WYBM 45: Passionate Sincerity

220 4 0
                                    

=Raine

Napakamot ako sa ulo dahil binigyan pa ako ng problema ni Attorney Harold. Busy nga kaming lahat tapos dadagdag pa ng problema naming eh. Sasapakin ko to eh.

Pumasok ako ng comfort room at agad na nagpasa ng message sa kanila na makipagkita sa akin. Sabi ko na kapag hindi sila nagpakita sa akin eh makakakuha ako ng mabanag grades. Kaiyak naman. Ang galing din mang-blackmail ng Attorney na yon eh. Kung di lang mabait yon, mumurahin ko na yun eh.

Nakita kong nagreply agad sila Justine.

'Kailan ba? Baka maiyak ka pa kapag di kami pumunta eh. Para makapagpaalam na kami'

MAGKAKASAMA kami ngayon sa isang restaurant. Sabi k okay Zeila na mauuna na akong umalis. Tagal kong naghintay sa kanya tapos ang mas matagal pa eh yung hintayin yung mga kaibigan kong makukupad. Sabi ko sa inyo bagay na akong waiter. Gabi na din, maaga pa ang pasok naming bukas.

"Baket ba nagpatawag ka pa? Pagod tayo pare-parehas eh", sabi ni Kuya Rhon at saka nakapikit na nakasandig yung ulo sa sandalan ng couch.

"Kasi yung Attorney ni Zeila, may favor eh", sabi ko at saka bumuga ng hangin.

"Ano bang favour?", tanong ni Kuya Benj. Yung mga babae tahimik dahil mga pagod.

"Kasi ganto, nag-usap daw sila ni Zeila tungkol kay Kuya Kaydee at gusto nya na magkita yung dalawa. Tapos gusto niya yung surprise at gusto nya, tulungan nyo ako", sabi ko at nakita ko silang nagcross arm pare-parehas.

"Oh ano bang gagawin namin?", tanong ni Allysa.

"Kumbinsihin nyo si Zeila na kakain kayo dito sa restaurant na to. Sa isang araw tapos kami nang bahala kay Kuya Kaydee", sabi ko at agad naman silang tumango.

"Sige kami nang bahala kay Zeila. Tapos na ba? Pagod na kami. Uwi na tayo", sabi ni Oni at tumayo na. Nagsitayuan na sila at ako naman eh hinigit na ni Julienne.

"Inaantok na ako", sabi nya at sinandig yung ulo nya sa balikat ko.

"Pagod ka na?", tanong ko sa kanya.

"Yep. Nakakatamad kasi yung law affirmations na yun eh. Pinagawa din ba kayo?", tanong nya sa akin.

"Yep and natapos ko naman kahit papano. Ikaw, natapos mo ba?"

"Yep, ako pa ba? Ang glaing kaya ng girlfriend mo", sabi nya kaya natawa ako bigla.

~Zeila

Napainat ako at nakita ko si Torney na ngiting-ngiti sa ginagawa nya samantalang nagbabasa lang naman sya ng mga constitutions.

"Torney, alis na ako", paalam ko sa kanya pero tumingin sya sa akin saka ngumiti.

"Torney, ang creepy nung ngiti nyo", sabi ko saka sya inirapan. Inabot ko sa kanya yung narrative report ko.

"Pakasaya ka ha", sabi nya saka ngumiti.

"Ang creepy mo talaga. Pakasaya saan?"

"Wala. Balita ko kay Riane magkikita-kita daw kayong magkakaibigan eh"

"Daldal talaga ng isang yun. Sige na Torney, aalis na ako. Ayaw kong ma-late baka ibagsak nyo ako", sabi ko at tumawa.

"Ingat ka ha"

Lumabas ako ng office at saka ko naman tinawagan si Julienne.

"Lienne, asan na kayo?", tanong ko sa kanila.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now