ako"

Pumasok ako sa kusina at maya-maya eh nandoon na sya. Kukuha na dapat ako ng kanin pero...

"Hep! Umupo ka dyan!", sigaw nya.

"Baket na naman?"

"Ipaghahain kita Master", sabi nya saka ngumiti. Tinignan ko sya habang naglalagay sya ng kanin sa isang serving bowl at pati adobo.

"Eto na po. Baka po kasi sabihin nyo na hindi ko po ginagawa yung tungkulin ko sa inyo", sabi nya saka binaba yung dalawang bowl. "Kain ka na", sabi nya sabay ngiti.

Kumuha ako ng kanin at sunod sya. Di nga sya lumilingon sa akin eh. Di ko alam kung baket.

Sumubo ako nung pagkain at inaamin ko, masarap syang magluto. Nanunuot sa sarap. Walang biro.

"Thania?"

"Hmm?"

"Baket di ka nag-Culinary?"

"Ayaw kong magluto all my life. Kaya nag-Political Science ako", sabi nya saka ngumiti. Ngayon ko lang napansin, magkatapatan pala kami. At hindi naman ganong kalaki yung table ko sa dito.

"Salamat at nag-abala ka pang magluto"

"Maid ako di ba?"

"Kaya nga. May kusa ka din pala", sabi ko saka tumawa.

"Sanay kasi akong gumawa sa bahay mag-isa kaya nakakagawa ako kahit walang utos", sabi nya saka ngumiti.

"You're independent?"

"Actually, if ever my parents live now I'm a dependent child. Baka hindi ako nakakauwi ng gabi or hindi mo ako kasama ngayon dito. Pero syempre, I need to live my own life now kasi wala na naman sila"

"You know you're lucky"

"You're always saying that I'm lucky. All of the people are lucky Kaydee. Even you"

"No, I'm not. How can someone like me will be called as lucky if all of my love ones leaving like they're not caring for me"

Natahimik naman sya bigla.

"Maswerte ka kasi mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Kaya ka nangungulila ng ganyan kasi mahal ka nila"

"Ano bang pinagsasasabi mo? Mahal ka din ng—"

"Don't say that. It was a big big lie. My father loves me. That's it"

"Wag kang magalit sa kanya—"

"Why wouldn't I? Pagkatapos nyang iluwal kaming tatlo, wala na lang kami. That's life, life is so unfair can you get it?"

"Parehas lang tayong nawalan, Kaydee. God has a plan for us kaya ganto yung ginawa nya sa atin"

"Good for you cause I didn't expect that she's going back in my life again. Matagal na syang patay sa akin. Simula nung iniwan nya kami, patay na sya lalo na't hindi na sya nagparamdam"

"Have faith"

"I have my faith. Di nawawala sa akin yon but when it comes to her, I don't think I have that", sabi ko saka tumayo at pumasok sa kwarto ko. Sensitive ako pagdating sa mga ganyang usapang. Usapang iwanan.

~Zeila

Alam ko nang sensitive sya sa ganong usapan pero gusto ko syang tulungan. Ayaw ko kasi yung may hinanakit lalo na sa magulang mo. Panigurado, may rason kung baket nangyari lahat ng yon.

Babarilin ko talaga yung isang yon eh. Sakto malapit ako dito sa cabinet kung saan may pistol at uunahan ko na sya. Joke lang. Actually naghuhugas kasi ako ng pinggan. Ginising pa kasi ako nung mokong kaya gumawa pa ulit tuloy ako. Ala-una na pala ng madaling- araw and hindi pa ako inaantok. Ginising kasi ako eh. Sa bagay ang pasok ko pa naman ay 11:30 tapos ang uwi ko ay 9 ng gabi. Kalahating araw sa school.

Pero kanina, nung ginising nya ako at nakita ko kaagad sya, yung mga insekto sa tiyan ko eh nagwawala na naman. Even the drummers inside my heart, nagwawala. Naging wild na naman. Hanggang kumakain kami na sabay. At ngayon, habang iniisip ko ganon yung nararamdaman ko. Ano bang problema ko? Baka abnormal na talaga ako?

Niligpit ko na lahat ng mga gamit sa kusina at pinatay ko na lahat ng ilaw. Yung bukas lang na ilaw eh yung lamp sa table na nakalagay sa gitna ng kwarto namin ni Kaydee. Tapos yung dimlight din sa kusina nya.

Pumasok ako at naalala ko na naman yung sinabi nya. Parang si Kyan at Miniel naman hindi ganon ha. Ni hindi nga nila sinabi sa amin na masama ang loob nila sa magulang nila eh. Matanong nga yung dalawang yun tungkol kay Kaydee.

Humiga ako at saka ako paikot-ikot lang. Patulugin nyo na lang ako, may pasok pa ako. Yung insekto kasi sa tiyan ko ayaw pang matulog, ayaw akong patulugin. Namemerwisyo.

NAGISING ako dahil sa katok galing sa labas. Napatingin ako sa orasan, napatalon ako bigla dahil alas-otso na. 9:30 ng umaga klase ni Kaydee. Agad akong tumakbo sa cr at naghilamos saka ako tumakbo at pagbukas ko ng pinto, andoon si Kaydee.

"Sorry Kaydee, anong oras na kasi ako nakatulog eh", sabi ko at nagmadaling bumaba habang nag-iipit ng buhok.

"That's alright. Naiintindihan naman kita", sabi nya. Sumunod pala sya hanggang kusina. Agad akong nagluto ng bacon, egg at fried rice.

Agad naman akong naghain sa kanya at nagtimpla na din ako ng kape nya.

"Ngayon ko lang nalaman na kapag natataranta ka, ang bilis mong kumilos. Natapos mo lahat ng yan sa loob 35 minutes", sabi nya saka tumawa.

"Heh! Ewan ko sayo. Natakot lang ako baka ma-ultimatum mo na naman ako, umagang-umaga", sabi ko sa kanya.

Kumain na kami at bigla akong napaisip.

"Kaydee"

"Baket?"

"Wala namang taga-university na dito nagcocondo di ba?"

"Wala naman. Except lang doon sa kakilala mo. Baket?"

"Alam mo na, isyu. Mga kaibigan mo at mga kaibigan ko lang ang nakakaalam tungkol sa pagiging maid ko"

"You're safe. Depende na lang kung pano mag-isip yung kakilala mo dito"

"Inaano ka ba ni Nicho?", natatawa kong tanong sa kanya.

Di sya sumagot at saka kumain na lang ulit.

"Nakita mo na ba yung regalo ko sayo?", tanong nya bigla. Bigla naman akong na-guilty.

"Sensya na, hindi pa", sabi ko saka kinagat yung ibaba ko labi. Nagising na yung mga insekto sa tiyan ko.

"Who gave that bracelets?", tanong nya kaya napatingin ako sa mga bracelet na suot ko.

"Ah, yung black sa mother ko. Yung hearts galing sa mga kabarkada ko. Actually totoong silver sya kaya iniingatan ko saka mahal din kasi to then yung isa, kay Nicho"

"Ano mo si Nicho?"

"My friend"

May binulong sya at syempre di ko naintindihan.

"Ano?", tanong ko sa kanya. May narinig lang kasi akong 'wish' na word. Di pa ako sure kung wish ba talaga yun kasi ang hina ng boses nya.

Umiling sya saka tumayo.

"Aalis na ako. Lock the door kapag umalis ka. Maglinis ka muna", sabi nya kaya tumango ako.

Lumabas sya at pagkaayos ko ng lahat, agad kong binuksan yung sinasabi nyang regalo. Nanlaki yung mata ko sa nakita ko at nagsimula na namang magwala yung mga drummer at yung mga insekto.

Kinuha ko iyon at tinignan sya ng malapitan. Isang kwintas na crown ang pendant tapos may red and blue gems. Naramdaman ko na naman yung pagwawala ng mga insekto at ng mga drummer. Kaya ba tinanong nya kanina kung kanino galing yung mga bracelet ko?

May napansin akong nakadikit sa takip nung box. Nakatiklop na papel at agad kong binuksan.

'Happy Birthday my maid :)'

At feeling ko susuka na ako sa sobrang tuwa. Di ko alam kung baket. Parang masyadong malala ang pagkaabnormal ng mga insekto ngayon sa tiyan ko. Parang, may kakaiba sa nararamdaman ko.

Agad akong naligo para makapasok na ako at saka ako nagbihis ng pampasok ko. A simple plain black tshirt at jeans. Saka rubber shoes na color red. Favorite color ko ang black and red. Nagsuklay ako saka ako naglagay ng pulbos. Sinuot ko din yung bigay nyang necklace. Di ko alam pero gandang-ganda ako sa necklace na yon kahit ang simple nya lang naman tignan.

Agad kong kinuha yung bag ko saka ako lumabas saka ko ni-lock yung pinto nya. Maaga pa nga eh. 10:40 pa lang at 11:30 pa ang klase ko. Gagala na muna ako sa university.

Nakarating ako sa university at nakita ko sila Justine at Kimminiel na naglalakad na busyng busy sa pag-uusap tungkol doon sa hawak nilang papers.

Agad akong lumapit sa kanila at inakbayan sila.

"Why so busy?", tanong ko sa kanila.

Nakiusyoso ako sa hawak nilang papers.

"So naghahanap na kayo ng mga new writers?"

"Yep. Nakaka-stress nga eh", sabi ni Justine. Sya pa din kasi ang Editor in Chief namin sa English eh.

Naupo sila sa tambayan naming bench saka ako nakiusyoso sa ginagawa nila.

"Ano bang gagawin dyan? Baka pwede akong makatulong", sabi ko at napansin kong ang weird nung tingin nila sa akin.

"Guys?"

"Kanino galing yan?", tanong nilang sabay at ngumuso sa leeg ko at napansin ko yung necklace na suot ko.

"Saan galing yan?", tanong ulit nila.

"K-Kay Kaydee", sabi ko sabay tingin sa ibang direksyon.

"WEH?!", sabay nilang sabi.

"Oo, eh baket parang gulat na gulat kayo?"

"Mukha bang hindi kagulat-gulat yan? Ang nagbigay sa iyo ay isang Kalvin Dean Ramirez!", sabi ni Justine.

"G-Gift nya to nung birthday ko", sabi ko saka ako tumingin sa ibang direksyon.

"Wow nanan ha! Nag-effort talaga si Kuya ha! Last syang nagbigay ng ganyan sa babae eh kay Agnes pa. Di ako kasali sa usapan at ikaw na ang latest ha. Grabe!", sabi ni Minniel. Yung insekto sa tiyan ko, nagwawala na naman.

"Nga pala, sabihin mo kay Kyan, kakausapin ko kayo mamaya ah", sabi ko sa kanila.

Tumango naman si Kimminiel. Eto na yon.


Continue Reading

You'll Also Like

217K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
171K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
74.1K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
26.3K 174 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...