WYBM 20: Curiosity Discussion

222 6 0
                                    

~Zeila

(Months passed)

Tapos na ang bakasyon. Ramdam ko na ulit ang pasukan. And sa buong bakasyon, puro gala lang ang ginawa ko. Di nagpaparamdam sa akin si Kaydee dahil nasa Canda daw. Buong barkada ko lang kasama ko at san-san kami gumagala. Nagpunta pa nga kaming Singapore tsaka Malaysia eh.

Ngayon, nag-aayos na ako ng gamit ko dahil pupunta akong university at mag-aayos ng office ng photography. Ichecheck namin yung mga sirang camera doon.

Nagsusuot pa lang ako ng sapatos nang biglang may nag-doorbell. Uso pala sa mga kaibigan ko ang gumamit non.

Binuksan ko yun nang matapos akong magsuot ng sapatos at nakita ko don si...

"Anong ginagawa mo dito Raine?"

Ngumiti sya na parang ewan.

"Ang creepy mo!", sabi ko sabay hampas sa balikat nya.

"Chenen!", sabi nya at naglabas ng cake.

"Anong meron? Baket may cake? Sa pasukan pa birthday ko no"

"Wala lang! Gusto lang kitang bigyan, bawal ba?"

"Si Miniel di mo ba bibigyan?", panloloko ko. Nagagandahan daw kasi sya kay Kim tapos close sila. Tapos nagagalit si Kuya Rhon sa kanila. I don't know why. Selos? Baka! Hahaha!

"Meron nyan si Kimminiel. Mas malaki nga yung kanya eh!", sabi nya saka ngumiti.

"Sinabi mo kay Kuya?"

"Hindi! Magagalit na naman sa akin yon. Magseselos na naman yun", sabi nya at tumawa.

"Ayaw nya ngang i-admit na nagseselos sya—"

"Kasi hindi naman talaga ako nagseselos! Kapag kayong dalawa pinaguntog ko, matatauhan kayo!"

Nagulat kami parehas ni Raine nang biglang dumating si Kuya Rhon. Napatago nga sya sa likod ko bigla eh.

"Baket ka na naman nagbigay ng cake kay Kimminiel? Pinapataba mo yung tao!", sigaw ni Kuya Rhon.

"Eh baket ba lagi kang galit na galit? Pano gusto mo ikaw ang nagbibigay, torpe ka naman", sabi ni Raine na dahilan ng paghabol sa kanya ni Kuya Rhon.

Nagtago si Raine sa likod ko saka nya ako ginawang shield.

"Tigilan nyo na ngang dalawa. Ang iisip-bata nyo no? Aalis pa ako, mag-aayos pa ako ng office namin", sabi ko saka sinra yung pinto ng bahay.

"Mag-aapply din pala ako sa inyo!", sabi ni Raine.

"Marunong ka ba sa photography?", tanong ni Kuya Rhon sa kanya.

"Oo, ikaw lang naman ang walang alam eh", sabi nya saka tumawa kaya nakatanggap sya ng palo sa ulo.

"Baka ipamukha ko sayo na journalist ako. Magaling akong kumanta pero di lang ako sumali sa banda nila Thalia kasi malapit na akong grumaduate. Varsity din ako ng school. Oh ano? Papalag ka?", pagmamayabang ni Kuya Rhon.

Inirapan ko sila saka ko sila iniwan. Naglakad na ako palabas ng gate namin at pagla-lock-an ko na dapat sila.

"Hoy! Saglit lang!", sigaw nilang dalawa.

Tumakbo sila palabas saka ko ni-lock.

"Sa akin sasabay si Thalia!", sabay pa nilang sabi.

"Tigilan nyo akong dalawa okay? Magcocommute ako at walang magsasabay sa akin, okay?", sabi ko. Naghintay ako ng taxi saka ko pinara. Nagpatiuna na yung dalawa. Si Kuya Rhon, lumalabas pagka-immature kapag si Raine ang kasama eh.

Will You Be My....?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon