WYBM 21: Celebration

198 5 0
                                    

~Zeila

It was so busy. Alam nyo yon, a week pa lang bago magsimula yung klase eh naiistress na ako. Ang dami kasing pinapagawa ni Sir Ramirez. Akala nya ata secretary nya kami. Even my friends are stressed because of Sir Ramirez's 'ka-echosan'.

And kagabi pa lang, pinatay ko na ang cellphone ko and even social media, di ako nagpunta para maayos lang lahat ng kailangan. Ikaw ba naman pagawain ng history assessment for three years, action plan at regulations. Sino ba namang tao ang makukuha pang gumamit ng Facebook, Twitter, Instagram at kung ano-ano pang mga website kung saan puro kayabangan, kaartehan at mga kalandian lang ang makikita. Sensya, mainit ulo ko kasi dalawang oras lang ang tulog ko.

At ngayon, first day ng klase. At dahil first day, madadagdagan na naman ang gawain. Take note ha, wala akong pasok ng Monday pero kinailangan kong pumunta sa university para lang makapag-picture ng Orientation namin. Lagi na lang may orientation eh halos lahat naman ng estudyanteng nag-aaral doon eh yon at yon din.

Binuksan ko yung phone ko at tinignan ko lang yung oras. 10 na ng umaga kaya tumakbo ako palabas. Kailangan kami ng 9:30 doon pero dahil sa sobrang dami kong inasikaso, di ko na namamalayan yung oras.

Pagkadating ko sa school, nagkakalatan pa yung mga estudyante. Ibig sabihin di pa nagsisimula. Mabuti naman. Tumakbo agad ako sa office namin at walang tao. Natural, yung iba nag-aayos na.

Kinuha ko yung camera ko at tinignan kung ayos na iyon. Nung na-check ko na, agad akong lumabas saka nag-ayos ng buhok. Nag-ipit lang ako ng buhok ng mabilisan kahit na alam kong magulo, hinayaan ko na lang din.

Nang makarating ako sa grounds, nakita ko kaagad yung mga kabarkada ko kaya agad akong lumapit.

"Hello Zeila!", bati nila at masiglang ngumiti. Anong problema ng mga to?

"La ba dyan?", pang-iinis ni Kyan at tumawa. Tinignan ko sya ng weird at nagsimula na din syang kumuha. Cameraman yan. Isa sa mga kailangan nyang i-report eh yung video para sa mga nagaganap na program sa school.

Umakyat sya sa stage at yung mga kaibigan kong journalist, nasa stage din at nakaupo at nasa tapat ng long table.

Dumating na si Sir Ramirez sa gitna kaya agad akong pumunta sa harap para kumuha ng litrato.

Tumabi muna ako kila Justine para makapagpahinga.

"Hey Zeila, baket parang ang weak mo ngayon?", tanong ni Justine.

"Two hours lang tulog ko", sabi ko saka sumandig sa balikat nya.

"Di mo ba narereceive yung text namin?", tanong ni Oni. Agad naman syang siniko ni Allysa. Napakunot yung noo ko.

Titignan ko na dapat yung phone ko pero sumenyas si Len na magpicture daw ako kaya ginawa ko. Clueless pa din ako kung anong meron.

Nang matapos akong mag-picture umupo na ulit ako katabi nila Allysa.

Kinuha ko yung phone ko saka ko tinignan. Daming chat sa Kakaotalk ko. Binuksan ko iyon at nagbasa ng mga messages.

'Happy birthday Thania Zeila!'

Agad kong tinignan yung date sa cellphone ko.

"Shemay!", sigaw ko saka napasapo sa noo ko.

"Ngayon alam mo na? Happy birthday!", sabi nung tatlo at niyakap ako.

Kumalas sila at hanggang ngayon nakatulala pa din ako.

"18 years old na ako?", tanong ko sa kanila.

Tumango sila. Bigla akong nalungkot. Naalala ko si Mamsie tsaka si Papsie.

"Wag kang mag-alala, masaya si Tito Kalvin sayo tsaka si Tita Theresa"

Will You Be My....?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon