WYBM 37: First Love

211 5 0
                                    

~Zeila

Weeks passed at lagi nagpaparamdam si Kalvin sa akin. Alam nyo yon? Ang effort pero di pa ako nagpapahatid-sundo sa kanya dahil di naman parehas pasok namin. Sya ang pasok nya Monday, Tuesday, Thursday at Saturday. Ako naman Monday, Wednesday, Friday lang. Monday lang kami nagkaparehas at di pa parehas ng oras. Oras nya 11 ng umaga, ako 9 ng umaga. Sinabi ko na din kasi sa kanya na si Raine na ang kasabay ko lagi.

Syempre nalaman din ng barkada namin yung panliligaw ni Kaydee sa akin. Kaclose na din naman nila yung kumag na yon eh. Si Kuya Rhon nga nag-bake pa ng cake kasi daw di na torpe si Kaydee. Akala ko nga magagalit yun eh. Tapos ayun, sinabi na din nila yung sikreto nila ni Kimminiel at walang nagulat dahil halata na daw sa kanilang dalawa. Kawawa nga sila.

Si Raine at Julienne, landian na sila. Sabi na't si Julienne yung nakita nya sa coffee shop.

Nakaupo lang ako sa sofa ko at nag-iinat. Monday ngayon kaya 9 ang pasok. Nagpapagising lang ako kaya nag-iinat ako. Nagvibrate yung phone ko bigla.

"Hello?", tamad kong tanong.

'Zeila, di ako makakapasok ngayon sensya na'

Tinignan ko yung caller. Si Raine.

"Oh baket? Anong problema?"

'Taas ng lagnat ko. Di ko alam kung baket eh. Sensya na di kita maihahatid-sundo'

"Sus Raine! Okay lang yon. Para kahit papano makapagpahinga ka na din"

'Salamat Zeila'

"Pahinga ka dyan okay? Alam ni Kuya Rhon?"

'Oo alam nya. Galit na galit nga eh, masyado daw kasi akong nagpapagod'

"Tama naman yung Kuya nating abnormal eh. Magpahinga ka na at sabihin mo kay Julienne para maalagaan ka"

'Alam nya na. Pagkauwi nya daw mamaya, pupunta na sya dito'

"Wushu naman, pumapag-ibig. Sige na, magpahinga ka na"

'Geh, ingat ka pagpasok. Bye'

And he ended the call. Okay commute ako ngayon. Nagluluto ako ng breakfast ko at nang naghahanda na ako ng kakainin ko, lumabas muna ako ng kusina para kunin yung phone ko sa sala. Pero napansin ko na may kotse sa labas. At pamilyar sa akin yon.

Agad akong lumabas at nakita kong lumabas din sya ng kotse nya.

"What are you doing here?", mataray kong tanong sa kanya.

"Good morning", sabi nya saka ngumiti.

"Nabati mo na ako kanina, Kalvin. I'm asking, why are you here?", tanong ko ulit sa kanya.

"Nalaman ko kasi na walang maghahatid sayo kaya pumunta na ako dito"

Nanlaki yung mata ko.

"Baket nakarating agad sayo yung balita?!", sigaw ko sa kanya.

"Gusto mo talagang iexplain ko kung baket?", tanong nya saka ngumisi.

Inirapan ko lang sya. Napaka-hokage talaga nito.

"Rhon is my bestfriend, tinawagan nya ako at ihatid daw kita. Nasabi nya sa akin na may lagnat si Raine kaya wala kang kasabay, ibig sabihin wala ka ding driver ngayon. Kaya I'm here! Miss me?", sabi nya kaya inirapan ko sya.

"I can commute", sabi ko saka tumalikod.

"Uy, uy, uy, uy, uy! Magagalit sa akin si Rhon!", sabi nya saka ako hinawakan sa balikat.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now