WYBM 9: Something Unusual

231 9 0
                                    

~Zeila

Nag-aayos na kami ng mga instrumento sa stage dahil ngayon na ang Foundation Day.

"Akala ko ba si Kaydee ang kaduet ko. Baket hanggang ngayon wala pa?", inis na tanong ko.

Saktong pagkasabi ko non, may nagbaba ng bag nya sa baba ng stage kung saan katabi ng bag ko saka umakyat sa stage.

"Sorry, late ako. Nagpaalam pa kasi ako kay Lolo", mabait nyang sabi. Nakainom ba to ng gamot nya?

"May rehearsal pa ba?", tanong nya ulit. Sinagot sya nga mga kasamahan ko pero ako, naw-weirduhan ako sa kanya.

"Hey, magbihis na muna kayo. Kasi kami kanina pa kami ayos. Kayo ang kakanta, kayo pa ang haggard ang itsura. Magbihis na kayo", utos ni Ken. Agad akong bumaba ng stage saka kinuha ko yung bag ko. Halos kasabay ko lang si Kaydee.

Naglakad ako papunta ng cr malapit sa stage. Buti na lang walang tao kaya pwede kong i-lock yung pinto.

Nagpalit ako ng white na tshirt saka nagsuot ng leather jacket na black. Ganto talaga ako kapag nagiging gitarista, nagmumukha akong pulis.

Nagsuot ako ng short pero di ganong kaikli. Tapos nagsuot ako ng boots saka nag-ipit at hinayaan kong messy ang buhok ko. Messy hair don't care ang peg ganoin!

Lumabas ako at pumunta ako sa auditorium dahil andoon sila Justine. Alam kong pinagtitinginan ako pero wala akong pakialam. Sanay na ako sa mga taong manyak.

Inayos ko yung bag ko na malalaglag na nakasukbit lang sa kaliwang bag ko. Tapos nakalagay sa braso ko yung mga damit ko kanina. Papatupi ko lang dapat to sa mga kaibigan ko.

Nagulat ako nang may kumuha sa bag ko. Sisipain ko na dapat pero natameme na naman ako nang makita ko yung kumuha ng bag ko.

"Tama nga ako, mabigat nga yung bag mo", sabi nya at nginitian ako. Bigla naman akong na-flatter.

"Huy, nakakahiya naman", sabi ko saka nagkamot ng ulo ko.

"Okay lang", sabi nya saka ngumiti. Dumistansya ako sa kanya. Saka ko lang napansin yung suot nya. Pang-rakista din. Nakatshirt sya na black saka naka-leather jacket na brown. Tapos nakapants sya na sira-sira tsaka messy din ang brown nyang buhok.

"Lumapit ka nga dito", sabi nya saka hinila ako sa tabi nya.

"Ahmm, Kalvin"

"Yes?"

"Di ka ba nasaktan sa ginawa ko sayo? I mean, di ba...."

"Di ba ano?"

"I rejected you. Alam kong walang gumagawa sayo nun eh"

Nginitian nya lang ako. Di ko alam pero parang mabait naman sya.

"Kalvin"

"Yes? Sabihin mo na lahat ng sasabihin mo"

"Ahmmm.... Ano.... Kasi...."

"Ano nga?"

"Ang pogi mo ngayon", sabi ko saka yumuko. Nahihiya ako. Nagulat ako nang itaas nya yung mukha ko at hinawakan pa yung chin ko.

"Don't worry, maganda ka din ngayon. You look so damn hot sa suot mo kaya no wonder na lahat ng lalaki dito sa school napapatingin sayo", sabi nya saka ako nilayuan.

Napalunok ako. Ang pogi nya talaga. Di ko alam kung bakit ako biglang nahumaling sa kanya.

Nakarating kami sa auditorium. Huminto muna ako.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now