WYBM 8: Welcome to Hell

235 10 0
                                    

~Zeila

Napahawak ako sa pisngi ko bigla. Isang araw na ang nakakalipas at nandito na naman ako sa auditorium at naghihintay sa mga bandmates ko.

Tumugtog muna ako sa drums ng isang kanta pero wala pa din sila. Baket ba ang tagal nila? Nakaka-sht naman!

Umupo ako sa gitna ng stage saka hinawakan yung gitara ko. Nagsisimula na akong mainip nang biglang bumukas yung pinto ng auditorium.

"At last Shania, Ken at Renayld! Akala ko wala na kayong balak na pumunta eh!", sabi ko at napansin kong nakayuko si Renayld. Tapos si Shania ay tuwang-tuwa at si Ken, casual lang.

"May problema ba sa banda?", tanong ko.

"OMG Thalia!", nagsisisigaw na sabi ni Shania. Tumakbo sya papunta sa akin saka niyakap ako.

"Hala! Anong problema mo?", tanong ko sa kanya.

"Hi!"

Napatingin kami sa sumigaw. Nanlaki yung mata ko kaya natulak ko bigla si Shania.

"Ouch naman you hurt me!", sabi ni Shania.

Bumaba ako ng stage saka lumapit ako kay Kaydee. Napansin ko na may gasgas sya sa kaliwang pisngi nya. Masama yung tingin nya sa akin at hindi ako pinansin.

"Renayld", tawag nya kay Renayld. Mukha namang nagulat si Renayld.

"Gusto mong hindi kita palitan?", tanong ni Kaydee sa kanya.

"H-Ha?"

Tinulak ko sya paharap ulit sa akin.

"Hoy! Anong palitan?! Anong pinagsasasabi mo ha?!"

Tinignan nya lang ako saka lumingon kay Renayld.

"Pwede namang tumugtog ka ng gitara. Ang gusto ko lang naman ay may maka-duet ako", sabi ni Kaydee. Natameme at ako sa sinabi nya.

"Teka nga! Baket ikaw ang kakanta ha?! Ayos na ang—"

"Thalia, tutugtog lang ako. Hayaan mo na sa kanya yung pagkanta", sabi ni Renayld.

"Aba! So magkakasabwat na kayo ngayon? Ang galing nyo naman at hindi nyo man lang ako inin-form!"

Nagulat ako nang hilahin ako bigla ni Kaydee palabas. Hawak nya ako sa braso at tinulak ko na naman sya.

"Ano bang problema mo ha?!"

"Gusto mong makita kabaitan ko di ba?"

Natawa na naman ako sa sinabi nya.

"Gusto mo pang madagdagan yang gasgas sa pisngi mo ha?! Sa tingin mo ba kabaitan yung agawan mo ng pwesto at gagawin yung bandmate ko ha? Ano bang pinapalabas mo ha! Nakakainis ka na!"

Di sya umimik. Na-guilty naman ako bigla.

"Baket ba kasi kailangan mong ipakita yung mabait mong side sa akin, di naman tayo close ha!"

"Exactly. Gusto kasi kita maging kaibigan"

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Kaibigan? As in friend?", sabi ko at tumawa.

"Eh ano ba? Kaibigan as lover ba ang gusto mo?"

Tinulak ko sya bigla.

"Tigilan mo nga ako Kalvin!", sabi ko at tinalikuran nya na ako pero hinila nya yung braso ko at nagkaharap na naman kami ng sobrang lapit.

Will You Be My....?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon