WYBM 14: Par

211 5 0
                                    

~Zeila

Naglalakad na ako pero nagulat ako nang biglang may tumapat sa aking kotse. May lumabas na lalaki at bigla akong binuhat na parang sako.

"KALVIN DEAN RAMIREZ! LET ME GO!", sigaw ko sa kanya. Binaba nya ako sa passenger seat saka sya sumakay sa driver seat.

"SIGE SISIGAW AKO!"

Di sya umimik.

"TULONG MAY—"

"SISIGAW KA O HAHALIKAN KITA?!"

Bigla akong natahimik saka napa-pout.

"SAAN MO AKO DADALHIN?!"

"Pwede bang babaan mo yung volume ng boses mo?! Ang ingay kasi eh!"

"Sige, saan mo ako dadalhin?", pabulong kong tanong.

"Di ba sabi mo rapist ako?", tanong nya at nakita kong ngumisi sya. Napalunok ako. OMG! Madilim na din ngayon. Hala!

"H-hindi kaya! Joke lang kaya yon!"

"Then awhile ago, you wanted me to stop having sex to other girl when I'm with you"

"H-hindi no! W-wala akong matandaan na... na may s-sinabi akong ganon!"

"Dahil gusto mong pahintuin ako, then sige papayag ako. Pero kailangan—"

"KALVIN DEAN DI KO GUSTO YANG TAKBO NG UTAK MO!"

"Kailangan na ikaw mismo—"

Huminto sya at lumapit sa akin. Napasandal na nga ako sa pintuan ng kotse nya eh. Napapikit ako nang maramdaman ko yung mabango nyang hininga malapit sa akin.

Ilang segundo lang eh binuksan ko ng dahan-dahan yung mata ko kasi wala na akong maramdaman na hininga.

Nakita ko si Kalvin na nakangisi.

"That's my revenge. Rapist pala ha? Kaya kong ipakita ang 'rapist' side ko sayo no"

Bigla ko syang pinalo ng pinalo.

"NAPAKAWALANGHIYA MO KALVIN DEAN RAMIREZ!"

"Aray, saglit!"

Kinuha nya yung dalawa kong kamay saka nya ako mataman na tinignan. Napalunok na naman ako dahil sa way ng pagtingin nya sa akin.

"Iuuwi na kita sa bahay mo"

Binitawan nya ako at nagpatakbo na naman sya ng kotse. Saka lang nag-sink in sa utak ko yung sinabi nya.

"TEKA! BAKA ANDOON SI KUYA RHON!"

"Eh ano? Mas maganda nga yun kasi malalaman nya na"

"Di pa pepwede! Tsumetyempo ako!"

"Di naman ako bababa ng kotse ko. Ipaparada ko lang pagbababa ka na"

Naramdaman ko nag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko yung caller, si Kuya Rhon.

Napasapo ako bigla sa noo ko saka ko sinagot.

"He...llo?"

'Asan ka na?'

Himala kalmado.

"Ahmmm Kuya? Ikaw ba yan?"

'Wag mong hintayin na sigawan kita kasi di mo magugustuhan, sumagot ka asan ka na?'

"Ah ano...."

Tumingin si Kaydee sa akin saka ngumiti. Jusko wag mo na akong guluhin ngayon Kalvin Dean!

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now