WYBM 49: Graduation

196 4 0
                                    

+Kaydee

Nagsusuot ako ng necktie ko at saka ko sinuot yung coat ko. Sinuot ko na din ang black shoes ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagsuot ng black shoes. Papasok kasi ako laging naka-rubber shoes pero black naman. Ngayon, as in black shoes. Shems, wag kayong kiligin! Ang pogi ko ngayon woohoo!

"Kuya, graduation mo lang, hindi mo pa kasal. Ang kupad mo talaga!", sigaw sa akin ni Kimminiel. Yeah, tama ang nabasa nyo, graduation ko ngayon. Bukas, graduation na ni Zeila. And yes, Cumlaude ako. Si Rhon Suma Cumlaude at syempre sino ba ang Magna? Syempre si Benj. Taba ng utak eh.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko na si Rhon at Benj na nakasuot ng suit nila. Syempre, formal daw eh.

"Mukha tayong tao ngayon!", sabi ni Rhon saka pumalakpak.

"Kami araw-araw na tao. Siguro ikaw di ka talaga sure", sabi ni Benj kaya napatawa ako.

"Hindi mo pa naman kasal di ba?", natatawang tanong ni Mommy saka ako hinawakan sa mukha. "Ang laki mo na. Parang dati lang, tatakbo-takbo sa garden natin ng nakahubo ka", sabi ni Mommy kaya napasimangot ako.

"Gara Kaydee, wala akong kinalaman dyan. Di ko nga inoopen yan sa ating magkakaibigan eh", sabi ni Rhon at tumawa.

"Mommy naman. Poging-pogi na naman kayo sa anak nyo", natatawa kong sabi.

"Syempre, kamukha kaya kita", sabi ni Daddy na akala mo nag-dramatic entrance dahil nagsalita habang bumababa ng hagdan.

"Talaga lang To ha?", natatawang sabi ni Benj at Rhon.

"Ayaw nyo? Madali namang sabihin na wag kayong pagtapusin ngayong araw", sabi ni Daddy kaya biglang natahimik yung dalawa.

"Anak, dahan-dahan ha. Wag mo munang pakasalan si Zeila---", di na natapos ni Mommy yung sasabihin nya nang bigla itong gatungan ni Daddy.

"Ano ka ba naman Delena? Malaki na yang anak mo tsaka lalaki yan. Si Justine at Kimminiel nga eh pinapakasal ko na kay Rhon at Kyan", sabi ni Daddy kaya napangiti ako.

"Tito, pano kami ni Oni? Di ba kayo boto sa amin?", tanong ni Benj kaya tinignan sya ni Daddy.

"Ano ba kita? Magpaalam ka muna sa tatay mo", natatawa nyang sabi kaya napasimangot din si Benj.

"Osya, baka hinihintay na tayo nung mga kaibigan nyo. Lalo na ni Kimminiel, kanina pa galit nag alit yon", natatawang sabi ni Daddy at saka kami sumakay sa kotse.

PAGKDATING naming sa venue ng ceremony, marami nang tao pero yung mga tao puro chismisan. At hindi naming makita yung mga kabarkada naming.

"Akala ko ba andito na sila?", tanong ni Rhon. Umuwi si Tita Riane at Tito Roland para sa kanya at nandito din si Rain. Kakambal ni Raine, obviously. Kaya ayun, si Daddy at Mommy iniwan kami dahil nakipag-chismisan. Dumating din kasi si ito Klave, tito ko naman dahil tatay ni Benj.

"Baka naman may surprise", sabi ko saka sila tinignan dalawa.

"Asa ka naman sa mga yun. Mga walang ka-sweet sweet sa katawan yon. Tayong tatlo lang naman ang ma-effort eh", sabi ni Benj kaya napatawa kaming tatlo.

"Ang kupad nyo talaga!", sabi ni Allysa.

Napaharap kami sa likod nang sama-sama sila doon.

"Kami pa makupad? Eh kayo nga dyan yung nawawala", sabi ni Rhon.

"Duh! Nag-tea shop kasi ang tagal nyo. Sayang nanlibre pa naman si Rain. Thank you sister-in-law", sabi ni Kimminiel kaya napataas ang kilay ko.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now