WYBM 31: There's Something

201 3 0
                                    

~Zeila

Umupo ako sa sofa niya at nilibot ko yung paningin ko sa bahay nya habang nasa kusina sya. I saw her picture nung pagkadalaga nya siguro doon sa taas ng drawer nya. And I saw her family picture, with Tito Kave's side.

Nakita kong umupo sya sa katapat kong sofa at binaba yung juice.

"Salamat po", sabi ko saka ngumiti. Di ako kinakabahan, kasi alam ko na yung kwento lahat. I just need to know her side.

"Kamukhang-kamukha ka ni Dren", sabi nya sa akin kaya ako nangiti.

"Ah, salamat po", sabi ko saka nagkamot ng ulo.

"Pasensya ka na kung hindi ako nakapunta sa burol ni Theresa at Dren ha?", malungkot nyang sabi. Ngayon ko lang napansin na parang ang payat nya at ang tamlay-tamlay nya.

"Okay lang po. Mag-isa lang po ba kayo dito?"

"Oo. Isa ito sa mga naipundar ko kahit papano nung humiwalay ako sa mga magulang ko", sabi nya saka malungkot na ngumiti sa akin.

"Tita Delena, may itatanong po ako"

"Sige ano iyon hija?"

"Sa totoo lang po, hindi ko alam kung paano ko po uumpisahan. Dahil alam ko pong kayo po ang may maraming nagawa"

"Baket ka ba talaga naparito?"

"May gusto po akong malaman tungkol po sa nangyari sa inyo"

"At bakit pa? Wala ka namang magagawa"

"Tita, I'm trying to help. So can you just tell the story please?"

Bumuntong-hininga muna sya.

"Nagpakasal kami ni Kave noon sa Canada and isinilang ko yung first baby ko"

"Na si Kalvin Dean po? And then?"

Mukhang nagulat naman sya na kilala ko.

"He's my favorite son. Kasi lagi syang nagpapaalala sa akin ni Kave whenever he's not with me. But then, I need to have an annulment to Kave because my parents planned a wedding to a man that I don't know. Iniwan ko sila Kave, kasama ng mga anak ko", naiiyak nyang sabi. Lumapit ako sa kanya saka hinagod yung likod nya.

"But then, I feel so blue everytime. Di ako naging masaya sa pag-iwan sa kanila. At nang mapangasawa ko si Arthuro, di ko aakalain na may anak pala sya na dalawang lalaki. They even raped me. Minsan yung dalawa nya lang anak, minsan silang tatlo. Kapag di sila nasunod, bubugbugin nila akong tatlo"

Napatakip ako sa bibig ko. Di ko alam pero parang nadadala ako sa kwento ni Tita Delena.

"A-And my mother didn't even care. Akala nya sinasabi ko lang yon kasi gusto kong bumalik kila Kave. Pero gusto ko na talagang magpakalayo-layo. Kaya nandito ako ngayon sa Bulacan, nagtatago"

"That's why you're pretending that you didn't know who you are?"

"Oo hija. Hinahanap kasi ako ni Arthuro. Kaya nga kahit gusto kong hanapin ang pamilya ko, sila Kave eh nahihirapan ako. Mamaya kasi makasalamuha ko yung mga kampon ni Arthuro at baka madamay pa yung pamilya ko"

"So pano po kayo nag-divorce kung hanggang ngayon po eh hindi pa din kayo tinitigilan ni Arthuro?"

"Tinakot ko sya na ipapakulong ko sila ng mga anak nya kaya wala syang nagawa kundi pirmahan yung divorce papers. Akala ko doon natapos iyon pero hindi pala, ayaw nya akong tigilan"

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now